AIA'A POV Masaya ako na nakabalik na si Sir Dark. Matagal din syang nawala. Dahil nga hindi naman ako mausisa ay hindi ko na itinanong kung anong ginawa nya sa ibang bansa. Pansin ko na madalas tahimik si Sir Dark at malalim pa rin ang iniisip. Tungkol kaya iyon sa engagement nila ni Selena? Naawa din naman ako kay sir dahil mapipilitan sya magpakasal sa taong ayaw nya. Ang hirap din pala ng buhay ng isang mayaman at tagapag mana! Wala kang sariling desisyon. Kailangan lagi i-prioritize ang pag lago ng business. Ito ang kadalasang kalakaran ng mga negosyante ang ipakasal ang mga anak nila sa mga kasosyo para lumawak ang negosyo nila. Natigil ako saaking pagmumuni-muni ng lapitan ako ni Sir Dark. “Maaga ka yatang nakatapos ngayon sa mga paper works mo?” aniya na tiningnan pa ang kanyang relong pambisig. “Medyo.” tipid kong sagot. “Tara na kain na tayo. Saan mo gusto?” nakangiti nyang tanong saakin. Napangiti din ako ng malawak sa sinabi nya. Nangalumbaba ako at umaktong
SELENA'S POV “Si Aia ba yon?” Ani Georgia. Nasa Cafe kami ngayon ni George. Dito kami madalas tumambay kapag nagbabasa ako ng script. Sinundan ko ang taong tinitingnan ni Georgia sa labas ng glass wall. There I saw Aia walking along the side walk with Dark! They seem very happy with what they are talking about. Anger welled up in my heart. That b*tch! “infaires ang gwapo ng kasama nya Madam!” Mukhang pinagnanasahan din ni Georgia si Dark. “Well of course he's handsome coz, that' man is my fiance Georgia!” Nanlalaki ang mga mata ni Georgia habang laglag ang panga sa sinabi ko. Muli syang na patingin sa lalaki na likod na lang ang nakikita dahil malayo na sila saamin. Napatakip pa ito ng bibig. “OMG Madam!!! Ang harot pala talaga nyang secretary na yan ng fiance mo! Kitang kita ko kanina kung paano sila mag tawanan! Tara Madam habulin natin sila! Sasabunutan ko yang babaitang yan!” litanya ni Georgia. Napapalakas na ang boses niya kaya ang ibang tao sa Cafe ay napapatingin
SELENA'S POV [SPG] I called the maids and inform them that when someone looks for me, let him in inside my room. Mga kalahating oras lang akong naghintay and now James is in front of me na. Agad ko syang nilambitinan sa batok at siniil ng agresibong halik. Para akong uhaw na uhaw sa mga labi nya. Hinawakan nya naman ng dalawa nyang kamay ang batok at likod ko. Kagaya ko ay parang uhaw na uhaw din sya sa pag ganti sa halik ko. Habang naghahalikan kami ay iniisa isa ko ng tanggalin ang botones ng kanyang Polo. Nang matanggal ko lahat ng botones ay tinanggal ko ang polo nya at itinapon lang sa kung saan. Sinunod ko naman baklasin ang kanyang belt at botones ng pants nya then ang kanyang zipper. Pinutol ko ang halikan namin at mapang akit ko syang ngunitian. Lumuhod ako sa kanyang harapan at ibinaba ko ang kanyang pantalon. I started to lick the top of his manhood and then I heard him moaned. Nasiyahan ako sa ginawa nyang pag ungol. “ohhhh sh*t” Anas nya habang nakatingala
