Share

CHAPTER 1 - SIMULA

SIMULA

Nakatingin ako sa harap ng University na linipatan ko,nakatayo lang ako at nakangiti ang ganda

" Good Morning wife! ". biglang bulong ng kung sino sa tenga ko

Nagulat naman ako,ikaw ba naman biglang bulungan sa tenga?

" H*lly sh*t!ginulat mo ako". inis na tingin ko kay Hash

" Oh ayaw mo naman sigurong parusahan ko yang bibig mo gamit ang bibig ko? ". nakangising sabi niya

" Whatever,btw what are you doing here?diba sabi mo hindi ka lilipat sa bagong University ko? ". cross arms kong sabi sakanya

" Hindi ko sinabing hindi ako lilipat sa bagong University na papasukan mo,ang sabi ko lang ayaw ko ng University na ito ". sabi niya

Aba maarte ka boy?

" Tsk.wag ka ng magreklamo,nandito kana nga eh ". saad ko

Nagsimula na akong maglakad baka malate pa ako eh, habang siya nasa likod ko

" Ano ba kasi ang nagustuhan mo dito sa University na toh? ". inis na tanong niya

" Maganda siya and public school ". simpleng sabi ko

" Maganda naman sa University ko ah?mas mabuti pa doon at private school..i heard pangit sa public schools ". sabi niya kaya tumigil ako para harapin siya

" Well i don't care if maganda ang University mo!at saka hindi totoo na pangit ang public schools!mas masaya pa nga kapag sa public schools..like mararanasan mo ang nararanasan ng ibang students ". inis na sabi ko sakanya

Gigil mo ako beh,sana hindi ka nalang lumipat dito

Matalim ko siyang tiningnan, " And last if napapangitan ka dito then leave..i don't need you anyway ". sabi ko

" What the?mag-aaway nanaman ba tayo? ". iritang tanong niya

Siya pa talaga ang may karapatan na mairita?wow?

" Eh ikaw ang nauuna eh ". taas kilay kong sabi

" Okay fine!mananahimik nalang ako,kung anong gusto mo then i'll support you whatever it is ". pagsuko niya

" Good!manahimik ka nalang talaga..naiinis ako sa boses mo! ". galit na sabi ko sabay turo sakanya

Hindi na siya nagsalita kaya naglakad na muli ako,

" Kung hindi lang kita mahal iniwan na kita ". pabulong na sabi niya

Akala niya ba hindi ko maririnig ang binubulong-bulong niya?

" Then leave me ". cold na sabi ko habang naglalakad pa din

" I won't ". he said

" Tsk.you said kung hindi mo lang ako mahal iniwan mo na ako? ". inis na sabi ko at humarap sakanya

" Oo,eh paano yan I love you? ". biglang sabi niya kaya feel ko namumula ako

Padabog akong tumalikod sakanya habang siya naman natawa

" Tara na nga! ". sabi ko

" Your blushing ". natatawang sabi niya

" No,im not ". sabi ko

" Yes,you are ". pagpupumilit niya

" Can you please stop teasing me? ". inis na sabi ko

" Okay fine im sorry ". sabi niya naman

" Lumipat ka dito tapos hindi mo alam kung saan ang dean office nila? seriously? ". hindi makapaniwalang sabi ni Hash

Eh siya nga lumipat din dito?alam niya ba kung saan ang dean office?tsk

" Eh syempre naman po new student po ako dito,eh ikaw lumipat ka din dito ah?bakit hindi mo din alam kung saan ang dean office?mmh? ". taas kilay kong tanong sakanya

Iniinis niya ako eh

" Kasi hindi ko naman ito—Shut up!Ayan ka nanaman..puro ka pagmamayabang,this is not your own University so better shut your mouth bago pa kita hiwalayan ". hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at sumingit na

" What the h*ck Athena? ". inis na sabi niya

Tiningnan ko siya ng masama, " Minumura mo nanaman ako? ". sabi ko

" Ahh no ". takot na sabi niya

" Yes, you are ". ani ko

" Can we just stop this fight?naiinis na ako ". sabi niya at halatang nagpipigil na magkaaway nanaman kami

Siya nauuna eh!

