
My Daughter's Doctor is my Ex Lover
Dinala ni Naomi Mendoza ang kanyang anak sa ospital para sa isang consultation. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana dhil ang attending physician ay ang ex boyfriend niya.
Sa loob ng pitong taon, binago na ni Naomi ang kanyang pangalan, tinakasan niya ang nakaraan, at mula sa pagiging chubby na babae ay isa na siyang sexy at charming. Hindi siya nakilala ng lalaki at lalong hindi nito alam na nagkaroon sila ng anak.
Hinawakan ng kanyang anak ang kamay niya at mahinang nagtanong, “Mommy, bakit ka umiiyak?”
Hindi nakasagot si Naomi. Ang tanging gusto niya ay tumalikod at tumakbo palayo.
Pitong taon na ang nakararaan, si Naomi ang naging tampulan ng tukso sa St. Aurelius University nang lihim siyang maging girlfriend ng school heartthrob na si Cormac Lagdameo.
Inakala niyang tunay ang pagmamahal nito sa kaniya hanggang sa winasak ng malamig na tinig nito ang kanyang puso. “It’s just for fun. I’m going abroad soon.”
Naomi ended that bitter love.
Ngayon, muling pinagtagpo sila ng tadhana. Pilit na lumalayo si Naomi, ngunit hindi siya pinakawalan ni Cormac. Ginamit nito ang kapangyarihan, at kayamanan upang muling itali siya sa mundo ng lalaki.
"Dr. Lagdameo, may asawa na ako."
Sa loob ng marangyang Maybach, mahigpit na hinawakan ng lalaki ang kanyang baywang bago siya mariing hinalikan.
“Naomi, let me be your lover. I’m richer, younger, and I’ll give you a better experience than him.”
Seven years ago, she was his secret girlfriend. Now, he’s begging to be her lover.
Read
Chapter: Chapter 152Chapter 152Biglang natigilan si Cormac. Hindi siya pwedeng magkamali. Sa Laguna rin ang lugar kung saan sila nagkakilala ni Lydia.“Ako na lang ang magmamaneho. May lisensya naman ako. Ituring mo na lang na hiniram ko ang sasakyan mo ngayong gabi,” sabi ni Naomi, ang tinig niya ay may pagka-urgent, halos humihinga nang mabilis. Kailangan niyang makabalik sa ospital nang agad.“Baka magasgasan o masira mo ang kotse ko.” Napakalamig ng tono ni Cormac, parang wala siyang emosyon. “Modified ang kotse ko. Hindi ko ito ipinapahiram sa kung sino-sino lang.”Natigilan si Naomi. Kinagat niya ang kanyang dila sa pagkabigla at kaunting hiya. Oo nga naman, wala siyang karapatan na mag-suggest ng ganoon, lalo’t tila banal ang kotse sa mata ni Cormac. Pero nakaka-frustrate rin—kahit magkaroon man ng gasgas, kaya naman niya bayaran.Tiningnan ni Cormac ang mukha ni Naomi. Nakita niya ang bakas ng tuyong luha sa mga pisngi nito, at sa kabila ng init ng gabi, tila may pumiga sa kanyang puso.Tinapaka
Last Updated: 2025-12-27
