Married to the Wrong Billionaire

Married to the Wrong Billionaire

last update최신 업데이트 : 2026-01-17
에:  jungyunnaaa방금 업데이트되었습니다.
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
평가가 충분하지 않습니다.
6챕터
12조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

Naniniwala si Sloane Persephone Rivera o mas kilala sa tawag na Percy na ang tanging makakapagligtas lang sa pamilya niya laban sa kahihiyan ay iyong pumayag siya na makipagpalit nang pwesto sa kanyang kakambal na si Blaire sa kasal nito pansamantala. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang maaksidente si Blaire at magpanggap si Percy bilang kakambal niya at mapunta sa buhay na hindi naman niya kinabibilangan. Hindi handa si Percy na makilala ang lalaking pinakasalan niya noong araw na 'yon lalo na ang pakisamahan ang ugali nito. Nangako siya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking hindi naman niya talaga asawa dahil nagpapanggap lang naman siya.Pero sa bawat gabi na nagkakasama sila sa iisang bubong, mga pag-uusap at tawanan na tanging sila lamang ang may alam, ay unti-unti no'n nabasag ang pader na pilit niyang itinatayo para protektahan ang sarili niya. Nakulong si Percy sa pagkatao na kailanman ay hindi niya pinili na naging sanhi nang pagkahulog niya sa lalaking hindi niya naman dapat mahalin pero aksidente niyang minahal. Ang mapaglinlang ba na pag-ibig ay kayang mabuhay kapag dumating na ang katotohanan? Paano kung kailan handa ka nang ipaglaban ang taong mahal mo ay saka pa bumalik ang taong nagmamay-ari naman talaga nito?

더 보기

1화

Simula

#MTTWBSimula

Sloane "Percy" Persephone Rivera

Nasa loob ako nang dressing room habang paikot-ikot na naglalakad. Nangangatal at kinakagat ang kuko sa aking kanang daliri. I was anxious.

I am wearing my twin's wedding dress dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik sa oras na ipinangako niya sa akin. We switched. She convinced me na makipagpalit sa kanya kahit isang oras lang sa mismong araw nang kasal niya. I don't know why I did say yes to her. I thought she was just joking pero ngayong umalis siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta, hindi ko na alam.

Tinawagan ko ang telepono niya. Tumunog iyon at sa wakas ay sinagot niya rin ako.

"Blaire! Where the hell are you? The ceremony is going to start! Hindi mo naman—"I'm sorry, Percy. Just give me one hour. I promise, I'll be there."

"Blai—"Hindi pa ako nakakapagsalita nang babaan niya ako nang tawag.

Huminga ako nang malalim at napapikit.

"Where the hell is she?" si Ava, iyong best friend ko.Siya lang ang nakakaalam nang nangyari. I can't tell our parents that my twin sister, Blair asked me to switch with her on her own wedding day. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang totoo niyang dahilan kung bakit niya iyon ginawa.

I had no choice but to say yes because I know her. She won't stop convincing me and ayoko magpaka-stress kaya pumayag ako.

"I don't know! I asked my bodyguard to follow her pero nawala ito sa paningin niya!"

"I can't marry Luciel, Ava. He's my brother-in-law."

Umiling si Ava. "Wala tayong choice, Percy. J-Just pretend that you're Blair for now."

Sht!

Kumatok ang wedding coordinator sa pinto. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ava sa isa't isa."Miss, it's time."

Lumabas ako katulad nang ipinangako ko sa kapatid ko. I will be her just for one day at pagkatapos no'n ay magiging maayos din ang lahat katulad noon. She will come back and act like nothing happened... Blaire and Luciel... they deserve each other so much.

But it didn't happen.

Blaire didn't come back. 

Hinarap ko si Luciel sa dulo nang altar. Inabot niya ang kamay ko na nanginginig sa sobrang kaba.

"You look pale. Nervous?"

Ngumiti ako nang pilit at tumango. "It's just...a big day."

"Don't be afraid. After today, everything changes."

I kissed Luciel and made a promise that I will stay with him no matter what happens... that I will stay true to him... Alam kong kasinungalingan iyon pero wala akong choice. The ceremony ended without my sister in it. Ava kept on calling her pero walang sumasagot.

"Pa, si Percy, hindi pa bumabalik..." wika ko nang pinuntahan ako ni papa sa upuan. Nasa reception na kami dahil tapos na ang kasal. Nakaupo kaming dalawa ni Luciel sa harap habang kitang-kita ang mga taong dumalo sa kasal. I am the one who prepared the program for Blaire's wedding because that's what I have promise her.

"Si Percy? Hindi ba siya nandito? Baka may pinuntahan lang."

May sasabihin pa dapat ako nang biglang nahulog ang hawak na baso ni Mama habang kitang-kita ang pamumutla nito. Dumagdag lalo ang kaba na nararamdaman ko sa dibdib. Luciel notice that. Hinawakan niya ang kamay ko para mapigilan sa panginginig.

Pinuntahan naming siyang dalawa ni Luciel. Mabilis din siya na pinuntahan ni papa at inalalayan sa pagtayo. Nakita ko ang telepono at nandoon ang pangalan ni Ava. Maingat kong inabot iyon at inilagay sa tenga ko para kausapin ito.

"M-Ma?" kinakabahang wika ko.

Mas lalo pang nadagdagan iyon nang marinig ko si Ava na umiiyak sa kabilang linya. Lumabas siya kanina at hindi na nakaattend nang kasal ni Blaire dahil nagdesisyon siyang sumunod at sunduin ang kapatid ko.

"H-Hello..."

"B-Blaire... I'm sorry..." hagulgol na iyak ni Ava.

"W-What happened?"

"Ava, answer me. What happened to my sister?"

"B-Blaire...:" tawag ni mama sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon habang umiiyak.

"A-Ang kapatid mo... wala na siya."

"I followed her... b-but when I went to her... s-she's already dead... s-she died in a car accident, Blaire. Percy is dead... your sister is dead... I-I'm sorry."

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

댓글 없음
6 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status