Unexpected Meet Up
Xander's POV
Sampung taon na ang nakararaan...
Kadarating ko lang noon mula abroad. Kinailangan ko kasing umuwi muna para dumalo sa kasal ni Kuya Kyle. Kasalukuyang binabaybay ng aking kotse ang kahabaang kalye sa aming subdivision ng isang itim na van ang mabilis na lumabas sa isang mansyon na naroroon. Hindi ko na sana iyon papansinin ngunit bigla kong naalala na ang mansyong iyon ay pagmamay-ari nila Zari.
'Bumalik tayo. Bilis.'
Kaagad namang minaniobra pabalik ng aking driver ang kotse. Sa malayo pa lang ay pansin ko ng bukas ang malaki nitong gate. 'Josh, hindi maganda ang kutob ko.'
'Ganoon din ako, Second Young Master.'
'Maging alerto ang lahat.' Sabi ko sa aking mga bodyguards.
Pinahinto ko ang kotse, isang bahay mula sa mansyon at dahan-dahan kaming bumaba. Tahimik ngunit alerto kaming pumasok sa loob ng bakuran.
'Second Young Master... may nakahandusay na mga katawan sa banda roon.'
Nakaramdam ako ng kaba sa aking narinig. 'I-check n'yo ang loob. Bilis.'
Nilapitan ko ang nakahandusay na mga katawan. At ganoon na lang ang aking pagkagulat ng makilala ko kung sino ang mga ito.
'Tito.' Tawag ko dito at kaagad ko itong dinaluhan. Hinawakan ko ang palapulsuhan nito ngunit wala na akong maramdaman. Katabi nito si Tita na katulad nito ay wala na ring buhay. 'Hanapin n'yo ang Young Miss.'
'Second Young Master, hindi po namin makita ang Young Miss.' Sabi ng isa sa mga bodyguards ko makalipas ang ilang minutong paghahanap. 'Halughugin n'yong muli ang buong paligid. Kung namatay din siya, naririto lang din ang kanyang katawan.'
Kaagad namang tumalima ang aking mga bodyguard. Isa-isang hinalughog ang bawat parte ng bahay. Makalipas ang limang minuto, nagbalik ang mga ito at nagsabing wala talaga itong matagpuang ibang labi sa buong paligid.
'Marahil ay nakatakas siya.' Sambit ko. 'Mag-imbestiga kayo sa mga karatig-lugar. Pero bago iyon dalhin muna ninyo ang katawan nila Tito sa punerarya.''Josh, anong oras nga pala ang flight ko mamaya?' Tanong ko dito matapos akong maalimpungatan. Nakaidlip pala ako.
'Alas otso ng gabi, Second Young Master.'
'Good. Mahaba pa ang oras.' Sabi ko dito habang nakatingin sa suot kong Rolex. Alas tres pa lang kasi ng hapon. Inabot ko ang aking coat at saka 'yun isinuot. 'Dumaan muna tayo saglit sa L Institute.'
'Okay, Second Young Master.'
Within forty-five minutes ay narating na namin ang L Institute.
'Good afternoon, Second Young Master.' Masayang bati sa akin ng receptionist ng makita nitong papalapit ako.
'Good afternoon.' Balik na sagot ko naman dito. 'Nasa opisina niya ba si Dr. Sandoval?'
'Yes, Second Young Master.' Sagot nito.
'Pakiabisuhan naman s'ya na papunta na ako.'
Nagdial ito saglit sa telepono at saka may kinausap. 'Second Young Master, nainform ko na ang secretary ni Dr. Sandoval. Puwede n'yo na s'yang puntahan sa opisina n'ya.'
'Thank you.'
'You're welcome, Second Young Master.'
Naglakad na ako patungo sa opisina ni Dr. Sandoval. Habang binabaybay ko ang hallway, bigla akong napahinto sa paglalakad. 'Josh.'
'Yes, Second Young Master.' Nagtatakang sagot nito.
