Share

Chapter 8.1

Penulis: jhowrites12
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-18 22:48:23

ALYSSA POINT OF VIEW

Nang matapos niyang magamot ang sugat ko at mabendahan ito ay tahimik kaming pareho. Alam kong nakatitig lamang siya sa akin. Ako naman ay nakayuko lamang. Hindi ko maarok na tingnan siya lalo na at sobrang kaba ng nararamdaman ko ngayon.

Dapat ay nagagalit ako, dapat ay sumbatan ko siya! Dahil sa unang pagkakataon ay nagtagpo ang landas namin sa ilang taong nakalipas. Pero wala akong maapuhap na sasabihin. Tila ba kahit galit at mura ay pinagtaksilan ako at tinaguan. Hindi ko sila mahanap para sana ipamukha sa lalaking kasama ko ang sakit na dinanas ko simula noong iwanan niya ako at niloko.

"Elyssa..." tumindig ang balahibo ko sa katawan sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. Ngayon, tuluyan nang naglandas ang luha sa mga mata ko.

Nakakainis! Imbes na galit at poot. Luha! Bakit luha ang kumawala? Bakit kahinaan ko ang laging naipapakita sa tuwing kaharap ko siya. Bakit?

Ayaw kong makita niya ako na umiiyak at nasasaktan. Ayokong isipin niya na hang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 8.2

    "Elyssa, buti narito ka na. Kailangan ko nang umalis!" Isinara niya ang bag at isinukbit iyon sa balikat. Binigyan ko siya ng espasyo para makadaan palabas ng counter. Ako naman ay pumasok pagkatapos niyang makalabas. "Mag-iingat ka pauwi!" sigaw na bilin ko nang malapit na siya sa pinto. Inayos ko naman agad ang gamit ko sa ilalim ng counter. Nakakatuliro ang magbantay lalo na at madalang lang naman ang bumibili. Hindi naman ako puwedeng matulog. Nakabukas lang ang store ng bente kuwatro oras dahil ang nakapalibot dito ay mga motel at inn kung saan nagchecheck-in ang mga tao. Karamihan ay mga nagsho-shorttime at kailangan ng makakain at maiinom. Pinatay ko ang oras ko sa pagbabasa ng goodnovel stories sa selpon ko. Naki-connect ako sa kapitbahay na motel kaya libre ako sa wifi. Ngayon nga ay hooked na hooked ako sa binabasa kong story. Billionaire's bed warmer ang title. Malapit na ring matapos kaya naman nakatutok ako sa bawat update. Nakakatatlong istorya ako kapag walang bum

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-18
  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 9

    Pagkatapos kaming kausapin ng mga pulis ay saka pa lamang kami nakapunta ng hospital. Itong kasama kong lalaki ay sobrang tigas ng ulo. Inuna pa talaga ang pagpunta sa police station kesa magamot ang sugat niya. Nakaupo siya sa bakanteng kama at hinihintay ang nurse na titingin sa sugat niya. Daplis lang naman daw iyon pero natakot talaga ako dahil maraming dugo ang nasa damit niya at kamay. "Wala bang masakit sa iyo?" Basag niya sa katahimikang namayani sa amin. Nakatayo ako malapit sa paanan ng hospital bed na kinaroroonan niya habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. Agad kong itinago sa aking likod ang may sugat na kamay. "Wala naman. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong nasaktan. Pasensiya ka na kung nadamay ka," nalulungkot na saad ko. Nakukunsensiya talaga ako dahil nasaktan siya. "Okay lang, nagkataon naman talaga na bibili ako at maabutan ko ang sitwasyon na iyon, buti..." "Sir, lilinisan na po namin ang sugat 'nyo." Napalingon kami pareho sa bumukas na pinto.

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-19
  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 10

    ALYJAH POINT OF VIEW Napapailing ako habang nagmamaneho. Hindi ko maintindihan kung bakit nasabi ko iyon kay Yssa. Natatawa tuloy ako sa sarili dahil hindi ko naman intensiyon talaga na maningil. Bibiruin ko lang sana siya pero nang makita ko ang ekspresiyon ng kanyang mukha, parang mas ginusto ko na lang na seryosohin ang sinabi. "Ah!" Napangiwi ako dahil kumirot ang sugat ko. Kahit daplis lang iyon ay masakit pa rin naman. Nagsinungaling din ako na pupunta at bibili sa convenience store na iyon. Nagkataon lang na napadaan at namukhaan ko ang babaeng iyon mula sa club kaya tinulungan ko siya nang mamataan kong nakikipag-agawan siya sa kanyang bag. Kung iba lang sigurong tao iyon ay hindi ko isusugal ang sarili kong buhay. Ewan ko ba, gusto ko tuloy iuntog ang sarili ko kung bakit sumuong na naman ako para iligtas siya. Para kasing may magnet ang babaeng iyon sa gulo kaya pati ako na-magnet na rin. Una, muntikan na akong mabangga dahil sa biglaang pagparada sa gilid para ag

