Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-07-23 00:06:30

Brielle Elise's POV

Nagising ako at alam kong nasa kama ako, tinignan ko yung orasan na nasa bed side table namin at pag tingin ko ay alas kwatro na ng umaga kaya naman naisipan ko ng bumangon pero hindi ako makabangon dahil nakapulupot ang kamay ni Cody sa bewang ko at nakabaon pa yung mukha nya sa leeg ko.

Ramdam na ramdam ko yung hininga ni Cody na tumatama sa leeg ko kaya naman hindi na muna ako gumalaw dahil baka magising to kahit pa ang lalim ng tulog.

Ano na lang kaya ang mangyayari saming dalawa once na maghiwalay kami after five months? kakayanin ko kaya? feeling ko nahuhulog na ako kay Cody, hindi pa ako sigurado pero parang. Ayokong umasa dahil alam ng lahat na mahal nya pa yung ex nya, hindi ko kilala yung babae pero kalat yun sa school na mahal pa daw nya.

Wala akong laban don. Mahal nya yun, samantalang ako pinilit lang.

Gumalaw si Cody kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong unti unting bumubukas yung mga mata nya at ng makita nya ako ay hinalikan nya lang yung pisnge ko tsaka nya ulet binaon yung mukha nya sa leeg ko.

"Cody, may pasok pa tayo, bumangon ka na dyan" pag gising ko dito.

"Five minutes" sabi nito

"Wala ng five minutes, five minutes bumangon na tayo para makapag almusal na tayo" pagpupumilit ko dito.

"Hmmm no." sabi nito at pilit pang binaon yung mukha nya sa leeg ko kaya napairap nalang ako sa kakulitan nya.

"Ayaw mong pumasok?"

"Gusto, mamaya na konti, It's already four am in the morning love"

"Whatever, bumangon ka na dyan dahil kakain pa tayo, kung ayaw mo edi ako na lang" sabi ko tsaka tinggal yung kamay nyang nakapulupot sa bewang ko pero sadyang makulit si Cody mas lalo pa nyang hinigpitan "Cody! Isa!" Imbis na matakot ay umiling lang ito tsaka tumawa ng mahina kaya naman napairap nanaman ako.

"Mamaya na kasi" salita nito habang naka baon ang mukha nya sa leeg ko.

"Cody, please lang may pasok pa tayo pareho”

"I know"

"Alam mo pala eh, edi bumangon ka na dyan"

"Okay, let's eat" sabi nito sabay bangon at dare-daretsyong lumabas kaya napailing nalang ako sa abnoyan nya.

Lumabas na rin ako ng kwarto para sumunod sa kanya at nakita ko siyang naglalakad na papuntang dining area at sumisipol sipol pa kaya napailing nalang ako tsaka bumaba at dumaretsyong dining area.

Pagkarating ko ay nakahanda na ang pagkain kaya naman tumabi na ako ng upo kay Cody at nagsimulang kumain. Galit muna kami kasi kainan time to eh. Nang matapos akong kumain ay nauna na akong umakyat, mabagal kasi kumain si Cody kaya iniwan ko na baka pareho pa kaming ma late pag nagkataon.

Natapos akong maligo at saktong pasok ni Cody kaya dare-daretso na syang nagtungo sa banyo para maligo. Sinuot ko na yung school uniform namin tsaka ako humarap sa vanity mirror ko para mag ayos. Binlower ko lang yung buhok ko tsaka ko pinlantya gamit yung hair straightener ko, at ng matapos ako sa buhok ay sa mukha naman, naka labas na Cody galing banyo kaya dumaretsyo na sya sa walk in namin para mag bihis at ako naman ay nag ayos na ng mukha para naman hindi ako mukhang kawawa, first day na first day mukha akong ewan.

Natapos akong mag ayos at ganon din si Cody kaya naman sabay na kaming bumaba dalawa, dala dala nya yung bag namin kasi ang bigat daw ng bag ko at baka mapilay ako, ewan ko ba dyan nagiging sweet!

