MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

last update최신 업데이트 : 2025-09-26
에:  FrezscheuzstStrre_18방금 업데이트되었습니다.
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
평가가 충분하지 않습니다.
6챕터
6조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

Dahil sa sobrang kalasingan, hindi namalayan ni Zea na maling silid na pala ang kanyang napasukan. At sa kanyang paggising, hindi niya inasahang makitang katabi ang kanyang boss, si Jaric Martinez. Nang subukan niyang mag-resign matapos ang nangyari sa kanila. May mga kundisyon si Jaric bago nito pirmahan ang resignation letter niya. At nag-offer ito na ipapagamot ang kapatid niya na may sakit. Iyon ang naging solusyon sa desperadong problema ni Zea kaya hindi siya nakatanggi. At doon nagsimula ang bagong yugto ng buhay ni Zea. A loveless contract marriage. Anong mangyayari kapag nagsimulang sumingit ang damdamin sa kanilang kasunduan? At paano kung unti-unti niyang nakikitang may malalim na lihim si Jaric na higit pa sa nakikita ng iba?

더 보기

1화

Prologue

MABIGAT ANG talukap ng mga mata ni Zea nang unti-unti siyang magmulat. Parang may usok sa isip niya, at ang bawat galaw ay tila nagdudulot ng panginginig sa buo niyang katawan. Mainit, at malambot sa pakiramdam. Amoy na amoy niya ang mamahaling halimuyak ng linen na hindi niya kilala.

Pag-ikot ng paningin niya, napagtanto niyang hindi ito ang kwarto niya. The walls were a deep, elegant shade of grey, with gold trimmings na para bang kinuha mula sa pahina ng isang luxury magazine. Isang malaking window ang natatakpan ng heavy blackout curtains, at sa gilid ay nakasindi ang dim light ng isang bedside lamp.

Then her heart froze.

She was naked!

Hindi basta-basta hubad, walang saplot na kahit anong pwedeng kumubli sa balat niya. Agad niyang kinuyom ang kumot, niyakap ito nang mahigpit, para bang iyon lang ang tanging depensa laban sa malamig na katotohanang gumuguhit sa utak niya.

And that’s when the memories started to crawl back, mabagal, pero unti-unting lumilinaw.

The welcoming party. Si Dasha, ang kapatid ni Jaric Martinez, ang kanyang Boss, nakangiti habang iniabot sa kanya ang baso ng champagne. Naalala niya ang tunog ng mga baso, the music, the swirl of unfamiliar faces. Laughter. Too many drinks.

Hanggang sa isang mabigat na bisig ang humawak sa kanya. A deep, masculine scent na ngayon ay masyadong pamilyar sa ilong niya. Si Jaric.

Mariin siyang napapikit, pilit pinipigilan ang mabilis na tibok ng puso niya.

Oh God…

Mula sa kabilang bahagi ng silid, narinig niya ang tunog ng tubig mula sa banyo.

Jaric was here. Parang sinampal siya ng katotohanan.

Hindi na siya nag-isip pa. Mabilis siyang tumayo, hawak pa rin ang kumot, nagmamadali sa paghahanap ng kahit anong maisusuot. Nakita niya sa isang armchair ang kanyang damit, amoy alak at pabango na hindi kanya. Dinampot niya iyon, nanginginig ang mga daliri habang isinuot.

Bawat paggalaw, may kirot na gumuguhit sa maselang bahagi ng katawan niya, isang mapanlinlang na sakit na nagsasabing may nangyari. At kahit ayaw niyang tanggapin, hindi niya kayang ipagkaila sa sarili.

Napasulyap siya sa pinto ng banyo, sarado pero malinaw ang lagaslas ng tubig.

This was her only chance.

Humigpit ang hawak niya sa bag niya, at walang paalam, walang kahit anong pag-iisip na humaharang, lumabas siya ng silid. Tahimik pero mabilis ang bawat hakbang niya sa kahabaan ng hallway, para bang may humahabol sa kanya.

Hanggang sa makalabas siya ng mansyon, doon lang siya nakahinga. The early morning air slapped her face, malamig, pero hindi sapat para burahin ang init ng hiya at takot sa dibdib niya.

