Rhian's Point Of View"Sa simbahan na tayo tumuloy, Brooks." Napalingon naman ako kay Elijah. Akala ko ba ayaw nilang doon kami magtuloy?"Sigurado ka ba, Elijah? Delikado doon kapag nagkasagupa ang mga tauhan ni Logan at Vera." Seryosong usal naman ni Brooks.Mas nadagdagan naman ang pag-aalala ko para sa lalaki. Paano kung may masamang mangyari dito?"Sa ospital tayo." Malamig ang boses na usal ni Zane.Napatingin naman kaming lahat dito. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mukha ng aking anak na punong-puno nang pag-aalala."A-anong gagawin natin sa ospital, anak?" Kinakabahan kong usal dito. Ayaw kong isipin na may masamang nangyari sa ama nito. "M-may nangyari bang masama sa daddy mo?" "I don't know, mommy. Pero wala na sa simbahan si daddy. Nasa ospital siya ngayon base sa tracking na nakasaad sa kanyang cellphone."Narinig ko naman na napamura si Drew. Kinuha nito ang kanyang cellphone at ilang saglit lang ay may kausap na ito. "Anong nangyari kay Logan?" "Boss, naba
Rhian's Point of ViewIsang linggo na ang nakalipas at ngayong araw lalabas ng ospital si Logan. Pinayagan naman siya ng doktor sa bahay na lamang siya magpagaling.Nandito pa ako ngayon sa condo niya at maya-maya lamang ay pupunta na rin ako ng ospital para sunduin sila.Masaya kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng malaking salamin.Nagsuot lamang ako ng simpleng bestida na medyo maluwang sa akin dahil lumalaki na ang aking tiyan. Marahan kong hinimas-himas iyon habang nakangiti. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ito."Ms. Rhian, handa na po ang sasakyan." Ani Brooks na kararating lamang.Tumango lamang ako dito at saka sumunod na rin sa kanya. Simula noong nangyari ang pangingidnap sa amin ni Vera ay mas naging alerto na si Brooks. Bantay sarado na rin ako dito at hindi ako basta-basta nakaka-alis ng hindi ito kasama.Mas naging mahigpit na rin ang seguridad na pinatupad ni Logan sa kanyang mga tauhan."Sa prisinto muna tayo, Brooks." Naghihintay na sa akin ang mag-ama
Rhian's Point of View"Saan ninyo dadalhin ang anak ko? Bitawan ninyo siya!" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking naka-itim. Hawak-hawak nila si Zane habang wala itong malay.Halos kapusin ako nang hininga dahil sa takot na nararamdaman ko.Napagawi ang aking tingin sa kabilang dako. Hawak-hawak din nila si Logan. Sugatan ang katawan nito at may tali ang kanyang mga kamay at paa."Anong kailangan n'yo sa amin? Pakawalan ninyo ang aking mag-ama. Paki-usap." Humagulgol kong usal sa mga ito."Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa, namimili ka!" Matigas ang boses na usal ng lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang kanilang mga mukha. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko kayang mamimili. "No! Parahes ko silang pipiliin. Ako na lang. Ako na lang kunin ninyo. Huwag ang aking mag-ama." Nagmamakaawa kong usal sa mga ito.Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may narinig akong sunod-sunod na mga putok."Logaaan!" Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan nang makita ko
Logan Montereal's Point of ViewParahes kaming nakahiga ngayon ni Rhian sa malambot na kama at kapwa wala kaming saplot sa katawan. Matapos ng ilang beses namin pagniniig ay para kaming mga lantang gulay na nakabalot sa makapal na kumot. Naka-unan siya sa aking mga braso, samantalang ang kanyang mga braso at binti ay nakadantay naman sa akin.Marahan kong hinalikan ang kanyang noo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako makapaniwalang asawa ko na siya ngayon."Kung hindi mo sana ako nilapitan noong gabing iyon, hindi sana kita nakilala." Ani ni Rhian na bahagyang tumingala pa sa akin.Matamis akong napangiti sa kanya at muling binalikan ang mga sandali kung saan kami unang nagkita.***Flashback***Habang nag-iinom kaming magpipinsan sa kabilang cottage ng gabing kasal ni Cedrick ay napansin ko ang isang babae na nagpunta sa tabing dagat kung saan madilim sa gawing iyon. Marami na rin ang mga lasing sa paligid.Pag-aari ko ang resort kung saan ginanap ang kasal ng aking pinsan at aya