"Get in" sabi nito kaya naman pumasok na ako sa loob at sya naman ay sumunod, nang pareho na kaming nakasakay ay pinaandar na ni Kuya Edgar yung kotse papasok sa eskwelahan.

Nakarating kami ng matiwasay sa eskwelahan at medyo marami rami narin ang mga tao kaya pumasok na kami. Hindi nag f-flag ceremony pag first day kasi maghahanapan pa ng room kung saan ka naka assign base sa kinuha mong kurso, kinabukasan pa nag iistart ang flag ceremony.

"Excuse me" tawag ng isang lalaki sakin.

"Ah, yes?"

"Pwedeng magtanong kung saan tong building na to? bago lang kasi ako dito eh" tanong nung lalaki kaya naman napatango ako at tinignan yung nasa papel nya, wala namang masama kung tumulong ka.

"Same building pala tayo eh, tska magkaklase tayo. Sumabay ka nalang samin ni Cody"

"Tsk" rinig kong sabi ni Cody tsaka naglakad.

"Tara na" sabi ko dito sa lalaki at sumunod naman sya.

Magkapantay lang kami maglakad ni Nathaniel, Nathaniel daw pangalan nya eh tapos si Cody nangunguna, habit nya yan di na maalis sa kanya yan.

"Hi Cody, We miss you!" Sabi nung isang babae sa gilid nang dumaan si Cody kaya napa iling ako.

"Sikat pala dito boyfriend mo no?" Sabi ni Nathaniel.

"Ah hindi ko sya boyfriend"

"Ah sorry" sabi nito kaya ngumiti lang ako.

Nakarating kami sa room kung saan ang first subject namin, si Cody naupo na sa favorite place nya, sa tabi ng bintana. Ako naman naupo na sa likod nya dahil gusto ko ding nakikita yung scenery sa labas, stress reliever ba.

Habang wala pa yung iba naming magiging kaklase ay nag cellphone muna ako para kamustahin yung iba kong mga kaibigan at magkakaiba pala kami ng section.

Nagsi datingan yung mga kaklase ko na hindi naman bago sa paningin ko dahil nakikita ko narin naman sila dito dati pa hindi ko nga lang alam mga pangalan.

Tinignan ko si Cody at naka tingin lang ito sa labas na akala mo ay napaka raming iniisip. Ilang minuto pa ang lumipas at medyo marami narin ang mga dumating at ni isa walang nagtatangkang umupo sa tabi ni Cody kaya naman napangiti ako ng wala sa oras pero nawala din agad ng pumasok ng room si Princess kaya naman nagulat ako dahil dito din pala sya mag aaral. Nilibot nya ang paningin nya na para bang naghahanap ng mauupuan at ng makita nyang bakante pa yung kay Cody ay nagpunta na agad sya, hindi lumilingon si Cody kaya hindi nakikita ni Princess ang mukha ni Cody, at ng makaupo si Princess ay dun lang lumingon si Cody.

"Omygod! Cody?" Sabi ni Princess ng lumingon sa kanya si Princess pero tinignan lang sya nito tsaka binalik ang tingin sa labas "You still like seeing the scenery outside, hindi ka pa rin nagbabago" Sabi ni Princess.

"Ay si Princess pala yan" dinig kong sabi ng isang babae sa likuran ko.

"Hala bumalik na ulit sya"

"Oo nga eh, baka saktan na naman nya si Justin"

"Hindi na mangyayare yun"

"Pano mo nasabe mae?"

"Duh look at Cody, he didn't bother to look at Princess"

"Oo nga no? pero sana wag na maging sila ulit, grabe yung nangyari kay Cody nung nag break sila"

"True mamshie"

Yan yung mga naririnig kong kwentuhan ng mga babae sa likod ko, so si Princess pala yung ex ni Cody na minahal nya ng todo. Maganda si Princess, Sexy, pang model ang katawan at ang height, mayaman hindi ako sure kung matalino basta ako matalino.

Dumating yung prof namin at walangya math agad! major namin agad jusq hindi man lang kami pinag almusal ng minor subject, tinodo agad! kaya ayun sabaw yung iba. Buti nalang at nakapag review ako nung nakaraan inadvance ko na tapos binalikan ko rin yung lessons last year baka kasi magtanong mahirap na.