Chapter: Chapter 151Chapter 151Tumawag sa telepono si Naomi sa kaniyang lola at umuubo ang lola niya.“Nakainom ka na ba ng gamot?” tanong niya sa lola niya.“Gumaan naman na ang pakiramdam ko pagkatapos ko kumain kanina,” aniya. Gusto sanang umuwi agad ni Naomi, ngunit pinigilan siya ng kaniyang lola.“Masama ang panahon nitong mga nakaraang araw at biglang lumamig. Ano bang babalikan mo rito? Hindi ba’t sinabi mong uuwi ka na lang pagkatapos mong mag-resign sa trabaho? Kaunti na lang ang natitirang araw.” “Ayos lang ako dito. Magpahinga ka na lang diyan kesa magbyahe ka rito.” Narinig ni Naomi ang mahinang pag-ubo nito. “Tapusin mo na lang ang mga akailangan mo diyang gawin, saka ka umuwi dito.”“Sige po, La.” Ibinaba na niya ang tawag.Karamihan sa mga kapitbahay ng matanda ay lumipat na.Ang matandang babae, na nakasandal sa kaniyang tungkod, ay dahan-dahang lumabas ng bahay, at may isang kotse na unti-unting pumasok sa eskinita.Huminto ito hindi kalayuan sa bahay ni Lola Laida.Bagama’t hindi
Last Updated: 2025-12-27
Chapter: Chapter 150Chapter 150Muling kumunot ang mga noo ni Cormac, nagpapakita ng isang halong pilit na ngiti.“Kailangan mo ring isaalang-alang ang nararamdaman mo. Ayokong pilitin ka, pero kailangan din nating magpatuloy. Kahit wala ng maging anak na magmamana, kailangan ng Lagdameo family ng tagapagmana iyon ang mahalaga.”Walang sariling anak sina Havoc at Ashley, tanging anak na ampon nilang si Maxine, na itinuturing nilang apo.Natural na nag-alala sina Olivia at Rigor.Bahagyang kumunot ang noo ni Cormac.Tahimik siya ng ilang segundo, ang kanyang itim na mga mata ay tila hindi maunawaan.“Sa anumang paraan, marami na tayong ampon sa pamilya. Kung gusto mo ng tagapagmana, puwede kayong pumunta ng Papa mo sa welfare center at pumili ng isa na iaampon at palalakihin sa ilalim ng pangalan ko.”“Hindi mo puwedeng sabihin iyon!” Hindi pangkaraniwan ang tindi ng mukha ni Olivia.“Kung magkakaroon ka ng lakas ng loob na sabihin iyon sa harap ng Papa mo, mag-ingat ka, baka ipataw niya ang disiplina ng
Last Updated: 2025-12-26
Chapter: Chapter 149Chapter 149Mabilis ba yumuko si Cormac, kinurot ang magkabilang pisngi ni Yuan at bahagyang inangat siya. Mabigat nga ang bata.Agad namang lumapit si Glenn at kinuha ang bata mula sa gilid.“Ako na,” sabi nito.Magaan na binuhat ni Glenn si Yuan at inangat hanggang makaupo ito sa kanyang balikat.Malawak at maliwanag ang tanawin.Unang beses ni Yuan na makita ang mundo mula sa ganitong taas.“Wow!” napasigaw siya.Lumaki ang mga mata niya sa gulat at tuwa.Samantala, nanlilim ang mukha ni Cormac.“Bumaba ka,” malamig niyang utos.Napaurong si Yuan, bahagyang yumuko ang ulo.Tumingin ito kay Cormac na madilim ang expression.Malinaw ang pagkainis sa pagitan ng kanyang mga kilay.Naduwag si Yuan. Bumaba siya mula kay Glenn habang pinagmamasdan si Cormac. Pag-uwi niya, isusumbong niya ito sa kanyang lola.Nanatiling ilang metro ang layo ni Cormac sa kanila.“Lumapit ka rito,” sabi ni Cormac.Dahan-dahang lumakad si Yuan, parang pagong.Inabot ni Cormac ang bata, hinawakan siya sa kilik
Last Updated: 2025-12-25
