CHAPTER 2 3RD POV Sa paglipas ng ilang buwan, ay lalo pang minahal ni Ellie, si Jameson. Tinutulungan niya ito, sa balak nitong buksan na negosyo, at pati mga luho nito ay binibili niya. “Ang galing mo talaga Baby, tinatanggap agad ang proposal ko, ilang araw nalang ma-umpisahan ko na ang negosyo ko.” Tuwang wika nito, habang niyakap siya ng mahigpit. “Nagawan mo na ba ng paraan ang sinabi ko?” Wika nito, habang hinalikan siya sa kanyang leeg. Hindi naman maiwasan ni Ellie, na mapangiti, lalo na at nakikiliti siya. “Oo naman Baby, alam mo naman na malakas ka sa akin.” Ngiting wika niya, at humarap dito. “Talaga Baby? Ibig sabihin, binili mo na ‘yong building na sinabi ko?” Tanong nito, habang tumango siya. “Yes! Ang swerte ko talaga sa asawa ko!!” Malakas na sigaw nito, habang pilit siyang binuhat. “Ano kaba! Alam mo naman na hindi mo ako kayang buhatin.” Natatawa na wika ni Ellie. “Yayakapin nalang kita, nang mahigpit na mahigpit.” Wika nito, at hinalikan siya sa kanyang lab
CHAPTER 3 3RD POV “Ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo, na ‘wag mo nalang akong puntahan.” Inis na wika ni Jameson, kaya nagyuko ng mukha si Ellie. “Isang linggo na kasi na hindi kita nakita, tinatawagan kita, hindi ka rin sumasagot.” Wika niya, kaya masama siyang tiningnan nito. “Hindi kaba talaga nakakaintindi? Ilang beses ko bang sabihin sa ‘yo, na busy ako! ‘Yan talaga ang mahirap, kapag wala kang alam sa business.” “Gusto lang naman kitang makita.” Napapitlag siya, nang bigla nalang hampasin nito ang lamisa. “Hindi na tayo, mga bata Ellie! Kaya ‘wag kang umasta na parang bata.” Galit na wika nito sa kanya. “Baby... Ayaw mo na ba sa akin?” Hikbing wika niya, at napansin niya na tigilan ito. “Sh!t! Hindi sa ayaw. Ang akin lang sumunod ka sa akin, kapag sinabi ko. Na ‘wag kang pumunta, pwede ba, sumunod ka sa akin.” Wika nito, kaya tumango siya rito. “Sorry na, pwede bang ‘wag ka nang magalit..” Mahina na wika niya, habang tumayo. “Aalis kana?”
CHAPTER 4 3RD POV “B-bakit kayo naghahalikan?” Utal na wika niya, habang nag-uunahan sa paglandas ang kanyang mga luha.“Hindi ka naman siguro bulag Ellie, at alam kung nakita mo ang ginagawa namin.” Ngiting wika sa kanya ni Camille.“Nakita mo ba ‘to? Tanong nito, habang tinaas ang kanyang daliri. “Magpapakasal na kami ni Jameson, kaya dapat layuan mo na siya.” “B-Baby..” Sambit niya habang luhaan na tumingin kay Jameson. “B-Baby, sabihin mo sa akin, na hindi totoo ang sinasabi niya!” Iyak na sigaw niya rito. “Totoo ang sinabi ni Camille, Ellie, pasensya kana, pero hindi kita kayang mahalin, at ayaw kung pagtawanan sa mga taong ka-kilala ko.” Wika nito, kaya galit siyang lumapit dito. “Walang hiya ka!! Ginamit mo lang ako!!” Galit na sigaw niya, matapos itong sampalin.“’Wag mong saktan si Jameson! Ikaw ang tanga! Dahil pumatol ka sa kanya! Kahit pa alam mong hindi ka niya magugustuhan! Tingnan mo nga ‘yang itsura mo Ellie? Sa tingin mo ba, may lalaking magkaka-gusto sa ‘yo?”