"I'm Mr. Harvey Montenegro, 26 years old 23 years palang akong math teacher, So here in my subject, I don't want anyone else to be late, get it? because this is an major subject and everyone deserves to be passed" Mr. Harvey said, well gwapo sya, mas nakadagdag sa pagiging gwapo nya ay yung salamin na suot nya, gaganahan yata ako makinig ah.

Buong lesson nya ay nakatingin lang ako sa kanya pero syempre nakikinig ako duh! mahirap na pag tinawag baka mamatay ako sa hiya pag wala akong masagot, ang dami pa namang computation nakakalito.

Natapos ang first subject namin kaya naka hinga kami ng matiwasay kasi ang hirap sis! yun yata ang ikamamatay namin, lumabas na kami para sa next subject namin, may lima kaming subject dalawang major tatlong minor, magkaklase kami ni Cody sa lahat ng Subject kaya lagi kaming magkasabay.

Nakarating kami sa next subject namin at tabi na kaming naupo ni Cody dahil yun na lang yung bakante kaya no choice. Pumikit si Cody at hinilot yung ulo kaya nag taka ako.

"Okay ka lang?" tanong ko dito.

"Yeah nahihilo lang ng konti" sabi nito

"May gamot ako dito, inumin mo na baka mamaya eh mahimatay ka dyan" sabi ko at kinuha yung gamot sa bag ko. "Oh, inumin mo yan" abot ko ng gamot at tubig.

"Thanks" sabi nito at ginulo yung buhok ko tsaka nya pinatong ang ulo nya sa desk ko at pinikit yung mata, at ako naman ay nilagay na sa bag ang tubig tska ko pinag laruan yung buhok nya.

Ilang minuto na ang nakakalipas at wala parin yung prof namin, si Cody naman ay nakatulog na, ang bilis talaga maka tulog nito. Pinaglalaruan ko pa rin yung buhok nya habang nag fafacebook ako. Lumipas pa ang ilang minuto at wala talagang prof na nagpakita, kaya naman yung mga kaklase ko ay nagsi labasan na at kami nalang ni Cody ang natira dito sa loob at tulog parin sya.

"Love" tawag nito kaya napatingin ako sakanya

"Hm?"

"Bakit tayong dalawa nalang nandito?" tanong ni Cody at halatang bagong gising dahil sa itsura nito at ang buhok niya mygod!

"Let me fix your hair first" sabi ko at inayos ito "Wala yung prof, kasi 30 minutes na wala parin kaya naman lumabas na sila, eh natutulog ka kaya nag stay nalang ako tsaka mainit sa labas eh" sabi ko habang inaayos yung buhok nya.

"Ganon ba?" Sabi nito.

"Yup, Ayan! tapos na hehe" naka ngiting sabi ko tsaka sya tinignan kasi nakatitig lang sya sakin. "What-" naputol yung sasabihin ko kasi bigla nya akong hinalikan at napa kurap pa ako sa ginawa nya pero ng gumalaw ang mga labi nya ay napapikit narin ako at sinabayan ang mga halik nya.

Ilang minuto din nagtagal tsaka sya humiwalay sa halik.

"Your too cute, and I can't stop kissing you love" sabi nito at pinupog ako ng maliliit na halik kaya natatawa na lang sa pinag gagagawa nya at sa huli ay sinubsob nya rin yung mukha nya sa leeg ko at yinakap ako.

"Tara na, lumabas na tayo wag ka ng maglambing dyan"

"Wait lang, bakit titig na titig ka don sa prof natin sa math? gusto mo sya no?" siryosong tanong nito.

"Cody wag kang maingay"

"So gusto mo?" tanong nito habang nakatingin sakin ng masama.

"Hindi ah! duh 25 na kaya sya" pagsisinungaling ko, ang totoo crush ko talaga si mr. Harvey hihi.

"Siguraduhin mo lang ah, may asawa ka na" kaya napatango ako at ngumiti ng pilit.

