Share

XVII. Worst Day, I Guess?

I don't know what exactly is happening. Paggising ko kaninang umaga, umiiyak si mommy pero nung makita niya ako, bigla siyang pumasok sa kwarto. I asked the twin what happened but they only said that she's just overwhelmed by the kdrama she had watched last night. (Kelan pa nahilig manood si mommy nun?)

Naglalakad ako papunta sa gym nung bigla akong hilain ni Jedd sa gilid ng registration office. Hingal na hingal siya na parang hinabol ng zombie.

"What?" Ano na naman ba?

"Hehe, wala lang. Dito muna tayo." Kinakabahan niyang sagot kaya I goggled at him.

Di ko alam kung bakit ako kinakabahan kaya lumingon ako. What I saw broke my heart. My boyfriend laughing with Eunice Park while walking to the library.

Humarap ako kay Jedd tsaka ngumiti.

"Did you, perhaps, thought that I might get jealous when I saw them together?" I asked politely.

Bahagya siyang tumango kaya sinuntok ko siya sa tiyan. Huminga ako ng malalim para pigilin yung panginginig ng boses ko.

"Silly. Madami na akong problema para problemahin ko pa sila. Haha. Tsaka yang si Glenn? Sus. Mas gwapo pa Suho ko sa kanya. Mambabae lang siya kung gusto niya."

I wished my words didn't sound like it came out of my nose.

Sinamahan akong kumain ni Jedd dahil wala na akong time na mag-lunch mamaya. Start na kasi ng campus fest kaya busy kami ni Ronan para sa pag-cover ng mga events.

"Napakabusy mo yata?" Jedd asked while munching his chicken nuggets.

"Kaya nga eh. Bukas kayo sasayaw diba? Sa gymnasium ba?"

"Hmm. Sayang nga ‘di kayo kasama ni Alvie. Wag kang mawawala bukas. May surprise si Chalk dun kay Board."

Pagkatapos naming kumain, hinatid ako ni Jedd sa office. Di ko pa nakita yung tatlo. Bakit ba napakabusy ng mga tao ngayon?

Nadatnan ko si Ronan na natutulog sa office kaya tahimik akong umupo sa tabi niya. Natulugan pa niya yung laptop niya na nakabukas. Papatayin ko na sana pero isang article sa page ng university yung pumukaw ng atensyon ko.

Thread: Who is the best couple? pt.2

  1. Phoenix Glenn Yu x Eirrie Solleigh Santos
  2. Phoenix Glenn Yu x Eunice Park

Madaming comments and reactions. Ano na namang ginagawa ko dito? Sa unang picture eh yung picture namin ni Nix habang nasa arcade kami at yung pangalawa naman eh yung stolen picture nila ni Eunice sa library.

May mga nagmention sa akin sa comment box. Isa na dun si Alvie.

Alviessi: @Eirrie oy, ano 'to? @Pheonix ulol ka talaga. (Angry emoticon)

I logged in to my account and reacted love on the post. Ito na ba yung point kung saan dapat magseselos na ako? 

Huminga ako ng malalim tsaka tumayo sa kinauupuan ko. Lumipat ako ng pwesto tsaka tinuloy yung ginagawa ko.

"Kanina ka pa diyan?" Ronan asked.

Tumango ako tsaka tinapos yung huling line na ginagawa ko. I glanced at the clock and it says 2:01. Niyaya ako ni Ronan na pumunta sa gymnasium kung saan naglalaro sina Nix. Dala-dala ko yung laptop ko habang DSLR naman yung hawak ni Ronan. Pumwesto kami sa pinakataas na bleachers para mas madaling kumuha ng mga shots. Nasa court na yung team nina Phoenix at kalaban nilang team, walang iba kungdi mga kaklase namin.

Nix is looking around, probably looking for me but I decided not to make a scene. I'm still annoyed but I chose to be quiet.

I watch him intently as he gracefully play. I received a call from Kaleb so I excused myself to Ronan.

When I came home, the twin are busy knocking on mom's door. Kinuha ko yung duplicate key sa may kitchen tsaka binuksan yung kwarto niya.

Halos manlumo ako sa nakita ko. Napaupo ako sa may gilid ng closet habang binuhat naman nung kambal si mommy palabas. I can hear their voices but I can't understand them.

What the heck is happening? I hear the van leaving the house. I stare at the bottle of medicine in the bed.

I dialed dad's phone number but he didn't answer. I flooded him with messages but all I received is the one I least expected.