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-19
  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 11

    ALYJAH POINT OF VIEW Pagdating na pagdating namin ay pumuwesto agad kami sa dati. Sa harapan para mas maganda ang view namin. As usual ang mga gago may kanya-kanyang babae na naman sa tabi. Umayaw akong may maka-table. Ang habol ko lang ay ang mapanood ang babaeng nakamaskara. Isa pa, masakit pa ang sugat ko para lumandi. Gaya ng dati, maraming kalalakihan ang nag-aabang sa pagsayaw ng babaeng nakamaskara. Nakatatlong bote na ako ng beer nang pinatay ang mga ilaw at pumaimbabaw ang malamyos na saliw ng musika. Naghiyawan na at nagpapalakpakan ang mga panauhin. Nang lumabas ang babaeng nakaitim naman ngayon ay lalong nagkaingay sa loob. Itim ang maskara at itim ang kasuotang bikini nito. Mahaba ang boots na suot at may mahabang itim na guwantes sa kamay. Ngayon, hindi tubo ang props niya kundi isang upuan sa gitna. Doon siya nagpagiling-giling. Gaya ng nagagawa nito sa ibang lalaki, nilukuban ako ng matinding libog pero ang sa akin, kasama ang puso kong malakas ang kabog. Hindi ko

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-20
  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 12

    Babaeng Nakamaskara Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng lalaking iyon sa harapan ko. Natakot ako dahil baka isa ito sa mga taong nais makita kung sino ako. Wala akong balak ipakilala ang pagkatao ko kahit sa sino man. Tama na sa akin na makita nila at pagpantasyahan ang katawan ko. Kalabisan na ang makilala pa nila ako at makita ang mukha ko. Ngunit may kakaiba akong pakiramdam sa lalaking iyon. Hindi man lamang ako nakaramdam ng pagkaalangan sa presensiya niya. Oo nga't natakot ako dahil bigla na lamang siyang sumulpot pero nawala agad ang takot ko noong magsalita siya. Bagay na hindi ko maintindihan, nagawa ko pa siyang ipagtanggol at takpan para lamang hindi mapahamak. Napakagat labi ako habang tinatanggal ang maskara at pinakatitigan ang aking sarili sa salamin. Sa loob ng maskara ay isang babaeng mapagpanggap. Babaeng puno ng galit at hinanakit. Isang babaeng mahina at nagtatago sa isang maskara. Parang ulan na tumulo ang luha sa pisngi ko. Hindi ko maawat iyon kahit anong

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-21
  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 13

    ELYSSA POINT OF VIEW Nakaday-off ako ng dalawang araw. Ngayon ang balik ko sa club kaya naman napaaga ako. Nasa locker room na ako at bihis na nang dumating ang ibang mga kasama ko. Mga waitress at mga babaeng binabayaran para tumeybol. Inihanda ko ang sarili ko dahil alam kong ako ang unang-una na makikita ni Bev. Pero nabati ko na lahat walang Bev na sumulpot. Nangawit tuloy ang leeg ko kakalingon doon at dito. Nakakunot noong sinarhan ni Alice ang tingin ko sa pinto. "Hindi ka mapakali riyan, may hinahanap ka?" mataray na tanong niya. Tinaasan pa talaga ako ng manipis niyang kilay. "W-wala naman," nauutal kong sagot at pilit na ngumiti. "Don't worry. Walang mambubully sa iyo ngayon. Kahapon pa hindi pumasok iyong si Bev. Hindi na yata makalakad dahil pinahirapan!" Kunot noo kong hinarap si Alice. Inismiran ako. "Pihirapan sa kama! Iyong lalaking lagi niyang ka-table, binayaran siya para sumama. Ang gaga ayun! Nasarapan yatang bumukaka!" Sarkastiko niyang saad. Nagtawanan

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-21
  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 14

