CHAPTER 40 3RD POV “Sinong daddy ang tinatawag niyo?” Tanong ni Paula, habang kinakabahan na tumingin si Gael dito. “‘Yong Daddy namin Lola.” Mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman niya, dahil sa sinabi nito.“Bakit? Nandito ba ang daddy niyo?” Kunot-noo na tanong nito, habang nagkatinginan ang mga anak niya.“Wala.” Sagot ni Maximus dito, kaya napahinga siya ng maluwag. “Gusto niyo bang ipadala namin kayo sa daddy niyo?” Tanong nitong muli, habang sabay na tumango ang dalawang bata. “Hindi na kayo natatakot sa kanya?” “Hindi, mabait naman siya.” “Tawagin mo nga si Marie.” Narinig nitong utos sa katulong na nasa likuran nito. “Lola, may nangyari po ba?” Tanong ni Marie, matapos itong makapasok sa silid nila. “Wala naman, pero hinahayaan mo ba ang anak mong maka-usap ni Gael?” Tanong nito kay Marie, habang nakayuko lamang siya at hinanda ang sarili, dahil iniisip niya na mabu-buko na siya. “hindi po Lola.” “Kung ganun, bakit hindi na sila takot sa kanilang ama?” Tano
CHAPTER 39 3RD POV“Mommy!” Sigaw ng anak niyang si Maximus, habang tumakbo ito papalapit kay Marie. “Kumusta ang pamamasyal niyo? Mabuti naman Maria at hindi sila naging makulit.” Ngiting wika nito sa kanya, habang binuhat niya si Maximus. “Ayos lang, mabait naman sila.” Sagot niya rito. “Alam mo Mommy, ang galing kanina ni Dadd-.” Mabilis niyang nilapitan si Maximus at tinakpan nito ang bibig. “Ang ibig niyang sabihin, magaling sila mag-slide.” Kabado na sagot niya rito. “Ganun ba, mabuti naman. Sige na, kumain na kayo naghanda ako ng pagkain sa inyo.” Wika nito, habang mabilis na bumaba sa kanyang mga bisig si Maxwell at ganun din si Maximus. “Nakakatuwa naman sila Maria, dahil ngayon lang sila sumunod sa sinasabi ko. Lalo na si Maximus. Naka-ilang takas na kasi siya sa amin.” Napalingon siya kay Marie, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Mabait naman, sila. Lalo na si Maximus, hahabaan lang talaga dapat ang pasensya kapag bantayan sila.” Sagot niya rito. “Tama ka, pero ang ib
CHAPTER 38 3RD POVHabang lumilipas ang mga araw na kasama ni Gael si Marie, ay hindi na niya maitatanggi sa kanyang sarili na tuluyan na nga siyang nahulog dito. Hindi niya inaakala na siya ang matatalo sa plano niya noon na pa-ibigin ito, dahil siya ang napa-ibig ni Marie.“Mukhang malungkot kana naman, na-miss mo ba ang pamilya mo?” Tanong sa kanya ni Marie, nang malapitan siya nito.“Hindi naman, dahil lagi ko silang nakakasama.” Sagot niya rito, kaya napatingin ito sa kanya.“Kung ganun, bakit parang ang lungkot-lungkot mo?” Muling tanong nito sa kanya. “Gusto ko kasi sana na sabihin sa asawa ko noon ang totoong nararamdaman ko sa kanya.” Bakas sa mukha ni Marie ang gulat, habang napatingin ito sa kanya. “Ang ibig mong sabihin, may asawa kana?” Tanong nito, kaya tumango siya.“Nasa’n siya?” Muling tanong sa kanya ni Marie, habang napatitig siya rito. “Iniwan niya ako, dahil sa ginawa ko noon.” Malungkot na sagot niya rito. “Bakit hindi ka humingi ng tawad sa asawa mo?” Napan
CHAPTER 37 3RD POV “Sige na Maria, humiga kana. Para makapag-pahinga ka, dahil alam kung pagod na pagod ka.” Wika sa kanya ni Marie, habang tumabi siya rito.Nang maamoy niya si Marie ay nararamdaman niya ang lalong paglaki ng kanyang alaga. Habang nakatalikod ito sa kanya ay gusto niyang sumiksik sa leeg nito, dahil alam nag-umpisa na naman siyang mabaliw sa amoy nito. ‘Marie..’ Gusto niya sana itong yakapin, pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Kahit anong gawin ni Gael, ay hindi pa rin siya makatulog, pansin niya naman na mahimbing na ang tulog ni Marie at nang mga anak nila. Gulat siyang napatingin dito, nang bigla itong humarap sa kanya at yumakap. ‘Damn! Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito Marie?’ Nilapit niya ang mukha niya sa mukha nito at naamoy ang mabango nitong hininga. Mas nilapit niya ang kanyang labi para mahalikan ang labi nito. Pero gulat siyang napatingin sa anak niyang si Maximus, nang bigla itong tumayo. “Anong nangyari sa ‘yo?” Tanong niya rito. Ha
CHAPTER 36 3RD POV “Siya ang bago ninyong yaya.” Pakilala nito sa kanya.“Ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong nito sa kanya.“Maria.” Sagot niya, habang natigilan ito. “Parang pareho lang tayo ng pangalan.” Ngiting wika nito sa kanya.“Ginaya mo yata ang pangalan ng Mommy ko, Ganda.” Wika sa kanya ni Maxius.“Kung gusto mo paglaki ko pakasalan kita.” Napa-ubo siya, dahil sa narinig niya mula sa kanyang anak.“Maximus, ikaw talaga. Kung anu-ano talaga.” Saway ni Marie rito. “’Wag kang mag-alala. Hindi naman sila mahirap alagaan. Isa pa, nandito lang din ako sa bahay.” “Umupo ka pala, pasensya kana, nakalimutan ko, nawala tuloy sa isip ko na kanina ka pa nakatayo.” Hinging paumanhin nito sa kanya, habang patuloy niya lang itong tinititigan. “Wala kabang boyfriend?” Napansin niyang nagulat ito, dahil sa tanong niya. “A-ang ibig kung sabihin asawa.” “Ahh, wala tama na sa akin ang mga Anak ko. Hindi ko naman kailangan ang mga lalaki sa buhay ko.” Napayuko siya sa kanyang ulo, dah
CHAPTER 353RD POV Kahit labag sa kalooban ni Gael ang magpa-makeup ay wala siyang magagawa, lalo na sa tuwing iniisip niya ang pamilya niya. “Tingnan mo nga ‘tong itsur-” Natigilan si Edward at hindi nito mapigilan na mapa-halakhak habang nakatingin ito sa kanya. “Grabe Dude, ang ganda mo pala!” Natatawang wika nito, habang masama niya itong tiningnan.“‘Wag mo nga akong pagtatawanan, dahil mas nakakatawa pa ‘yang itsura mo.” Wika niya, kaya nawala ang ngiti nito sa labi. “Baka gusto mong hindi ako sasama sa ‘yo?” Nailing si Gael, habang hindi niya na pigilan na mapangiti, dahil sa sinabi sa kanya ni Edward. “Baka gusto mo ring, ipakita ko ‘to sa babaeng nililigawan mo?” Gulat itong napatingin sa phone ni Gael, at akmang kukunin sana ito. Pero mabilis na itinago ni Gael ang phone niya. “‘Wag na ‘wag mong gawin ‘yan Dude!” Galit na wika nito, kaya lalo siyang natawa.“Hindi ko naman talaga ‘to ipapakita, kapag hindi magbabago ang isip mo.” Sagot niya rito, kaya muli itong umupo.