Share

CHAPTER 4 - FRANCINE HAS A CRUSH ON HASH?

FRANCINE HAS A CRUSH ON HASH?

KINABUKASAN.

" Good Morning Althea! ". bati saakin nina Angelo ng makapasok na kami ni Hash sa room

Kakadating palang namin,mabuti wala pa si Ma'am Rebecca,sinundo ako sa bahay ni Hash akala ko nga hindi niya ako susunduin eh

" Good Morning Thea! ". nakangiting bati saakin ni Euni

" Good Morning din sainyo ". bati ko sakanila pabalik

" Good Morning Dan'ca! ". biglang bati naman ni Francine kay Hash

Beh boyfriend ko yan ahhaha

Ngumiti si Hash ng pilit at tumango,

Si Francine naman kinikilig kasi nginitian ni hubby,eh pilit ngiti lang naman akala mo naman eh noh

" Are you jelous? ". bulong saakin ni Hash

" What do you think? ". taas kilay kong tanong sakanya

Ngumiti siya, " Yeah,sabi ko nga nagseselos ka..im sorry okay? pilit ngiti lang yun iba pa din yung ngiti ko kapag sayo ". sabi niya kaya napangiti din ako

Pinapakilig mo ako

" Tigilan mo nga ako sa mabulaklak mong salita ". sabi ko

" Tss.kaya ka nga nahulog saakin dahil sa mga mabulaklak kong salita ". nakangising sabi niya

" Bolero ka kasi ". mahinang tawa ko

" Hindi kaya,totoo naman ang mga sinasabi ko sayo eh ". sabi niya

" Edi ikaw na ". tawa ko

" Oo ako na talaga yung para sayo ". sabi niya kaya ako naman heto kinilig

" Baliw ". palo ko sa braso ni Hash

Talande bwahahha

" Ehemm...pa chismiss naman mga beh ". biglang salita ng kung sino sa gilid ni Hash

Napatingin kami dito,si Francine

" Epal ". mahinang bulong ni Hash

Hindi ko alam kung narinig din ni Francine

" Huh? ". patanong na usal ni Francine

Titig na titig siya kay Hash,

Tumawa ako ng mahina

" Ahh wala sabi niya kasi kanina nagtry siyang magprito ng itlog,pero alam mo kung anong nangyari? ". natatawang sabi ko

" Anong nangyari? ". excited na tanong ni Francine

" Nasunog yung itlog bwhahah kulay itim na hahaha ". tawa ko kahit hindi naman totoo

Tiningnan ako ni Hash, " Hindi naman ah? ". mahinang sabi niya

Pinanlakihan ko siya ng mata at ngumiti

" So sinasabi mong sinungaling ako? ". nakangiting tanong ko sakanya

" Hindi i mean oo nasunog yung itlog na prinito ko kanina ha.ha ". pakikisabay ni Hash

Good!

" Seryoso?malaki kana Dan'ca tapos hindi kapa marunong magprito ng itlog?ahahaha ". natatawang sulpot naman ni Francine

Ay nandyan kapa pala beh?

" Hoy ang boses mo Francine!nakaabot na sa Dean's Office dahil sa lakas,dinaig pa ang speaker kung magsalita ". biglang sigaw naman ni Jason

Napatingin sa gawi namin ang mga kaklase namin,kaya nga eh dinaig pa ang speaker sa fiesta

" Anong sabi mo! ". inis na sabi ni Francine at lumapit sa harap ni Jason

Sabi ko beh mahal kita!

Kidding

" Sabi ko...

May sinulat si Ivan sa blackboard

Si Jason naman dahil isang uto-uto ayun binasa hahahha

" I LOVE YOU? ". kunot noong sabi ni Jason

Kaya nakita naming namula si Francine at naghiyawan ang mga kaklase namin,sana all

" Ayieeee!!!!! baka JaCine yan? ". sigaw ng kaklase namin

Ayiee

" Hindi noh!binasa ko lang naman yung sinulat ni Ivan sa blackboard ". pagdedepensa naman ni Jason

Bakit mo binasa?bwahahha

" Wag mo ng ideny Jason sabihin mo nalang kasi na may crush ka kay Francine ". pang-ngangantiyaw ni Angelo kay Jason

" Baliw! ". sigaw ni Jason dito

" Ayieee nagblabush si Francine ayie ". biglang sabi ni Euni kaya napatingin kami kay Francine kanina pa siya nagblabush haha

" Tama na nga!hindi ko naman crush si Francine eh! ". masyado kang defensive beh bwahaha

" Eh bakit kanina parang papatayin mo na si Dan'ca? ". biglang sabi naman nung lalaking kaklase namin

" Luh? ". takang tingin ni Jason sa lalaki

Bakit na damay si Hash dyan?

" Oo nga kasi parang may crush si Francine kay Dan'ca,hahaha selos si fafa Jason bwahhaha ". natatawang sabi naman nung bakla

" Kahapon pa yan si Jason haha tingin ng tingin kasi si Francine kay Dan'ca eh kaya nagseselos si Jason ". natatawang sabi naman ni Angelo

" Hoy tumigil nga kayo! ". awat ni Euni

" Dan'ca may pag-asa bang icrushback mo si Francine? ". biglang lapit nung kaninang lalaki sa gawi namin at tinanong si Hash

Nakatingin saakin si Hash, tiningnan ko naman siya ng seryoso

Tumingin siya sa kaklase namin at sabay galaw ng buhok niya,Akala mo naman mahaba ang buhok.

