It's Complicated
Zari's POV
'Dalhin mo na 'tong burn ointment.' Sabi ko kay Xander matapos kong maayos ang nagulo kong damit. Tumingin ako sa gawi nito. Nakasuot na ito ng damit pang-itaas at kasalukuyang nagsusuot ng coat.
'Okay.'
Napansin kong tabingi ang necktie nito kaya lumapit ako para ayusin 'yun. 'Thanks.'
'You're welcome.' At saka ko inabot ang burn ointment dito. 'Pahiran mo ng tatlong beses sa isang araw. Huwag mong pabayaan. Baka magpeklat.'
'Tatandaan ko.' Sagot nito sabay halik muli sa akin.
'Aba't... nakakarami ka na.' Inis kong sabi dito.
'See you later, babe.' Nakangiting sabi nito bago lumabas ng aking opisina.
Napabuntong hininga ako habang naguguluhan. Gusto kung mainis sa sarili ko. Bakit? Kasi hinahayaan kong gawin ni Xander ang mga bagay na hindi naman dapat. 'Yung halikan ako. 'Yung yakapin. Wala naman kaming relasyon in the first place. So... bakit ako pumapayag?
'Ha! Zari... why?' Tanong ko sa aking sarili. Sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam kung bakit. Galing noh... tanong ko, sagot ko. Kaya muli na lang akong napabuntong hininga.
Alam ko na. May naisip na kong paraan. 'Starting tomorrow, iiwasan ko na s'ya.' Good thing na nasa convention ako bukas kaya malayong magkita kami. 'We're enemies kaya hindi n'ya na 'yun mahahalata.' At muli akong naupo sa aking swivel chair saka pinagpatuloy ang aking ginagawa.
Ala sais na ng gabi ng ako ay matapos. Inayos ko muna ang mga folder sa ibabaw ng aking mesa bago ako nagtungo sa aking walk-in closet. Nakagayak na roon ang mga damit na puwede kong suotin. Isang puting blouse, cream na cardigan at fitted jeans ang aking kinuha at saka ako nagtungo sa banyo.
I take a quick shower. After that ay tinuyo ko ang aking buhok using blower at hinayaan ko na itong nakalugay. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng make-up dahil matutulog lang naman ako sa biyahe.
Mayamayapa'y dumating na si Stella. 'Shall we go, Young Miss?'
'Yes.'
Mabilis ang naging biyahe namin papuntang airport. Pagdating doon ay ready for take-off na ang private plane na aming sasakyan. Yes. My family owns a private plane. Kaya walang hassle sa pagbibiyahe locally and abroad.
'Stella, gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo.' Bilin ko dito after kong masecure ang aking seat sa loob ng private plane.
'Sige, Young Miss.'
'Matulog ka rin. Almost two hours ang magiging biyahe natin.'
Tumungo si Stella sa akin bilang tugon. At saka ko inirecline ng bahagya ang aking seat para matulog na.
xxxxx
Xander's POV
'Josh, sa airport na tayo. Doon na lang ako magdidinner kasama si Kuya Kyle.' Sabi ko dito matapos kong sumakay sa kotse.
'Okay, Second Young Master.' Sagot naman nito at saka napatingin sa damit pang-itaas ko. 'Gusto n'yo bang magpalit muna?'
'Hindi na. Sa airport na lang.' Nakangiti kong sabi dito at saka kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Nagbasa ako ang ilang messages doon. Naging maganda ang mood ko after kung manggaling sa opisina ni Zari. Ang totoo n'yan alibi ko lang talaga ang pagpunta kay Kurt. Si Zari talaga ang sadya ko sa L Institute.
Buti na nga lang umayon ang pagkakataon sa akin at naabutan ko si Kurt. Dahil kung hindi... wala na. Wala na kong maidadahilan pang iba.