'Pakicheck kung nasa opisina pa n'ya si Dra. Lopez.' Seryoso kong utos dito.
'Okay, Second Young Master.' Pigil ang ngiti na sagot ni Josh. 'Sabi ko na nga ba eh. Hindi rin nakatiis.'
'Ano 'yun, Josh?'
'Wala, Second Young Master. Maiwan ko muna kayo at magtatanong lang ako sa mga naririto.'
Tumango lang ako dito at saka naglakad ng muli. Malapit na ako sa opisina ni Dr. Sandoval ng matanaw ko sa dulong side ng hallway si Zari. May kausap itong lalaki. Mukhang seryoso at masinsinan ang kanilang pinag-uusapan. Marahil ay isa ito sa mga staff ng L Institute base na rin sa suot nitong puting lab coat.
'Second Young Master.' Narinig kong tawag sa akin. 'Nand'yan ka lang pala.'
Nalingunan ko si Dr. Sandoval. Nakalapit na pala ito sa kinatatayuan ko.
'Sinong tinatanaw mo d'yan, Second Young Master?' Curious na tanong nito saka bumaling rin ng tingin sa dulong side ng hallway.
'Wala. Akala ko kakilala ko.' Tugon ko sabay tulak dito pabalik sa opisina nito.
'Kala ko naman nakita mo na ang magiging Ms. Right mo kaya ka natulala d'yan.' Nanunukso pang sabi nito.
Tsk! Napapailing na lang ako sa sinasabi nito. High school classmate ko si Dr. Kurt Sandoval. Isa ito sa mga matalik kong kaibigan. Makulit. Maharot. Pero matalino. Ganyan ko ito ilarawan. Pangarap talaga nitong maging doktor dati pa. Kaya nga hindi na ako nagulat ng malaman kong ganap na doktor na ito ngayon.
Si Dr. Kurt Sandoval ay isang instructor at head ng pediatrics department ng L Institute.
'Masyado kasing mataas ang standard mo, bro. Kaya hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend.' Patuloy pa ring sabi nito. 'You're turning thirty this year... baka nakakalimutan mo.'
'Yeah, I know.' Sagot ko dito habang papaupo sa couch na naroroon sa loob ng opisina nito. Palibhasa may asawa na ang kumag kaya ganito na lang magcomment sa akin.
'Maiba tayo.' Natatawang sabi nito. 'What brought you here?'
'Nothing in particular.'
Tsk! Narinig kong palatak nito. 'Bro, wala ka sigurong magawa sa opisina mo kaya ako itong napili mong abalahin.' Napapailing na sabi nito.
'Buti alam mo.' Natatawang sabi ko dito. 'May kailangan lang akong asikasuhin na malapit dito kaya I drop by.'
'Ahh...' Tatango-tangong reaksyon nito.
Tok! Tok!
Napahinto ang pag-uusap namin ni Kurt ng bumungad si Josh sa pinto.
'Second Young Master, nandito pa ang Young Miss.'
'Okay.' Sagot ko kay Josh saka tumayo. 'Kurt, I'll go ahead. Sa ibang araw na lang natin ipagpatuloy ang kwentuhan.'
Hindi ko na nahintay ang tugon ni Dr. Kurt sa akin dahil mabilis na akong lumabas ng kanyang opisina.
xxxxx
Zari's POV
Seryoso at masinsinan kaming nag-uusap ni Dr. Reyes ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Ngunit imbis na pansin kung sino iyon ay minabuti ko na lang na huwag na.
'Kung may iba pa kayong concern regarding sa bago nating project, Uncle Mart... don't hesitate to approach me.'
Si Dr. Mart Reyes ay matalik na kaibigan ng aking ama at isa rin ito sa mga senior researcher nila sa L Institute.
'Sure, hija.' Sagot nito. 'I'll remember that. Mauna na rin ako sa'yo at babalik pa ko sa lab.'
