“OKAY, THAT’S ALL FOR TODAY.” pagtatapos ni Landon sa weekly meeting ng Consunji Real Estate and Construction Company.Halos sabay-sabay na tumayo ang heads ng bawat department ng kompanyang pag-aari ni Taj. Ilang saglit pa ay wala nang naiwan sa loob ng malawak na conference room maliban kay Taj at Landon.Kunot ang noo ni Landon habang nilalaro sa kanyang mga daliri ang hawak na ballpen. Nauna nang lumabas ang sekretarya niya dala ang kanyang mga gamit. Something is off about Taj. Kanina pa niya napapansin na wala sa pinag-uusapan nila ang buong atensiyon nito. Tila may kung anong malalim na dahilan ang gumugulo sa isipan nito. Sandali pa munang nakiramdam si Landon at nang hindi na siya makatiis ay tuluyan na niyang binasag ang kanyang pananahimik.“What’s up?” aniya kay Taj na tila hindi naman siya narinig. Nanatili lamang nakatitig sa kawalan ang kaibian niya. “Hey, man…” tawag niya rito saka niya dinampot ang papel na nasa kanyang harapan. Ginawa niya itong bola saka ibinato ka
TAHIMIK ANG GABI. Pasado alas dos na ng madaling-araw pero gising na gising pa rin ang diwa ni Tori. And it’s been more than a week simula nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Kara, maging ang nalalapit na kasal ng babae sa dati niyang asawa. Hawak ang kopitang may lamang alak ay dahan-dahang sinimsim ni Tori ang laman niyon. Bahagya pang nalukot ang mukha niya nang gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng inumin. Tumingala siya sa madilim na kalangitan habang naka-krus ang magkabilang braso sa kanyang dibdib, hawak pa rin ang kopita. Nililipad ng mabining ihip ng hangin ang buhok niyang hinayaan lamang niyang hindi nakatali.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Tori bago muling dinala sa kanyang bibig ang hawak na kopita at saka niya inisang lagok ang natitirang laman niyon. “Whoa!” bulalas niya nang tila biglang punuin ng init na dulot ng alak ang buo niyang katawan. Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Tori pagkaraan ng ilang saglit. Ngayon
KATATAPOS lang ng promotional guesting ni Tori kasama si Everett sa isang kilalang afternoon talk show nang makatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ni Taj na si Georgia.Nangunot ang noo ni Tori. Ito kasi ang unang pagkakataon na tinawagan siya ng babae.“Hello,” bungad ni Tori pagkatapos niyang pindutin ang answer call. Isang nagpa-panic na tinig ni Georgia ang kaagad na bumungad kay Tori. Napuno ng kaba ang puso lalo na’t tila nahuhulaan na niya kung tungkol saan—o mas tamang sabihin na kanino ang tawag ng kapatid ni Taj. “Si Hajie, Ate…”Nahigit ni Tori ang kanyang hininga nang bangitin ni Georgia ang pangalan ng anak niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa tangang cellphone.“What happened?” tanong niya sa mahinang tinig. Pilit din niyang kinakalma ang kanyang sarili at kaagad na sinenyasan si Jessa.“Isinugod siya ni Kuya sa hospital—”“Ano nga ang nangyari?!” may diin sa tinig na putol ni Tori sa iba pang sasabihin ni Georgia.“Bigla na lang siyang nahirapang makahinga—ay, h
PAGKALAPAG sa airport ng Iloilo ng private plane na sinasakyan ni Tori ay kaagad siyang sinalubong ng isa sa tatlong driver ng Sebastian Plantation. Walang tanong-tanong na kaagad sumakay si Tori roon matapos siyang pagbuksan ng pinto ng driver. Mula sa airport ay bumiyahe sila patungo naman sa pier kung saan siya sasakay ng private boat na pag-aari ni Taj patungo naman sa Jordan port. Habang tinatawid ang dagat ay tinawagan ni Tori si Everett. Ipinaalam niya sa kaibigan na matiwasay siyang nakarating sa Iloilo at kasalukuyan nang tinatawid ang dagat. Pagkaraan ng twenty minutes ay nakarating na si Tori sa Jordan port. Pababa pa lamang siya ng baka ay narinig na niya ang boses ni Landon na tinatawag siya. “Tori! Tori, over here!” Tumingin si Tori sa kaibigan ni Taj at kiming tumango bilang sagot. Kaagad namang sinalubong ni Landon si Tori at sabay silang naglakad patungo sa naghihintay na sasakyan. “How was your flight?” Natigilan si Tori dahil sa tanong na iyon ni Landon. Baha