"Parang crush lang" mahinang bulong ko

"Anong sabe mo?" tanong nito

"Wala, sabi ko wala akong crush don" sabi ko dito sya naman ay masama pa rin yung tingin kaya naman hinawakan ko yung kilay nya at pinaghiwalay yun dahil nag didikit nya tsaka ko sya hinalikan ng mabilis sa labi "Wag na magalit okay?"

"Wala na, Hindi na ako badtrip sayo" sabi nito tska sinubsob yung mukha sa leeg ko at pinakan ako ng malilit na halik.

"Wag ka na kasing ma badtrip"

"Oo na" sabi nito at inalis na yung mukha sa leeg "Kiss mo ko ulet" sabi nito at ngumuso na kaya natawa ako.

"Ang cute mo" nanggigigil na sabi ko at kinurot yung pisnge nya.

"Masakit love" pagrereklamo nya.

"Ay sorry, kiss ko nalang" sabi ko tska ko hinalikwn yung dalawa niyang pisngi tsaka ko hinalikan yung labi nya, It was supposed to be a smack kiss pero ang nangyare hindi na niya pinakawalan yung labi ko at hinawakan na niya ang dalawa kong pisngi at hinalikan ako ng malumanay.

Lumabas kami ng kwartong yun na parang walang nangyare, ang cold na ni Cody at akala mo ay galit sa mundo pero kahit ganon yan nahuhulog na ako sa kanya napaopamahal na ako kay Cody, ayokong umamin baka in the end ako ang matalo, totoo nga rin yung sabi ni ate Heaven sakin, minsan daw ay sweet kami sa isa't isa at minsan naman ay parang hindi magkakilala.

To be Continued….

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secret Husband    Epilogue 2

    "Bakit di mo naman sinabi na nakita mo pala si bakla sa America, teh?" Av said."Ha? Ah kasi baka naman hindi importante," Sabi nito."Gaga, kahit na ano," Keish said, napatingin naman sakin si Kels."Wag mo na ulit lapitan 'yon, diba may gusto rin 'yon sa asawa mo?" Tumango naman ako. "Eto na nga spill ko na chika, gosh." Kami naman itong tutok sakanya."There's this one time na pupunta sana akong Target, to buy things... You know, then while I was at the Target, getting things I saw her and Claire." Ikinagulat naman namin 'yon. "They're talking about your husband, I heard na they want you two separate, but that time you two already separate, I don't know, maybe they're... III?”"Ha? Eh diba sabi ni Cody, that Sandiego or Claire- Whatever is sick?" Keish said at nakatingin sakin."Yeah, and he also said na nasa rehab na ulit ito." At napatingin pa ako sa pwesto ni Emily, but she just looking somewhere, when I trace her stare it landed to my husband who's talking to his friends."OMG.

  • My Secret Husband    Epilogue 1

    "Love! We need to hurry malapit na tayo ma late!" I heard my husband shout came from the staircase. Patapos narin naman ako mag ayos kaya naman kinuha ko na ang purse ko na laman ay cellphone lang at pati narin ang stiletto na gagamitin ko."Lov-" Naputol ang muli nitong pag tawag sakin ng bigla syang mapa lingon saakin mula rito sa taas."Ano ba at ang ingay mo Cody,"Kalmado lamang ang boses ko nang sabihin ko 'yon."Wow..." He just stood there, mesmerized by my beauty, i guess? "C'mon, stop shouting." At nauna na ako maupo ng sofa pagkarating ko ng sala."I just... You're.... God." He can't speak straight! This guy..."Ano ba at nandyan ka pa, halika na."Tawag ko rito pagkatapos kong isuot ang aking heels.Our reunion is just a simple one. The one who takes everything is our former president when we're still studying. Emy. They decided the place of the venue will be at the Shangri-la and they said just wear a casual one, so here I am wearing my white plain fitted top and i pair i