Tumango ako kay Uncle Mart bilang tugon. Nang maiwan ako ay hindi ko mapigilang tumingin sa gawi na kung saan ko naramdamang may nakatingin kanina. Wala naman akong nakitang tao roon kaya napakibit balikat na lang ako at bumalik sa opisina.
'Young Miss, someone's looking for you?' Sabi ni Stella sa intercom makalipas ang ilang minuto.
'Okay. Papasukin mo.'
Nagtungo ako sa pantry. Coffee time na. Kaya magtitimpla muna ako ng kape. 'Saglit lang.' Sabi ko ng marinig kong bumukas ang pinto. Wala akong narinig na response sa kung sinomang pumasok kaya mabilis ko ng tinapos ang paggawa ng kape.
Pagbaling ko... 'S***!' Nabuhos ang dala kong kape sa dibdib ng taong kaharap ko.
'Sorry.' Sabi ko habang mabilis na inabot ang tissue na ipangpupunas ko dito.
'It's okay, babe.' Sagot nito. 'Alam ko namang hindi mo sinasadya.' Nabigla ako ng mabosesan ito. Si Xander pala.
'S***!' Mariing sabi ko. Mas lalo akong nataranta. Pero hindi ako nagpahalata. 'Take off your shirt... faster.'
Tumalima naman ito sa utos ko. Iniwan ko ito saglit para kunin ang first aid kit. Pagbalik ko ay natanggal na nito ang suot na pang-itaas. Binuksan ko ang first aid kit at kinuha ang burn ointment doon.
'S***!' Sabi ko ng makitang mapula ang bahagi ng d****b nitong natapunan ng kape. Maputi si Xander kaya kitang-kita iyon. S***! Napakainit pa naman ng kapeng ginawa ko. 'Please bear the pain.' Bulong ko habang dahan-dahang nilalagyan ng ointment ang d****b nito. Habang ginagawa ko 'yon ay hinihipan ko para maibsan ng kaunti ang kirot na nararamdam nito.
'Babe... don't feel guilty.' Bulong nito sa akin. 'Ako naman ang may kasalanan.'
'Eh, bakit nga kasi sinalubong mo ko?' Naiinis na sabi ko dito.
'Ang tagal mo kasi. Kaya nacurious ako kung anong ginagawa mo.'
'Ahhh...' Sabi ko at medyo diniinan ng bahagya ang pagpapahid ng gamot sa d****b nito. 'Curiosity killed the cat.'
'Ouch!'
Natawa ako sa reaksyon ni Xander kaya muli kong inulit ang aking ginawa. 'Babe... masakit kaya.'
'Dapat lang 'yan sa'yo. Pasaway ka kasi.'
'Ahh... ganon.' Hinila ako ni Xander palapit sa kanya.
'Hey! 'Yung d****b...' Nabitin ang iba ko pang sasabihin ng halikan nito ang aking labi. Hindi ko 'yon inaasahan kaya hindi ako napakagreact. Kinailangan pa akong kagatin nito ng bahagya para makuha ang response ko. Napaawang ang aking labi dahilan para samantalahin nito ang pagkakataon. Sinuyo ng labi nito ang labi kong kinagat nito kanina. Matamis at tila nanghihikayat ang paraan nito ng paghalik. Kaya hindi ko napigilan ang tumugon dito.
Sa pagtugon kong iyon ay mas lumalim pa ang paghalik ni Xander sa akin. Mas naging mapusok pa ito. 'Xander...' Pigil kong sabi dito ng maramdaman kong bumaba na ang labi nito sa leeg ko. 'Please.'
'Please, what babe?' Narinig kong bulong nito habang patuloy pa rin sa paghalik sa leeg ko.
'Please... stop.' Hinihingal kong sagot dito.
'Are you sure, babe?'
'Yes.' Hinihingal ko pa ring sagot dito.