" Pwede ba?ang ingay niyo pati ako dinadamay niyo ". mataray niyang sabi

Magsasalita pa sana ang Isa sa kaklase namin ng dumating na si Ma'am Rebecca,thank you Ma'am

" Good Morning class ". bati ni Ma'am saamin habang nasa harapan na siya

" What's happening here?bakit rinig ko ang boses niyo sa labas? ". tanong ni Ma'am

" Si Francine kasi Ma'am may crush kay—Hoy Scarlet! ". hindi natapos ang sasabihin ng Scarlet kuno* ng sumabat si Euni

" May crush kanino? ". takang tanong ni Ma'am

May pagkamarites din pala si Ma'am Rebecca kidding

" Wala Ma'am hahah ". tawa ni Euni

" Hay naku.. everyone please stand up and let us pray ". seryosong sabi ni Ma'am kaya tumayo naman kami.

Pagkatapos naming magdasal ay kaagad na nagsimula si Ma'am Rebecca ng lesson niya,hindi ko alam pero feeling ko nagseselos ako kasi naman ngayon ko nalaman na may crush pala si Francine kay Hash.

Sana'y naman ako, sobrang dami ng nagkakagusto sakanya lalo na sa University niya,pero kasi iba kapag yung bagong kaibigan mo may crush sa boyfriend mo?

" Are you okay? ". nag-aalalang tanong saakin ni Hash

Nasa cafeteria na pala kami?recess na pala?sa kaka overthink ko hindi ko na namalayan kung nasaan na kami

" Oo naman ". pilit ngiting sabi ko naman

Tiningnan lang ako ni Hash na para bang sinusuri ang mukha ko kung ayos lang ba talaga ako o hindi

" Hala may crush ka din ba kay Dan'ca? Thea? ". biglang tanong saakin ni Euni

Crush?eh boyfriend kona nga yan eh

" Wala noh,bakla kaya yan haha ". natatawang sabi ko

Tumawa naman siya

Kumuha ako ng binake ni Mommy sa tupperware na pinabaon niya saakin,sabi ni Mommy bigyan ko daw si Hash and she said bigyan ko din daw ang mga kaibigan ko?

Kailangan koba talaga ng kahati?

Seriously Athena?yan ang iniisip mo?

" Guys! ". biglang dating naman nina Angelo

Nandito nanaman sila,I look at Francine abot tenga ang ngiti ng makita si Hash

Naramdaman ko naman ang pasimpleng paghawak ni Hash sa bewang ko,Buti nalang at hindi naman iyon nakita nina Angelo

" Oh ano nanaman ginagawa niyo dito? ". tanong ni Euni kina Angelo

" Makikiupo ulit kami ". nakangiting sabi niya

Mukhang happy siya ngayon ah?

" Hi Dan'ca ". biglang bati ni Francine kay Hash

Feeling ko makakasapak ako pero kinukontrol ko lang, naramdaman ko namang hinigpitan ni Hash ang pagkakahawak niya sa bewang ko,maybe nahalata niyang nagtitimpi ako

Hindi nalang ako umimik at hindi din pinansin ni Hash si Francine

Inalis ko ang papel sa ilalim ng cupcake at kumagat, bibigyan koba sila?

" Dan'ca? ". biglang basag ni Euni sa katahimikan

Tiningnan ko si Hash, tumingin siya kay Euni na nagtatanong

" May crush kaba? ". biglang tanong ni Euni

Hindi pinansin ni Hash ang tanong ni Euni at nagpanggap na walang narinig

" Dan'ca ". tawag ko kay Hash

Kaya napatingin siya saakin

" Mmh? ".

" She's asking you kung may crush kaba? ". sabi ko

Tiningnan naman niya ako na parang hindi niya alam ang isasagot,

Nang biglang,

" Ahm..oo madami mga fafa,pito na nga ang asawa ko eh! ". kunwaring kinikilig na sabi niya

Ayan nanaman siya,bakla ng taon oo

" Pito? ". takang tanong ni Francine

Oo narinig mo naman beh diba?

Pilit na ngumiti si Hash at tumango, " Oo si Jungkook,si V,si Jimin,si jhope,si Jin,si suga,si RM ". kinikilig na banggit niya sa pangalan nina Jungkook

How did he know them?

Well im an army kasi,an army fan.. I have a lots of tiny tan in my room at kinukwento ko sakanya palagi sina Jungkook,minsan nga naiinis na siya kasi puro nalang daw ako Jungkook paano naman daw siya?

" Army ka? ". tanong ni Euni

Kunot noo namang tiningnan ni Hash si Euni, " Hindi noh student palang ako ". sagot ni Hash

Kaya pinigilan kong hindi matawa g-gi

" Bwahahah ". tawa ni Euni

Pero saakin tumingin si Hash

" Bakit ka natatawa? ". tanong ni Hash

" Ehem...Sorry, tinatanong niya kasi kung army ka ". pigil tawa kong sabi

" Tama naman ah? student palang ako ". pagdedepensa niya sa sarili niya

Ngumiti ako, " Oo pero ang ibig niyang sabihin kung army fan ka,fan ng BTS hahaha ". tuluyan na akong natawa

Sorry hubby

Napakamot batok naman siya, " Ahh ganon ba?basta Asawa ko sila ". sabi niya at biglang tumaray

" Sayo na yung anim basta akin si Jungkook ". sabi ko

Bigla namang dumilim ang mukha niya,hindi dahil inaagawan ko siya kung hindi ay nagseselos nanaman siya

" Hindi beh! sakanya na yung Lima,sayo si Jungkook..tapos saakin si Taehyung ". biglang salita ni Euni

" Kailangan naba naming umalis? ". . biglang sulpot ni Angelo

" Huh? ". takang ani namin

" Hindi kasi kami makasabay sainyo haha ". kamot batok na sabi ni Angelo

Ayy oo nga pala hahaha

" Sorry naman,ibang topic na nga lang ". sabi ni Euni

Kung ano-ano ang pinag-usapan namin hanggang sa magtime na.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status