Childhood enemy kung ituring ako ni Zari. Paano nga naman hilig ko s'yang asarin at pikunin noon. Pero dati 'yun. We're both adult now kaya hindi na appropriate kung mag-aasaran pa rin kami ngayon.
Gusto kong ayusin ang pakikitungo namin sa isa't isa. Kaya nga ako na ang unang gumawa ng move para magkaayos kami. Kaso parang lalo pa yatang naging komplekabo ang mga bagay-bagay sa pagitan naming dalawa.
It's OfficialXander's POVHuminga ako ng malalim. Relax lang, Xander. Relax. Pilit kong pinakakalma ang aking sarili.'Hindi ka pa magsha-shower, Xander?'Napapitlag pa ko ng biglang magsalita si Zari sa tapat ng tainga ko. Tuloy imbes na marelax ako ay lalo pang nag-init ang pakiramdam ko. Tuloy nagmamadali akong napatayo at nagtungo sa banyo.'Hey! Okay ka lang?' Narinig ko pang tanong nito. Ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa.Pagkapasok ko sa banyo ay kaagad na kong nagtanggal ng damit at saka tumapat sa lagaslas ng tubig mula sa shower. Malamig 'yon. Sapat na marahil para mapakalma ang pakiramdam ko.Pinalipas ko ang ilang minuto sa ganoong posisyon. Nang maramdaman kong kalmado na ko ay saka ako nagpatuloy sa paliligo.Tinantya ko muna ang aking sarili. I'm not a pervert. Ayaw kong ganoon ang isipin ni Zari sa akin. Nakakahiya. Nang batid kong okay na ko ay lumabas na ko ng banyo.Naabutan ko si Zari na nakaupo sa harap ng salamin. Nagpapatuyo ito ng buhok gamit ang hair dryer.
A Day At The OfficeZari's POV'Ano kaya 'yung tinutukoy ni Uncle Mart? Saka sino kaya 'yung kausap n'ya?' Bulong ko sa sarili habang palakad-lakad sa loob ng aking opisina. Hindi kasi ako mapakali.Hindi mawala sa isip ko ang naulinigan ko kanina. May parte ng isip ko ang nagsasabi na hindi lang simpleng conversation 'yon. There's something in it na kailangan kong malaman.'Hindi kaya may ginagawang anumalya si Dok Mart sa L Institute, Young Miss?' Napabaling ako ng tingin kay Roselle. 'Base kasi sa profile n'ya, matagal na s'ya dito. A Co-founder in particular. So basically, he has the access to everything.'Na gets ko agad ang nais na tukuyin nito. 'You're right. He can do whatever he wants, kung nanaisin n'ya. He can also manipulate everything in a snap of his finger without me knowing it.''Exactly, Young Miss.'Napabuntong-hininga ako. Realization strikes me. Tama si Roselle. May sense ang mga sinabi nito at posible nga iyong mangyari.Kung mapapatunayan kong sangkot nga sa anum
The OverheardZari's POVWhat a pleasant day! Sa wakas! Makakapagtrabaho na ko today. Ilang araw na rin kaya akong inip na inip sa bahay. Buti na lang pinayagan na ko ni Xander. Ito kasi ang pinakaistrikto sa mga bantay ko. 'Morning, everyone.' Bati ko sa mga naroroon sa opisina. Sa L & L Corp. muna ako unang bumisita. 'Morning, Miss Zari.' Bati rin nila sa akin. 'Masaya kami at nakabalik na kayo.''Ganun din ako. Saka na-miss ko kayong lahat.' Pakiramdam ko wala namang nagbago sa akin kahit na may selective amnesia ako. Kung anong attitude o kaya behavior ko sa kanila dati ay ganoon pa rin naman. Siguro kung meron mang pagbabago very minimal lang. Nagtungo ako sa opisina ko. Sinalubong ako doon ni Stella. 'Welcome back, Young Miss.''Stella... grabe, na-miss kita.' Nakangiti kong sabi dito sabay yakap sa braso nito.'Pasensiya ka na, Young Miss kung minsan lang kita nabisita. Binilinan kasi ako ni Second Young Master na i-supervise ko muna ang L & L at L Institute habang wala ka
