Home / Romance / My Deepest, Darkest Secret! / Chapter 78- Lovr, Wala ng Atrasan Ito!

Share

Chapter 78- Lovr, Wala ng Atrasan Ito!

Author: Megan Lee
last update Last Updated: 2025-05-22 10:24:49

Chapter 78 - Love, wala ng atrasan ito!

“Bakit kaya ayaw pa ni James na umuwi na kami? Baka iniiwasan niyang mag-lovemaking kami. Nakita kasi niya kanina ang hitsura ko ng pag-usapan namin ang honeymoon.” sabi ko sa sarili.

“Saan naman tayo pupunta?” usisa ko kay James.

“Dito lang sa hotel. Sa may Mayfair Supper Club.” sabi ni James. “Makikita mo sa loob ng club ang dancing Fountains of Bellagio na nagpapalit ng kulay. May live performances din dito.

“A, okay!” pagpayag ko. “Pero hindi ako umiinom ng alak!”

“Ayos lang yun!” pagsang-ayon ni James. “Alam mo? Halos gabi-gabi kami ni Paul dito noon. Para daw akong tanga na kapag lasing na ay pangalan mo ang tinatawag ko.”

“Talaga??? E bakit hinintay mo pa ang isang linggo bago ka nakipagkita sa akin? Alam mo naman ang address ng apartment ko dahil ikaw ang nagbayad ng renta nun. Sa Mall mo pa ako sinundan!” tanong ko kay James.

“Nahihiya kasi ako sa iyo. Lalo na nung makita ko ang laman ng sobreng binigay mo sa akin. Sinoli mo a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 126 - Ang Tanga ni James.

    Chapter 126 – Ang Tanga ni James!Alas nuwebe ng umaga na kami nakarating sa bahay ng Mommy ni James sa Corinthian Gardens. Nandoon na si Kuya Phillip at Atty. Ramirez, ang lawyer na kaibigan ng Daddy ni James. Nasa dining table at nag-aalmusal ang Mommy at Daddy ni James kasama sina Kuya Phillip at Atty Ramirez ng dumating kami ni James.“Halika na kayong dalawa. Join us for breakfast.” aya ng Daddy ni James.“James! Ano ang nangyari sa iyo?!?! Ang payat mo at nangangalumata pa yang mga mata mo!” gulat na sabi ng Mommy ni James. “Ninang Rose, kung nakita mo siya kahapon lalo mo siyang hindi makikilala. Para siyang taong grasa! Mahaba ang buhok, bigote at balbas! At ang baho-baho!” sabi ko.Lumapit naman si James sa Mommy niya at hinalikan ito sa pisngi. “Bakit nandito sina Atty. Ramirez at Phillip?” tanong ni James sa kanyang Daddy. “May problema ba?”“Ikaw ang problema, James! Pinapabayaan mo ang iyong sarili. Pati negosyo natin, pinabayan mo na rin!” sagot ng Daddy ni James.

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 125 - Isa pa?

    Chapter 125 - Isa pa?Sa condo ni James ako matutulog ngayon gabi. At least kahit isang gabi ay mabantayan, mapakain at mapatulog ko siya. Balak ko kasing patirahin siya sa Mommy niya kahit isang buwan lang. Pinalitan ko ng fresh beddings ang kama niya para malinis at mabango ito. Maaga kaming kumain ng hapunan kaya alas sais pa lang ng hapon ay pinag-hot shower ko ulit si James para masarap ang kanyang tulog. Tunay nga, wala pang 15 minutes ay parang baby na himbing na himbing sa pagtulog si James. Naligo na rin ako habang nakasalang sa automatic washing machine ang mga damit ko at ni James. Pagkatapos maligo ay yung spare na roba ni James ang ginamit ko. Tinawagan ko ang Mommy ni James gamit ang cellphone niya. “Hello, Ninang Rose, si George po ito! Nandito ako sa condo ni James ngayon. Gusto ko pong magrequest sa inyo. Puwede po bang sa inyo muna tumira si James para may kasama siya at para mabantayan kung kumakain siya?” pakiusap ko sa kanya.“George, ihatid mo siya dito bu