Chapter: Chapter 148Chapter 148“Ayoko pong sumama kay Manang Lorie,” mahina ngunit matigas ang boses ng bata habang nakayuko.Ayos lang naman sana na ito ang sumama, pero masyado na itong matanda. Wala silang masyadong mapag-usapan, ramdam ang agwat ng henerasyon. Iba pa rin kapag si Uncle Cormqc ang kasama niya—masaya, cool, at pakiramdam niya ay naiintindihan siya nito.Mas ayaw niya kay Manang Lorie kaysa sa pinsan niyang si Maxine. Mula pa noong maliit siya, hindi na talaga niya gusto makipaglaro kay Maxine.Kinurot ni Cormac ang pisngi ng bata. Namaga ang mga pisngi nito na parang pufferfish habang bumubuka-sara ang bibig.“Please, Uncle,” pakiusap ni Yuan.Tumango si Cormac. “Sige, tara na.”“Uncle, ikaw na talaga ang best uncle sa buong mundo!” biglang niyakap ni Yuan ang binti ni Cormac. Hindi na siya pinatapos magpalit ng damit—hinihila na agad pababa ng hagdan.Sa ibaba, nasalubong nila sina Havoc at Ashley.Yumuko si Havoc, hinaplos ang buhok ni Yuan, saka ito binuhat. “Mukhang hindi ako ang
Last Updated: 2025-12-24
Chapter: Chapter 147Chapter 147Dumating sina Naomi at Neriah sa bahay ni Lola Maria. Umaalingasaw mula sa kusina ang masarap na amoy ng nilulutong pagkain. Pinaupo ni Naomi ang anak sa sala upang manood ng cartoons, saka siya nagtungo sa kusina. Naghugas siya ng kamay at tumulong kay Lola Maria.May bahid ng lungkot sa mukha ng matanda.Umuugong at bahagyang nanginginig ang range hood—isang lumang modelo na kapag umaandar ay tumutulo pa ang mantika. Napatingin doon si Naomi at naisip niyang bago siya tuluyang umalis, kailangan niyang ibili si Lola Maria ng bago.Kapag hindi binabanggit ng mas nakababata, ang mga matatanda ay laging nagtitipid— nagtitipid sa pagkain at damit, at tinitiis kahit may karamdaman.Bumuntong-hininga si Lola Maria. “Kung talagang kailangan mong umalis, sobra kitang mami-miss… pati ang bata.”“Madalas naman po akong babalik,” sagot ni Naomi.Hindi napigilan ni Lola Maria na magtanong, “Talaga bang wala kang nararamdaman para sa anak kong si Glenn? Kahit kaunting gusto man lang?
Last Updated: 2025-12-23

The Divorce Wife’s Possessive Attorney
Aurelia Navarro gave her love, her time, her fortune—everything.
Pero sa dulo, siya pa rin ang iniwan… ipinagpalit sa ibang babae. Dalawang taon siyang nagsakripisyo bilang asawa ni Matteo Navarro. Ngunit nang malugi ang Navarro Holdings na siya mismo ang nagpapatakbo ay siya rin ang sinisi, at nasira ang pangalan niya.
Hanggang sa dumating ang misteryosong lalaki na nag-alok ng investment.
“I can give you 5% of my shares,” sabi nito.
Ngumisi si Aurelia. “Five percent? Keep it. I can build my own empire.”
Walang nakakaalam na sa likod ng pangalang Aurelia Navarro ay nakatago ang tunay niyang pagkatao— isang major shareholder ng Gatchalian Inc., international professor, renowned painter, at ang pinakakilalang assassin sa underground world.
At nang lumuhod si Matteo sa ilalim ng ulan para humihingi ng tawad, isang lalaking may itim na payong ang nakatayo sa tabi ni Aurelia.
“Mr. Navarro, please leave,” malamig nitong sambit.
“Who are you to her?” singhal ni Matteo.
Emil smirked. “Atty. Emiliano De Rossi. I’m her lover.”