CHAPTER 5 3RD POV “Ang ganda mo na talaga Ate.” Wika ni Charles, sa kanya. Isang taon na rin ang lumipas, simula noong maghiwalay sila ni Jameson, mula nang bawiin niya, ang lahat dito, ay wala na siyang narinig na balita tungkol sa dating nobyo. Sinikap din ni Ellie, na kalimutan ito. “Bakit?” Wika niya, matapos niyang sagutin ang tawag sa kanyang phone. “Ate, samahan mo kami mamaya.” Wika sa kanya ni Dahlia. Si Dahlia, ay isa sa mga anak ng kanyang tito Reymart at tita Diana. “Saan kayo pupunta?” Kunot-noo na sagot niya rito, habang umupo sa swivel chair niya. “May bagong binuksan na bar si Kuya Ryker, kaya dapat pupunta tayo.” Wika nito sa masayang boses. “Sino ba ‘yan Ate?” Tanong sa kanya ni Charles. “Si Dahlia.” “Si Charles ba ‘yon?” Tanong muli ni Dahlia. “Oo.” “Isama mo na rin siya Ate at si Eloise.” “Hindi pwede, alam niyo na bawal ‘yon, pumunta sa bar.” Sagot niya rito. “Ate naman, may ladies drink naman do’n, kaya ‘yon nalang sa kanya.” Wika nito, kaya napa-hin
CHAPTER 6 3RD POV “Ate, mabuti at nandito kana.” Wika sa kanya ng kapatid niyang si Eloise. “Sa’n ka pala galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?” Tanong sa kanya ni Elijah. “Sa bar ni Kuya Ryker nga, roon nalang siya natulog, Kuya, dahil lasing na si Ate.” Sagot ni Eloise, kay Elijah. “Pinuntahan ko nga siya, sa room niya. Pero wala siya ro’n.” Gulat siyang napatingin kay Elijah, dahil sa sinabi nito. “Anong wala?” “Wala ka nga ro’n sa silid, kaya hinahanap kita.” Natigilan siya, dahil sa sinabi ni Elijah. Imposible na hindi siya nito nakita. “Hindi naman pwede na papasok ako, sa kabilang room. Alam ko naman na wala ka ro’n.” Muling wika ni Elijah. ‘K-Kabilang kwarto? Ibig sabihin, ako ang nagkamali ng pagpasok sa room, kung saan. Naroon si Jameson?’ “Ate, ayos ka lang ba?” Untag na wika ni Eloise, sa kanya. “Ayos lang ako.” Sagot niya sa kanyang kapatid. “Para ka kasing namumutla.” Napahawak si Ellie, sa mukha niya, dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.“Sa’n kaba galing Ellie
CHAPTER 73RD POV “Ma’am Ellie, kanina pa po naghihintay sa inyo si Mr. Miller.” Wika ng kanyang secretary, habang hindi pa siya nakapasok sa kanyang opisina. Napakunot naman ang noo niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Hinihintay? Bakit niya ako hihintayin?” Taka na wika niya. “Ngayon po kasi ninyo bisitahin ang isang branch niyo Ma’am Ellie.” Sagot nito, kaya napahawak siya sa kanyang noo.“Hindi ba pwede na siya nalang ang pumunta ro’n?” Wika niya, habang pumasok sa kanyang opisina. Gusto niya kasi itong iwasan at ayaw niya itong makasama. “Hindi po pwede Ma’am Ellie, tumawag din po kasi ang lola Aira niyo. Kailangan niyo raw pong puntahan mismo ang branch na ‘yon.” Wika nito, habang hindi siya sumagot. Nang lalabas na sana ang secretary niya, ay muli niya itong tinawag. “Saan siya naghintay?” Tanong niya rito. “Sa airport po Ma’am Ellie.” Sagot nito. “Tawagan mo siya, sabihan mong mauna nalang.” Muling wika niya rito. Binuksan ni Ellie, ang monitor na nasa harapan niya,