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 124 - Double Standard

    Chapter 124 - Double standard?Paglabas naming ng kuwarto ay inumpisahan naman ni Paul ang pagligpit ng mga kalat sa sala at kusina. Naghanda ako ng simple at mabilisang pagkain kaya pinagsaluhan naming tatlo ang niluto kong noodle soup, egg sandwich at kape. Sa hapag kainan, tinanong ni Paul si James, “Pare, ano ba ang nangyari sa iyo? Pinabayaan mo na ang sarili mo pati ba naman negosyo ninyo pinabayaan mo na rin?”“Kasalanan ko lahat ang nangyari! Pabayaan na ninyo ako!” lulugu-lugong sabi ni James.“James, ayaw mo na bang mabuhay?” tanong ko sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. “Paano ako? I need you, James. I love you!” “Mahal mo pa rin ako sa kabila ng pagtataksil ko sa iyo?” nagtatakang tanong ni James. “Dapat sa iyo gawan ng monumento sa Luneta sa pagiging isang martir!”“Martir na kung martir! Basta ikaw ang magpapagawa ng rebulto ko. Yung maganda ha?” pabiro kong sabi kay James.“Alam nyo? Bagay nga kayo sa isa't isa. Seryoso na ang usapan, nakakapagbiro pa kayo!

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 123 - Nagbabaya

    Chapter 123 – Nagpabaya.Kulang dalawang buwan magmula ng madiskubre kong may babae nga si James at buntis pa! Nalungkot ako sa mga nabalitaan kong pagpapabaya ni James sa kanyang sarili at negosyo kaya nanaig ang awa at pagmamahal ko sa kanya. Bagama't pinagtaksilan niya ako, tutulungan ko pa rin siyang makabangon.Nang gabing iyon, kumatok sa kuwarto ko si Kuya Phillip. “George, malungkot ka na naman! Dumating na ang resulta ng imbestigasyon ng private detective ng ating kumpanya. Ayon sa kanya, si Michelle ay dating empleyado ni James sa kanyang kumpanya. Baguhan pa lang ito pero pagkaraan ng dalawang buwan ay bigla itong nagresign. Ayon sa Philippine Statistics Office, tatlong taon ng may-asawa ang babae at nakatira ito sa Pasay kasama ang kanyang asawa, magulang at dalawang kapatid na lalaki. Walang trabaho ang kanyang asawa at mga kapatid kaya malamang kaysa hindi, kay James sila umaasa at kumukuha ng pangastos. Buntis ang babae at ayon sa PI, malapit na raw itong manganak.”

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 122 - Wasted

    Chapter 122 – Wasted!Nagising na lang ako kinabukasan na masakit ang ulo ko. Medyo nahihilo pa nga ako. Madilim sa kuwarto. May nakadagan na braso sa aking beywang at wala akong saplot! “God! Ano na naman ang kinasangkutan ko? Wala akong maalala?” sabi ko sa sarili.Tinangka kong bumangon kaya nagising ang katabi ko. “George? Are you okay?” tinig ng lalaki na parang malayo sa aking pandinig.“James???” sabi ko. Yun lang at nahilo na naman ako.Pagmulat ko ng aking mga mata at nakatanghod sa akin si James. “James? Nasaan ako?” tanong ko sa kanya. “Masakit ang ulo ko!”“Nandito ka sa condo ko. Tinawagan ako ni Ana kagabi dahil lasing na lasing ka. Hindi niya alam kung saan ka nakatira kaya hindi ka niya maihatid. Ako ang naisip niyang tawagan. Bakit ka ba naglasing?” sagot ni James. “Apparently, hindi ka kumain ng lunch, tapos uminom ka pa ng beer, kaya mabilis kang nalasing. Inumin mo ito para mawala yang hangover at sakit ng ulo mo.”“Bakit nakahubad ako?” nagtataka kong tanong

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 121 - Aaawa ni James.

    Chapter 121 - Asawa ni James!Sumapit ang Lunes. Sinadya kong magpunta sa opisina ni James ng maaga upang datnan ako doon ng babae ni James na si Michelle. Kuntodo make-up ako. Inayos ko talaga ang aking sarili na kapag nakasalubong mo ako ay makikilala mo agad na ako si Love, ang sikat na modelo. Isang kulay pulang sleeveless na fitting dress at above the knee ang haba ang suot ko na tinernohan ko ng five inches na pulang stilleto heels sandals. Sa lobby pa lang ng opisina ni James hanggang sa pagsakay ko ng elevator ay panay ang bati sa akin ng mga tao. “Hello, Love!” excited na bati ng isang babae.“Good morning Ms. Love! Puwede pong magpapicture?” request ng isang lalaki.“Okay!” sagot ko hanggang sa makarating ako ng penthouse office ni James ng 10:30 ng umaga. Agad naman akong pinapasok ng secretary ni James sa loob kahit na wala akong appointment ng oras na iyon.Subsob sa kanyang binabasa si James kaya nagulat siya ng pagpasok ko ay, “Good morning, Mr. Vergara!” bati ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status