  • My Secret Husband    chapter 47 2

    Yes "No." I need to lie, love. Please understand it."Why could you say that? she's here." Halos manigas ako sa kinauupuan ko ng sabihin nya 'yon. I slowly look at my wife crying because ever since Claire arrived she is there, watching us. Fuck!Hindi ko alam kung paano ang gagawin, potangina baka may gawin silang masama kay Brielle once na maka labas ito ng building, tangina hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinundan ko 'sya at thank God walang nangyaring masama. Iniwan ko si Claire at nagmadaling umuwi. At pagkauwi halos mawalan ako ng buhay dahil sa sinabi ni Brielle, is the end of all the sacrifice i made? Is God punishing me for doing such an idiotic move? How can i continue this if the person i fighting for is leaving me?Brielle already left me and here i am standing where she left me. Lost. She left me. Kinausap ako ni ate Lian pero heto ako nakatayo parin at parang walang buhay, yung taong nagbibigay sakin ng lakas para ipagpatuloy 'to at ipaglaban sya ay iniwan na ako.Pinili

  • My Secret Husband    Chapter 47

    Justin Marquez POVNatapos ang honeymoon namin na walang nangyare samin, i respect her kaya naman i don't want to force her. Hindi rin naman ako sex addict kahit pa sya ang first ko. That thing can wait, we're still new to this marriage life and we want to enjoy it.I do also admit na bago pa man kami ikasal ay kinausap ko si Brielle and I presented a contract to her na within five months we need to annul our marriage, I don't know where that stupid thing came, God knows how much I wait for this marriage. Ayon ang alam ni Brielle, that I don't love her, but the opposite of it I do really love her.Bago pa man magsimula ang klase ay may nangyari narin samin ni Brielle, and that is one of the moment that I will treasure, we both ended ourselves with each other. Naging magkaklase kami ni Brielle for our last year, even though mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya naging magkaklase kami, na late kasi ako ng dalawang taon kaya naman ngayon ay sabay na kami."Excuse me" tawag ng isang l

  • My Secret Husband    Chapter 46

    Cody Daniel POVHindi ko alam kung bakit sa murang edad ay pinipilit ipaalam sakin ng aking ina na ako ay nakatakda ng ipakasal sa babaeng kakilala nila. Bata pa ako at marami pa akong gustong gawin ngunit heto sila at nagpaplano na para sa kasal ko pagdating ng tamang panahon. Ipinipilit nang ipinipilit saakin ng aking ina ang isang bata na anak daw ng kanyang matalik na kaibigan ngunit hindi ko pa man din ito nasisilayan."Mom, I don't know her, tsaka mom i am too young for that." Sabi ko dito habang papunta kami sa bahay ng kaibigan ng mom ko, birthday daw kasi ng anak, ito rin ang unang beses na masisilayan ko ito kaya naman wala akong ka ide-idea kung ano ba ang itsura nya."Anak, hindi naman ngayon ang kasal ano ka ba, birthday palang ni Brielle, anak. Baka nga pag nakita mo siya ay ikaw na ang mag aya ng kasal," at bumingisngis pa ito sa tabi ko kaya napa iling nalang ako sa kakulitan ng ina ko."Brielle pala pangalan nya..." Bulong ko pa at paniguradong hindi ako narinig ni mo

  • My Secret Husband    Chapter 45

    Brielle Elise's POVIt's been a year since that happened.We moved forward but we will never forget what happened. My baby is such a strong girl. Sa murang edad naranasan ng anak ko ang pinaka ayokong mangyare saakin, yet she experienced it. We never wished that one of us would experience it, yet it happened to one of us.In the past year, masasabi kong talagang mas napatatag pa namin lalo ni Cody ang pagsasama naming dalawa. Kung noon akala namin matatag na kami bilang mag asawa pero simula nang mangyare iyon sa anak namin ay doon ko naramdaman na mas tumatag kaming dalawa bilang mag asawa at bilang mga magulang sa dalawa naming anak.The bond we made will forever be treasured. Hindi namin hinahayaan na hindi namin maka bonding ang nga anak namin, mas lalo namin natutukan ng pansin ang mga anak namin kahit pa nagtatrabaho ang isa samin. Me and Cody decided na sya na muna ang mag work sa aming dalawa since I can't let someone take care of my childrens kahit pa malalake na ito. As much

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status