    ALYJAH POINT OF VIEW Date me! Langya! Paulit-ulit na nagplay-play sa isip ko ang sinabi kong iyon kay Yssa. Hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa alak na nainom ko o ano. Basta ang alam ko malungkot ang mag-isa. At sa tuwing nakikita ko siya, nabubuhayan ako ng pag-asa. Punong-puno kasi siya ng buhay na para bang walang problema. Kahit na ang totoo ay pasan naman niya ang mundo. I just want to help you. Tang-ina! Paanong pagtulong iyong proposition ko? Kaya lang, hindi na masama. Matutulungan ko naman talaga siya. Nakikita ko naman siya na walang panahon sa pag-ibig kaya magkakasundo kami. May maibalandra lang akong babae sa buhay ko kila Heron at Aiden ay okay na. Kung sana kasi nakakalapit at nakilala ko ang babaeng nakamaskara, e 'di sana sa kanya ko naibubuhos ang lahat ng atensiyon na meron ako. Sa kanya ko lang nararamdaman ang pagseseryoso na wala ako sa ibang babae. Hindi ko na alam kung epekto ba ito nang dahil sa ginawa ni Papa kaya ganito ako mag-isip o dahil na-inl

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-21
  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 15

    Sakay na kami ngayon ng kotse ko. Pagkagaling sa presinto papunta naman kami ngayon sa children's heart center para puntahan ang kapatid niya. "Okay ka na ba?" tanong ko kahit ang bobo na tanungin ko pa siya. Halata namang hindi. Hapong-hapo ang itsura ni Yssa ngayon. "Salamat sa pagpunta, hindi ko inaasahan na darating ka nga," sabi niyang gumaralgal ang boses. Alam kong lumuluha na naman siya kahit hindi niya ibaling ang tingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. "Magkaibigan tayo, kunsensiya ko na rin naman kung pababayaan kita," sabi kong itinutok muli ang mga mata sa daan. "Salamat, magiging okay rin ang lahat. Hindi mo na rin kailangan pang tuparin ang pangako mo kay itay. Kaya ko pa naman." Napabaling ako sa kanya nang mag-red light at tumigil ang mga sasakyan. "Ano'ng gagawin mo? Paano mo bubuhayin ang kapatid mo? Paano mo ilalaban ang kaso ng itay mo?" Kuryoso kong tanong. Bakit parang dismayado akong ayaw niya sa tulong ko. "Paano ang pagpapalibing mo sa ina

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-22

Bab terbaru

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 65

    Babaeng Nakamaskara/Elyssa POINT OF VIEW Apat na buwan na ang aking tiyan. Nasa klinika ako ni Braden dahil nakaramdam ako ng matinding hilo kaya dinala ako roon ni Nanay Joy. Ang balak kong pag-alis ay hindi nangyari, lalo na noong nakompromiso ang kalagayan ko at ng anak ko. "Hindi ka talaga nakikinig sa akin Elyssa!" galit na singhal sa akin ni Braden. Pinagbawalan na niya akong magbuhat ng mabigat ngunit hindi ko sinunod kaya dinugo ako. "Matanda na si Nanay Joy. Alangan naman siya ang pagbuhatin ko ng basket ng gulay," pamimilosopo ko kay Braden na halatang ikinairita niya. "Magpa-ultrasound ka. Tignan natin kung anong lagay ni baby..." bumuntong hininga siya. "Tsk! Hindi ka kasi nag-iingat. Akala ko ba siya na lang ang kayamanang meron ka, tapos pinapabayaan mo naman sarili mo!" muli niyang sumbat sa akin na ikinalabi ko. Sa klinika niya rin ako nag-ultrasound. General doctor siya at siya ang may-ari doon. Katabi ko siya habang kasalukuyan akong nakahiga at tinitignan an

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 64

    BABAENG NAKAMASKARA POINT OF VIEW Hindi ko alam kung kakayanin ko ang araw-araw na pangungulila. Sa ngayon ang kailangan ko ay mabuhay na malayo sa lahat. Sa isang maliit na kuwartong inuupahan ko, kinalap ko ang gamit ko papunta sa aking trabaho. Nagawa kong makapasok sa tindahan ng mga gulay. Maliit lang ang kita pero ayos na kesa sa wala. Walang-wala kasi ako ngayon. Ang perang naipon ko mula sa pagsasayaw noon ay tila bulang naglalaho. Hindi ko pa man nahahawakan ay napupunta na sa mga utang. Utang na hindi naman ako ang nakinabang. Nang maayos na ako'y naglakad na ako patungo roon. Labin-limang minutong lakad. Wala akong pambayad sa trycicle kaya nanaisin ko na lamang lakarin iyon. Mainam pa na ehersiyo sa kalagayan ko. Tatlong linggo na rin ako kay Aling Joy. Mabait siya at itinuturing niya akong parang anak, hindi niya ako itinuring na iba nang mapadpad ako sa bayan nila. Bayan ng Sta. Lucia. "Sana ay makarami tayo," puno ng pag-asang sabi niya at naupo na sa monoblock c