AIA'S POV “Hi Aia.” Napatingin ako sa taong bumati saakin. “Dr. Aldrin ikaw pala, may kailangan ka?” nakangiti kong bati sakanya. “Nandyan ba si Dark sa opisina nya? I have something to tell him.” Tumango ako bilang tugon sa tanong nya. “Yes Dok. Nasa loob si Sir. Wait lang po at inform ko lang po sya.” tumayo ako at kumatok sa opisina ni sir. “Yes, Come in.” sagot ni Sir Dark. Pumasok ako sa loob at lumapit sa harapan ng mesa niya. Nasa laptop ang atensyon ng aking amo. Mukhang busy ito sa ginagawa. “Sir Dark nasa labas si Dr. Aldrin gusto ka daw makausap.” tumingin sya saakin at napabuntong hininga. Sa hitsura nito ay mukhang ayaw nitong maistorbo pero sa huli ay mas piniling papasukin ang bisita nya. “Sige Aia papasukin mo na sya. Paki gawa na rin ako ng coffee and ask Dr. Aldrin first if what drinks he prefer.” “copy boss.” sagot ko saka tumalikod na sakanya at lumabas ng silid. Hinarap ko naman si Dr. Aldrin na naka upo na sa couch sa labas ng office ni sir Dark
AIA'S POV “Are you done summarizing the proposal for Mr. Tan?” Si sir Dark yon na papalapit na sa table ko. Sinulyapan ko ang aking wrist watch. 11:30 am na pala. Kaya pala lumabas na ng lungga ang Boss ko. Nagkamot ako ng ulo. “Hindi pa nga. Baka bago mag uwian matapos ko na rin. May ine—encode pa kasi ako.” paliwanag ko sakanya. “Hmm, okay. Kumain na muna tayo.” Inayos ko muna ang aking table at kinuha ang aking pouch sa bag ko saka ako tumayo. Naunang lumabas si Sir Dark saakin habang ako naman ay nakasunod lang sakanya. Nang makarating kami sa parking lot ay pinag buksan nya ako ng pinto. “Salamat.” ani ko. “Welcome.” sagot naman nya. “Saan tayo kakain ngayon Sir Dark?” “gusto ko sana sa Japanese restaurant. Is it okay with you?” lagi syang ganito. Kahit sya ang nagbabayad ay lagi nyang tinatanong kung okay lang ba saakin kung san nya ibig kumain. Tumango ako sakanya. “Oo naman sir Dark.” “Diba sabi ko Dark na lang kapag tayo lang dalawa?” paalala nya saa
AIA'S POV “About what?” saglit akong nilingon ni Sir Dark at muli ng itinuon ang kanyang atensyon sa daan. Nahihiya ko namang nilaro ang aking mga kamay. “Hindi ko kasi sinasadyang marinig yung usapan nyo ni Dr. Aldrin. Curious lang ako kung sino si Light?” Hindi agad sumagot si Sir Dark kaya inisip ko na baka hindi nya gusto pag usapan ang personal nyang buhay. Nagyuko ako at mariin na napapikit. Naman! Bakit ba kasi itinanong ko pa? Baka galit na sya saakin dahil sa pagiging osyosera ko. “He's my big brother.” nag angat ako ng tingin ng sawakas ay magsalita na sya. Gumaan din ang loob ko. Nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko talaga na offend sya sa tanong ko. “Big brother?” pag uulit ko sa sinabi nya. May kuya pala sya? Pero bakit kaya hindi ko nakikita ang kapatid nya pati na rin ang mga magulang nya? Para tuloy mas lalong lumaki ang curiousity ko. “Yes Aia. You heard it right.” “May kapatid ka pala? Ilan ba ang kapatid mo? Buong akala ko talaga only child ka rin ka
AIA'S POV Pinahid ko ang aking mga luha. Ayokong pati si lola ay mag alala pa saakin. Lumunok ako para Siguraduhing maayos akong makakapag salita. “Ayos lang po ako lola. Wag nyo po akong alalahin. Gusto ko po muna sanang mapag isa.” Ani ko. “Okay, sige apo kung yan ang gusto mo. Basta lagi mong tatandaan nandito lang si lola para makinig sayo.” narinig ko ang papa layong yabang ni lola. Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa bintana ng aking kwarto. Bahagya kong binuksan ang kurtina para silipin kung nakaalis na ba si Sir Dark. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na ang sasakyan nya sa tapat ng aming bahay. Marahan akong naglakad papunta saaking kama at padapang nahiga. Isinubsob ko ang aking mukha sa aking unan. Ano ng mangyayari bukas? Paano ko haharapin si Sir Dark bukas? Kaya ko pa bang harapin sya? Mag resign na lang kaya ako? Ilang oras akong tulala at hindi makapag isip ng maayos. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Muli akong nakarinig ng katok sa pinto ng ak
