Hindi na nagsalita si Harvey. Sa halip, pinikit niya ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang buong mansyon.Kasunod ng pangunguna ni Yona, dumating si Harvey at ang kanyang entourage sa front hall ng mansyon.Mayroong isang sedan H9 na may plaka ng Mordu 00001 sa harap na hall, na sapat na upang ipaliwanag ang pagkakakilanlan ni Benjamin.Matagal nang nahulaan ni Harvey, ngunit nalungkot pa rin siya kung gaano kaliit ang mundo pagkatapos makumpirma ang pagkakakilanlan ni Benjamin.Bahagyang nagulat si Yona ng makita ang sasakyan. “Bumalik na rin si Godfather.”"Nagpunta siya sa Wolsing noong una, ngunit parang bumalik siya sa lalong madaling panahon pagkatapos matanggap ang balita."Tumango si Harvey nang walang sinabi.Mahigpit na binabantayan ang lugar. Mayroong maraming mga bodyguard na may mga tunay na bala at ang ilan sa kanila ay bahagi ng King of Arms mula sa military.Sa pagkakakilanlan ni Benjamin at espesyal na katayuan sa Mordu pati na rin ang dakilang Country H, ito
Napangiti si Benjamin sa inasta ni Yona. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Timothy at sinabing, “Ikaw din. Nag-aalala si Yona sa kanyang ninang, at nagkataon na medyo lumakas ang pagsasalita. Bakit kailangan mong maging mahigpit sa kanya?"Kumibot ang mga talukap ni Timothy. Pagkatapos ay tumango siya at sinabing, "Alam ko, Brother-in-law.""Paano kung yayain ko si Yona sa hapunan ngayong gabi at makipag-ayos sa kanya?"Malamig na tutol ni Yona, "Hindi na kailangan.""Naghahapunan ako kasama si Young Master York ngayong gabi.""Young Master York?" Bumaba ang mga mata ni Timothy kay Harvey pagkatapos magsalita ni Yona. Isang kakaibang liwanag ang biglang sumilay sa kanyang mga mata.Ngunit, nakatingin na si Yona kay Benjamin. Bago pa makapagsalita si Timothy, sinabi ni Yona, “Godfather, nagkataon na nakilala ko si Young Master York ngayon, kaya dinala ko siya dito para tingnan ang sitwasyon natin.”"Hindi ba't tinulungan tayo ni Young Master York na malutas ang isang problema noon
“Napakawalang hiya! Gusto mo na atang mamatay! Sa tingin mo ba na ang isang probinsyano na kagaya mo ay pwedeng hawakan ang aking kapatid?!” Sumabog sa sobrang galit si Timothy at pinalo ang kamay ni Harvey bago pa man magawang suriin ni Harvey si Lady Lynch. Napasimangot si Benjamin. May gusto siya sanang sabihin, ngunit sa bandang huli, pinili na lang niyang manahimik. Ang pari, sa kabilang banda naman, ay umubo ng mahina at sinabi, “Mga kaibigan, marahil nasa ilalim ng isang sumpa si Lady Lynch. Kakatanggal ko lang ng masamang impluwensya sa kanyang katawan, ngunit bigla mo siyang hinawakan. Alam ko na may maganda kang intensyon at gusto mong tingnan kung may sugat ba siya, ngunit wala akong magagawa kapag may pumasok muli na masamang impluwensya sa kanyang katawan.” Ang lahat ay nanigas sa sinabi ng pari. Lumingon si Harvey at tinitigan ang pari na mula Mount Longhu. Mahinahon niyang tinanong, “Ikaw si Master Ziegler ng Mount Longhu, tama?” “Sigurado ka ba na nasumpa
Kinurot ni Master Ziegler ang kanyang daliri at binilang ang mga ito. Pagkatapos nito, napa-buntong hininga siya ng malakas. “Kaya naman pala. Master Lynch, hindi ko alam kung paano ginamit ang mansyon niyo o kung ano ang kasaysayan nito…” “Ngunit nararamdaman ko ang presensya ng isang mapaghiganting kaluluwa sa paligid. Marahil ay may namatay dito na puno ng sama ng loob.” “Isang babae si Lady Lynch. Mahina ang kanyang katawan, at siya ay puno ng feminine energy. Marahil ay aksidente niyang nahawakan ang kinalalagyan ng masamang impluwensya, o kaya malapit siya dito. At ang naging resulta, nasumpa siya at sinapian.” Nagsalita si Master Ziegler na puno ng kasiguraduhan, na para bang nagbibigay ng totoo at makatwirang panghuhusga. “Ganun ba?”Naliwanagan si Benjamin. “Kung ganun, Master Ziegler, may paraan ba para mawala na ng tuluyan ang masamang espiritu an ito?” “Syempre naman! Pakiusap at maghintay lang kayo sandali, Master Lynch.” Pumikit si Master Ziegler. Ang
