Short
My Whole Class Can Hear My Scripted Thoughts

My Whole Class Can Hear My Scripted Thoughts

By:  CinderellaCompleted
Language: English
goodnovel4goodnovel
9Chapters
2.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Everyone in class can hear my thoughts, but there's a catch—the "thoughts" they hear have been deliberately altered. During the exam, while I swiftly fill out the answer sheet, the rest of the class stays put. They eagerly wait to hear the answers in my head. [The answer for this is C, of course. These questions are exactly the same as the ones Ms. Clarke revealed to me. I'm going to be the top student again without even breaking a sweat!] Everyone else immediately copy my answers. Ultimately, apart from me, they all end up failing the exam. During our swimming class, my leg cramps, and I start sinking underwater. I try to scream for help, but my classmates hear something entirely different in my head. [I'm going to act like I'm drowning and see who's the idiot who jumps in to save me. Hahaha!] In the end, they all watch indifferently as I drown. My eyes open again. I've gone back in time to the day of the exam. This time, I can also hear these "thoughts" of mine that have been altered.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Eula's POV

“Ano? Pinalayas ka ng tita mo?!” bungad ni Erika, ang best friend ko, pagkatapos sagutin ang tawag ko. “Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita. Napakasama talaga ng tita mo! Matapos kang gawing kasambahay, papalayasin ka na lang!” Rinig ko ang pagshinghap niya ng marahás. “Nakakagigil!”

“Nasa terminal ako ng mga bus. Kakababa ko lang,” sagot ko. “Nasaan ka?”

“Sige. Ibibigay ko sa'yo ang address ng apartment ng tito ko tapos doon mo 'ko hintayin. Ttry kong magpaalam sa amo ko para puntahan ka.”

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Sige. Hihintayin kita.”

Sumakay agad ako ng taxi at sinabi agad sa driver ang address. Pagdating ko doon dala ang isang maleta ko at bag, may nakasalubong akong lalaki. Guard siguro siya? Imposibleng tito ni Erika, nakasuot ng pang-guard eh.

Bahagya akong yumuko bilang pagbati. “Good morning po, Sir.”

Tumigil siya sandali. Ramdam ko ang matalîm at malamig niyang tingin. “And you are?” walang kabuhay-buhay niyang tanong.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Eula po, bagong—”

Napamaang ang bibig ko nang lampasan niya ako. Napakasuplado ng lalaking 'yon!

Ilang minuto akong naghintay sa labas ng apartment nang biglang mag-vibrate ang cellphone sa kamay ko. Nanlamig ako nang makitang unknown number ito. Napalunok ako habang pabilis nang pabilis ang tib0k ng puso ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang mensahe.

Congratulations, Ms. Eula Santos. We are pleased to inform you that you have been officially hired. Please report to our main office immediately today for your onboarding and first-day instructions.

 

Nanlaki ang mga mata ko. Ilang segundo akong hindi nakahinga. Paulit-ulit kong binasa ang mga salita.

Officially hired. Immediately today.

Agad kong dinampot ang bag ko. Nag-ayos lang ako nang konti sa salamin, mabuti na lang at maayos naman ang suot ko. Halos patakbo akong bumaba ng building, sobrang bilis ng tib0k ng puso ko sa excitement. First job ko 'to. Walang pwedeng makasira nito.

Pagdating ko sa gilid ng main road, eksaktong may humintong taxi na kabababa lang ng pasahero.

“Taxi!” sigaw ko habang tumatakbo.

Ngunit bago pa ako makarating sa pint0, may isang lalaking mabilis ding lumapit at hinawakan ang door handle.

“I got here first,” malamig niyang sabi.

Napahinto ako. Namilog ang mga mata ko. Siya?! Iyong lalaking mukhang galit sa mundo sa lobby kanina!

“Excuse me, ako ang unang pumara!” apela ko, nagmamadali na talaga.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, walang ka-emo-emosyon ang mukha. 

“Obviously, I got to the door first.”

“Pero ako 'yong unang sumigaw!”

“Hindi ibig sabihin noon, sa 'yo na.”

“Eh ako 'yong unang nakakita!”

“Then you should've moved faster.”

Napanganga ako. Wow. Ang suplado talaga!

“Mister, please!” halos magmakaawa na ako, nararamdaman ang matinding pressure ng oras. “First day ko sa trabaho ngayon, kailangan ko talagang makarating agad!”

