“Mr. York, nababaliw ka na? Kilala mo ba kung sino ang boss ni Brother Fly? May lakas ka ba ng loob para tanggapin ang kayang paghingi ng tawad kapag pumunta siya dito?” “Ang lalakeng iyon ay isang tunay na master sa linya ng kanyang trabaho! Sa isang pitik lang ng kanyang daliri, nagagawa niya ang gusto niyang gawin! Pero gusto mo na ang isang tao na katulad niya na yumuko sayo?” “Anong iniisip mo? Isa ka lang live-in na son-in-law na nagtayo ng isang street stall! Karapatdapat ka ba?” Dinuro nila Nick Lachey at ng iba pa si Harvey at pinagsabihan ito. Natural lang na wala pa silang nakitang tao na hindi alam kung ano ang mabuti sa masama. . Kinakabahan ng husto si Mandy. ‘Hinihiling ang boss na pumunta dito para humingi ng tawad sa akin?’‘Anong iniisip ni Harvey?’‘Hindi ba’t sinusubukan lang niya kaming patayin?’ Nataranta si Mandy at nilabas ang kanyang phone. Habang nanginginig, nagpadala siya ng text sa kanila Keith at Finn Yates. Sa ganitong sitwasyon, kahit na
/habang pinagmamasdan ang kayabangan ni Harvey, isang ngiting uhaw sa dugo ang lumitaw sa mukha ni Brother Fly. “Katapusan mo na, bata!” “Sa oras na dumating ang boss ko, mauunawaan mo na ang tunay na kahulugan ng kamatayan!” “Hindi lang ikaw! Hindi ko rin pakakawalan pati ang asawa mo!” Hindi sumagot si Harvey. Kaswal niyang pinulot ang bakal na tubo at kaagad na hinampas ito sa mukha ni Brother Fly. “Argh!”Nagpakawala ng hindi maintindihan na hiyaw si Brother Fly nang tumalsik ang halos lahat ng kanyang ngipin. Pinanlisikan niya si Harvey, bakas ang galit sa mga mata nito. Gusto niyang takutin si Harvey, pero hindi siya nangahas an ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot na baka mulis siyang hampasin ni Harvey. Sa mga taong nanonood, katapusan na ni Harvey. Ang buong gulo na ito ay hindi na maaayos pa sa simpleng paglumpo sa kanya. Sa sobrang takot ni Mandy, malapit na siyang umiyak. Hindi niya akalain na magiging ganito kapadalos-dalos ang kanyang asawa! Kahi
Ilang minuto ang lumipas, isang van ang lumitaw sa may tabing kalsada ng Pedestrian Street. Isang grupo ng kalalakihan ang lumabas sa van pagkatapos. Ng makita niya ito, sumigla si Brother Fly. Kahit si Nick Lachey at ang kanyang mga tauhan ay nasabik. Hindi nagtagal, isang grupo ng kalalakihan ang lumitaw. Lahat sila ay nakasuot ng kurbatang itim, matangkad at malakas. Halata na sila ay mga fighter sa unang tingin pa lang. Ang lalakeng nangunguna sa kanila ay isang lalakeng nakasuot ng kurbata, mukha siyang hindi pangkaraniwan sa unang tingin pa lang. Siya ay walang iba kung hindi ang kilalang pinuno ng Buckwood, si Master Caesar.Si Master Caesar at ang kanyang mga tauhan ay lumipat sa harapan ng mga tao at nagulantang. Lalo na nung nakita nila na nakaluhod si Brother Fly sa harapan ni Harvey. “Boss, tulungan niyo ko! Nagawa akong saktan ng lalakeng to! Hindi pa nga siya nagbigay galang sayo!” Nang makita niya ang kanyang tagapagligtas, hindi mapigilan ni Brother F