LIMANG NA BUWAN ANG MATULING LUMIPAS at malaki na ang tiyan ni Kara. Because why not? Dalawang buwan na lang mula ngayon ay manganganak na siya. At ngayong araw nga ang gender reveal party para sa baby nila ni Taj. Katulad ng inaasahan ay kompleto ang angkan ni Kara. Dumalo din ang ilan niyang mga kaibigan na kilala na rin ni Taj. Sa panig naman ni Taj ay pumunta rin ang piling-pili niyang mga kaibigan. At siyemp’re pa ay kompleto din ang pamilya niya. “Everything is ready, Taj.” bakas ang labis na tuwa sa tinig na ani ni Alyssa sa kanyang anak. “And, I’m so excited!” dugtong pa niya. Nakangiting niyakap ni Taj ang kanyang ina. “Thank you, Mom.” aniya sa ina.Ang kanyang ina kasi ang siyang punong abala sa pag–aasikaso ng lahat. Hindi nito hinayaang tumulong si Kara dahil hindi p’wedeng mapagod ang babae. Ayon kasi sa doktor ay maselan daw ang pagbubuntis nito kaya naman pati ang mga kapatid niya ay walang nagawa kundi tumulong na rin kahit pa nga may kinuha namang coordinator pa
KASALUKUYANG NASA bahay ng kaibigan niyang financial advisor si Tori. Tumawag kasi si Darlene sa kanya kahapon at ang sabi nito ay may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya. At dapat daw na personal silang mag-usap. Pero dahil nasa Davao siya kahapon ay nakiusap siyang kung maaari ay ngayon na lang sila magkita. At napagkasunduan nga nila na pupunta na lang siya sa bahay nito. Pasimpleng sinulyapan ni Tori ang suot niyang relong-pambisig. Limang minuto bago mag-alas singko ng hapon. Well, napaaga siya ng labin-limang minuto. Alas singko kasi ang usapan nila ni Darlene dahil manggagaling pa ang babae sa Makati kung saan naman ito nagta-trabaho bilang accountant sa isang government agency. Ibinilin na ng babae sa kasama nito sa bahay na darating siya kaya naman kaagad din siyang pinapasok pagkarating niya. Mula sa dalang kulay silver na purse ay kinuha ni Tori ang kanyang cell phone. Tinawagan niya ang Yaya ng anak niya para ipaalala dito may darating na package para sa kanya. Ilang
Namamanhid na ang mga mata ni Tori dahil sa kanyang pag-iyak at hindi na niya alam kung paano siyang nakarating sa St. Joseph Memorial Plaza. Hindi rin niya alam kung bakit siya naroon. Marahil ay dahil nasa lugar na iyon ang kaisa-isang tao na nakikinig sa lahat ng mga hinaing niya noong nabubuhay pa ito. Oh, she missed Wanji so much…Pagkatapos patayin ang makina ng kotse ay ipinasya niyang manatili na muna sa loob. Madilim na ang paligid at nang sulyapan ni Tori ang suot niyang relong–pambisig ay nakita niyang malapit na palang sumapit ang alas-sais ng gabi. Alas-siyete pa naman magsasara ang memorial plaza. Bumuga ng hangin si Tori bago siya tuluyang nagpasyang lumabas ng sasakyan. Pagkatapos masigurong naka-lock na ang pinto ng kotse ay mabagal ang mga hakbang na naglakad siya patungo sa lugar kung saan nakahimlay si Wanji. Malamig ang ihip ng panggabing hangin kaya wala sa loob na napahalukipkip si Tori. Maliwanag naman ang buong paligid dahil sa mga nakakalat na lamp post bu
“DAMN IT, TORI, where the hell are you?” tiim ang anyo na usal ni Taj habang nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan. Ilang oras nang naghihintay si Taj kay Tori sa tapat ng dating bahay ng huli sa Greenbelt. Ibinilin na lamang niya sa guards na naka-duty ngayong gabi sa main gate ng Wood Meadows na tawagan sakali mang makita ng mga ito ang sasakyan ng babae.“Tori…Tori…Tori, you are slowly killing me, love,” ani ni Taj habang mahigpit na nakahawak sa manubela ang magkabila niyang kamay. Sinulyapan ni Taj ang suot niyang relong-pambisig at nang makita niyang pasado alas-otso na ng gabi ay mas lalo pang tumindi ang pag-aalala niya para sa dating asawa. Ilang beses na niya itong sinubukang tawagan pero kagaa kanina ay hindi pa rin ito sumasagot. Tinawagan naman siya ni Darlene, isang oras na marahil ang nakakaraan at ang sabi nito ay okay nama daw si Tori. Nakausap daw nito ang dati niyang asawa, ‘yon nga lang, ayaw daw sabihin ni Tori kung nasaan ito. Muling dinampot ni Taj ang cellphon