CHAPTER 83RD POV “Bakit mo ako dinala rito?” Galit na tanong niya kay Jameson, matapos siyang ibaba nito. “Para hindi ka mawala.” Sagot nito na lalo niyang kina-inis. “Mawala? Ano bang akala mo sa akin?” “Alam mo, malalagot ka talaga sa ginawa mo sa bodyguard ko! Nasa’n na ba sila? Bakit mo sila biglang iniwan? Lalo na ‘yong secretary ko?” Muling wika niya, habang tinitigan siya ni Jameson. “Alam mo, ang ingay mo.” Wika nito at iniwan siya. “Hoy! Mr. Miller! Saan ka pupunta?” Inis na sigaw niya rito.“Hindi kita asawa, kaya hindi ako dapat magpa-alam sa ‘yo.” Wika nito, at lumabas. Napasigaw naman sa inis si Ellie, dahil sa inasta ni Jameson. Nang makaupo siya muli sa sofa ay muli niyang naalala si Jameson, napansin niya na parang nagbago ang ugali nito. Ibang-iba kasi ito noon. “Sandali lang, bakit hindi niya ako maalala? Katawan lang naman ang nagbago sa akin at hindi mukha?” NANG bumukas muli ang pinto ay napatingin siya kay Jameson, na pumasok. Napatingin din siya sa mg
CHAPTER 9 3RD POV Hindi mapakali si Ellie, dahil hindi pa rin bumabalik si Jameson. Hindi rin niya mapigilan na sisihin ang sarili niya, dahil sa ginawa niya. ‘Pero teka lang? Bakit naman siya magagalit? Alam ko naman na noon pa, hindi siya naglalabas ng pera?’ Nang bumukas ang pinto, ay agad siyang napatingin dito. Nagkasalubong naman ang kanilang mga mata, at si Ellie, ang unang nag-iwas. Napatingin siya sa kanyang phone, nang bigla itong ihagis ni Jameson sa sofa. “Bakit nasa ‘yo ‘to?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Hinahanap mo ‘yan ‘di ba? Kaya kinuha ko.” Balewala na sagot nito at pumasok sa kanyang silid. Mabilis niya itong sinundan at kinatok ang pinto. Kunot-noo naman itong napatingin sa kanya, matapos nitong buksan ang pinto. “Bakit?” Tanong nito. “Ayaw mo bang kumain?” Tanong niya rito. “Kumain na ako, kung hindi mo maubos ‘yon, lahat. Itapon mo, ‘wag ka ring mag-alala, bayad na ‘yon lahat.” Wika nito at sinara muli ang pinto. Inis naman na pinukpok ni Ellie, an
CHAPTER 23 3RD POV “Mukhang malaki talaga ang problema mo, dahil lumapit ka talaga sa akin.” Ngiting wika ng kanyang lola Aira, habang giniya siya sa upuan. “Alam kung nakakahiya, pero Lola, hindi ko na kaya na ilihim sa ‘yo ang problema ko. Lalo na at napagkamalan na nila akong bal*w. Pero maniwala kayo, totoo ang sinasabi ko.” Wika niya rito. “Alam ko, Apo. ‘Wag kang mag-alala tutulungan kita.” “Gusto kung malaman ang tunay na pagkatao ni Dan, Lola. Alam ko na siya ang sagot sa lahat ng tanong ko.”“Dan?” Wika nito. “Dan Fico. Lola.” Wika niya, habang napangiti si Aira. “Sila pala ang nagpa-pasakit sa ulo mo.” Wika nito, habang napakunot ang kanyang noo, na tumingin dito. “Kilala niyo po ba siya?” Tanong niya, habang tumango ito. “Kilalang-kilala ko silang magkapatid.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa kanyang narinig. “Magkapatid?” Wika niya rito. “Oo Apo.” ‘I-ibig bang sabihin, kapatid niya ang matandang ‘yon?’ “Ako na ang bahala Apo, ‘wag kang mag-alala. Dadalhi
CHAPTER 223RD POV “Hindi ko alam, kung bakit mo gina-gawa ‘to.” Wika nito, habang tumayo at nilapitan siya. “A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Utal na wika niya. “Ako pa rin ba ang pinaghihinalaan mo?” Tanong nito sa kanya, habang napakunot ang noo niya. “Paano mo nalaman?” Sinabi ko sa ‘yo, mas matalino ako.” Wika nito, kaya gulat siyang napatingin dito. “I-ikaw nga.. Ikaw nga si June!” Malakas na sigaw niya, habang tumayo. Napatingin siya sa paligid at hinhanap ang mga tauhan niya. “Mali ka, hindi ako.” Ngising wika nito. “Akala ko ba, matalino ka?” Muling wika nito habang nailing. “Kuya! Akala ko ba, matalino itong princesa mo?” Lalong napakunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya rito. “K-kuya?” “Kumusta kana Mahal ko?” Namilog ang kanyang mga mata, matapos makita ang isang lalaki na pumasok. “I-ikaw..” Utal na wika niya, habang napatingin sa matanda. “Bakit mo siya kasama?!” Galit na sigaw niya kay Dan. “Dan! Sumagot ka!!” Galit na sigaw niya rito. “Ako ang pinagh