Hindi lang si Brother Fly ang naguguluhan. Pati ang lahat ay naguguluhan din sa nangyayari. Nagbago ang tingin nila kay Harvey. ANong nangyari? Pati si Mandy ay naguguluhan. Humingi nga siya ng tulong sa Yates family.Baka ang mga Yates ay ganun kalakas? Marahil isang tawag lang ay sapat na para ma-pressure si Master Caesar? Habang iniisip niya ito, inaasahan na niya ito. Ang mga Yates ay kontrolado ang buong pulisya ng South Light, kaya nagkataon na sila ang kalaban ng mga mobster. Marahil ay nauunawaan ni Harvey ang katotohanan na ito, na nagpapaliwanag kung bakit siya kumikilos ng walang prinsipyo.Maya-maya lang, isa pang grupo ng mga kalalakihan ang dumating. Ang lalakeng namumuno sa grupong ito ay walang iba kung hindi si Tyson Woods. “Siya…siya ang bagong hari ng lansangan ng South Light, si Tyson Woods!” “Tama, siya nga! Bakit siya pumunta dito?!” Nagulat ang lahat. Ang isipin na ang isang maliit na bagay tulad nito ay sapat na para mag-udyok sa pangunahing
Tumakbo ang dalawa papunta kay Harvey. Nakahinga nang maluwag si Yoel Graham nang makita niya na ayos lang si Harvey. Kaagad na yumuko si Yannick Bisson sa harapan ni Harvey. Sobrang nagulat ang mga tao sa nakita nila. Sino ba si Harvey York?! Bakit napakagalang ng mga makakapangyarihang tao na ito sa kanya?! Lalo na ang first-in-command ng Buckwood, si Yoel Graham! Lumitaw ang isang malaking personalidad na kagaya niya! Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito ay mayroong napakamakapangyarihang awtoridad ang live-in son-in-law na iyon! Nagbago ang titig ng lahat kay Harvey. Ang ilan pa ay nagsimulang matakot sa kanya. Noon, sa mga mata ng lahat, isa lang siyang live-in son-in-law na ang alam lang ay makinabang sa kanyang asawa. Bigla na lang, naging isa siyang malaking personalidad na may misteryosong pagkatao. Bakas sa mukha ni Mandy na hindi siya makapaniwala. Ginawa ba talaga ng mga Yates ang lahat ng ito para sa kanya at kay Harvey? Naiintindihan niya
Sa hall ng main residence ng mga Yates. "Papa, Mama. Anong nangyayari? Bakit kayo nagmamadali?" Tanong ni Harvey. "Hindi ako sigurado, pero tinawagan ako ng mga Yates kaninang umaga at sinabi nila sa'kin na may malaki silang iaanunsyo." "Sa tingin ko baka naghahanda sila na ibalik sa'tin ang parte ng shares ng Silver Nimbus Company!" Nasabik si Lilian. "Tama! Lalo na't ang mga Yates ang family-in-law ninyo. Siguro nahanap na nila ang konsensya nila at hindi nila matiis na makita tayong nakatira sa kalsada!" Sobrang nasabik din si Simon. Hindi siya makatulog nang maayos nitong nagdaang ilang araw. Nag-aalala siya kung saan siya dedepende sa hinaharap para mabuhay, pero may pag-asa pa rin pala talaga! Palihim na bumulong si Mandy sa tainga ni Harvey, "Darling, dapat mong gamitin ang pagkakataong ito para pasalamatan sina Tito at ang iba pa ngayong araw. Sa tingin ko alam nila na nagtatayo tayo ng street stalls at naaawa sila. Kaya binigyan nila tayo ng pag-asa." Natural
Hindi makapaniwala si Lilian habang nakatingin kay Grandma Yates. Ang babaeng iyon ay ang ina mismo ni Lilian, pero paano niya nagagawang magsabi ng ganito? Nag-imbita pa siya ng mga mamamahayag para sa bagay na ito! Napakawalang-awa nito! Sobrang natakot si Simon na umabot sa puntong namutla ang kanyang mukha. Masyadong seryoso ang bagay na ito. Baka mawalan pa sila ng pag-asa na magmalimos ng pagkain pagkatapos nito! Samantala, hindi makapaniwala si Mandy sa kanyang narinig. Kinuha na nga ng kanyang lola at tito ang kanyang shares na nagkakahalagang tatlong daang milyong dolyar, pero hindi pa rin nila bibigyan ng paraan na mabuhay ang pamilya nila. Ang pinakaimportanteng bagay pa rito ay inanunsyo pa nila ito sa publiko ay pinaalam sa buong mundo. Katumbas nito ay sinabi nila sa lahat na hindi na sinusuportahan ng Yates family ang pamilya ni Mandy mula ngayon. "Lola, Tito, bakit?!" "Hindi ba tinulungan niyo pa kami kahapon?!" "Bakit niyo kami tinatrato nang ganito
