Dahlia Amelia was a frustrated Aspiring Writer that her work was claim and plagiarized by a well-known Author, Yuki. The One Who Own the Deadly Glance, was hit for almost three months and become the best seller that earn a billion dollar. Several famous entertainment industry offer the publisher to adapt the novel into a film. Even makes Dahlia more frustrated. No one believe that she is the one who wrote it. She was offered to become a script writer instead to her own masterpiece. Drayzen Storm was the only living Dragon shift-shifter for a hundred decades. He was curious how the writer find his identity as the novel used his real name. Reader and viewr was aware that the novel was all imagination made. But Yuki died in hand of Drayzen as the writer of the said Novel. Dahlia was about to witness the devious event, yet she choose to ignore them and even cry at Drayzen how frustrated she is not to fight her right on her own work. Drayzen find out that she was the real writer. After a month Dahlia find out that she was pregnant with Dryzen Child.
Lihat lebih banyakHis deadly gazed was fixed on the full moon. The moon is about to covered by the dark clouds.
Nakatayo sa pinakamataas na gusali sa boung lungsod.
Kitang-kita sa mga mata niya na hindi siya natutuwa sa paghihintay.
Iniyuko ang paningin at pinagmasdan ang mga ilaw sa napaka-abalang paligid sa ibaba ng gusali.
Ngunit ang mga mata nito ay taliwas sa nakikita. Lumilipad ang kanyang isipan.
Napangisi na lamang siya.
Ang mga pinaghihirapan ng mga tao sa paligid niya ay kapag ginusto nito makuha ang bunga, ay kukunin niya. Siya ang nilalang na walang sinasamba kahit ma-impluwensyang tao.
Ginto, pilak, diamante at mga batong meron sa kanyang halaga ay mapapakanya.
Lahat gusto niyang makuha. Lahat ng mga mamahaling bato ay kanya.
Sa tagal niya sa larangan ng negosyo, pilit niyang pinuputol ang mga sanga ng mga nais na lampasan ang kayamanan niya.
Ganito siya kagahaman sa mga mamahaling bagay at pera.
Nakatatak sa isipan nito na ang pera ang kumukontrol sa mga tao at ilang nilalang na nangangailangan mabuhay.
Ang pangalan niya, ang siyang kinatatakutan ng maraming negosyante.
Pangalan na siyang kilala sa mundo ng negosyo.
Pangalan na alam nilang gahaman sa kayamanan at kapangyarihan.
…Dryzen Storm.
Walang sino man ang nakakaalam kung saang pamilya siya nangaling.
Sino ang magulang nito o saan ba siya nagmula.
Walang nakakaalam kung ilang taon na itong namumuhay sa mundo.
At pilit hinahanapan ng kahinaan.
Ngunit sa huli kung sino man ang siyang magtangka hanapan siya ng kahinaan, ay mamatay.
Bumukas ang pinto.
Hindi siya lumingon kung sino man ang siyang pumasok. Sapagkat parang meron siyang mga mata sa likuran. Nararamdaman kaagad kung may parating at kung sino.
Kilala niya halos ng malalapit na tauhan sa kanya.
Agad rin niyang natutukoy ang mga tauhan niyang nababayaran ng ilang negosyante at tumatalikod sa kanya.
Ang sino man ang trumaydor sa kanya, ay kamatayan ang naghihintay dito.
Lahat ng tauhan niya alam ang tungkol sa bagay na yan.
“Master Dryzen…”
Ikinahakbang ng pulang sapatos na merong mataas na takon palapit sa kanya. Naghihingalo man ang babae ngunit kailangang maayos niyang pinipresenta ang sarili sa harapan no Dryzen.
Napalingon ang isang lalaking kasamahan ni Dryzen sa babae.
Napatango ang babaeng sekretarya, saka kumilos para kunin ang suit ng boss nila.
“The bidding of the artifact is about to start. Shall we go now?”
Napangisi si Dryzen.
Saka siya lumingon sa mga tauhan niya na agad naman nagsiyukuan.
Inihakbang niya ang kanyang mga paa palapit sa babaeng sekretarya.
Tumigil ito mismo sa harapan.
Napakalapit ni Dryzen sa babae upang mapaatras ito.
Nakakabingi ang katahimikan sa paligid, kung hindi lang naririnig ang malalakas na pagtibok ng puso ng mga taong nakapaligid sa kanya.
“How many days do you served me, my dear?”
Tanong niya sa babaeng di maitatago ang malademonyo niyang tinig. Pinaglaruan niya ang ilang hibla ng buhok na gumulo sa mukha ng babae.
“Master Dryzen, two weeks.”
Muling ngumisi si Dryzen at binitiwan ang buhok nito. Napatitig sa lalaking nakatayo lang kanina habang naghihintay sa pagdating ng babae.
“Is she? Ganoon na siya katagal?”
“Yes, Master Dryzen.”
He is his personal assistant… P.A.
Venal.
“Kill her.”
Ikinanlaki ng mga mata ng babae.
Bago pa man makagawa ng mas lalong di maganda sa harapan ni Dryzen, agad na kinaladkad ito palabas ng opisina nito.
Napangiti na lamang si Dryzen. Dahil sa ginawa niya parang napawi ang inis ng ilang minuto niyang paghihintay. Saka siya lumabas ng opisina.
Magsasalita pa sana ang kumuha ng coat ni Dryzen ng napailing si Venal dito.
Kilala ni Venal si Dryzen. Mapaglaro, at gagawin talaga niyang laruan ang mga haharang-harang at pinapangunahan siya.
Sumunod na lamang sila kay Dryzen.
All right reserved 2021
Nine Months [Tagalog Version]
Death Wish
Sena Mangampo Copyright Owner
+63 938 8900 652
s.mangampo@yahoo.com
//https:senamangampo.f******k.com
Written Books:
Completed Books
Ongoing Books
See yah in different books!
Thank you so much!
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas
Komen