Lewis POVMakalipas ang ilang minuto, nakita ko ang pagdating ng kotse ni Mico. Nang tumigil ito sa aking harapan, dali-dali siyang lumapit sa aking kinaroroonan.Lumingon siya sa paligid at napagtantong nasa building ako ng condo ni Vlad."A-Anong ginagawa mo rito, Lewis?" kunot-noong tanong niya sa akin at marahan akong inalalayan sa pagtayo."Please, Mico. Umalis na muna tayo sa lugar na ito. Ilayo mo na ako. Malayong-malayo!" pakikiusap ko sa kanya.Nababakas sa mukha ni Mico ang pagkalito sa mga nangyayari. Alam kong nais niyang malaman ang paliwanag ko ngunit sa ngayon, nais ko lang munang lumayo."S-Sige, let's go!" aniya at hindi na muling nagtanong pa.Lumakad kami at tuluyang pumasok sa kotse. Pilit kong tinago ang aking mukha sa anak ko upang hindi siya mag-alala."Mommy, are you okay? Umiyak ka po ba?" tanong niya sa akin na tila nakakaramdam sa mga bagay na nangayayri."H-Hindi, anak. Naglagay lang ako ng eye liner kaya ganito ang mata ko," pagsisinungaling ko sa anak ko,
Lewis POVAbala ang lahat sa loob ng aming bahay. Sina mommy at daddy ay kasalukuyang nanonood ng TV at ako naman ay kauuwi lang matapos akong ihatid ni Mico.Patungo palang ako sa aking kuwarto nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ni Daddy."Hello?" pagsagot ni daddy sa cellphone.Hinakbang ko ang aking paa paakyat sa hagdan, ngunit sandaling natigilan nang marinig ko ang usapan nila."Bakit? Anong nangyari kay Vlad?"Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon. Nabalot ng kaba ang aking puso at tila napako ako sa kinatatayuan ko."Hindi makauwi? Lasing na lasing siya? Wala ba siyang kasamang bodyguard diyan ngayon?" muling tanong ni daddy sa kanyang kausap."Sir, wala po, eh. Ikaw po ang isa sa mga nasa contact niya kaya ikaw po ang tinawagan namin. Kung pwede lang po sana, sunduin nyo na siya rito dahil nanggugulo na po ang kapatid nyo.""Sino ba 'yang tinatawagan mo sa cellphone ko? At sinong nagbigay sa 'yo ng pahintulot na gamitin 'yan?"Narinig ko ang tinig ni Vlad sa
Vladimir's POV"Sir, may hinihintay pa po ba sila? Magsasarado na po kasi ang restaurant."Marahang tumaas ang aking ulo at tumama ang tingin ko sa babaeng nasa aking harapan. Lumingon ako sa paligid, noon ko lang napagtanto na nasa loob pa rin ako ng restaurant kung saan ako iniwan ni Lewis.The light was dim at ako na lang ang mag-isa sa loob nito. Hindi ko namalayan ang oras dahil na rin siguro sa sakit na nararamdaman ko. Mariin kong kinuyom ang aking kamay nang muling maalala ang mga salitang binitiwan ni Lewis. Ngunit alam kong kahit isipin ko pa iyon, wala nang magbabago.I try to stand up, ngunit muntik na akong matumba dahil namanhin ang aking mga paa."Sir, okay lang po ba kayo?" tanong muli ng babae.Tumaas ang aking ulo at diretsong tumingin sa kanya."May alak ba kayo?" I ask her."Mayroon po, Sir. Pero kasi, sarado na po kami.""Give me one," utos ko sa kanya at muling umupo.Napakamot na lang ang babae at nababakas sa kanyang mukha na hindi niya alam ang gagawin niya. L
Lewis POV"Bitiwan mo ko."Isang matalas na tingin ang binigay ko kay Vlad, animoy hindi nagpapatinag sa pananakot niya.Sawa na akong maging sunod-sunuran sa mga pananakot niya."Lewis, alam mong kapag sinabi ko ay gagawin ko, hindi ba?""Hindi... Hindi ko alam. Ang totoo parang hindi na nga kila kilala, eh. Sino ka nga ulit? Uncle Vlad?" Tumama ang tingin ko sa kanyang kamay na nakahawak sa akin, saka muling bumalik nang tingin sa kanya. "Nasa kotse ang boyfriend ko, Vlad. Ayoko nang gulo. Huwag mo nang antayin na lumabas pa siya at pumunta rito para lang makipagdiskusyon sa 'yo, so please, let go of my hands," dirediresto kong saad sa kanya.Tumama ang tingin ni Vlad sa kinaroroonan ng kotse, nakita niyang nakababa ang bintana nito at may matalas na tingin si Mico sa aming kinaroroonan.Isang buntonghininga ang kanyang ginawa, saka dahan-dahang inalis ang pagkakahawak sa aking kamay."Kung ano man ang sinabi ko sa 'yo kanina, iyon ang katotohanan. Hindi ko alam kung anong nangyari
Lewis POV"May problema ba?" pagbasag ko sa titigan ng dalawa.Tila may kung anong pinag-uusapan ang dalawang ito sa kanilang mga mata at wala akong ideya kung ano ito."Wala naman. Anyway, aalis na ko para may quality time naman kayo ng boyfriend mo," pagbibigay diin ni Ivan sa salitang boyfriend. Hindi ko alam kung bakit, ngunit pakiramdam ko ay magkakilala ang dalawang ito dahil na rin sa mga tingin ni Ivan kay Mico."Sige, bro. Mag-iingat ka," sambit ni Mico kay Ivan."Yes! Mag-iingat talaga ako... lalo na sa 'yo," muling pasaring ni Ivan saka lumakad at lumabas ng pinto.Nanatiling tahimik naman si Mico at hindi na humabol ng tingin kay Ivan. Kunot ang noong humarap ako sa kanya at diretsong tumingin sa kanyang mga mata."Mico, may problema ba? Kilala mo ba ang lalaking 'yon? Kilala mo si Ivan?" tanong ko sa kanya.Nakita ko ang mariing paglunok ni Mico at tumingin siya sa akin. Ngumiti siya at hinawakan ang aking balikat."No! I don't know him. Siguro may alam akong kaunti tungk
Lewis POVHUMUHUNI na parang ibon habang binababa ko ang gamit sa aking upuan. Nanatiling nakapako ang ngiti sa aking mga labi dahil sa bakasyon na nangyari noong isang araw.Sa pag-upo ko sa aking puwesto, kumunot ang noo ko nang makita ang mukha ng kaibigan kong si Trisha na nakatingin sa aking kinaroroonan."Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya."Ang ganda ng ngiti mo? Nagbakasyon ka lang para kang nadiligan, ah!" usiyosong sambit ni Trisha sa akin."Hoy! Walang ganoon. I am just happy kasi we are finally official," nakangiti kong sambit sa kanya saka nagsimulang tumingin sa screen ng aking laptop.Nanlaki ang mga mata ni Trisha sa aking sinabi, saka dali-daling tumakbo sa kinaroroonan ko."Seriously? Kayo na? Kayo na ni Mico?"Muling sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi at marahang tumango. My heart is overwhelmed dahil sa wakas ay masasabi ko na sa mga tao na finally, naka-move on na ako at handa na akong maging masaya ulit.Nakita ko ang ngiti sa labi ni Trisha at a