TREXIE POVPagkatapos sumailalim sa ibat ibang test na hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangan pang gawin iyun sa akin kaagad na akong nagyaya kay Cholo na umuwi muna. Medyo nakakaramdam na din ako ng pagkahilo at pananakit ng ulo ko. Isa pa, hindi ako komportable dito sa loob ng hospital lalo na kapag nakakakita ako ng mga taong may sakit.''Two to three weeks pa lalabas ang result ng MRI mo. Gusto mo bang samahan kita ulit dito sa hospital?" tanong sa akin ni Cholo habang tumatakbo ang sasakyan namin sa medyo matraffic na kalsada. Kung hindi lang sa kakulitan nito, baka hindi ako pumayag na sumailalim sa ibat ibang test na iyun. Palagi kasi nitong sinasabi sa akin na baka hindi normal ang nangyayari sa akin at kailangan ko ng serbisyong medical.May mga vitamins na nireseta sa akin ang doctor. Mababa daw kasi ang dugo ko at kailangan ko ng tamang pahinga habang hinihintay ang result ng MRI. "Ako na lang siguro. Masyado na kitang naabala. Kaya ko na ang sarili ko Cholo!" pi
TREXIE POV"No! No!" naiiyak kong sigaw kay Dominic habang iniisa isa nitong tangalin lahat ng saplot ko sa katawan. Hindi ko na siya kilala. Ibang iba na siya ngayun dahil sa mga pinanggagawa niya."Ayaw mo? Dahil may iba ka na? Ganoon ba?" galit na bigkas nito. Kaagad akong umiling habang dahan dahan na umaalis ng sofa. Hindi ko na siya matatagalan. Hindi ko na kaya!Kung tutuusin, wala akong kasalanan sa kanya. Hindi niya dapat ako saktan ng ganito. Nakunan ako dahil sa mga pinanggagawa niya sa akin kaya hindi dapat na sa akin niya lang ibunton ang sisi sa mga nangyayari. "Dom, hindi ko na kaya! Kung talagang wala ka ng natitirang pagmamahal at pagalang sa akin, maghiwalay na tayo." wika ko kasabay ng pagpunas ng luha ko sa aking mga mata at direcho itong tinitigan. Saglit itong natigilan habang matiim akong tinitigan sa mga mata."Hindi lang ako ang may pagkakamali kaya nawala ang baby natin. Masakit din sa akin ang mga nangyari na hindi ko siya nagawang protektahan. Kung wala na
TREXIE POVKaagad na naupo si Dominic sa kama habang titig na titig sa akin. Hindi ko na siya pinansin pa at kaagad na akong pumikit. Hindi ko na din siyang kayang titigan dahil sa mga nangyari sa amin. "Kumusta ang pakiramdam mo?"narinig ko pang tanong niya sa akin. Muli kong idinilat ang aking mga mata at walang gana ko itong tinitigan.Wala na akong pakialam pa kung lalo siyang magalit sa akin. Tangap ko na ang posible kong magiging kapalaran sa mga kamay niya habang magkasama kami."Sana hinayaan mo na lang akong mamatay. Ito naman ang gusto mo diba? Ang nakikita akong nahihirapan?" sagot ko. Hindi ito nakaimik. Kita ko ang paglambong ng hitsura nito pero hindi ko na pinansin pa. Wala na akong panahon pa para pansinin kung anong klaseng tao siya."I know na naging masama ako sa iyo. Naging unfair ako sa iyo. Walang kapatawaran ang mga nagawa ko sa iyo Trex kaya normal lang siguro na galit ka ngayun sa akin. Hayaan mo, simula ngayung araw, pipilitin kong maging mabuting tao at pag
TREXIE POVSa bawat araw na nagdaan, nandiyan palagi si Dominic na hindi ko alam kung bakit parang nag iba na naman ang pakikitungo nito sa akin. Wala na akong naririnig na kahit na anong masasakit na salita mula sa kanya. Hindi ko na din nakikita si Michelle dito sa loob ng bahay sa buong panahon na nagpapagaling ako."Bumili ako ng mga pagkain na paborito mo. Nagugutom ka na ba?" nakahiga ako dito sa loob ng kwarto habang abala sa kakapindot ng aking cellphone ng biglang dumating si Dominic. Weekdays ngayun at eksaktong alas dose ng tanghali na first time niyang umuwi galing sa trabaho para lang sabihin sa akin na binilhan niya ako ng pagkain.Actually, hindi niya naman talaga dapat gawin ito sa akin. Ibinalik na niya ang mga katulong dito sa bahay at pwede akong magrequest ng pagkain na gusto kong kaininin. Kaya lang, nitong mga nakaraang araw wala talaga akong ganang kumain. Ewan ko ba. Hindi ko alam. Basta nararamdaman ko sa sarili ko na hindi na ako masaya sa kung anong buhay me
TREXIE POV"Manang, umalis na po ba si Dominic?" kaagad na tanong ko kay Manang pagkababa ko. Eksakto isang oras pagkatapos ng komprontasyon namin ni Dominic kanina sa kwarto at kaagad akong bumaba dito sa kusina para maghanap ng pwedeng kainin. "Kanina pa po Mam. Hindi na nga po kumain ng lunch. Parang hinatid niya lang po ang mga pagkain para sa iyo." sagot naman nito sa akin. Kaagad akong napatango at naglakad patungo sa dining area para tingnan kung anong mga pagkain ang dala ni Dominic kanina.Puro paborito ko nga pero wala akong balak galawin iyun. Pwede naman akong lumabas at umurder ng kaparehong pagkain kapag gusto ko. "May mga pagkain pa po ba tayo sa ref Manang na ready to eat na?" baling ko kay Manang habang may pilit na nakaguhit na ngiti sa labi. Kaagad naman itong natigilan habang pasulyap -sulyap sa mga pagkain na nasa lamesa na."Hindi niyo po ba gusto ang mga pagkain na dala ni Sir Dominic Mam? Nabanggit niya po kasi sa akin kanina na mga favorite niyo daw po ito."