Dad: I'm sorry, princess. It's all my fault. As much as I want to go there, I can't. Your mom and I decided to part our lives already. I can't undo all the foolishness I've done but I'm sincerely sorry. I can't face you right now. Take good care, I love you, tiny bird.

It happened really fast. Since I was too caught up in our family issue, I wasn’t able to attend the foundation week and didn’t even hear anything from Glenn. Alvie is trying to reach out to me but I shut her off, too.

Magulo sa bahay. Iyak ng iyak si mommy. Hindi nga niya ako pinapansin eh. Yung kambal naman, busy sa pagpapakalma sa kanya. Kanina lang halos madurog yung puso ko. Si mommy kasi sinubukang magpakamatay ulit.

Kaleb found her lying in her bed full of blood in her wrist. They rushed her in the hospital. Di ako sumama, di ko kayang sumama. Ayokong makitang ganun si mama. Ilang buwan na din silang ‘di okay ni daddy kaya ‘di na ako nagulat nung marinig ko silang dalawa two days ago.

Dad's having an affair with another woman and even used our savings in casino. Iyak na ako ng iyak nung makita ko si mommy.

Nakakasama lang ng loob, kaya pala niya akong iwanan mag isa.

Tinatawagan ko si Glenn. Isang linggo ko na din kasi siyang di nakakausap. Everytime na nagpupunta ako sa bahay nila, lagi siyang wala. Kahit si Alvie hindi rin alam kung saan siya nagpupunta.

Malapit ng magbakasyon. Monthsarry na din pala namin sa susunod na linggo, baka kasama na naman 'to sa mga pakulo niya. Ang hilig kasi nun sa surprises.

Two days ago, halos sa ospital kami nagstay because mom cut herself and overdose herself with medicines. I didn't tell anyone. Wala din namang nakapansin dahil busy ang lahat sa foundation week.

Wala pa sana akong balak pumasok kung di lang siya nagtext na magkita kami sa coffee shop sa tapat ng school. Mugto yung mga mata ko kakaiyak kaya nagsuot pa ako ng shades para lang di nya makita.

Palapit palang ako sa coffee shop nung makita kong paalis si Eunice sa table na kinauupuan niya. Bigla tuloy sumama lalo yung pakiramdam ko.

Sinabihan naman niya akong wag magselos kay Eunice dahil wala namang dapat pagselosan. Magkaibigan lang daw sila at pinakiusapan siya ng dean na samahan siya. Siguro related yun sa scholarship na inaapplyan niya sa Korea pero di na ako nagtanong. May tiwala naman ako sa kanya kaya alam kong di niya ako lolokohin.

Naghintay pa ako ng five minutes bago siya lapitan. Niyakap niya ako ng mahigpit. Yung yakap na akala mo ay ‘di na kami magkikita ulit. Gusto kong umiyak sa kanya dahil sa dami ng problemang kinakaharap ko.

"Okay ka lang ba? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" tanong ko.

Mukha siyang kinakabahan. ‘Di siya mapakali sa kinauupuan niya kaya alam ko ng may mali. Bigla din akong kinabahan.

These past few months, di kami okay. Ramdam kong di kami okay dahil parang ang layo niya kahit magkasama kami. Pero kahit ganun yung naiisip ko, sinubukan kong ngumiti. Baka naman kasi may problema lang sa school or napagalitan siya ng daddy niya.

"I think... we need to end everything here." Mahina niyang sabi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.  He said that without looking at me. I faked my laugh and smack his arms jokingly.

"Tigilan mo nga ako sa mga biro mo, Mahal. Baka mamaya maniwala ako, sige ka."

"I'm not kidding. I think we better end this here bago pa tayo tuluyang masaktan. Tingin ko kasi di ko pa kayang panindigan lto. Marami pa akong gustong gawin. I think it's the best for the both of us. Let's stay as friends muna."

Gusto kong sumigaw pero nakakapagod.

"Ganun ba? Ibabalik ko din ba yung mga gamit mo sa bahay? Okay lang bang bukas na? Di ko naman kasi alam. Hahatid ko nalang sa inyo...ay hindi, ibibigay ko nalang kay Alvie. Ang awkward naman kasi kung magpapakita ako sayo diba? Sige na, mauuna na ako. Pupuntahan ko pa kasi si mommy. Ingat ka okay?"

Nginitian ko siya bago ako umalis.

Natawa ako sa sarili ko. Daddy ko nga na akala ko ay sobrang faithful kay mommy, nagloko...siya pa kaya?

Biglang nag-flashback yung mga sinabi niya. Na di dapat ako magselos dahil wala namang dapat pagselosan. Pero ano to?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status