Read
Chapter: Chapter 4Chapter 4Pagkarating ni Aurelia sa bahay, tumawag sa kanya si Mr. Rinaldi.“Aurelia, anong pinagkakaabalahan mo lately? May oras ka ba na bumista?”“Mr. Rinaldi, medyo busy ako kaya hindi ako sigurado kung kailan.” Binuksan ni Aurelia ang computer at naghanap ng reliable domestic lawyers.“Alam ko, busy ka. Narinig ko rin ang tungkol sa inyo ni Matteo. May kaibigan akong mahusay na abogado. Pwede kong sabihin sa kaniya na hawakan ang case mo,” suhestiyon nito.Isa si Mr. Rinaldi sa naging ka-close niya sa kumpanya. Isang beses ay nabanggit nito ang tungkol sa apo na kung hindi siya kasal ay irereto ito sa kaniya. “Salamat, Mr. Rinaldi. I will definitely come to thank you soon.”Kailanga niya ng mahusay ang lawyer. Mabuti na lang at may kilala si Mr. Rinaldi kaya hindi na siya mahhirapan maghanap. “I’ll give you his contact number right away…”“Salamat ho ulit. Malaking tulong ito para sa akin,” aniya at nag-open ng email.“Huwag kang mag-alala, hintayin mo hanggang manalo ka sa kas
Last Updated: 2025-12-02
Chapter: Chapter 3Chapter 3Nanginginig sa galit ang matanda at tumayo gamit ang kanyang tungkod. “How can you be so low, iha? Ang eldest ng Aquino ay naging mistress ng Navarro? What a shameful truth!”Namutla ang mukha ni Clarisse. “Mr. Navarro, hindi ko po alam noong una na may asawa na pala ang apo ninyo. Kung alam ko lang, bilang isang babaeng may malinis na background, siguradong iiwas ako sa kanya.”Tumingin siya kay Matteo, puno ng galit ang kanyang mga mata.“Ikaw ang nagsabi na wala kang feelings kay Aurelia at magdi-divorce kayo sooner or later, kaya pumayag ako na maging girlfriend mo. Ngayon, ako pa ang tinatawag na kabe! Ayusin mo ang pamilya mo, ha. At maghiwalay na tayo!”Sinubukan ni Clarisse na umalis, pero mabilis siyang hinawakan ni Matteo at bumulong, “Don’t worry, Clarisse. Lolo was deceived by Aurelia at na-misunderstand ka because he was confused. Kung iiwan mo ako at hindi pumayag si Aurelia sa divorce, sooner or later, aagawin niya ang Navarro family, at masisira ang pamilya
Last Updated: 2025-12-02
Chapter: Chapter 2 Chapter 2 Busy si Aurelia mag-type sa computer ng dumating si Matteo at huminto sa harap niya.“Sigurado ka na bang ayaw mong manatili sa kumpanya?” Kunot noong tanong nito.“I won’t say it twice kaya makinig ka, Matteo.’ Marahan niyang ibinaba ang salamin sa lamesa at malamig na tinitigan ang lalaking kaharap. “Hindi ako mag-stay sa Navarro Holdings o sa mansion niyo. Ayoko rin ng offer mong 1% share.”Sumandal siya sa swivel chair. “I own 10% of NH shares, na tinatayang 1.5 billion US dollars ayon sa current valuation. I’ll only take what belongs to me.”Nagulat si Matteo. “10% share? Paano mo nakuha ang ganitong dami ng shares sa kumpanya?”“Two years ago, nung nasa financial crisis ang Navarro Holdings nag-invest ako ng 500 million,” sagot ni Aurelia.Napangisi siya ni Matteo, halos hindi makapaniwala. “Five hundred million para sa 10% share? Kailan ba naging ganito kababa ang halaga ng Navarro’s shares?”Alam ni Matteo ang tungkol sa krisis ng Navarro Holdings at ang pagsali ni A
Last Updated: 2025-12-02
Chapter: Chapter 1 Chapter 1 “Aurelia, let’s get a divorce.”Parang biglang tumigil ang oras. Nakatayo si Aurelia sa gitna ng sala, suot ang maluwag na pajama at puting T-shirt, may hawak pang tasa ng kape na halos malaglag sa pagkabigla. Ang asawa niya, si Matteo Navarro ay nakatayo sa harap niya—neat as ever, naka-long sleeves at may suot pang wristwatch na regalo niya noong anniversary nila. Dalawang taon na silang kasal, at ngayong kakabalik lang galing ibang bansa ay ganito ang bungad?“Divorce?” mahina niyang ulit, halos pabulong. “Anong—bakit?”Tumingin si Matteo sa kanya, may halong paumanhin sa mga mata. Pero ang titig nito ay hindi nagtatagal. Para bang nahihirapan itong tumingin nang diretso sa kaniya.“Clarisse and I are together.”Natahimik siya. Narinig ni Aurelia ang mahinang pagpatak ng kape sa sahig. Dalawang segundo lang ang lumipas bago pumasok sa isip niya ang nais iparating ng asawa. Clarisse? Ang babaeng madalas niyang naririnig sa usapan sa bahay—ang “volunteer” na nakasama ni M
Last Updated: 2025-12-02