Tumawa ang lahat pagkatapos tumayo si Harvey para magsalita. Sa mga mata ng mga Yates, walang katayuan sina Mandy at ang kanyang pamilya. Mas mababa pa si Harvey kaysa sa kanila! "Grandma Yates, Keith. Naniniwala ka ba na pagsisisihan niyo ang ginawa niyo ngayon?" "Ang top-rated na Yates family?" Sabi ni Harvey nang nakangisi. "Ikinakatakot ko na hindi niyo mapapanatili ang kadakilaan ng pagiging isang first-rated!" "Ang kapal ng mukha mo!" Malamig na sumagot si Keith. "Ang lakas ng loob mong sumpain ang top-rated na Yates family nang ganito! Pasaway ka!" "Gusto mong magsisi ang Yates family? Imposible!" "Ngayon na nasa kamay na namin ang lahat ng shares ni Mandy, nasa'min na ang lahat ng awtoridad at karangyaan sa mundo! Paano kaming magsisisi?!" "Hindi maiintindihan ng isang basurang live-in na kagaya mo kung gaano na kalakas ang Yates family ngayon!" Tumawa ang mga Yates. Sa kanilang mga mata, si Harvey ay isa lamang baliw. "Manahimik kayo!" Sa sandaling iyon, na
Naging madilim ang mukha ni Miles Keaton matapos marinig ang mga salita ni Harvey York."Ulitin mo 'yan isang beses pa!"Itinuro ni Harvey ang isang pisara."Hindi mo pa rin naiintindihan? Nakasulat lahat doon."Emergency hire para sa mga janitor; limang daang dolyar kada buwan."Hindi na masama ang sweldo, hindi ba?"Fwoosh!Mukhang pangit si Miles bago niya ihagis ang shot put kay Harvey.Si Harvey ay kumunot ang noo bago inihagis ang kanyang jacket pasulong, tinakpan ang shot put.Bam!Sumabog ang shot put sa Fortune Hall nang magkalat ang isang masamang likido sa buong lugar.Hindi lamang na-corrode nang tuluyan ang jacket ni Harvey, kundi natunaw din ang ilan sa mga ladrilyo.Si Castiel Foster at ang iba ay mabilis na nagbago ng ekspresyon.Magkakaroon ng malubhang kahihinatnan kung may mangyaring ganito sa harap ng madla."Ginagamit mo ang ganito habang pinapabayaan ang kaligtasan ng iba?""Wala bang mga patakaran ang Council of Myths?"Tumingin ng malamig si Harvey.
“At kapag tumanggi ako?" "Tumanggi?”Ngumiti si Miles Keaton habang nakatingin ng maigi kay Harvey."Walang sinuman ang tumanggi sa akin sa buong buhay ko."Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kahit sakali..."Pero pwede mong subukan.""Pinagbabantaan mo pa rin ako kahit alam mong ako si Representative York?""Tama.Alam kong pinatay mo si Layton Surrey. Alam kong nakipaglaban ka sa isang buong bansa ng mag-isa sa Flutwell."Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka natatalo. Alam mo yan."Madaling makita ng mga tao sa mga sacred martial arts training grounds na ikaw ay isang God of War."Pero hindi ako natatakot na sabihin sa iyo ang isang bagay."Ang mga God of War ay kahanga-hanga sa amin, pero hanggang dun na lang iyon."Sa kabila ng lahat, mahaba pa ang landas na tatahakin mo bilang isang God of War."Kapag nasa rurok ka na, saka ka lang maituturing na walang kapantay.”Tumalim ang mga mata ni Harvey."Sinisabi mo ba na nandoon ka na ngayon?"Bumuntong-hininga s