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 63

    ALYJAH POINT OF VIEW I am ready to listen. Bubuksan ko na ang isip ko para intindihin at subukang paniwalaan ang sasabihin ni Ely. I want her to tell me everything, walang halong kasinungalingan. Kahit na masaktan ako'y pakikinggan ko siya. Bubuksan ko ang kaisipan ko para sa kanya. Hindi ko man lubos na mapatawad si Papa, at least masasabi kong kaya kong paniwalaan si Ely. Kaya ko siguro siyang intindihin. My heart told me to trust her completely. Kung iiwanan niya si Papa para sa akin, we may have a happy ending. Huwag lang gumitna sa amin ulit si Papa. I am sure, makakapagsimula kaming dalawa. Mabilis kong pinaharurut ang sasakyan ko pauwi sa bahay. Wala akong ibang naiisip kundi si Ely at makausap ito. Panay ang lunok ko nang makababa na ako sa kotse. Nasa garahe na ako ng bahay at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Nanlalamig at pinagpapawisan ang aking palad. Matagal na rin kasi ang isang buwan na hindi ko siya nakita. Hindi ko alam kung gaya pa ba siya na hinihintay

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 62

    ALYJAH POINT OF VIEW Hunghang ang aking pakiramdam nang bumangon akong wala na sa tabi ko ang babaeng nakamaskara. Mas naging tuliro ang isip ko nang makita ko ang pulang mantsa sa bedsheet. Pumikit ako at inalala ang pakiramdam noong nagniniig kami. Pakiramdam ko'y hindi naman ako ang nakauna pero, ang pulang mantsa na ang patunay na birhen pa siya. Napasabunot ako sa aking ulo nang muli akong atakihin ng alalahanin. Hindi siya ang babaeng nakatalik ko noong kung ganoon. Ngunit bakit pakiramdam ko'y kilala ko ang babaeng nakamaskara. Bakit pakiramdam ko noong una ay iisa lamang sila. Hindi ko pa rin naman maipagkakailang may atraksiyon pa ako sa babaeng nakamaskara. Ngayon ay litong-lito na ako. Ilang araw na rin akong nakatira dito sa hotel. Hindi ko magawang umuwi sa apartment, ayon kasi kay Heron ay naroon pa si Ely, naghihintay sa aking pagbabalik. Binaba ko ang aking paa sa sahig. Pumikit ako nang maramdaman ko ang pagpitik ng aking sentido at sumakit ang ulo. Napahilot

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 61

    BABAENG NAKAMASKARA POINT OF VIEW Pinagmamasdan ko siya habang umiinom mag-isa sa counter. Nasa tago at madilim akong lugar at siya lamang ang nakikita ng mga mata ko. Ilang oras na rin naman siyang umiinom mag-isa at alam kong may tama na rin siya. Napatayo ako nang muntikan siyang matumba sa kinauupuan. Lasing na siya kaya naman minabuti ko na siyang lapitan. Suot ang hapit na itim na damit hanggang kalahati ng aking hita, dahan-dahan akong naglakad at naupo sa tabi niya. Hindi niya ako napansin dahil nakatuon ang pansin niya sa iniinom. Pagkatapos ay tulalang nakikipagtitigan sa baso. "Alone?" Pagkuha ko ng kanyang pansin. Kita ko ang pagbaling niya at ang pagtaas ng kilay niya ng makaharap siya sa akin. Hindi kasi masyadong aninag ang mukha ko dahil sa itim na telang may maliliit na butas na nakatakip sa mukha ko. Kasama iyon sa sumbrerong suot ko. Kailangan ko iyon para maitago ang aking mukha. "Do I know you?" tanong niya at muling inalis ang tingin sa akin. Muli siyang na

