LOGINChapter 233 – Stalker!Naging instant celebrity nga si Alec ang fashion designer sa Divisoria. Dumami na ang kanyang kliyente pero hindi niya ako nakakalimutang kumustahin, o dili kaya ay magpapadala ng kung anu-ano sa opisina ko tulad ng prutas. Naging close kaming dalawa. Minsan ay inaya niya akong mag-lunch. “Susunduin kita sa office mo mamaya bago mag-alas dose.” sabi niya sa akin.“Uy! Yayamanin ka na! Sige! Puwedeng magsama ako?” tanong ko.“Ikaw pa? Puwede!” sagot ni Alec. Kaya naman inaya ko si Ana at Carla na mga tao ko sa lunch.Noong tanghalian na, tumawag si Alec na nasa ibaba na raw siya ng opisina ko. Pagbaba namin nina Ana at Carla ay nasa tapat na ng entrance ng building si Alec at nakatayo sa tabi ng isang kotse. Habang naglalakad kami nina Ana sa lobby ay muli ko na namang nakita ang babae. Katulad ng dati, kapag nililingon ko ito ay wala na naman. Pero kakaiba ito, dati sa lobby ng opisina ni James ko siya nakita. Ngayon, dito naman sa lobby ng opisina ko!
Chapter 232 - Na Hipnotize ko!Bagama't hindi ako ang finale o highlight model na may suot ng bridal gown na gawa ng isang sikat na designer, ay ako ang pinagkaguluhan ng lahat. Naging curious tuloy ang mga nanonood lalo na ang mga magpapakasal kung sino ang gumawa ng aking bridal gown.Nung final curtain na ng show, ako ang ginawang star of the show at pinakahuling lumabas sa stage para muling irampa ang suot kong damit pangkasal kasama si Alec na siyang nagdesign at tumahi ng suot ko. Tinanghal din siyang most promising designer ng fashion show.Si James na nanood ng fashion show ay humanga ng todo sa suot kong bridal gown. Maging siya ay namangha...na hipnotize sa akin. “Ganito pala kaganda si George kapag nakasuot ng wedding gown. Parang napaganda ng kanyang awra. Para siyang prinsesa o reyna sa kanyang suot.” sabi ni Jmames sa sarili. “Ganyan dapat ang suot ni George kapag kinasal kami sa simbahan!” Panay ang kuha ni James ng mga litrato ko sa kanyag cellphone habang rumarampa
Chapter 231 – Helping Out!“Hanga talaga ako sa pagkakadesign at tahi ng gown na ito. Parang imported.” sabi ko.Maya Maya ay lumapit sa amin ang bading na siya nagdesign at tumahi ng gown. Matama niya akong tinititigan at biglang nagtiti-tili ito.“Ayyyyyy!!!! Si Love!!!! Ang Victoria Secret fashion model!” tili ng bading. “Hi po! Ako si Alec, ang gumawa ng gown na ito.” “Hi! Ako si George! Love lang ang screen name ko. Amaze kasi ako sa gown na ito! Parang isang sikat na designer tulad nina Rajo Laurel, Michael Cinco o di kaya si Monique Lhuillier ang gumawa nito.” kumento ko sa kanyang disenyo.“Talaga po? Siyempre alam kong alam ninyo ang mga klase ng gowns dahil fashion model kayo. Limitado rin ang mga customer ko dahil hindi naman ako sikat. May fashion show nga po kami sa isang buwan sa SMX Convention sa Pasay para ipakita ang mga wedding ensemble na design at gawa namin.” sabi ni Alec.“Sinu-sino ba ang mga kasaling designer sa fashion show ninyo?” tanong ko.“Mga may
Chapter 230 – Aalis Muli!Masaya ang atmosphere sa loob ng function room ng hotel. Kami ni James? Akala mo mag-syota pa lang kung kumilos. Sobrang attentive sa akin si James at sobrang sweet naman ako sa kanya. Natutuwa naman ang mga magulang namin sa nakikita nila. Isinayaw pa ako ni James ng isang slow dance kung saan dikit na dikit ang aming katawan at nakahilig pa ang ulo ko sa kanyang balikat. “Awww... those two are really meant for each other. After all these years, parang mag-boyfriend pa lang ang dalawa sa sweetness!” sabi ni Jenny na Advertising Manager ni James sa kumpanya.Habang nagsasayaw kami ni James, I could not shake the feeling na parang may nagmamasid sa amin ni James kaya lalong humigpit ang yakap ko kay James.“Whoa! Ang higpit ng yakap mo sa akin!” biro ni James.“Safe kasi ang feeling ko kapag nakayakap ako sa iyo!” bulong ko kay James. “Isa pa, pakiramdam ko ay parang may nagmamasid sa atin.”“Guni-guni mo lang siguro yun! O baka naman gutom ka na!” s
Chapter 229 - May Nagmamanman!Pagsapit namin sa lobby ng building, muli ko na namang nakita ang pamilyar na mukha ng isang tao. Pero nang ligunin ko ito ay wala naman ito doon. Nagpaparamdam ba sa akin ang taong ito?Hindi puwede dahil nakakulong na ito.Noong gabing iyon, dahil Friday, sa kuwarto na naman namin ni James matutulog ang mga bata. Alam na ni Yaya ang schedule kaya inayos na niya ang comforter at mga unan. Mabilis namang nakatulog ang mga bata, pati na rin si James. Dahil hindi ako makatulog. Naupo ako sa upuan malapit sa bintana na nakatanaw sa may swimming pool namin. Iniisip ko kasi ang taong nakita ko sa lobby ng opisina ni James. Dalawang beses ko na siyang nakikita pero kapag nililingon kong muli ay nawawala na ito. Pamilyar ang mukha niya. Kamukha siya ni Ava, yung dating accounts manager ni James sa kumpanya na nahatulan ng pagkabilango dahil sa tangkang pagpatay sa akin noon. Alam kong siya iyon! Wala lang siyang make-up.Nakalaya na ba siya? How long has it
Chapter 228 – Congrats! Matagal bago ako nakatulog ng kakaisip sa panaginip ni JJ. May sixth sense ba ang anak ko? Baka naman nagkataon lang! Pero hindi bale, mag-iingat na lang ako. Buong linggo kong inoobserbahan si JJ subalit tila nakalimutan na niya ang kanyang panaginip. Weekend na naman bukas, saan ko kaya dadalhin ang mga anak ko para mamasyal? Dahil malalim ang aking iniisip, hindi ko namalayan ang pagpasok ni Carla. “Boss George! May dumating na imbitasyon mula sa Anvil Awards. Ang kumpanya natin ang napili bilang Top 3 Advertsing Agency ng taon. Isa pa tatangap din tayo ng Silver Anvil for Marketing and Brand Communication para sa ating McDonald's at Unilever campaign!” pagbabalita ni Carla habang inaabot niya sa akin ang imbitasyon. “Tiyak kong matutuwa si Papa at ang Board of Directors sa award na ito!” excited na sabi ko kay Carla. “Gumawa ka ng Memo at i-announce mo sa buong office ang mga matatangap nating award! Sa ikalawang linggo pa naman ang awards night kay