AIA'S POV Panakanaka kong sinusulyapan ang aking boss na nakikiopag kwentuhan kay lola sa hapag kainan. “Anong masasabi mo Sir Dark sa luto ko? Masarap ba?” tanong ni lola kay sir Dark. Tumango naman ang amo ko. “Masarap po lola.” “Salamat naman at nagustuhan mo. Yan ang paboritong ulam ng aking apo.” pagmamalaki pa ni lola. “Lahat naman po paborito ni Aia.” nakangisi nitong saad. Teka para namang sinabi nya na matakaw ako. “Ay oo naman Sir! Noong bata pa yang si Aia ay napaka taba nyan. Lagi yang umiiyak, takot magutuman.” Nasamid naman ako sa sinabi ni lola. Lola naman! Pinapahiya mo naman ang apo mo. “lola..” awat ko sakanya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkapahiya. “Okay lang yan apo. Amo mo naman itong si Sir Dark.” “yun na nga lola amo ko yan e.” maktol ko sakanya. “It's okay Aia you're still pretty pa rin naman.” namula ang aking pisngi sa sinabi ni Sir. Habang si lola at Melay naman ay kilig na kilig. “Tapos ka na bang kumain Sir Dark? Pwede ka ng p
3rd PERSON'S POV Samantala, si Mildred naman ay naroon na sa kabilang gusali at nag hahanda sa susunod nyang gagawin. Hawak nya ang Designated Marksman Riffle (DMR), itinapat nya ang kanang mata sa scope habang ang kaliwang mata ay kanyang ipinikit. Balak nyang puntiryahin ang puso ni Dark. Alam nyang gusto sana ni Light na ito mismo ang papat*y kay Dark, pero ngayong nasa alanganing sitwasyon na sila at napapaligiran na ng kalaban ay ipinaubaya na ni Light kay Mildred ang pagp*tay Kay Dark. Unti unti namang lumabas sa pinagtataguan nya si Sarah. Napatingin si Light sa itaas na palapag. Naroon na sila Troy at naka tutok din ang mga hawak nitong baril sakanya. Inilabas ni Light ang baril at itinutok sa leeg ni Aia. Tumaas ang sulok ng labi ni Light. “Hayop ka talaga Dark! sa palagay mo ba ay matitinag nyo ako? Pwes nagkakamali ka! Hindi ako papayag na hindi ko maipaghihiganti si Daddy at Mommy! Papatay*n kita Dark! Papatay*n kita!” halos ma patid ang litid ni Light sa sobrang
3rd PERSON'S POV Gaya nga ng bilin ni Light, walang balak si Mildred na patayin si Dark kaya kahit kayang kaya nya itong patamaan ng walang kahirap hirap ay sinadya nyang pag mintisin ang kanyang tira. “Dark, what's going on?” nababahalang tanong ni Troy. “Pinaputukan kami.” sagot ni Dark. Kasalukuyan silang naka talungko ni Sarah. Dahil madilim ang paligid ay hirap silang makita kung nasan ang mga kalaban. Malakas ang kutob ni Dark na hindi lang isa ang nasa paligid. Ang loob ng abandonadong building ay maraming naka tambak na shipping crates kaya naman hindi madaling makita kung saan kumukubli ang mga kalaban. Nakayuko sila habang marahang lumalakad. Nangunguna si Dark sa paglalakad habang hawak ng isa nyang kamay ang kanyang baril. Nasa likod naman nya si Sarah. Samantala, si Light naman ay nakatutok lang sa monitor ng cctv at pinapanood ang bawat galaw nila Dark. Suot ang wireless ear phone sa kanyang tenga, nakakatanggap ng mensahe si Mildred mula kay Light kung saan na