Huminto si Xander sa ginagawa at mataman akong tinitigan. Tumingin din ako sa kanya ng diretso. 'Okay.' Mayamaya'y narinig kong sabi nito. Humalik muna ito sa aking noo bago bumitaw ng pagkakayap sa aking baywang.
Nakahinga ako maayos ng gawin nito iyon. Buti na lang may pagpipigil pa ko sa aking katawan at maging ito rin. Dahil kung hindi, paniguradong may nangyari na sa amin ngayon. Yes! As in ngayon! At dito pa sa loob ng opisina ko.
It's OfficialXander's POVHuminga ako ng malalim. Relax lang, Xander. Relax. Pilit kong pinakakalma ang aking sarili.'Hindi ka pa magsha-shower, Xander?'Napapitlag pa ko ng biglang magsalita si Zari sa tapat ng tainga ko. Tuloy imbes na marelax ako ay lalo pang nag-init ang pakiramdam ko. Tuloy nagmamadali akong napatayo at nagtungo sa banyo.'Hey! Okay ka lang?' Narinig ko pang tanong nito. Ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa.Pagkapasok ko sa banyo ay kaagad na kong nagtanggal ng damit at saka tumapat sa lagaslas ng tubig mula sa shower. Malamig 'yon. Sapat na marahil para mapakalma ang pakiramdam ko.Pinalipas ko ang ilang minuto sa ganoong posisyon. Nang maramdaman kong kalmado na ko ay saka ako nagpatuloy sa paliligo.Tinantya ko muna ang aking sarili. I'm not a pervert. Ayaw kong ganoon ang isipin ni Zari sa akin. Nakakahiya. Nang batid kong okay na ko ay lumabas na ko ng banyo.Naabutan ko si Zari na nakaupo sa harap ng salamin. Nagpapatuyo ito ng buhok gamit ang hair dryer.
A Day At The OfficeZari's POV'Ano kaya 'yung tinutukoy ni Uncle Mart? Saka sino kaya 'yung kausap n'ya?' Bulong ko sa sarili habang palakad-lakad sa loob ng aking opisina. Hindi kasi ako mapakali.Hindi mawala sa isip ko ang naulinigan ko kanina. May parte ng isip ko ang nagsasabi na hindi lang simpleng conversation 'yon. There's something in it na kailangan kong malaman.'Hindi kaya may ginagawang anumalya si Dok Mart sa L Institute, Young Miss?' Napabaling ako ng tingin kay Roselle. 'Base kasi sa profile n'ya, matagal na s'ya dito. A Co-founder in particular. So basically, he has the access to everything.'Na gets ko agad ang nais na tukuyin nito. 'You're right. He can do whatever he wants, kung nanaisin n'ya. He can also manipulate everything in a snap of his finger without me knowing it.''Exactly, Young Miss.'Napabuntong-hininga ako. Realization strikes me. Tama si Roselle. May sense ang mga sinabi nito at posible nga iyong mangyari.Kung mapapatunayan kong sangkot nga sa anum
The OverheardZari's POVWhat a pleasant day! Sa wakas! Makakapagtrabaho na ko today. Ilang araw na rin kaya akong inip na inip sa bahay. Buti na lang pinayagan na ko ni Xander. Ito kasi ang pinakaistrikto sa mga bantay ko. 'Morning, everyone.' Bati ko sa mga naroroon sa opisina. Sa L & L Corp. muna ako unang bumisita. 'Morning, Miss Zari.' Bati rin nila sa akin. 'Masaya kami at nakabalik na kayo.''Ganun din ako. Saka na-miss ko kayong lahat.' Pakiramdam ko wala namang nagbago sa akin kahit na may selective amnesia ako. Kung anong attitude o kaya behavior ko sa kanila dati ay ganoon pa rin naman. Siguro kung meron mang pagbabago very minimal lang. Nagtungo ako sa opisina ko. Sinalubong ako doon ni Stella. 'Welcome back, Young Miss.''Stella... grabe, na-miss kita.' Nakangiti kong sabi dito sabay yakap sa braso nito.'Pasensiya ka na, Young Miss kung minsan lang kita nabisita. Binilinan kasi ako ni Second Young Master na i-supervise ko muna ang L & L at L Institute habang wala ka