"Okay pa rin ang mood ko ngayon.”"Pero, magagalit ako nang mabilis.""Huwag mo akong sisihin kung magpatong-patong ang mga bangkay dito pagkatapos nito!"Si Miles Keaton ay bahagyang ngumiti habang walang pakialam na kinuha ang isang butterfly knife at nagsimulang maglinis ng kanyang mga kuko.“Ako si Harvey York.Sa wakas ay humarap si Harvey habang tahimik na tumingin kay Miles."Bakit ka pa nagpunta dito para sa akin, kung maaari kong itanong?"Tiningnan ni Miles si Harvey nang may pag-usisa bago tumawa."Ikaw ba ang maalamat na Representative York?""Hindi naman talaga siya ang alamat.""Isa lang akong ordinaryong kinatawan."Si Miles ay nagmukhang masungit at kumaway ng kanyang kamay.Isa sa kanyang mga nasasakupan ang lumapit at ibinagsak ang tseke sa mesa.Tiningnan ni Harvey ang tseke nang walang gaanong pakialam.Isang daan at limampung libong dolyar ang nakasulat dito."Narito ang isang daan at limampung libo, Representative York. Isipin mo na lang itong regalo
Sa sandaling si Harvey York ay handang harapin ang mga customer nang sabay-sabay, isang malakas na ingay ang narinig.Ang mga customer ay itinaboy sa gilid bago dumaan ang isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng madilim na berdeng mga suit.Lahat sila ay may matitinding tingin, nakataas ang kanilang mga ulo, at malinaw na hindi sila mga karaniwang tao.Ang pinuno ng grupo ay isang lalaking may salamin na may gintong rim, maputing balat, at makikitid na mata, na nagbigay sa mga tao sa paligid niya ng masamang pakiramdam.Matatag siyang humarap sa lahat.Si Castiel Foster at ang iba pa ay humakbang pasulong."Sino kayo? Ano ang problema?”Ngumiti ang lalaki."Ito ba ang Fortune Hall?""Tama yan. Ano naman?" Sumagot si Castiel.Sinipa ng lalaki si Castiel sa lupa bago kumuha ng silya at umupo.“Ayos yan!"Malamang nandito ang isang lalaking nagngangalang Harvey York!""Ilabas mo siya dito ngayon na!""Mag-ingat ka sa sinasabi mo!"Si Kellan Ruiz ay itinatabi ang pera ng iba
Matapos makita ang tingin ng mga tao na lumipat mula sa paghanga patungo sa paghamak, nag-aapoy si Kora sa galit."Ano bang gusto mo, Harvey?!" sigaw niya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin."“Simple lang.“Mayroon kang dalawang pagpipilian."Una. Maging alipin kita ayon sa kontrata."Ikalawa. Magbayad ng isang daan at limampung milyong dolyar bilang kompensasyon para sa stone gambling site, pagkatapos ay sabihin mo sa akin kung sino ang nagpadala sa iyo dito."Kung magsasabi ka ng totoo, maaari kang umalis."Si Kora ay nakaramdam ng pangingilabot. Hindi niya inaasahan na bistado na ni Harvey ang lahat.Gayunpaman, agad siyang nanginig matapos niyang isipin ang taong nag-utos sa kanya na pumunta rito.“Ano ang ibig mong sabihin?"Nagpunta lang ako dito para maglaro!“Handa akong aminin ang pagkatalo ko!“Sasama ako sayo!"Gusto ko talagang makita kung ano ang gagawin mo sa akin!"Kapag dinungisan mo ang pagiging inosente ko, hindi ka titigilan ng school ko!”Ng
Ang maayos na plano ni Kora ay agad na nawasak dahil kay Harvey York.Sa sandaling lumitaw ang Emperor’s Gem, tuluyan nang natalo si Kora.Mukhang nakakatakot siya habang tinitingnan ang tanawin, parang hindi pa rin siya makapaniwala sa anumang nakita niya noon.Ang ilang magagandang disipulo ay pinagsampal pa ang kanilang mga sarili sa mukha, umaasang panaginip lamang ang lahat.“Nanalo tayo! Nanalo tayo!"Si Arlet Pagan ay nahimasmasan bago tumalon-talon habang niyayakap ang braso ni Harvey.Si Kade Bolton ay nakahinga ng maluwag.Ngumiti rin ang mga tauhan ng Archa Corporation.Hindi nila inasahan na ganito ang magiging takbo ng mga pangyayari."Lumabas na tayo dito. Tama, hindi ba't dapat sumama ka rin sa amin?“Kailangan namin ng isang tao na magbuhos ng tsaa namin sa selebrasyon, di ba?”Ngumiti si Harvey kay Kora."Nasa akin ang kontrata. Hindi mo naman ito tatalikuran, hindi ba?"Ang ekspresyon ni Kora ay naging madilim habang ang buong mukha niya ay nanginginig.
