FAZER LOGINBlurb Evianna Morine Ildefonso ay isang simpleng dalaga na naghahangad na mapabuti ang pamumuhay nila ng kanyang Lola Esing. Kaya nang imbitahan siyang dumalo sa exclusive party ng "Strange Uncle" niyang si Zino Scyte Mendres. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik. First time niya, kaya halos magkalat siya sa nasabing party. Pagkagising niya ng umagang iyon, nagisnan na lang niyang nakahiga siya sa kama na wala ni isang saplot. Ang masaklap nakuha pa ng hindi niya nakikilalang estranghero ang puri na pinaka-ingat-ingatan niya. Dahil doon, pinili ni Erine na manatili muna roon. Habang inaalam pa niya kung sino ang taong dapat niyang habulin. Makakasama niya sina Gaven, Draken at Maken. Ang nag ga-gwapuhan triplets na mga binata ng Uncle Zite niya. Ngunit, mukhang hindi lang iyon ang madidiskubre ni Erine. Kung 'di ang katotohanan sa likod ng totoo niyang pagkatao. Eloiza Fernando (Babz07aziole) My Strange Uncle ©2025
Ver maisHINDI ko lubusan inasahan. Matapos ang isang nakakahiya na sitwasyon sa pagitan ng aking tatlong pinsan. Nagdesisyon akong manatili.“Okay ka lang ba Erine?” tanong sa akin ni Maken. Sa tatlo ay ito ang palagian nagtatanong sa akin kung kumusta ba ako. “Ano ba sa tingin mo?” balik-sagot ko rin naman dito. “We're sorry for causing you so much trouble,” sinsero naman nitong bigkas.Pinili ko na lamang manahimik. Sa halos dalawang araw ay manatili na muna ako roon sa Isla ni Uncle Zino Scyte. Na hindi naman nagawang salungatin ng tatlo. Mukhang nagusap usap na sila.May kutob kasi akong may mali sa mga pangyayari. At iyon ang inaalam ko pa.“Nasaan pala si Uncle Zite?” Napadako ang tingin niya sa akin sa pagtatanong ko. Nasa garden kami at nag-aalmusal. Wala sina Gaven at Draken, mukhang late na naman magigising ang mga iyon.“Bakit madalas mo siyang hanapin, Erine?" tanong nito sa akin.“Masama ba kong hanapin ko siya?” Matapang kong sinalubong ang titig niya. Nakita ko ang pag-igti
KIPKIP ang ilang aklat mula sa aking bisig ay pumasok ako ng walang ingay sa pintuan na kahoy ng aming maliit na tirahan. Kasalukuyan lang naman kaming nakatira ng aking Lola Esing sa isang napakaliit na espasyo ng isang lumang apartment dito sa lungsod ng Bidisto. Sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba kaming nagpalipat-lipat ng tirahan ng aking Lola. At dito nga sa masikip at mabahong eskwater kami ngayon nanunuluyan. Naalala ko noong maliit pa ako ay isang maayos na subdivision naman kami nakatira dati. Pero, magmula ng iwan kami ng Mama at Papa ko. Biglang nag-iba na ang lahat. At dahil wala ng ibang kamag-anak kaming natitira pa ay pinagsikapan ng aking Lola na buhayin ako ng mag-isa. Paminsan-minsan ay nagtitinda siya ng sampaguita sa harapan ng simbahan. Naglalako rin siya ng gulay sa lansangan. Matanda na si Lola, kaya ngayon, lubos akong naawa sa kalagayan na meron kami. Kung meron lang sanang ibang paraan para makaahon kami sa hirap na nararana
MAGHAHATING-GABI na noong makarating kami mula sa Isla Baluarte. As per my uncle's assistant. The mentioned island is a family inheritance. When I heard that, my eyebrows lifted; so, what does it mean? He was extremely wealthy, as he had been previously. I was astonished by what I was hearing. "Excuse me, could I just go to my room?" "I'm tired," I said, interrupting him. Nasa harapan ko siya. Habang naglalakad kami sa kahoy na tulay paakiyat mula sa hagdan na yari sa mga bato. Mula sa itaas maliwanag doon at may natatanaw kaming mga naghihintay sa amin. Nag-alis naman ng bara sa lalamunan si Mr. Alcantara, wari ay naiintindihan niya ang hinaing ko. Malayo na rin kasi ang siyudad, dahil tatlong oras din ang biyahe namin para makarating mula roon. Saka hindi ako sanay na sa dagat bumabiyahe. Mabuti at naka pair of rubber shoes lang ako. Tiyak mahihirapan ako sa pag-akiyat, dahil may katirikan din iyon. Napalunok ako at iniiwasan kong mapatingin mula sa ibaba. Takot ako sa mata
KAAGAD akong inasikaso ng mga staff sa salon na pinuntahan namin. Katulad ng pagkamangha ko ay ganoon na ganoon din mula sa pinasukan kong salon. Halos hindi ako nakaramdam ng pagkainip, habang abala sila sa akin. Hindi ko pa nga napigilan makatulog dahil sa galing ng kamay ng babaeng nagmamasahe sa akin. Ginising na lamang ako ng matapos ang session. Ramdam ko ang paggaan ng pakiramdam ko. Maging ang mukha ko na pinakialaman nila ay tila mas bumata ako. Akala ko ay doon na nagtatapos, ngunit tuluyan pa nilang nilagyan ng kung ano-ano ang aking buhok. Nagpapedicure at manicure pa ako sa kuko. Sa halos humigit kumulang na dalawang oras natapos din sila. Halos hindi ako makapaniwala sa akin nakikita mula sa salamin na nasa aking harapan. “You look perfect madame, tiyak kong lalong mas mai-inlove sa inyo ang fiancé niyong si Mr. Mendres,” papuring wika naman nito sa akin. “Sorry, p-pero hindi ko po siya fianc—” Ngunit hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng pumasok na roon si


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comentários