3rd PERSON'S POV “Kung Ako sayo Aia, kumain ka na lang at wag ng gumawa ng ingay, kung ayaw mong mapagaya ka sa yaya ni Aira.” Ani Mildred na tumayo na. Tiningala sya ni Aia. “Mildred, nakikiusap ako sayo tulungan mo kaming makatakas dito ng anak ko. Alam kong hindi ka totoong masamang tao. Mildred, maawa ka sa anak ko. Wala syang kinalaman dito. Napaka bata nya pa Mildred, please..” pag mamakaawa ni Aia. Walang imik na tumalikod si Mildred. Sandaling napapikit bago nagpatuloy sa pag lakad palabas ng silid. Narinig nya pa na ilang beses tinawag ni Aia ang kanyang pangalan. Mabilis na pinahid ni Mildred ang kanyang luha para hindi mapansin ng kanyang mga kasama. Inaamin nya na sa maikling panahon na nakilala nya si Aia ay naging malapit na sya dito, ngunit kailangan nyang sundin kung ano ang gusto ni Light. Isa sya sa assassin na tauhan ni Light. Sa una pa lang na pumasok sya sa restaurant ay misyon na nya talagang mag matyag kay Sarah at Dark. Lahat ito ay ginagawa nya hindi
3rd PERSON'S POV “Where is Mika? I wanna talk to her.” sinamahan ni Sarah si Dark sa room ni Mika. Naka ilang katok sila bago sila pinag buksan ng pinto ni Mika, ngunit agad syang sinugod ni Dark at hinawakan sa leeg. “Tell me what did you do to Aia?” nag aapoy sa galit si Dark. Napaigik naman si Mika ng mahirapan syang huminga. “Elijah stop!” pigil ni Sarah kay Dark. Dahil inawat sya ni Sarah, pabalang nyang binitawan si Mika kaya napasalampak ito sa sahig. Napaubo rin si Mika dahil sa pananakal sakanya ni Dark. “Anong ginawa mo kay Aia? Sabihin mo kung saan mo sya dinala!” galit na sigaw ni Dark dahilan para mapapitlag si Mika. “Wala po akong ginawa sakanya. Sa katunayan sya pa nga po ang nanakit sakin kanina.” umiiyak sa takot na turan ni Mika habang nakayuko. “I know Aia, she won't hurt you if you don't provoke her first.” Ani Dark na nanlilisik ang mga mata. “Mika, please tell us, ano bang nangyari sainyo kanina?” Ani Sarah sa kalmadong tinig. “Ma'am Jane ina
3rd PERSON'S POV “Uhmmm..” patuloy sa pag ungol si Aia. Pinipilit nya ring kalagin ang pagkaka gapos ng kanyang kamay. Ramdam nya parin ang kirot ng pagkakapalo sa kanyang likuran kaya nahihirapan syang lagyan ng pwersa ang kanyang mga braso para sana makalag ang tali nya. Kahit naka tali ang kamay at paa ay pinilit nyang gumalaw sa malamig na sahig para makalapit sa anak na umiiyak. Gusto nya mang magsalita at tanungin si Mildred kung anong pakay nya? Bakit nya ito ginagawa? Ngunit hindi sya makapag salita dahil sa busal sa kanyang bibig. Awang awa sya sa kanyang anak na umiiyak. Malaking trauma ito para sakanya! Ano bang dahilan ni Mildred, bakit pati anak nya ay walang awang idinamay nya? Five years old lang si Aia! Anong kasalanan ng anak nya para igapos at busalan? *** Samantala walang kaalam alam si Dark sa nangyayari sa kanyang mag ina. Matapos ng pag uusap nila ni Sarah ay pinili nyang mag tungo sa Bar para uminom ng alak, kahit wala pang alas sais. Nang magbalik
3rd PERSON'S POV Nang makaalis si Dark ay bumangon na si Aia para mag palit ng damit. Matagal bago sya lumabas ng silid dahil hinintay nya munang makundisyon ang sarili. Nakakainis ang inaasal ni Dark! Akala nya magiging okay na sila pero bigla bigla na lang umatake ang pagka moody nito. Ilang sandali pa ay napag pasyahan nya ng lumabas ng silid. Sa hallway ay nasalubong nya si Vince na papunta na rin sana sakanya dahil nag aalala na rin ito kung anong ginawa sakanya ni Dark. Nakaramdam sya ng matinding galit ng makita ang mugtong mga mata ni Aia. Naikuyom nya ang kanyang kamay. Gusto nyang sapakin si Dark dahil alam nyang ito ang dahilan ng pag iyak ni Aia. “Anong ginawa nya sayo?” aniya sa mababang tono at pilit kinokontrol ang sarili. Umiling si Aia. “Hindi nya naman ako sinaktan physically Vince. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sya nagkakaganito.” tumahimik si Vince. Bilang isa ring lalaki, alam nya ang sagot sa mga ikinikilos ni Dark. Alam nyang nagiging pos