" Always remember my hubby your the one who's starting first ". pilit ngiti kong sabi

" Oo na,ako na ". pagsuko niya

" Good you admit it ". nakangiting sabi ko

" Kesa mag-away tayo, tara magtanong nalang tayo sa ibang students dito ". sabi niya

" Mabuti may utak ka din pala ". nakangiting sabi ko pa din

Pustahan magagalit toh?

" What did you just say Ms. Athena Cassandra Peterson? ". sambit niya sa buong pangalan ko

You think im scared?nah hindi ako takot sayo!

" I said ' mabuti may utak ka din pala ' okay na?Mr. Dark Hashneil Darby? ". seryosong sambit ko din sa pangalan niya

Akala niya siya lang?tsk.

" Bakit ba palagi ka nalang galit saakin? ". naguguluhang tanong niya saakin

Alam niya kasi kapag galit na ako,nagseseryoso ako.. gusto mo seryosohin kita?haha

" Kasi nakakainis ka! ". sabi ko at iniwan siya

" Hey! ". tawag niya

Hey hey mo face mo.

Naglalakad kami ni Hash sa hallway habang hinahanap ang room namin,ano ba kasi yan!hindi namin mahanap, magkaklase kami..yun kasi ang gusto niya alam mo na baka daw kapag hindi kami magkaklase tapos nakakita daw ako ng gwapo..baka daw ipagpalit ko siya..malamang sino naman ang ayaw sa gwapo chartt.

Baka magalit pa si Hash, Mafia pa naman siya baka mawala lang ang magiging bebeboy ko whuahaha.

" Hi?transferee ba kayo? ". biglang tanong saamin ng babae

Sa suot niyang uniform student din siya

" Oum..yes bakit? ". ako ang sumagot

Hindi kasi nagsasalita si Hash ng basta-basta lang,kung close ka niya minsan madaldal siya

" Ahh wala lang anong name ng section niyo?baka matulungan ko kayo ". nakangiting tanong niya

Nakakaakit ang ngiti niya kidding

" Ahm..Section A kasi ako..alam mo ba kung saan ang room nun? ". kamot batok kong tanong

Kunwari mahiyain tayo haha

" Hay naku beh,magkaklase tayo! Section A din kasi ako..btw sino itong gwapong kasama mo? ". nguso niya kay Hash

Beh boyfriend ko yan wag kang mang-aagaw hahaha kidding

" Ahh siya—Kalerki!hindi ako gwapo sis!maganda ako!maganda!pinapa-stress mo ako!ano ba yan! ". hindi ako pinatapos ni Hash at bigla nalang siyang nagsalita na ikinagulat ko

Bakla siya?bakit ganiyan ang boses niya?oh my gosh!

Tiningnan ko si Hash ng nakataas ang kilay,bigla naman siyang napalunok,takot siya sa akin..hindi niya lang pinapahalata

" Bakla ka? ". gulat na turo ni classmate daw namin kuno* kay Hash

" Oo sis!hindi ba halata? ". pambaklang boses niya at inikotan ng mata si classmate

" Hindi halata eh, sobrang gwapo mo tapos ang laki ng muscle—Don't touch me!oh my gosh Wif–My friend pwede bang ilayo mo saakin yang babaeng yan? she's starting to harass me..oh my goodness!my beautiful body ". parang nangdidiring sabi ni Hash ng hawakan ni classmate ang muscle niya

Umayos ka beh, don't touch my property.ano daw?HAHA

" Grabe ka naman sa harass!hinawakan ko lang eh! ". sigaw na sabi ni classmate kay Hash

Sakit niyo sa tenga!

" Kahit na! you don't have a permission to touch my cute muscles ". tila pambabaeng boses ni Hash

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa hahaha..alam niyo ba yung parang inipit na boses?well kung hindi niyo alam wala akong, magagawa mwehehe

" Ewan ko sayo,tara na nga at madali ng mag time baka malate tayo dahil dyan sa kaartehan mo ". irap ni classmate

Aba dukutin ko mata mo beh kidding.