Sumakay siya ng unang taxi na nadaanan niya, walang tingin sa driver, walang salitang binitiwan. Sa bawat pag-ikot ng gulong, dama niya ang matalim na kirot sa pagitan ng hita niya. Pinilit niyang huwag umiyak, pero sa dulo, ilang patak ng luha ang hindi niya napigilan.

Pagdating sa bahay, halos sumubsob siya sa kama niya.

She was safe now. Pero sa likod ng isip niya, isang tanong ang paulit-ulit na kumakagat. What exactly happened last night?

Isang katok ang nagpamulat sa kanya.

“Zea, narito si Doc. Kailangan niya raw tayong makausap,” ani ng kanyang ama.

Napabalikwas siya. Inayos muna niya ang sarili bago lumabas.

“Good morning, Ms. Belmonte,” bati ni Doc Alvarez.

“Good morning po,” sagot niya bago umupo sa kabilang sofa.

“Ngayong nandito ka na. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Nanganganib na ang buhay ni Riley. Kailangan na nating makahanap agad ng donor.”

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

“Doc, ang sabi mo may donor na. Anong nangyari? Bakit hindi na natin pwedeng gamitin?”

Kinuha nito ang isang files at inilapag sa center table. Dinampot niya ’yon at tinignan, pero wala talaga siyang naiintindihan. Tinitigan niya lang ang files.

“Before we do any transplant, we carry out series of test to make sure everything is fine with the donor...” he trails off.

“We did bunch of test on Mr. Cuevas...”

“Mr. Cuevas?” agad na tanong ni Zea.

“Yes, the donor.”

“Oh… okay,” sagot niya.

Tumikhim ang doktor at pinagpatuloy ang pagpapaliwanag.

“We found out Mr. Cuevas isn’t as healthy as he claimed to be…”

Kumunot ang noo niya. Did he catch a strange disease?

“Bata pa lamang siya ay mahilig ng uminom at manigarilyo. So, his lungs are damaged which kinda affected his kidneys.”

Kabadong tinignan ni Zea ang doktor.

“Kaya hindi natin maaaring gamitin ang kidney niya. Maghahanap na lang tayo ng mas healthy, o 'di kaya bibili na lamang kayo.”

“Magkano ba, Doc?” tanong ng kanyang ama.

Dr. Alvarez shuts his eyes briefly, huminga ito ng malalim bago nagsalita.

“Nine million.”

Nalaglag ang panga ni Zea sa narinig.

“N-nine, what?”

Pakiramdam niya biglang lumaki ang ulo niya sa narinig.

“Ms. Belmonte?” tawag ni Dr. Alvarez nang bigla siyang natulala.

She blinked and stared at him blankly.

“Doc, ca…can’t we find another alternative—”

“Magbabayad kami kahit magkano. Basta siguraduhin ninyong gagaling ang anak ko,” ani ni Ronan.

“Makaka-asa kayo,” sagot ng doktor.

Tumango ang kanyang Papa. Mukhang desidido itong magbayad ng malaki.

“Pa…” sumandal si Zea sa sofa at hinilot ang noo niya. This nine million has given her a sudden headache.

“I’d advise you start planning the surgery. But we’ll still try to make him feel better as much as the medications are still working... just hurry up a little bit.”

“Thank you, Doc.”

Kinuha ni Dr. Alvarez ang file sa table. Tumayo rin ang kanyang Papa at nakipagkamayan dito.

Tumayo rin si Zea, then she stretched out her hand and shook hands with Dr. Alvarez.

Nagpaalam ang doktor at saka umalis.

“Don’t worry, hija. Hindi ako papayag na may mangyari sa kapatid mo. Hahanap ako ng paraan upang may pangbayad tayo,” paninigurado nito.

Marahan lamang siyang tumango. Alam niyang mahirap maghanap ng pera. May stable na trabaho ang kanyang Papa sa company pero hindi sapat ’yon. Hindi rin siya sigurado kung may mai-aambag ba siya. Kailangan niyang maghanap ng trabaho, magre-resign siya bilang secretary ni Jaric Martinez.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

댓글

댓글 없음
6 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status