Bata pa noon si Blaine gaya ko. 13 years old pa lang ako nun. Balak nung mga siraulong lalaki na pagsamantalahan si Blaine Cuevas pero nahuli sila nang kuya nito na si Luke kaya hindi nila nagawa ang gusto nila.
Ang kaso lang ay hindi sila kaya ni Luke mag-isa dahil sobrang dami nila. Sana beinte yata sila noon at ang dalawa sa kanila ay may dala pang baril.
Doon na ako nakielam. Naalala ko kasi doon 'yung nangyari sa amin ni Cass kaya gusto kong tumulong. Ayoko na mapagsamantalahan ang batang walang kalaban laban.
Inuna namin patumbahin ni Luke 'yung dalawang may baril, para hindi na nila magamit pa ang baril ay kinalas na naming pareho ang mga parte nun.
Saka namin sinunod 'yung mga punyetang adik. Muntikan pa nga kaming makulong noon dahil sa ginawa namin, pero dahil kay Blaine Cuevas ay hindi.
Self defense lang naman ang ginawa namin. Kaya walang karapatan ang mga pulis na hulihin kami kahit na binugbog namin ang mga 'yon.
Mabait pa nung mga panahon na 'yon si Blaine Cuevas. Hindi siya gaya ngayon na maldita.
Nung gabi ding 'yun ay nalaman ko na gang leader si Luke, sinabi ko din sa kaniya na gang leader ako.
Magaan ang loob ko nun kay Luke kaya nakapag kwento agad ako sa kaniya. Hindi ko alam nun kung bakit magaan ang loob ko sa kaniya.
Mula nun ay hindi na muli pang naglaban ang dalawang gang na pinamumunuan namin.
"'Di ba, 'yung mga bata nun 'yung bumugbog sa 'kin?" Tanong ni Andrei.
Nasabi ko na sa kaniya 'yun matapos ko siyang turuan nang martial arts.
"Oo." Sagot ko.
"Tapos kaibigan mo pala 'yun?" Tanong niya ulit.
"Don't worry, Andrei. Your sister beat them up all even she knew that Luke is their leader. Luke give your sister a permission to beat them. That only proves that Luke is treating your sister as his friend too." Sabat ni Cass.
Tinignan ko siya at pinagkunutan nang noo. "Paano mong nalaman 'yun?" Tanong ko sa kaniya.
"I have my eyes on you, dear. I know everywhere you are, every person you meet and everything you do." Sagot niya.
Naging stalker ko pala siya. Siya siguro ang nararamdaman ko laging sumusunod sa akin.
"You're right, dear. I know that you can feel when someone is following you. I'm the person that you feel that following you." Sabi niya.
Nabasa niya yata ang nasa isip ko.
"Pwede kitang kasuhan nang stalking." Sabi ko na kinatawa lang niya.
"I'm scared, my dear Prosecutor. Are you going to convict me?" Tanong niya.
Umasta ako na animong nag-iisip.
"Should I?" Tanong ko rin.
"Oh...answering my question with another question, huh?" Nakangisi niyang sabi. "You're improving, my dear."
Ano naman ang nag-improve sa akin?
Minsan ay hindi ko rin maintindihan ang babaeng 'to, eh.
Nahinto lang kami sa pag-uusap nang dumating si mama at nagsalita.
"Magsikain na muna kayo at mamaya na kayo magkwentuhan." Sabi ni mama saka naglapag ng mga pagkain sa center table.
Kumain kami at nagkwentuhan. Ang lukang si Cass ay walang tigil kakukwento ng mga ginagawa ko.
Lahat ng galaw ko ay alam niya. Lahat ng pinuntahan ko ay alam niya. Bantay sarado nga niya ako.
"At school, when she's in grade school. Someone approach her and she ignored him. But that guy is so persistent so he approached her again, and then Andrea punch him and leave." Tumatawang kwento ni Cass na nakapagpatawa sa mga kasama namin.
Pati ba naman iyon ay naalala pa niya? Natatandaan ko nga na ginawa ko 'yon. Ayaw naman kasi akong tigilan nung pesteng lalaki na 'yon. Ayaw akong tigilan kaya sinapak ko na.
"Amazona ka talaga, eh." Asar sa akin ni Jake.
Nginiwian ko lang siya. Ako na ang amazona. Anong magagawa ko kung ayoko sa makulit na gaya nung pesteng 'yon?
"Kung ganun, Cassandra. Ikaw ang unknown messenger niya?" Tanong ni kuya Andrew.
"Yeah." Matipid na sagot ni Cass.
"Alam mo kung sino ang taong nasa likod nito?" Tanong naman ni Andrei.
Tumango si Cassandra bilang sagot.
"Sino?" Tanong ni kuya Andrello.
Naghintay kami sa sagot ni Cassandra. Alam ko naman ang isasagot niya.
Ngumisi siya sa kanilang lahat bago tumingin sa akin.
"It's for our dear Prosecutor to find out." Nakangisi niyang sagot.
'Yan din ang sinabi niya sa akin kanina. Alam ko naman kung ano ang gusto niyang gawin ko para mahuli ang kung sino mang punyeta ang nasa likod nito.
"May plano ka na ba?" Tanong ni kuya Andrew.
Tumingin muna ako sa kaniya bago tumango.
Gagawin ko kung ano ang gusto ni Cassandra na gawin ko. 'Yun lang din naman ang choice ko at wala ng iba dahil hindi naman niya sasabihin sa akin kung sino ang may kagagawan ng lahat ng 'to.
Baliw kasi 'tong kaibigan kong 'to.
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d