Nakailang ikot na ako sa bayan at isang bar lang ang nakita ko. Tanging letrang L-M lang ang mababasa na pangalan ng bar na iyon.
Pagpasok ko pa lang ay may isang lalaking staff na agad ang sumalubong sa akin."VIP ma'am?" tanong nito sa akin."No. bago lang ako dito!" at nginitian ko ito."Welcome ma'am!" at binigyan niya ako ng daan upang makapasok na sa loob.Hinanap ko agad ang counter upang magorder ng drinks."Give me one Tequila shots!" usal ko sa bartender. Umupo ako sa upuan malapit sa counter kung saan kitang kita ko ang kabuoan ng loob ng bar. May kakaunti ng naroon. Mga nag-iinom at nagsasayawan. Maaga pa kaya paunti-unti pa lang nagsisidatingan ang mga tao.Mukhang mga mayayaman lang ang halos ang nagpupunta sa bar na ito.Agad naman inabot sa akin ng bartender ang order ko. Ngumiti pa ito sa akin pagkatapos kaya naman nginitian ko din ito."Bago lang kayo dito, ma'am?" tanong naman nito sa akin. Napansin ko naman simpleng tumitingin ito sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng pagkailang dito."Yeah!" tipid kong tugon dito."Wala ka bang ibang mga kasama, ma'am?" Muli nitong tanong sa akin."Mag-isa lang ako!" Pinagmasdan ko ito. Hindi maikakailang gwapo ito at mukha namang mabait.Hindi na ako muling kinausap nito dahil may mga customer na lumapit dito. Ininom ko ang alak na hawak ibinigay niyo at naramdaman ko ang init na gumuhit sa aking lalamunan.Sanay na akong pumunta ng mga bar dahil lagi akong sinasama ng mga katrabaho ko sa Spain. Ngunit limitado lang ang iniinom ko dahil ayaw malaman ng nobyo ko na ako'y naglalasing. Minsan na akong nalasing at naging dahilan iyon ng pag-aaway namin.Ngunit iba ngayong gabi. Gusto kong maglasing. Makalimutan ang gumugulo sa aking isipan. Iba ang pakiramdam ko sa Madi na iyon. Alam kong matagal na itong may gusto sa aking nobyo. May tiwala naman ako sa nobyo ko pero sa babaeng iyon ay wala. Kailangan ko na sigurong makauwi ng Spain sa lalong madaling panahon."Isang order pa nga, please!" wika ko sa bartender na agad naman akong binigyan.Agad ko iyong ininom at humingi pa ulit ng isa. Napakamot naman sa ulo ang bartender ngunit wala itong nagawa kundi bigyan pa siya ng isang baso."Heto na po ma'am! hinay hinay lang dahil malakas po ang tama niyan!" sabay kindat nito sa akin.Hindi ko ito pinansin sa halip ay ininom ko ulit ang binigay nitong alak. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo ng inomin ko ang alak."Asan ba ang Cr dito?" tanong ko sa bartender.Agad naman itong itinuro sa akin ang Cr kung saan ito naroroon. At nang akmang tatayo na ako mula sa kanyang pagkakaupo ay muntik na akong matumba, mabuti na lang at may humawak sa akin."Are you okay?" Tanong ng lalaking umalalay sa akin."Yeah! Thank you!" sagot ko naman dito. Mukhang pamilyar sa akin ang boses ng lalaki. Hindi ko naman ito mamukhaan dahil sa hilo at umiikot na ang aking paningin.Nakakatatlong shots pa lang ako kaya nakapagtatakang lasing na agad ako.Pilit akong tumayo ng tuwid at inayos ang tumaas kong damit. Maya-maya pa ay naramdaman kong may sinuot na jacket sa akin ang lalaking iyon."Sa susunod huwag kang mag-iinom dito ng mag-isa!" tila galit nitong sabi.Lumingon lingon ako sa paligid. Ako ba kausap ng lalaking ito?"Excuse me! A-ako ba kausap mo?" tinuro ko pa ang sarili ko.Pero sa halip na sagutin niya ako ay binalingan nito ang bartender at binigyan ng masamang tingin."S-sorry boss! H-hindi ko ho alam na girlfriend mo siya!" nakayukong paliwanag ng bartender sa lalaking kaharap ko.Girlfriend? Sinong tinutukoy na girlfriend ng lalaking toh. Hindi ako makapag-isip ng maayos ng oras na iyon dahil masakit ang ulo ko."Sorry ho, ma'am!" hinging paumanhin nito sa akin."Huh? A-ahh! b-bakit ka naman nagsosorry pogi!" Binigyan ko pa ito ng matamis na ngiti.Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at kunot-noong tumingin ito sa akin. Pagkatapos ay binigyan nito muli ng masamang tingin ang bartender."S-sige h-ho s-sir, alis na ho ako!" utal-utal na saad ng bartender. Bakas sa mukha nito ang takot."Anong nangyari dun?" tanong ko sa lalaki. Bigla na lang ako nitong hinila papalapit sa kanya at naramdaman ko na lang na naglapat ang aming mga labi.Naramdaman kong hinila niya ako palabas sa lugar na iyon.