My Secret Benefactor

My Secret Benefactor

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-05-12
Oleh:  MERIEOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
44Bab
216Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari sa pamilya ni Zari ang isang malagim na trahedya. Pinatay ang kanyang mga magulang sa hindi niya mawaring kadahilanan. Hustisya. Iyon ang nais ni Zari para sa kanyang mga magulang. Kung hindi ito kayang lutasin ng awtoridad, siya na ang kikilos para makamtan ito. Along her journey to find justice, may isang tao na palihim siyang tinutulungan. Sino kaya ito? Ano kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Zari? Makakatulong kaya ito para makuha ni Zari ang hustisya na kanyang ninanais?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

The Family Tragedy

Zari's POV

'Ahh...'

Sabi ko habang dahan-dahang bumabangon. Naupo muna ako at saka isinandal ang aking likuran sa headrest ng kama. 'What happened to me?' Tanong ko sa sarili habang nakapikit pa ang mga mata. 'Bakit ang sakit ng katawan ko?'

Marahan kong inunat ang aking mga braso. 'Baka naman sa pagkakahiga ko.' Matapos gawin iyon ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng maramdamang hubad ako. 

Mabilis kong hinablot ang kumot at itinakip sa aking sarili. 'Why I'm naked?' Naguguluhang tanong ko habang mahigpit na hawak ang kumot. 'OMG, Zari... anong ginawa mo?' Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi ngunit wala talaga akong maalala. 'Where are my clothes?' Iniikot ko ang paningin sa loob ng silid. Sa paanan ang kama ay naroroon ang aking floral dress at undergarments. Mabilis akong tumayo at agarang isinuot ang mga ito.

Namataan ko naman ang kanyang itim na purse sa ibabaw ng bedside table. Dinampot ko ito at ang aking sandals saka mabilis na lumabas ng silid. Habang naglalakad sa hallway ay isa-isa kong sinuot ang aking sandals. Matapos iyon ay confident na akong naglakad.

Paglabas sa hallway, hindi ko mapigilan ang mabighani sa buong paligid. Ang lugar na iyon ay isa palang private resort. At ang silid na aking pinanggalingan kanina ay isa lamang sa mga naggagandahang wooden cabins doon.

'This place was indeed awesome.' Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa paligid. 'Pero kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito.' At binilisan ko na ang paglalakad. Papaliko na ako patungong lobby ng mabunggo ako sa isang pigura.

'Be careful.' Narinig kong sambit ng nakabungguan ko kasabay ang pag-alalay nito sa akin upang hindi ako matumba.

'Sorry.' Paghingi ko ng paumanhin dito nang hindi tumitingin sabay lakad na sana papalayo.

'Wait.' Pigil na sabi ng nakabungguan ko. Napahinto ako sa aking paglalakad. 'Is this how you behave after what happened to both of us last night?' Napalingon ako ng marinig ang sinabi nito. At doon ko lang napagtanto kung sino ito. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Alexander Araneta. The conceited Second Young Master Alexander Araneta.

'I don't know what you're talking about, Mr. Araneta.' Baling ko dito. 'So please spare me from that accusation of yours.'

'Oh! I almost forgot that Ms. Lopez was totally drunk last night.' Sambit ni Xander habang may ngiti sa labi na nakakaloko.

'Will you stop that smirk and talk straight.' Sabi ko dito na may pagkairita.

'Well... babe, you listen to me.' Mabagal na sabi ni Xander. 'You and I...'

'Stop.' Mabilis na pigil ko sa iba pa nitong sasabihin nang biglang may na-recall ko sa mga nangyari kagabi. 'Don't you dare to elaborate it.'

'You said you wanna know.' Nakangiti pa ring sabi ni Xander sa tonong nanunukso.

'Don't you dare, Xander?' Seryosong sabi ko dito. 'Or else...'

'Or else what babe?' Panunukso pang tanong ni Xander. 'You'll beat me to death.'

