LOGINChapter 81Napakunot ang noo ni Naomi. Hindi niya inasahan na iisipin ni Cormac ng gano’n. Pero mali ang iniisip ng lalaki.‘Yung tsinelas na ‘yon… hindi kay Glenn ‘yon. Siya mismo ang bumili noon. Bilang isang single mother at sila lang mag-ina, kailangan niyang magkunwaring may lalaki sa bahay, para makaiwas sa mga mapanghusga at usisero.Sa balkonahe, may dalawang piraso ng damit panglalaki na nakasampay. Isa roon ay kay Glenn na nakuha niya mula sa aparador ni Lola Maria.Ang tsinelas sa pinto? Para iyon sa mga bisitang dumarating, hindi dekorasyon lang. Pero nitong mga nakaraang araw, may butas bigla sa tsinelas parang sinunog. Hindi niya alam kung sino ang may gawa noon.Hindi rin niya akalaing hanggang ngayon, iniisip pa rin ni Cormac na kasal siya kay Glenn na si Neriah ay anak nilang mag-asawa. Pero sa isang banda, mabuti na rin iyon para hindi niya kailanman malalaman na ang batang iyon ay anak niya.Huminga si Naomi nang malalim. “Siyempre iniingatan ko ang sarili ko. Kaya
Chapter 80Pagbukas ng pinto, isang lalaki ang tumambad kay Cormac. Nagkatinginan sila na agad ikinakunot ng noo niya. Ang mga mata ni Cormac ay madilim at malalim, bahagyang nakapinid ang labi, tila pinipigilan ang kung anong emosyon.Kumurap-kurap si Neriah. “Uncle Erick!”Ngumiti si Erick at hinaplos ang buhok ng bata. “Neriah, nag-enjoy ka ba ngayong gabi?”Halatang alam niyang lumabas si Neriah para maglaro. Ngunit nang mapansin niya si Cormac, agad niyang naramdaman ang bigat ng presensya nito halatang galing sa ibang antas ng lipunan. Bahagya siyang nailang.“Gabi na. Salamat sa paghatid kay Neriah,” wika ni Erick nang may paggalang.Wala namang mali sa sinabi niya. Pero sa pandinig ni Cormac, tila may tumusok na kirot. Anong karapatan niya para magpasalamat sa akin? Hindi ko naman siya kinakausap. Papansin!Tahimik na pumasok si Cormac, hawak ang kamay ng batang babae. Habang naglalakad siya, dumaan siya sa tabi ni Erick at bahagyang tinapik ang balikat nito parang hindi sina
Chapter 79Nangunot ang noo ni Cormac, nanatiling walang ekspresyon, saka isinara nang mariin ang bintana. Pagbalik niya sa sariling kotse, naroon si Neriah sa likurang upuan, tahimik at maayos na nakaupo. Sa paglingon niya, naramdaman niyang unti-unting nawawala ang inis na kanina’y bumabalot sa kaniya.“Doc Pogi,” tanong ng bata. “Sigurado po bang okay lang ‘yong hindi ko sabihin kay Mama?”“Kailangan niyang mag-overtime ngayong gabi,” mahinahong paliwanag ni Cormac. “Ihahatid kita mamaya bago mag–alas-nueve.”Plano niyang gawin muna, saka na magpaliwanag kay Naomi.“Neriah,” tanong niya, nakangiti, “gusto mo bang makipaglaro kay Doc Pogi, ha?”Tahimik na tumango si Neriah at malawak ang ngiti.Alam niyang parang hindi gusto ni Mama si Doc Pogi dahil kamukha raw nito si Daddy sa larawan.Kapag sinabi niyang nakipaglaro siya kay Doc Pogi, malulungkot si Mama. Pero gusto niya si Doc Pogi. Mabait ito, at tuwing magkasama sila, masaya siya.“Opo!” excited na sagot niya..Nang marinig iy
Chapter 78Narinig iyon ni Cormac at bahagya lang siyang ngumiti bago tuluyang bumalik sa trabaho.Tinitigan ni Dr. Bautista ang case file sa harap niya. Kabisa na niya ang kalagayan ng batang babae—si Neriah Mendoza. Alam niyang labis ang malasakit ni Cormac sa batang ito. Kung tatanggihan niya, malamang ay haharangan siya ni Cormac sa opisina at hindi siya tatantanan.Ngunit may napansin si Dr. Bautista na kakaiba. Hindi niya iyon binanggit. Sa totoo lang, para bang may pagkakahawig si Neriah kay Cormac lalo na sa mga mata at sa hugis ng kilay.At kahit sabihing interesado nga si Cormac kay Naomi, malinaw pa rin na napakalaki ng agwat ng mga pamilya nila. Halos imposibleng mangyari iyon.“Hihilingin ko sa ospital na kontakin ang ina ni Neriah para ayusin na ang petsa ng operasyon,” seryosong sabi ni Dr. Bautista.Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Cormac.“Salamat, Dr. Bautista,” sagot niya, kalmado ang tinig.Napakagat siya sa ibabang labi, marahang nadama ang hapdi ng sugat doon,
Chapter 77Muling tumunog ang cellphone ni Naomi, kasunod ang isang mensahe mula kay Cormac.Cormac: Huwag mo akong subukang i-block, dahil kapag may nagtanong bukas tungkol sa labi ko, sasabihin kong ikaw ang kumagat.Pinindot ni Naomi ang do not disturb setting para sa mga mensahe ni Cormac at itinapon ang cellphone sa gilid.Kinabukasan, sa ospital. Habang abala si Cormac sa trabaho, napansin niyang marami ang palihim na nakatingin sa kaniya. Sampung katao na ang dumaan sa harap niya, lahat ay nagpipigil ng tawa, at kapag nakalampas na siya ay nagbubulungan ang mga ito.“Anong nangyari sa labi ni Dr. Lagdameo?”“Ang laki ng sugat! Parang kinagat ng kung ano.”“Ano pa nga ba? Baka ng girlfriend niya.”“Sino namang may lakas ng loob na magtanong kay Dr. Lagdameo?”“Hindi ako. Narinig ko pa nga—”“Shh! Lakasan mo pa ‘yan, ayan na si Dr. Amery!”Napatingin silang lahat nang dumaan si Dr. Amery, suot ang puting coat, at malamig ang ekspresyon. Tiningnan niya ang nurse na kanina pa masi
Chapter 76Awtomatikong hinarangan ni Cormac ang pinto. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang naging reflex niya—siguro dahil ayaw niyang makita ng bata ang sarili niyang hindi maganda.“Ah… ngayong gabi…” napakamot siya sa batok, halatang nag-iisip ng dahilan.Pero kahit anong pilit, wala siyang maisip na matinong paliwanag.Sa kabilang banda, si Neriah, antok na antok na, ay lumabas lang para magbanyo.“Doc Pogi?” pautal niyang sabi habang kinukusot ang mata.Nakasuot pa siya ng pajama na may print ng mga bituin, hawak ang paborito niyang stuffed rabbit.“Teka, bakit gising ka pa?” pilit na ngumiti si Cormac.Naamoy agad ng bata ang sigarilyo.Napakunot ang maliit nitong noo. “Amoy usok po…”Biglang napahiya si Cormac, tinapik ang sigarilyong nakapatay na.“Ah, ano lang may inaayos lang ako. Matulog ka na, ha?”Pero lumapit pa si Neriah, kuryusong-kuryoso.“Doc Pogi, bawal po ‘yan. Sabi ni Mama, masama sa baga.”Napatawa si Cormac, pero hindi niya alam kung matutuwa o maiilang.“Aya