Tumingin siya sa akin sabay ngiwi. “So? Dapat bang i-congrats kita? At maawa? No. Ako ang nauna.”

Nanginig ang labi ko sa inis. “Alam mo gwapo ka eh, wala ka lang awa!”

“Thank you.” Binuksan niya ang pint0.

Sa sobrang taranta at takot kong ma-late sa natatangi kong pag-asa sa buhay, nawalan na ako ng pakialam sa courtesy. 

Mabilis kong hinila ang kabilang p***o, isiniksik ang sarili ko sa loob ng taxi, at binalibag ang pint0 bago pa siya makapasok.

“Sorry talaga!” sigaw ko sa nakabukas nang bahagya na bintana. “Kuya, bilisan niyo po, pakiusap!”

Habang umaandar ang taxi, nakita ko sa rearview mirror ang lalaki na nakatayo sa gilid ng kalsada, nakatitig sa taxi habang parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Napakagat ako sa labi. Bahala na, naisip ko. Mas mahalaga ang trabaho ko kaysa sa pride ng supladong 'yon.

Pagdating ko sa kumpanya, halos lumuwa ang mga mata ko. Ang laki ng building, glass walls, marble floors, at amoy mayaman.

Clear your mind, Eula, bulong ko sa sarili habang humihinga nang malalim. You can do this.

“Good morning po. I'm Eula Santos, new hire po,” sabi ko sa receptionist.

“Ah, yes, Ms. Santos. Proceed to the HR department on the 3rd floor.”

Nang makarating sa 3rd floor, sinalubong ako ni Ms. Clarisse mula sa HR at pinalipat sa isang conference room kasama ang ilan pang bagong pasok. 

Mabilis naming isinumite ang mga requirements at binigyan kami ng temporary IDs.

“Congratulations, everyone. You are officially part of the company,” nakangiting sabi ni Ms. Clarisse.

Nakahinga ako nang maluwag. Naramdaman ko ang konting init sa dibdib ko. Sa wakas.

“Now, for your first day, you will be reporting directly to the CEO,” patuloy niya.

Natahimik ang buong silid. CEO agad? Bakit parang napaka-intense naman ata?

Hindi na kami nakapagtanong dahil ginabayan na kami papunta sa top floor. Mas tahimik doon, mas elegante, at ramdam mo ang tension sa paligid. 

Habang naghihintay kami sa labas ng isang malaking double door, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan ang mga palad ko.

Ilang sandali pa, bumukas ang pint0. Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa amin, nakasuot ng tailor-fitted black suit, may malapad na balikat, at may malamig na aura.

Nang iangat niya ang tingin niya at tumingin sa aming grupo, huminto ang mundo ko.

Nalaglag ang panga ko. Ang hangin sa baga ko, parang biglang nawala.

No. Please, God, no.

Iyong lalaking inagawan ko ng taxi. Iyong tinawag kong suplado.

Dahan-dahan siyang naglakad pabalik-balik sa harap namin, hanggang sa huminto ang mga mata niya sa akin. Nakilala niya ako?

Then, a small but dangerous smile slowly appeared on his lips.

“Good morning,” malamig niyang batî sa amin. “I'm Duke Revamonte. The CEO of this company.” Pakilala niya.

Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo pabalik sa elevator, sumakay ng taxi, at lumipat na lang ng ibang planeta.

“Have we met before, Ms. Santos?” tanong niya, dahan-dahang lumapit habang nakatingin nang diretso sa akin.

Napapikit ako nang mariin. Lupa, kainin mo na ako ngayon din.

“Ah...” nangangapa ako ng sasabihin.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, bago muling gumuhit ang pilyong ngiti sa labi niya. “The woman who stole my taxi.”

Naramdaman ko ang paglingon ng lahat ng kasama ko sa akin. Ang init-init ng mukha ko sa labis na kahihiyan.

“I'm really sorry, Sir...” bulong ko, nakayuko.

“Sorry?”

“Opo... hindi ko po talaga sinasadya. Magmamadali lang po talaga ako kasi first day ko—”

Bahagya siyang natigilan, tapos, laking gulat ko nang magpakawala siya ng isang mahinang tawa, tawang puno ng sarkasmo.

“The rest of you can go, but you, Ms. Santos, stay here. We have unfinished business.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status