****"S-saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa binata. Ilan minuto na kaming nasa loob ng sasakyan nito ngunit hindi pa kami umaalis. Nasa labas pa rin kami ng bar kung saan nakaparking ang sasakyan nito.Hindi ito nagsalita sa halip ay matamang tinititigan lang ako nito. Hindi ko mawari kung galit ba ito. Parang hindi tuloy ako makahinga dahil dito. Unti-unting umiinit ang aking pakiramdam, hindi ko na maramdaman ang lamig sa loob ng sasakyan kahit malakas na ang aircon nito."P-pwede bang pa-open ng b-bintana.. mainit k-kase!" mahinang usal ko dito. Tinanggal ko ang sinout nitong jacket sa akin kanina ngunit mainit pa rin ang pakiramdam ko.'Shit! ano bang nangyari sa akin? Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan."I'll kill that fucking bastard!!" Sigaw nito na ikinagulat ko. Napasuntok pa ito sa manibela ng sasakyan."B-bakit ka ba nagagalit?" Nalilito kong tanong dito.Napailing lang ito at marahang hinawakan ang aking mukha. Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya. Marahil ay nakainom na din ito.Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya upang maabot ko ang malambot na labi ng lalaki. Marahan akong pumikit upang damhin ang bawat halik nito. Hindi ko alam kong bakit pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako sa halik ng lalaking nasa harap ko."Stop it, Rhian!" tutol ng lalaki ng magsimulang maglikot ang aking mga kamay sa katawan nito."P-pero bakit?" Nagtataka ako dahil tila ba hindi nito nagugustuhan ang ginagawa ko."Nilagyan ng pills ang alak na ininom mo kanina ng gagong 'yon!" Tiim-bagang sambit nito."Yong bartender?" 'Di makapaniwang tanong ko dito.Tumango lang ito sa akin saka pumikit ng mariin."Anong pills?" muli kong tanong dito. Pilit kong nilalabanan ang init na nararamdaman ko, ito siguro 'yong epekto ng gamot na nilagay sa inumin ko.Logan Montereal's Point of ViewFvck! Malulunod siya kung mapupunta siya sa mamalim na iyon. Hindi ba siya nag-iisip?" Galit kong usal. Nilingon ko sila Drew kung nasaan sila at hindi manlang nila napapansin ang babae.Mabilis kong pinuntahan si Rhian. Sakay ng bangka ay unti-unti akong lumapit sa kanya. "Oh, holy shit! Nalulunod na siya." Agad akong tumalon sa bangka upang sagipin siya. Dali-dali kong hinila ang babae sa mababaw na parte ng dagat."Oh my God! Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Alisha nang makita niyang buhat-buhat ko si Rhian habang walang malay."Muntik na siyang malunod. Nakainom na rin siya ng maraming tubig." Malamig ang boses kong usal. Lahat naman ay natulala. Wala silang kaalam-alam na nalulunod pala ito.Agad kong nilapatan nang paunang lunas ang babae ngunit hindi pa rin ito nagigising."Bitawan mo ang mommy ko!" Galit na usal ni Zane.Halos hindi naman ako makakibo nang marinig ko ang malamig na boses ng aking anak. Hindi ko kayang salubungin an
Logan Montereal's Point of ViewParahes kaming nakahiga ngayon ni Rhian sa malambot na kama at kapwa wala kaming saplot sa katawan. Matapos ng ilang beses namin pagniniig ay para kaming mga lantang gulay na nakabalot sa makapal na kumot. Naka-unan siya sa aking mga braso, samantalang ang kanyang mga braso at binti ay nakadantay naman sa akin.Marahan kong hinalikan ang kanyang noo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako makapaniwalang asawa ko na siya ngayon."Kung hindi mo sana ako nilapitan noong gabing iyon, hindi sana kita nakilala." Ani ni Rhian na bahagyang tumingala pa sa akin.Matamis akong napangiti sa kanya at muling binalikan ang mga sandali kung saan kami unang nagkita.***Flashback***Habang nag-iinom kaming magpipinsan sa kabilang cottage ng gabing kasal ni Cedrick ay napansin ko ang isang babae na nagpunta sa tabing dagat kung saan madilim sa gawing iyon. Marami na rin ang mga lasing sa paligid.Pag-aari ko ang resort kung saan ginanap ang kasal ng aking pinsan at aya