TREXIE POVHindi ko maiwasan na mapangiti ng mapansin ko na kaagad na nilapitan nila Manang at ng isa pang kasama niyang kasambahay si Michelle at kaagad na hinawakan sa magkabilaang balikat habang nakasalampak ito sa sahig. Pilit naman pumapalag ang galit na galit na si Michelle pero wala siyang pamana sa lakas ng dalawang inutusan ko na tama nga ang iniisip ko. Nasa akin ang kanilang loyalty at ako ang kanilang itinuturing na amo. Mabibigyan ko talaga ang dalawang ito ng bonus mamaya eh. May malaking pera sa account ko dahil hindi naman naputol ang mga allowances na pumapasok doon mula kina Mama at Papa simula ng ikasal ako kay Dominic kaya naman hindi lang ako ang magiging masaya ngayung araw. Sisiguraduhin kong magiging masaya din ang dalawang kasambahay na ito mamaya."Hawakan niyo siya ng maayos. Kukuha lang ako ng gunting." nakangiti kong bigkas at mabilis na pumasok sa loob ng kusina para maghagilap ng gunting. Gunting na panlinis sa isda ang nakuha ko at mabilis na akong bum
TREXIE POV"Dom, bakit siya ang kinampihan mo? Look what she did to my hair! Halos kalbuhin niya ako oh at nandiyan pa sa mga kamay niya ang ebidensya!" narinig kong muling angal ni Michelle habang sapo pa rin nito ang nasaktang pisngi. Hindi naman kumibo si Dominic bagkos naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko kasabay ng pagtangal nito sa gunting na mahigpit ko pa ring hawak."Hindi bat sinabi ko sa iyo na huwag ka ng pumunta sa bahay na ito? Ano ang ginagawa mo dito? Ano ang ginawa mo sa pisngi ng asawa ko?" sagot naman ni Dominic. Hindi ko naman maiwasan na mapataas ang aking kilay.Asawa na ang tingin niya sa akin ngayun? Akala ko ba pinuputol niya na ang pagiging mag asawa namin simula ng nakunan ako? Bakit bigla na naman yata siyang nagbago?Ganunpaman, ayaw ko pa ring maniwala. Malay ko ba naman kung muli niya lang akong pinapaikot. Mabilis magbago ang ugali nitong si Dominic kaya hindi ko na dapat siyang pagkatiwalaan."Gu-gusto ko lang namang makipag-bati sa kanya eh. Gu
DOMINIC POVPara akong biglang nawalan ng lakas habang dahan-dahan akong naglakad palayo kay Trexie. Hindi ko na inaasahan ang mga salitang luambas sa bibig niya ngayun. Tuluyan ng naglaho ang dating siya. Kahit na anong pilit kong paglapit sa kanya, pilit niya akong tinataboy. Gaano ba kalaki ang galit na nararamdaman niya para sa akin?Aware ako kung gaano ako kasama sa kanya noong nakunan siya pero hindi ko alam na ito ang magiging balik sa akin. Tuluyan ng naging malamig ang pakikitungo nito sa akin at wala na ang pagmamahal na nakikita ko sa kanyang mga mata tuwing tinititigan niya ako. Wala na ang dating Trexie.Tuluyan niya na akong sinukuan. Gusto niya na akong iwan. Siguro nga napuno na siya sa mga pinanggagawa ko sa kanya. Siguro nga puro galit na lang ang nararamdaman niya sa akin dahil iyan din naman ang nakikita ko sa kanyang mga mata."Hayaan mo akong makabalik ng Manila at huwag mo na akong guluhin pa kahit kailan! Mag file ka ng divorce at palabasin mo na ako ang may