Chapter 124 - Double standard?Paglabas naming ng kuwarto ay inumpisahan naman ni Paul ang pagligpit ng mga kalat sa sala at kusina. Naghanda ako ng simple at mabilisang pagkain kaya pinagsaluhan naming tatlo ang niluto kong noodle soup, egg sandwich at kape. Sa hapag kainan, tinanong ni Paul si James, “Pare, ano ba ang nangyari sa iyo? Pinabayaan mo na ang sarili mo pati ba naman negosyo ninyo pinabayaan mo na rin?”“Kasalanan ko lahat ang nangyari! Pabayaan na ninyo ako!” lulugu-lugong sabi ni James.“James, ayaw mo na bang mabuhay?” tanong ko sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. “Paano ako? I need you, James. I love you!” “Mahal mo pa rin ako sa kabila ng pagtataksil ko sa iyo?” nagtatakang tanong ni James. “Dapat sa iyo gawan ng monumento sa Luneta sa pagiging isang martir!”“Martir na kung martir! Basta ikaw ang magpapagawa ng rebulto ko. Yung maganda ha?” pabiro kong sabi kay James.“Alam nyo? Bagay nga kayo sa isa't isa. Seryoso na ang usapan, nakakapagbiro pa kayo!
Chapter 123 – Nagpabaya.Kulang dalawang buwan magmula ng madiskubre kong may babae nga si James at buntis pa! Nalungkot ako sa mga nabalitaan kong pagpapabaya ni James sa kanyang sarili at negosyo kaya nanaig ang awa at pagmamahal ko sa kanya. Bagama't pinagtaksilan niya ako, tutulungan ko pa rin siyang makabangon.Nang gabing iyon, kumatok sa kuwarto ko si Kuya Phillip. “George, malungkot ka na naman! Dumating na ang resulta ng imbestigasyon ng private detective ng ating kumpanya. Ayon sa kanya, si Michelle ay dating empleyado ni James sa kanyang kumpanya. Baguhan pa lang ito pero pagkaraan ng dalawang buwan ay bigla itong nagresign. Ayon sa Philippine Statistics Office, tatlong taon ng may-asawa ang babae at nakatira ito sa Pasay kasama ang kanyang asawa, magulang at dalawang kapatid na lalaki. Walang trabaho ang kanyang asawa at mga kapatid kaya malamang kaysa hindi, kay James sila umaasa at kumukuha ng pangastos. Buntis ang babae at ayon sa PI, malapit na raw itong manganak.”
Chapter 122 – Wasted!Nagising na lang ako kinabukasan na masakit ang ulo ko. Medyo nahihilo pa nga ako. Madilim sa kuwarto. May nakadagan na braso sa aking beywang at wala akong saplot! “God! Ano na naman ang kinasangkutan ko? Wala akong maalala?” sabi ko sa sarili.Tinangka kong bumangon kaya nagising ang katabi ko. “George? Are you okay?” tinig ng lalaki na parang malayo sa aking pandinig.“James???” sabi ko. Yun lang at nahilo na naman ako.Pagmulat ko ng aking mga mata at nakatanghod sa akin si James. “James? Nasaan ako?” tanong ko sa kanya. “Masakit ang ulo ko!”“Nandito ka sa condo ko. Tinawagan ako ni Ana kagabi dahil lasing na lasing ka. Hindi niya alam kung saan ka nakatira kaya hindi ka niya maihatid. Ako ang naisip niyang tawagan. Bakit ka ba naglasing?” sagot ni James. “Apparently, hindi ka kumain ng lunch, tapos uminom ka pa ng beer, kaya mabilis kang nalasing. Inumin mo ito para mawala yang hangover at sakit ng ulo mo.”“Bakit nakahubad ako?” nagtataka kong tanong
Chapter 121 - Asawa ni James!Sumapit ang Lunes. Sinadya kong magpunta sa opisina ni James ng maaga upang datnan ako doon ng babae ni James na si Michelle. Kuntodo make-up ako. Inayos ko talaga ang aking sarili na kapag nakasalubong mo ako ay makikilala mo agad na ako si Love, ang sikat na modelo. Isang kulay pulang sleeveless na fitting dress at above the knee ang haba ang suot ko na tinernohan ko ng five inches na pulang stilleto heels sandals. Sa lobby pa lang ng opisina ni James hanggang sa pagsakay ko ng elevator ay panay ang bati sa akin ng mga tao. “Hello, Love!” excited na bati ng isang babae.“Good morning Ms. Love! Puwede pong magpapicture?” request ng isang lalaki.“Okay!” sagot ko hanggang sa makarating ako ng penthouse office ni James ng 10:30 ng umaga. Agad naman akong pinapasok ng secretary ni James sa loob kahit na wala akong appointment ng oras na iyon.Subsob sa kanyang binabasa si James kaya nagulat siya ng pagpasok ko ay, “Good morning, Mr. Vergara!” bati ko
Chapter 120 - Michelle Lumuhod si James sa tapat ko at humingi ng kapatawaran. “Patawarin mo ako George sa mga ginawa ko sa iyo, sa mga pasakit na idinulot ko sa buhay mo na muntik mo ng ikamatay, sa lungkot at galit na namuo sa iyong puso sa matagal na panahon at sa pagkawala mo ng tiwala sa mga lalaki.” mangiyak-ngiyak na sabi ni James. “James, matagal na kitang pinatawad. Ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin ang bumura sa galit at poot na naghahari sa aking puso.” sagot ko kay James“I love you, George!” bulong ni James sa akin. “I will cherish you and will always take care of you!”“I love you too, James!” mahina ko ring sagot sa kanya.Lumapit sa amin ang Mommy ni James at niyakap niya kaming dalawa! “I am so sorry, George, for all the pain that my son had caused you. I am sorry too dahil pinagbintangan kita agad na gold digger.” sabi ng Mommy ni James. “Nakakahiya tuloy sa Mama mo, kay Emily, at sa mga masamang nasabi ko sa iyo.”“I am sure kapag nagkausap kayo ni Ma
Chapter 119 - I am Sorry!Lumipas ang isang linggo, tumawag sa akin si James.. Susunduin daw niya ako ng umaga sa bahay nina Mama. Dahil weekend naman, pumayag ako. Ten minutes bago sumapit ang takdang oras para sunduin ako ni James ay nasa driveway na ako ng bahay namin at hinihintay siya. Nang makita ko na ang Lexus ni James ay lumabas na agad ako ng gate at sinalubong ang kanyang sasakyan.“O, bakit lumabas ka na? Ayaw mo ba akong makita ng mga magulang mo?” nagtatakang tanong ni James.“Hindi naman! Nasa labas na talaga ako!” sagot ko. Kaya naman ako lumabas ng maaga ay baka makita niya si JJ. “Saan ba tayo pupunta at napakaaga naman!”“Sa Corinthian, kina Mommy.” sagot ni James.“Ha??? Bakit tayo pupunta doon? Baka lait-laitin na naman ako ng Mommy at kapatid mo! Ayokong pumunta doon! Pababain mo na ako dito! Ayaw ko talaga!” madiin kong sabi.“George... walang mangyayari sa atin kung hindi natin haharapin ang mga issues sa ating relasyon! Napaliwanagan ko na sina Mommy a