Isang sapilitang pagsuko!Halata naman na sapilitang pinapasuko ni Master Ziegler si Harvey. Kahit na tinitingala ni Benjamin si Harvey, mas nag-aalala siya para sa kanyang asawa kaysa sa kahit na kanino. Ang tanging nagawa lang ni Benjamin sa mga sandaling iyon ay ang mapa-buntong hininga. “Sir York, nakikita niyo naman ang kondisyon ng aking asawa. Talagang nasumpa siya.” “Si Master Ziegler na ang bahala. Pakiusap, igalang niyo naman ako at huwag na kayong magsalita pa.”“Narinig mo yun?!” Kinamumuhian ni Timothy si Harvey. Mabilis niyang sinundan ang mga sakita ni Benjamin at sinadyang laitin si Harvey.“Tanging mga bihasang propesyonal lamang ang may kaalaman kung paano harapin ang mga bagay na may kinalaman sa metapisika at salamangka. Ang isang taga-labas na katulad mo ay dapat nang tumigil sa panghihimasok! Kapag umalis si MAster Ziegler ng dahil sayo, hindi mo kakayanin na harapin ang kahihinatnan ng lahat ng ito!” Mahinahon na sinagot ni Harvey, “Ngunit hindi na
Tumango si Harvey, pagkatapos ay lumingon at umalis ng walang sinasabi. Nang makita niya itong paalis, mabilis siyang sinundan ni Yona. Pinagmasdan siya ni Timothy ng may galit na ekspresyon. May nararamdaman siya para kay Yona na hindi niya masabi. Hindi niya hahayaan na may makalapit na ibang lalake kay Yona, lalo na si Harvey… …Sa labas ng Lynch Residence, tumawag ng taksi si Harvey at lilisanin na sana ang lugar. Mabilis na tumakbo si Yona at tahimik na humingi ng tawad. “Patawad, Sir York. Ang aking ninong ay nabubulagan lang ng kanyang mga alalahanin. Hindi din ako naniniwala kay Master Ziegler, pero…” “Isa pang bagay…”Umiling si Harvey para pigilan si Yona na humingi ng tawad. “May talento man si Master Ziegler, ngunit ang mga inkantasyon ay gawa ng tao. Hindi ko alam kung bakit may taong gagawa nito, ngunit kung sino man ang salarin, matagal na niya itong balak gawin. Ang duda ko a hindi lang ang ninang mo ang habol nila.” “Ang salarin ay malamang balak
Mahinahon na tiningnan ni Harvey si Timothy, at hindi man lang natakot. “Hindi kita nilalabanan para sa isang babae.”Pinakitaan ni Timothy si Harvey ng isang mayabang na ngiti dahil sa mga sinabi nito. Akala niya ay ang mga sinabi ni Harvey ay tanda ng pagsuko nito, at si Harvey nasa ilalim na ng kanyang kontrol. Ngunit bago pa man siya makasagot, nagpatuloy si Harvey. “Wala kang karapatan na labanan ako, at hindi ka din karapatdapat. “Hindi ako karapatdapat?!” Naningas si Timothy, dahil sa pagkabigla. Sa sumunod na segundo, humagalpak siya sa kakatawa. “Harvey York, sa tingin mo ba ay isa kang bigatin na tao?” “Sa tingin mo ba ay dahil sa naloko mo ang aking brother-in-law na magustuhan ka ay magkakaroon ka na ng awtoridad dito? Sa tingin mo ba ay pwede mo na akong maliitin dahil dito?” “Oo, gusto ka ng aking brother-in-law. Hinayaan ka pa nga niya na alagaan ni Yona. ngunit talaga bang iniisip mo na meron kang halaga sa kanyang mga mata pagkatapos ng insidente kanina?
Isang malakas na kalabog ang sumunod nilang narinig. Tumalsik si Timothy at bumagsak sa isa sa mga kotseng nakaparada sa malapit. Nabasag ang ilaw ng kotse nang bumangga ang katawan niya sa kotse. Tumulo ang dugo mula sa noo ni Timothy. Nalaglag sa lapag ang sigarilyo na hawak niya. Hissssss!Hindi pa natatapos doon si Harvey. Dinampot niya ang sigarilyo mula sa lapag, pagkatapos ay diniin ito sa dumudugong noo ni Timothy. “Aaaaaaaargh!”Sumigaw sa sakit si Timothy na parang isang kinakatay na baboy. Napakainit ng sigarilyo, siguro ay mga nasa two hundred degrees ang init nito. Kung hindi sumigaw si Timothy, hindi siya tao. Pumisag ang buong katawan ni Timothy sa sakit. Napatingala siya at sinubukang lumayo mula sa mapulang dulo ng sigarilyo. Ngunit sa sandaling tinaas niya ang ulo niya, sinaksak ni Harvey ang sigarilyo sa bibig niya. Mas lumakas ang mga sigaw ni Timothy. Hindi makakilos ang lahat sa gulat. Natulala ang lahat. Hindi inasahan ng lahat na may tapang