3rd PERSON'S POV “Aia here wear this.” turan ni Sarah kay Aia ng magpasama si Sarah sakanya sa Room nito. Napatingin si Aia sa bikini na inilabas ni Sarah galing sa luggage bag nito. “Huh?” tila nabibinging turan ni Aia. Hindi sya nagsusuot ng ganong klase ng swim wear. Kaya naman nya naisipang pagsuotin ng ganon si Aia dahil kanina pa nya napapansin na naka oversized tshirt lang si Aia at naka black na leggings. Sa palagay nya ay wala itong dalang swim wear. “Sabi ko isuot mo to. Don't worry may tag price pa yan kaya sure kang di ko pa nagagamit yan.” Ani Sarah. Muling napatitig si Aia sa black Bikini saka mariing nakagat ang ibabang labi. Wala syang balak mag suot ng ganon. Ni sa panaginip ay hindi nya pinangarap magsuot ng bikini. “Ayoko Sarah. Di ako sanay!” Pumalatak si Sarah. “Napaka KJ mo naman. Look at your outfit, hindi bagay sa beach. Alam mo, you are beautiful and sexy, minsan lang sa buhay mo ang makapag suot ng daring. Sige na please, pag bigyan mo na ako. I
3rd PERSON'S POV Niinis na nilagpasan ni Aia si Dark at nagtungo sa lababo para ilagay ang basong ginamit. “Don't turn back at me Aia, I'm not done talking.” Anito na muling sumunod sakanya sa lababo. Inis na hinarap ni Aia si Dark. “Dark, ano bang problema mo huh? Bakit ba galit na galit ka kay Vince? Hindi mo ba alam na naging mabuti saamin ng anak mo si Vince? Sya ang naging katuwang ko sa pagpapalaki kay Aira. Hindi nya tinuring na iba si Aira kaya naman hindi tama na maging magaspang ka sakanya.” “kasi pinili mong ilayo saakin ang anak ko. Hindi sana ang lalaking yon ang katuwang mo sa pagpapalaki ng anak ko kung sinabi mo saakin ang pagdadalang tao mo. Ngayon, gusto mong pasalamatan ko sya sa pag agaw nya ng dapat ay responsibilidad ko?” hindi makapaniwalang saad ni Dark. Natutop naman si Aia ang bibig. "The day I heard my daughter called him papa, I felt jealous! Wala akong pakialam Aia kung manliligaw mo sya o kung gusto mo sya, pero ayokong magkaroon ng kahati pag
3rd PERSON'S POV “Gilbert, he's my visitor so let him in.” tukoy ni Sarah kay Vince, sa pinaka head ng security ni Dark. Yumuko si Gilbert bilang pagbibigay galang kay Sarah. “Copy po Madam.” tugon nito at hinayaan na si Vince makapasok ng Mansyon. Nag palinga linga si Vince sa paligid habang tinatahak ang daan papalapit sa Mansyon. Bawat sulok ay may mga armadong lalaki na palakad lakad sa paligid ng bakuran. Meron ding mga K9 na dala ang iba. Ganito pala katindi ang security sa bahay nila Dark. Kahit papano ay nakampante na si Vince na ligtas ang mag ina sa loob ng bahay ng lalaki. Naabutan nila si Aira na nasa salas kasama si yaya Mariz. Naroon din si lola Ofelia na nakaupo sa kanyang wheel chair habang si Nurse Jing ay nasa tabi nito at nakaupo naman sa sofa. Doon sila sa ibaba nanunood ng TV habang naghihintay sa pag dating ni Aia. Napalingon sila ng maramdaman ang pagpasok nila Aira. Unang naka kuha ng atensyon ni Aira si Vince. Mabilis itong bumababa sa sofa at tumak