'Definitely.' Sagot ko sabay hampas sa braso ni Xander. 'At sisimulan ko na iyon ngayon.'

'Hey!' Sambit ni Xander habang sinasalag ang mga hampas ko. 'Babe, you're being too hostile again.'

'Stop calling me babe.' Naiinis na sabi ko. 'Because I'm not one of your bitches.'

'Ouch!' Sagot ni Xander sabay hawak pa sa dibdib nito. 'Grabe ka naman, babe. Nakakahurt ka naman ng feelings.'

'Serves you right. Masakit talagang tanggapin ang katotohanan.'

'So... you felt the same way.' Muling banat na salita ni Xander.

'It's none of your business.' Sagot ko. 'And by the way, we are two consulting adults here. So you better cut that crap.'

'Alright.' Nakataas pa ang mga kamay na tila pagsuko na sabi ni Xander. 'Suit yourself. But in case you've changed your mind...'

'No. Hindi na magbabago pa ang isip ko.'

'Kaya nga in case.' Hirit pa na sabi ni Xander saka mabilis na yumakap at humalik sa akin sabay lakad papalayo.

'Xander...' Naiiritang hiyaw ko dito. 'You... pervert.'

Nilingon akong muli ni Xander. Pagkatapos ay kumindat pa ito at tuluyan nang umalis.

'Pervert... conceited.' Sambit ko sabay labas na rin sa resort na iyon.

Sa labas ng resort, naroroon at nakaabang na ang isang itim na BMW. Ito ang aking sundo. Ang driver nito ay ang aking secretary cum bodyguard na si Stella.

'Young Miss, saan tayo?' Tanong nito ng makaupo na ako sa passenger seat.

'Sa bahay muna, Stella. May kukunin lang ako doon.'

'Okay, Young Miss.' At minaniobra na ni Stella ang kotse.

Ipinikit ko muna ang aking mga mata habang nasa biyahe. Katahimikan. Iyon muna ang aking nais ng mga sandaling iyon.

Ako si Zari Lopez. Nagmula ako sa mayamang pamilya. Ang aking ama ay isang kilalang jewelry mogul. Ito ang nagmamay-ari ng mga naglalakihang establishment ng alahas sa bansa at maging sa abroad. Habang ang aking ina naman ay kilala bilang isang 'self-made billionaire'. Nagmula ito sa mahirap na pamilya. Ngunit dahil sa sipag at determinasyon nitong mabago ang buhay, nagsumikap ito at pinalad na maging isang business magnate sa larangan ng siyensya.

Lumaki man ako sa marangyang buhay, never ko naman itong pinangalandakan. Simple, tahimik at pagiging down-to-earth. Ito ang pamumuhay na itinuro at pinamulat sa akin ng aking mga magulang.

Hanggang sa ang masaya at tahimik na pamumuhay namin ay nabalot sa isang malagim na trahedya...

Sampung taon na ang nakakaraan...

Isang gabi, sa kalagitnaan ng aming pamamahinga... pinasok ng isang grupo ng mga armadong tao ang aming bahay. Ang aking ama na noo'y matutulog pa lamang ay naalarma ng makarinig ito ng putok ng baril. Kaagad nitong ginising ang aking natutulog ng ina. Sinabihan nito ang aking ina na puntahan ako sa aking silid habang kinukuha naman nito ang nakatago nitong armas. May sariling baril ang aking ama. Ipinundar nito iyon bilang proteksyon sa amin.

Mabilis na tumalima ang aking ina patungo sa aking silid. Ginising niya ako at sinabihan na huwag akong maingay. May nakapasok daw na mga armadong tao sa aming bahay. Mayamayapa'y may narinig na kaming mag-ina na mga yabag na papalapit sa silid. Bumukas ang pinto at bumungad ang aking ama. Sinabihan kami nitong pagapang kaming lumabas ng silid. Na kaagad naman naming ginawang mag-ina.