The Chocolate CakeZari's POVI was discharged from the hospital a while ago. Si Xander ang sumundo at naghatid sa akin sa bahay. Balak pa nga sana nitong sa bahay na lang magtrabaho. Para may kasama daw ako. Kaso agad ko naman iyong tinutulan. Ipinaliwanag ko dito na hindi porke't may selective amnesia na ko ay kailangan na n'ya kong bantayan 24/7. I'm not a cripple. Kaya ko pa ring gawin ang mga dati ko ng ginagawa. I know he still have some work to do at ayaw kong makaabala.Napapayag ko naman ito after giving him assurance na okay lang talaga ako. Nagpaiwan pa ito ng ilang bodyguards para sa safety ko. Ayaw na daw nitong maulit ang nangyari sa akin. Pumayag din naman ako sa gusto niya. 'Stella, padalhan mo ko ng ilang documents for review sa email ko. Naiinip kasi ako.' Tinawagan ko ito para lang sa request na 'yon. Wala kasi akong magawa sa bahay.'Hindi pupuwede, Young Miss. Kabilin-bilinan ni Second Young Master na kailangan n'yo ng pahinga.' Wika nito at saka nagpaalam na iba
Selective AmnesiaXander's POVIkinuwento ko sa kanila ang buong detalye kung papaano ko naging asawa si Zari ng ganoon kabilis. Iba't- ibang reaksyon ang inani ko mula sa kanila. May nagulat, natuwa, at mas lamang ang hindi makapaniwala.'Alexander Araneta... why did you do that?' Hindi makapaniwalang tanong ng aking ina. Tinawag na nito ang buong pangalan ko. Kaya batid kong hindi ito sang-ayon sa ginawa ko.'Mom, don't get me wrong.' Sabi ko dito. 'It wasn't my intention to do that.''Pero ginawa mo pa rin...' Disappointed na sabi nito.'Love... calm down.' Nakisabat na rin ang aking ama. 'Alam ni Xander na mali ang kanyang ginawa. Kaya nga gumagawa s'ya ng paraan to win over Zari's heart.' Bumaling ito sa akin. 'Right, Xander?'Tumango ako dito. 'Yes, Dad.'Napabuntong-hininga na lang ang aking ina. 'Xander... you must compensate Zari for this.''Yes, Mom.' Mabilis kong sagot dito. 'I have a lot of ways.''Grabe ka, Kuya Xander.' Komento ni Alyssa. 'Wala na talagang kawala si Ate
The SecretXander's POVNagmamadali akong bumababa sa kotse matapos marating ang lokasyon ng aksidente. Gusto kong manlumo sa naabutan kong scenario.Sa malayo palang ay tanaw ko na ang kalunos-lunos na sinapit ng tatlong kotse. Sa mga naroroon, pinakagrabe ang tinamo ng kotse ni Zari. Para itong pinitpit na lata. Ang sinumang sakay noon ay hindi mabubuhay kung sakali. Nakakatakot tingnan.'Zari...'Namataan ko ang tatlong ambulansya sa di kalayuan. Patakbo akong lumapit sa mga ito. Dalawang pasyente ang nakita kong isinasakay sa unang ambulansya. Isang kritikal at isang may bali sa binti.'Zari...' Hindi ko ito nakita doon.Lumapit ako sa pangalawang ambulansya. Isang pasyenteng nakabalot sa puting kumot naman ang naroroon. Lakas loob kong inangat ang kumot. Ganoon na lang ang naramdaman kong relief ng makitang hindi si Zari 'yon.'Zari...' Malakas kong tawag sa pangalan nito. 'Na saan ka na?'Sa puntong 'yon, pakiramdam ko masisiraan na ko ng bait. Grabe na ang nararamdaman kong pag