" Pasalamat ka kasama ko girlfriend ko ". mahinang bulong ni Hash

Katabi ko siya kaya ako lang ang nakakarinig sa sinasabi niya,Mabuti bumalik na ang boses niya sa totoo niyang boses,

Inisip ko yung boses niya kanina HAHAHA hindi sakanya bagay pero haha natatawa ako

" Pwede ba?tumigil ka sa kakatawa saakin? ". pambaklang boses nanaman niya

Siguro nahalata niyang humahagikhik ako,ayaw kong tumawa ng malakas baka mag-away nanaman kami

Napatingin saamin si classmate,Tumingin naman ako kay Hash

" Nakakatawa ka kasi ". pigil tawa kong sabi

" Hay naku!Ang sarap niyong sapakin na dalawa! ". mataray niyang sabi sabay inirapan ako

Aba baka gusto mong ipagpalit kita?

" Bakit kaya mo? ". biglang seryosong tanong ko sakanya

Habang si classmate naman nagpipigil ng tawa, happy ka beh?

takot niya akong tiningnan, " Wag nalang pala,baka ako pa ang maunang masampal ". sabi niya at umiwas ng tingin

" Talaga ". inikutan ko siya ng mata

Nag-crossarms ako,

" Kaya tumahimik ka nalang dyan ". dagdag ko pa

Nanahimik nalang siya kaya nagpatuloy naman kaming tatlo sa paglalakad,bakit kaya wala ng studyante na nasa labas?late na kaya kami?

Sa kakaisip ko sayo hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sayo ng tuluyan charizzz hahaha..

Huminto si classmate sa harapan ng isang pinto ng room, tiningnan ko ang nakasulat sa pinto.

' SECTION AYMISSYOU HAHAHAH hindi joke lang

" SECTION A ". yan ang nakasulat dito.

Tok! Tok! Tok!

Katok ni classmate,uso pa pala ang katok dito?sa University kasi ni Hash walang mga manners ang mga kaklase namin at iba pang students.. syempre mabait po ako,Sabi nga " GOOD MANNERS AND RIGHT CRUSHBACK este RIGHT CONDUCTOR? CONDUCT? ay ewan ba

" Come in ". boses ng babae sa loob

Siguro ayun ang teacher namin,hala baka pagalitan niya kami.. kinakabahan tuloy ako

Binuksan ni classmate ang pinto kaya napatingin sila sa gawi ni classmate,yung iba naman saamin nakatingin na dalawa ni Hash ay hindi pala na kay Hash ang tingin ng mga pugita..akala mo naman gutom dahil sa kaunti nalang maglalaway na sila kakatingin kay Hash

Inis niyo ako mga beh!

Hinarangan ko si Hash kaya narinig ko naman ang mahinang hagikhik ni Hash, naramdaman ko naman ang daliri niya na hinahaplos ang likod ko

Nakikiliti ako

Nakatingin saakin ang ibang babae ng masama pero hindi ko lang sila pinansin at nagpanggap na parang wala akong ginawa

" Btw Ms. Fernandez sino ang mga kasama mo? ". biglang tanong ni Ma'am?

Kaya tumigil si Hash sa paghaplos sa likod ko

" Ah Ma'am sila po yung transferee ". nakangiting sabi ni Ms. Fernandez kuno* si ate girl na classmate namin

" I see..Ms. Fernandez take a seat ". nakangiting utos ni Ma'am kay Ms. Fernandez

Tumango naman si classmate,

Tumingin saamin si Ma'am at parang nagulat ng makita si Hash?may something ba sakanila?malaman ko lang lagot ka saakin Hash!

" Mr. Da—I'm sorry?pwede ba kayong magpakilala saamin? ". nakangiting utos niya saamin

Pilit naman akong ngumiti at tumango,pumunta ako sa harapan ng kaklase namin at nagpakilala sakanila

" I'm Althea Cassandra Buenaventura..im 19 years old i hope maging kaibigan ko kayong lahat ". pakilala ko

It's not my real name baka kasi matakot tuloy sila saakin kapag nalaman nilang ako ang anak ni Mr. Peterson hihihi

Bumalik ako sa tinatayuan namin kanina ni Hash,ginalaw ni Hash ang kamay niya para ipatama sa kamay ko,kabado ka beh?hahhaha

Panindigan mo ang pagpapanggap mong bakla Hahha

Tumayo si Hash sa kaninang pwesto ko at nagpakilala,kung kanina ang mukha niya parang seryosong lalaki ngayon na nasa harapan siya ng kaklase namin biglang nag-iba ang mukha niya..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status