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Ngumiti si Harvey York."Dahil mabait ka, bibigyan din kita ng pagkakataon."“Lumuhod ka at humingi ng tawad para sa lahat ng mga mapagmataas na salita na sinabi mo."Mag-iwan ka ng isang daan at limampung milyong dolyar dito bilang kabayaran sa mga pagkalugi ng stone gambling site; saka ko lang pag-iisipan na huwag buksan ng panday ang batong ito."Mag-iiwan ako ng kaunting respeto para sayo at sa iyong guro.“Pero kung hindi mo gagawin ‘yun, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari.”Ang lahat ay nagulat bago sila humalakhak.Marami na silang nakitang mga mayayabang noon…Pero ito ang unang pagkakataon nilang makakita ng isang tao na ipinagmamalaki ang kanyang lakas sa bingit ng kamatayan!Ang katawan ni Kora ay nanginginig sa galit matapos makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey."Buksan mo ‘to! Buksan mo na ‘to!" sigaw niya habang tinuturo si Harvey.“Makikita natin kung magagawa mo akong pagsilbihan ka!"Pagsisisiha
Bumuntong-hininga si Harvey York."Hindi ka pa nga matanda, at gusto mo pang tawagin kita ng ganyan?""Walang hiya ka."Pulang-pula ang mukha ni Kora."Hayop ka!" sigaw niya.""Anong karapatan mong inisin ako ng ganito?!""Kapag natalo ka, huhugasan mo ang mga paa araw-araw!"Ang mga lalaking katabi ni Kora ay nagulat bago tumingin kay Harvey na may inggit at selos.Nanginig si Harvey bago siya umirap."Hindi ako interesado."Kapag natalo ka, uutusan kitang ikuha ako ng tsaa, maglampaso ng sahig, at lilinisin mo ang inidoro sa Fortune Hall araw-araw!“Ang lahat ng kailangan mo ay ibibigay sayo."Kasama na ang pagkain at matutuluyan. Huwag kang mag-alala."Bumilis ang paghinga ni Kora. Sa wakas ay nagawa niyang pakalmahin ang kanyang sarili bago magsalita.“Bumukas niyo na ang mga bato!"Gusto kong makita kung paano mo tutuparin ang mga salitang iyon gamit ang lahat ng kalokohang ito!"Ngumiti si Harvey bago tinawag ang panday na buksan ang mga bato, na hindi pinansin an
Si Harvey York ay tuluyang hindi pinansin si Kora habang nagpapakitang-gilas siya.Iginuhit niya ang kanyang kamay, senyales kay Kade Bolton na maghanda ng kontrata.Sa kanyang mga mata, ang mga tao mula sa mga sacred martial arts training grounds ay lahat mayabang.Kung walang kontrata, masama kapag binalewala ni Kora ang pustahan.Matapos gawin ang kontrata, nilagdaan ni Harvey ang kanyang pangalan bago ito ihinagis kay Kora.Nag-alinlanagn sandali si Kora bago pirmahan ang kanyang pangalan habang nagngingitngit ang kanyang ngipin.“Dalian niyo! Isara niyo ang buong lugar na ito!"Suminghal si Kora matapos makita si Harvey na kunin ang kontrata. Syempre, kampante siya sa kanyang energy detection technique.Talagang naniniwala siya na matatalo si Harvey.Tumingin si Harvey kay Kora."Hindi kita pagsasamantalahan."Pipiliin ko ang labindalawang bato dito mismo.“Ayos lang naman ‘yun, hindi ba”Kumabog ang puso ni Kora nang makita na kampante si Harvey.“Sige! Mayroon akon