Logan Montereal's Point of ViewFvck! Malulunod siya kung mapupunta siya sa mamalim na iyon. Hindi ba siya nag-iisip?" Galit kong usal. Nilingon ko sila Drew kung nasaan sila at hindi manlang nila napapansin ang babae.Mabilis kong pinuntahan si Rhian. Sakay ng bangka ay unti-unti akong lumapit sa kanya. "Oh, holy shit! Nalulunod na siya." Agad akong tumalon sa bangka upang sagipin siya. Dali-dali kong hinila ang babae sa mababaw na parte ng dagat."Oh my God! Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Alisha nang makita niyang buhat-buhat ko si Rhian habang walang malay."Muntik na siyang malunod. Nakainom na rin siya ng maraming tubig." Malamig ang boses kong usal. Lahat naman ay natulala. Wala silang kaalam-alam na nalulunod pala ito.Agad kong nilapatan nang paunang lunas ang babae ngunit hindi pa rin ito nagigising."Bitawan mo ang mommy ko!" Galit na usal ni Zane.Halos hindi naman ako makakibo nang marinig ko ang malamig na boses ng aking anak. Hindi ko kayang salubungin an
Rhian Monleon's Points of ViewMalamig na hangin ang dumadampi sa aking manipis at makinis na balat sa mga oras na ito. Nililipad ng hangin ang malambot at mahahaba kong buhok, damang dama ko din ang bawat hampas ng hangin sa aking katawan dahil manipis ang suot kong mini-dressNandito nga pala ako sa Villa Rocca. Ang pinaka sikat na beach resort sa buong isla ng Marinduque. Balita ko ay mayamang binata ang nakabili ng resort na ito. Limang taon na akong hindi nakauwi ng Pilipinas lalo na dito sa probinsya dahil masyado akong busy sa trabaho sa Spain. Tinutulungan ko ang aking nobyo upang makabawi ang kumpanya nito mula sa pagkakalugi. Wala na rin naman akong pamilya dito maliban kila Aling Mila at Mang Abi.Maagang nawala ang aking mga magulang dahil naaksidente ang sinasakyan nito. Tanging naiwan na lang ng mga ito sa akin ay isang malawak na lupain at ang mansyon.Napatingin ako sa hawak kong baso na may laman pang alak. Marami-rami na din ang akong nainom mula pa kanina.Tila isan
Naramdaman ko na lang mga braso nito na nakapulupot na sa aking baywang. Nakaharap ako sa kanya kaya naman ramdam na ramdam ko ang mainit at mabango nitong hininga.Gusto kong pumiglas ngunit tila wala akong lakas na gawin iyon. Ano bang mayroon sa lalaking ito bakit tila kusang sumusunod ang aking katawan sa kanya.Napatitig ako sa kanyang mga mata hanggang marating ng aking paningin ang labi niya. Kinagat ko ang mga labi ko upang pigilan ang sariling halikan iyon."Huwag mong gagawin ulit yan!" paos nitong usal. Halos isang daliri na lang ang pagitan sa aming mukha. Bumilis ang tibok ng aking dibdib pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Kinagat kong muli ang aking mga labi upang kahit paano ay mawala ang kabang nararamdaman ko.Ngunit hindi ko pala dapat ginawa 'yon. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan nang bigla na lang maglapat ang aming mga labi. Hindi ako makakilos, hinayaan ko lamang na sakupin niya ang aking mga labi.Bahagya kong naibuka ang aking mga labi nang marah
Nakita ko sa ibabaw ng lamesa ang isang pares ng damit. Nandoon din aking mga gamit. May sulat din na iniwan doon marahil ay galing ito sa lalaki. Kinuha ko iyon at binasa.'I'm sorry for what happened last night, baby. Let's talk about it later. May urgent meeting lang ako ngayon. Please! wag ka munang umalis diyan.'-L.M.Madali kong isinuot ang damit, tamang tama lang sa akin ito na para bang sa akin ito isinukat. Kahit masakit ang aking balakang ay pilit parin akong naglakad papalabas sa kwarto na iyon.Pagkalabas ko ng pinto ay may isang staff na tila ba hinihintay talaga nito ang aking paglabas."Good morning ma'am! pinahanda na po ni sir ang inyong umagahan!" magalang na bati nito sa akin.Napaisip naman ako kung sinong sir ba ang tinutukoy nito? 'Ah siguro 'yong lalaking kasama ko kagabi.' sa isip-isip ko. Agad ko naman tinanggihan ang alok nito."Nagmamadali na kase ako, pakisabi na lang kay sir mo, thanks!" at nagmamadali na akong naglakad ngunit sinundan pa rin ako nito."P