CHAPTER 213RD POV “Makakalabas kana.” Wika niya sa kanyang tauhan. Nang malabas ito, ay agad niyang tiningnan ang lahat ng sulok sa opisina niya, naalala niya na mahilig si June, sa mga cctv camera. Iniisip niya na baka nilagyan nito ng cctv camera ang loob ng kanyang opisina, para makita nito ang lahat ng ginagawa niya.Halos mahalughog na niya ang lahat ng mga gamit niya, pero wala pa rin siyang nakita. Naisipan niyang umupo, dahil pagod na siya kakahanap at wala siyang ibang nagawa sa opisina niya. Tambak na rin ang mga document na kailangan niyang i-review.Kukunin na sana niya ito, pero natigilan siya nang makita ang lamisa niya. Hindi niya kasi nasilip ang ilalim. Nang sisilipin na sana niya ito, ay napa-igtad siya ng bigla niyang narinig ang malakas na halakhak mula sa speaker na nasa ilalim ng kanyang lamesa. “Ang galing mo pa lang maghanap Mahal ko..” Wika nito, kaya dali-dali niyang kinuha ang speaker. “Kung totoong matapang ka, bakit hindi ka magpakita sa akin?!” Siga
CHAPTER 20 3RD POV “Daisy.” Napatingin siyang muli kay Dahlia. “’Wag kang magpapatalo sa kanya.” Wika nitong muli. Habang muli niyang tiningnan si Dan, pero napakunot ang kanyang noo, nang makitang nakapikit na ito. NANG makarating sila sa bahay, ay agad siyang sinalubong ng kanyang ina. Sobra itong nag-alala sa kanya, dahil sa nangyari. “’Wag na po kayong mag-alala Mom, ayos na po ako.” Ngiting wika niya rito. “Sinabi ko na kasi sa ‘yo, Reymart. Na dapat hindi mo muna pinaalis si Daisy, alam mo naman na hindi pa siya ayos.” Galit na wika nito sa kanyang ama. “Mom, tama na.. Ayos lang po ako, ‘wag mo nang pagalitan si Daddy.” Wika niya, habang masamang tiningnan ni Diana ang asawa niya. “I’m sorry Anak, ang akala ko kasi kaya mo na.” Hinging tawad ng kanyang ama. “Dad, ayos naman na ako, kaya kalimutan niyo na po ‘yon.” Wika niya at agad na nagpa-alam. Mas gusto niya kasi na mag-isa para makapag-isip ng maayos. ‘Tama si Dahlia, hindi ako pwedeng magpadala sa takot sa taong ‘
CHAPTER 19 3RD POV “Daisy..” Sambit ng kambal niya, habang dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at nakitang nasa loob pa rin siya sa hotel. “Nasa’n siya?” Takot na tanong niya rito. “Sinong siya?” Taka na sagot ni Dahlia. “Si June.” “Daisy, sino ba ‘yang June, na sinasabi mo? Wala kaming nakikilalang June rito.”“’Yong lalaki kanina, ‘yong kasama ni Dan, siya si June.” Nanginginig na wika niya. “Ano kaba, hindi si June ‘yon. Si Mang Prido ‘yon, ang katiwala ng daddy ni Dan.” Wika nito, kaya napatitig siya rito. “Fico, mabuti at nandito kana, tawagin mo nga si Mang Prido.” Utos niya rito, kaya agad itong bumalik sa labas. “Bakit mo pinatawag? Baka ano ang gawin nun sa atin?” Galit na wika niya rito. “Daisy, mabait na tao si Mang Prido. Nakikilala ko na siya.” Sagot nito sa kanya. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo Ma’am?” Tanong ng matanda, kaya napatingin sila rito. “Mang Prido, may kakilala po ba kayong June?” Tanong ni Dahlia, h