Rhian's Point of View"Saan ninyo dadalhin ang anak ko? Bitawan ninyo siya!" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking naka-itim. Hawak-hawak nila si Zane habang wala itong malay.Halos kapusin ako nang hininga dahil sa takot na nararamdaman ko.Napagawi ang aking tingin sa kabilang dako. Hawak-hawak din nila si Logan. Sugatan ang katawan nito at may tali ang kanyang mga kamay at paa."Anong kailangan n'yo sa amin? Pakawalan ninyo ang aking mag-ama. Paki-usap." Humagulgol kong usal sa mga ito."Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa, namimili ka!" Matigas ang boses na usal ng lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang kanilang mga mukha. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko kayang mamimili. "No! Parahes ko silang pipiliin. Ako na lang. Ako na lang kunin ninyo. Huwag ang aking mag-ama." Nagmamakaawa kong usal sa mga ito.Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may narinig akong sunod-sunod na mga putok."Logaaan!" Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan nang makita ko
Rhian's Point of ViewIsang linggo na ang nakalipas at ngayong araw lalabas ng ospital si Logan. Pinayagan naman siya ng doktor sa bahay na lamang siya magpagaling.Nandito pa ako ngayon sa condo niya at maya-maya lamang ay pupunta na rin ako ng ospital para sunduin sila.Masaya kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng malaking salamin.Nagsuot lamang ako ng simpleng bestida na medyo maluwang sa akin dahil lumalaki na ang aking tiyan. Marahan kong hinimas-himas iyon habang nakangiti. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ito."Ms. Rhian, handa na po ang sasakyan." Ani Brooks na kararating lamang.Tumango lamang ako dito at saka sumunod na rin sa kanya. Simula noong nangyari ang pangingidnap sa amin ni Vera ay mas naging alerto na si Brooks. Bantay sarado na rin ako dito at hindi ako basta-basta nakaka-alis ng hindi ito kasama.Mas naging mahigpit na rin ang seguridad na pinatupad ni Logan sa kanyang mga tauhan."Sa prisinto muna tayo, Brooks." Naghihintay na sa akin ang mag-ama
Rhian's Point Of View"Sa simbahan na tayo tumuloy, Brooks." Napalingon naman ako kay Elijah. Akala ko ba ayaw nilang doon kami magtuloy?"Sigurado ka ba, Elijah? Delikado doon kapag nagkasagupa ang mga tauhan ni Logan at Vera." Seryosong usal naman ni Brooks.Mas nadagdagan naman ang pag-aalala ko para sa lalaki. Paano kung may masamang mangyari dito?"Sa ospital tayo." Malamig ang boses na usal ni Zane.Napatingin naman kaming lahat dito. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mukha ng aking anak na punong-puno nang pag-aalala."A-anong gagawin natin sa ospital, anak?" Kinakabahan kong usal dito. Ayaw kong isipin na may masamang nangyari sa ama nito. "M-may nangyari bang masama sa daddy mo?" "I don't know, mommy. Pero wala na sa simbahan si daddy. Nasa ospital siya ngayon base sa tracking na nakasaad sa kanyang cellphone."Narinig ko naman na napamura si Drew. Kinuha nito ang kanyang cellphone at ilang saglit lang ay may kausap na ito. "Anong nangyari kay Logan?" "Boss, naba
Third Person's Point of ViewPagkadating pa lamang ni Logan ng Spain ay agad siyang bumyahe pabalik ng Pilipinas. Masama ang kutob niyang may hindi magandang nangyayari.Lalo pang nadagdagan ang kanyang pagdududa nang makatanggap siya ng mensahe galing kay Rhian. Tinawagan niya ito ngunit hindi na niya makontak."Sir, nawawala po ang iyong mag-ina." Ani Brooks nang sagutin nito ang tawag ni Logan.Napamura naman si Logan. Hindi siya mapakali habang nasa byahe. Tiningnan niya ang lokasyon kung nasaan si Zane. Marahil ay magkasama ang kanyang mag-ina.Agad naman niyang nakita kung nasaan ang kanyang mag-ina. Tinawagan niya sina Drew at Elijah. Ngunit bago pa man niya sabihin dito ang tungkol sa pagkawala ng kanyang mag-ina ay alam na pala ng mga ito dahil nag-text na sa kanila si Rhian.Hindi niya maiwasan magtampo kay Rhian dahil tila may tiwala pa ang babae sa kanyang mga pinsan kaysa sa kanya. Hindi rin agad makakarating ang kanyang mga pinsan dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Ha