Pababa na kami sa hagdan, nang makarinig kami ng sunudsunod na putok ng baril. Mabilis at dahan-dahan ang aming naging kilos para makababa agad. Nasa gawing kusina na kami, malapit sa backdoor ng bigla kaming paulanan ng putok ng baril. Nagtago kaming tatlo sa likod ng cabinet. Bumulong ang aking ama at ina sa akin na gaganti raw ang mga ito ng putok. At ito na raw ang pagkakataon ko upang makalabas.

Kinakabahan man sa kanilang gagawin, sumunod pa rin ako sa nais ng aking mga magulang. Sa hudyat ng aking ama ay lumabas ako sa backdoor at nagmamadaling nagtungo sa secret hideout namin. Mabilis akong pumasok doon at nagsara ng pinto.

Isa iyong maliit na underground basement. Ang silid na iyon ay itinalaga ng aking mga magulang bilang isang sikretong opisina. Naroroon kasi nakalagay at nakatago ang mga importanteng dokumento na may kinalaman sa aming mga negosyo. At doon din ginagawa at binubuo ng aking mga magulang ang mga ideya at konseptong naiisip ng mga ito para mapaunlad ang kani-kanilang mga larangan. Bullet proof and equipped with high technology ang buong silid kaya hindi ito basta-bastang mapapasok ng iba.

Kaming tatlo lamang ang nakakaalam at may access sa lugar na iyon. Kaya maituturing na ang silid na iyon ang pinaka-safe na puwede kong pagtaguan sa loob ng aming bahay.

Nainip na ako sa kahihintay sa aking mga magulang kaya naisip kong silipin ang mga ito sa CCTV monitors doon. At laking gulat ko ng makita mula roon ang sinapit ng aking mga magulang. Duguan ang mga ito at wala ng buhay. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Samu't sariling katanungan ang nabuo sa aking isipan.

'Sino sila? Bakit nila ginawa ito sa mga magulang ko?'

Makalipas ang sampung minuto, isa-isang nag-alisan ang mga armadong lalaki. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon upang lumabas. Nagmamadali akong pumunta sa kinalalagyan ng katawan ng aming mga magulang.

'Mom... Dad.' Lumuluhang tawag ko sa mga ito habang papalapit. 'Bakit nila ginawa sa inyo 'to?'

Isa-isa kong niyakap ang katawan ng aking mga magulang habang tahimik na umiiyak. Isinara ko ang mata ng mga ito na noo'y nakadilat pa saka bumulong ng maikling panalangin. Mayamayapa'y naramdaman kong may paparating. Dahan-dahan kong nilapag ang katawan ng aking ina at mabilis na nagkubli sa halamanan.

Isang binata ang lumapit sa katawan ng aking ama. Niyakap nito iyon. 'Second Young Master, hindi po namin makita ang Young Miss.' Narinig kong sabi ng isa sa mga bodyguard nito.

'Halughugin n'yong muli ang buong paligid. Kung namatay din siya, naririto lang din ang kanyang katawan.'

Kaagad namang tumalima ang mga bodyguard nito. Isa-isang hinalughog ang bawat parte ng aming bahay. Makalipas ang limang minuto, nagbalik ang mga ito at nagsabing wala itong natagpuang ibang labi sa buong paligid.

'Marahil ay nakatakas siya.' Sambit ng binata. 'Mag-imbestiga kayo sa mga karatig-lugar. Pero bago iyon dalhin muna ninyo ang katawan nila Tito sa punerarya.'

Nais ko sanang lumabas sa aking pinagkukublihan at magpakilala sa binatang iyon. Marahil ay kamag-anak ito ng aking ama. Tito kasi ang narinig kong tawag nito sa aking ama. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kailangan kong maging mas maingat. Lalo pa't hindi ko kilala kung sino ang may kagagawan ng pangyayaring iyon.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
44 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status