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 60

    ELYSSAPOINTOFVIEW (Trigger Warning) Tulala akong nakatingin sa kawalan, halos wala akong tulog ng dalawang araw, hinihintay ang pag-uwi ni Ali. Hindi ko mapigilang muling maluha. Muli kong niyakap ang sarili para pagaanin ang aking loob. Tanging sarili ko na lamang ang kakampi ko sa oras na ito. Ngunit kahit anong gawin ko'y naroon pa rin ang takot na baka nga iniwanan na ako nang tuluyan ni Ali. Bumulalas ang malakas na hagulgol sa aking bibig. Sobrang bigat at sikip na ng aking dibdib. "Bakit Mo ba ako pinaparusahan ng ganito? Akala Mo ba kaya ko pa?" Hindi ko mapigilang tanungin ang Diyos sa nangyayari sa akin. Walang dinulot ang buhay sa akin kundi pasakit at hirap. Ang mga taong gustong mahalin ako ay unti-unting nawala. Unti-unti nila akong iniwan. Hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ko kaya, kaya mas gugustuhin ko nang tapusin ang lahat. Mas gugustuhin kong putulin na ang paghihirap na meron ako. Nanghihina ang mga paa kong tinungo ang kuwartong hanggang ngayon ay para p

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 59

    ALYJAH POINT OF VIEW Sinasabi ko na nga ba! Hindi nila kayang pigilan ang mga sarili nila. Binalak ba nilang magkita ngayon? "Ali?" Matalim kong tinitigan si Ely na namutla na tila ba nakakita ng multo at Papa na nakatayo lamang at walang emosyong nakatingin sa akin. Halos patayin ko na silang dalawa sa tinging ipinupukol ko. Gusto kong sumabog. Ang makita silang hubad at mukhang kagagaling lang sa paliligo, gusto kong pumatay ng tao! Maging asawa ko man o ama ko. "Ali, nagkakamali ka ng iniisip..." Kuyom ang kamao kong tinabig si Ely na humarang para ipagtanggol ang ama ko. Malalaking hakbang ang ginawa ko para lapitan si Papa, sa isang iglap ay tumama sa kanya ang kamao ko. Kulang pa ang kamao ko sa pangga-gago nila sa akin. Noon ko pa ito gustong gawin sa kanya! "Ali!" sigaw ni Ely sa pangalan ko. Sa gilid ng mata ko nakita ko siyang tumayo mula sa pagkakasalampak at lumapit para awatin ako. "Mali ka ng iniisip, Ali!" Pinigilan niya ang kamay kong nakahawak sa damit ni pap

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 58

    ELYSSA POINT OF VIEW Halos abutin ako ng ala-una ng madaling araw sa pag-aayos ng delivery ko ng mga damit at make up. Dahil binawalan ako ni Ali na magtrabaho sa club, minabuti kong humanap ng kaunting pagkakakitaan para naman makaipon ako. Hindi niya alam ang bagay na ito kaya nagulat na lang akong medyo maaga-aga siyang umuwi. Buti na lamang at lasing siya kaya makakalimutan niya rin ang nakita kinabukasan. Nagtatrabaho ako hindi dahil sa nakukulangan ako sa ibinibigay niya. Kaya ko iyong pagkasyahin, gusto ko lang na may pera. Hindi ko alam hanggang kailan niya ako pananatilihin sa kanyang tabi, kailangan kong maging handa. Matindi ang galit sa akin ni Ali at alam kong hindi basta-basta mawawala iyon. Hindi basta-basta matutunaw. Ang kailangan ko lang ay maghintay sa kanya na mapatawad ako. Nangawit ang likod ko kaya nag-inat ako, nagsisi nga lamang ako nang mabinat ang bumuka kong sugat. Kung sana hindi iyon bumangga sa mesa kanina, maaring wala akong iniindang sakit ngayon

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 57

    ALYJAH POINT OF VIEW Binantayan ko ang konstruksiyon ng aking negosyo. Pagkatapos ay nakipagmeeting ako sa suppliers ng iba't ibang piyesa ng sasakyan. Masaya ako sa negosyong itinatayo ko, noon pa lang ito na talaga ang gusto kong simulan. Gaya ng dati, pagkatapos ng maghapon ay tutungo ako sa hospital para dalawin si Aiden. Bumuti na ang kalagayan niya at ang sabi, maisasalba pa siya sa pagiging gulay sa pamamagitan ng mga therapy. Hindi pa nga lamang siya gumigising pero stable na ang lagay niya. Ang itinuring niyang pamilya ay naroon din, alam nilang malaking kawalan si Aiden sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Hands-on si Aiden at matalino kaya alam kong hirap na hirap ang mga ito ngayong ganoon ang kalagayan ni Aiden. Nanatili ako roon hanggang hating gabi, gaya ng dating gawi pupunta muna ako sa isang bar para uminom bago umuwi. "Dati ba, Sir?" tanong ng bartender sa akin na agad kong tinanguhan. Ngayon nga ay kaharap ko na ang baso ng alak na may laman na rum. Ngunit ang da

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status