CHAPTER 183RD POV Napakunot ang noo ni Daisy, nang marinig ang malakas na halakhak ng dalawa. “Hindi ko alam, na magaling pala, magpatawa ‘tong kapatid mo.” Iling na wika nito. “Daisy naman, saan mo ba nakuha ang impormasyon na ‘yan?” Tanong ng kapatid niya, habang natatawa pa rin. “A-akin lang.” Inis na sagot niya, habang masamang tiningnan si Dan. “Hindi marunong magluto si Fico, Ate. Sa lahat ng bagay na ayaw niyang gawin ay ang magluto.” Wika ni Dahlia. “Mukhang gusto mong malaman ang lahat tungkol sa akin.” Wika ni Dan. “Malaman?” Taas kilay na wika niya rito. “Nahahalata ko, mukhang ikaw ang may gusto sa akin.” Iling na wika nito, kaya hindi niya na-pigilan ang sarili niya at nahampas ito. “Ang kapal din ng mukha mo, para sabihin ‘yan. Alam mo, gusto ko lang malaman mo, na kahit kailan, ay hinding-hindi kita magugustuhan!” “Daisy!” Saway sa kanya ni Dahlia. “Ayos lang, wala akong pakialam, kung hindi niya ako gusto. Wala rin naman akong gusto sa kanya.” Sagot nito, h
CHAPTER 173RD POV “My problema po ba Ma’am?” Napakunot ang kanyang noo, nang marinig niya ang boses nito. ‘H-hindi, baka guni-guni ko lang ito.’ “W-wala, makaka-alis kana.” Wika niya rito, kaya agad itong tumayo. “Nababal*w na ba ako? H-hindi siya si June.” Inis na wika niya at tumayo. Tinawagan niya ang kanyang secretary, para dalhan siya ng tubig. MATAPOS niyang maka-inom ng tubig, ay iniisip niya pa rin ang P.I kanina, hindi pa rin nawala sa ilong niya, ang amoy ng pabango nito. ‘Hindi! Alam ko na hindi siya si June, a-at baka magkatulad lang sila ng boses.’ “Pinapatawag ka ni Daddy.” Wika ng kakambal niya, kaya napatingin siya sa pinto.“Bakit?” Tanong niya habang nag-kibit balikat lang ito. Nang makitang tumalikod si Dahlia, ay agad siyang sumunod dito. Gusto niyang sumabay sa kapatid niya, dahil gusto niyang humingi ng pasensya sa ginawa niya. “Ma’am Dahlia, pinabigay po sa inyo.” Wika ng bodyguard nito, habang napatingin siya sa bulaklak. “Kanino galing ‘yan?” Tanong
CHAPTER 16 3RD POV “Bakit?” Tanong sa kanya ni Dahlia, habang nakahiga pa rin ito sa kama, dahil kagigising lang nito. “Gaano na kayo katagal magkakilala ng lalaking ‘yon?” Napakunot ang noo nito, habang nakatingin sa kanya. “Lalaki? Sinong lalaki?” “Si Dan.” Sagot niya rito. “Matagal na, close friend ko siya, mula ng high school tayo. Hindi mo kasi siya maalala, dahil kung anu-ano ang inaatupag mo.” Wika nito, habang tumayo. “Bakit bigla ka nalang naging intrisado sa kanya?” Tanong nito, habang nakapamewang sa harapan niya. “Wala lang.” Sagot niya habang nag-iwas ng tingin. ‘Kaya pala parang naririnig ko na ang boses niya noon..’ “Nakalimutan mo bang narito si Dan, noong dinala ko rito si Johnson?” Wika ni Dahlia. Habang tumayo siya. “Hindi ko na maalala.” Sagot niya at tinungo ang pinto. “Daisy, hindi masamang tao si Dan, matagal na kaming magkaibigan, kaya sana ‘wag mo siyang paghinalaan.” Wika nito, kaya napahinto siya. “Alam ko na iniisip mo na siya ang kidnaper mo.”
CHAPTER 15 3RD POV “Nasa’n ang kasama mo?” Tanong niya, matapos niyang makita ang kakambal niya.“Si Fico? Bakit?” Taka na tanong nito sa kanya. “Basta.” Wika niya, habang napatingin sa paligid. “Fico! Halika!” Sigaw nito at nakita niya ang isang lalaki na lumapit sa kanila. “Bakit?” Kunot-noo na tanong nito. “Hinahanap ka ng kakambal ko.” Napatingin ito sa kanya, dahil sa sinabi ng kakambal niya. “Bakit mo ako hinahanap? May problema ba?” Tanong nito, habang tinitigan siya, kaya tinitigan niya rin ito. ‘Ang boses niya, ay parehong-pareho kay June.’“Daisy..” Namilog ang kanyang mga mata. Nang sambitin nito ang pangalan niya. “S-sino ka?” Tanong niya, habang taka itong napatingin sa kanya. “Daisy, ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Nakalimutan mo ba na nagkakilala na kayo?” Taka na tanong ni Dahlia. ‘T-tama, ang kanyang mga mata.. Naalala ko na.. s-siya...’“Gusto mo bang magpakilala ako sa ‘yong muli?” Wika nito, habang tinitigan pa rin siya nito. “Dan Fico.” Wika nito, habang