The Chocolate CakeZari's POVI was discharged from the hospital a while ago. Si Xander ang sumundo at naghatid sa akin sa bahay. Balak pa nga sana nitong sa bahay na lang magtrabaho. Para may kasama daw ako. Kaso agad ko naman iyong tinutulan. Ipinaliwanag ko dito na hindi porke't may selective amnesia na ko ay kailangan na n'ya kong bantayan 24/7. I'm not a cripple. Kaya ko pa ring gawin ang mga dati ko ng ginagawa. I know he still have some work to do at ayaw kong makaabala.Napapayag ko naman ito after giving him assurance na okay lang talaga ako. Nagpaiwan pa ito ng ilang bodyguards para sa safety ko. Ayaw na daw nitong maulit ang nangyari sa akin. Pumayag din naman ako sa gusto niya. 'Stella, padalhan mo ko ng ilang documents for review sa email ko. Naiinip kasi ako.' Tinawagan ko ito para lang sa request na 'yon. Wala kasi akong magawa sa bahay.'Hindi pupuwede, Young Miss. Kabilin-bilinan ni Second Young Master na kailangan n'yo ng pahinga.' Wika nito at saka nagpaalam na iba
Selective AmnesiaXander's POVIkinuwento ko sa kanila ang buong detalye kung papaano ko naging asawa si Zari ng ganoon kabilis. Iba't- ibang reaksyon ang inani ko mula sa kanila. May nagulat, natuwa, at mas lamang ang hindi makapaniwala.'Alexander Araneta... why did you do that?' Hindi makapaniwalang tanong ng aking ina. Tinawag na nito ang buong pangalan ko. Kaya batid kong hindi ito sang-ayon sa ginawa ko.'Mom, don't get me wrong.' Sabi ko dito. 'It wasn't my intention to do that.''Pero ginawa mo pa rin...' Disappointed na sabi nito.'Love... calm down.' Nakisabat na rin ang aking ama. 'Alam ni Xander na mali ang kanyang ginawa. Kaya nga gumagawa s'ya ng paraan to win over Zari's heart.' Bumaling ito sa akin. 'Right, Xander?'Tumango ako dito. 'Yes, Dad.'Napabuntong-hininga na lang ang aking ina. 'Xander... you must compensate Zari for this.''Yes, Mom.' Mabilis kong sagot dito. 'I have a lot of ways.''Grabe ka, Kuya Xander.' Komento ni Alyssa. 'Wala na talagang kawala si Ate
The SecretXander's POVNagmamadali akong bumababa sa kotse matapos marating ang lokasyon ng aksidente. Gusto kong manlumo sa naabutan kong scenario.Sa malayo palang ay tanaw ko na ang kalunos-lunos na sinapit ng tatlong kotse. Sa mga naroroon, pinakagrabe ang tinamo ng kotse ni Zari. Para itong pinitpit na lata. Ang sinumang sakay noon ay hindi mabubuhay kung sakali. Nakakatakot tingnan.'Zari...'Namataan ko ang tatlong ambulansya sa di kalayuan. Patakbo akong lumapit sa mga ito. Dalawang pasyente ang nakita kong isinasakay sa unang ambulansya. Isang kritikal at isang may bali sa binti.'Zari...' Hindi ko ito nakita doon.Lumapit ako sa pangalawang ambulansya. Isang pasyenteng nakabalot sa puting kumot naman ang naroroon. Lakas loob kong inangat ang kumot. Ganoon na lang ang naramdaman kong relief ng makitang hindi si Zari 'yon.'Zari...' Malakas kong tawag sa pangalan nito. 'Na saan ka na?'Sa puntong 'yon, pakiramdam ko masisiraan na ko ng bait. Grabe na ang nararamdaman kong pag