Kinuha ni Harvey ang phone niya at binuksan ang news app. Ang headline ay natural na kapareho ng pinapakita sa TV. Nabigla si Rachel; hindi niya inasahan na mag-iisip nang ganito kalayo si Joseph tungkol sa private martial arts tournament. "Hindi mo pa nakikita si Joseph, di ba?" "Bakit ang dami niyang ginagawa para labanan ka?" Uminom si Harvey ng kanyang Black Tea. "Isa siyang masamang lalaki." "Nasa listahan na niya ako sa sandaling ako ang naging head ng Law Enforcement ng Longmen…" "Sinusubukan ng thirteenth young master na gamitin ang pagkakataong ito para ipilit ang sarili niya sa trono." "At ang presensya ko ay isang hadlang sa layunin niya." "Ang pagsira ko sa hinaharap niya ay halos kasing sama ng pagpatay sa buong pamilya niya." "Natural lang para sa kanya na labanan ako." Kumunot ang noo ni Rachel. "Kung ganun, ang pinakamalalaking kalahok dapat ay sina Jeff at Harold Bauer!" "Nasa likuran ni Jeff ang Elder Group. Sa tatlomput-anim na branch lead
Vroom!Isang Maybach ang lumitaw sa harapan ng mansyon ng Law Enforcement ng Longmen alas-nuwebe ng gabi. Bantay-sarado ang mansyon. Isandaang bihasang disipulo ng Law Enforcement ang nagbabantay sa buong mansyon at maingat na tinitignan ang pagkatao ng lahat. Maliban sa pigilan ang mga kung sino na makapasok, gusto rin nilang siguraduhing walang makakapagdala ng baril sa loob para pigilan ang kahit na anong pagdanak ng dugo. Dumaan si Harvey sa front door kasama ni Rachel Nang pinakita niya ang Law Enforcement Badge ng Longmen, hinayaan silang dumaan ng mga disipulo. Pagkatapos dumaan sa ilang checkpoints at maglakad sa loob ng malaking mansyon ng ilang minuto, narinig ni Harvey ang mahinang sigawan, palakpakan, at pagsipol na umaalingawngaw mula sa malayo. Sapat na ang sigawan para masabik ang mga tao para sa tournament. Hindi nagtagal, nakita ni Harvey ang isang tansong pinto na may walong disipulo ng Law Enforcement ng Longmen na may mga hawak na sandata na nagbabant
Pagkatapos pag-isipan sandali ang sitwasyon, tumingin si Harvey sa VIP area sa harapan niya. Isang hilera ng tao ang nakaupo roon. May ilang matatandang taong nakaupo sa tabi. Lahat sila ay mukhang mapagmataas sa unang tingin. Sila siguro ang elders ng Law Enforcement ng Longmen. Kung tama ang hula ni Harvey, nasa kalahati na sa kanila ang nabili na ni Joseph. Kung hindi, hindi sila lumitaw sa tournament sa simula pa lang. Hindi niya nakita si Joseph. Sa halip, ang lumpo nang si Ezra ang pumalit sa posisyon niya sa pinakagitnang upuan. Sa likuran ni Ezra ay may ilang matatangkad at malalakas na taong nakatayo nang taas-noo. Tumingin sa kanila si Harvey. Si Lydia lang ang nakilala niya. Sinampal siya sa mukha at tuluyang pinahiya nang nagpakita siya sa base camp ng Hatchet Gang. Gayunpaman, nagawa niyang kumalma ulit sa gabing iyon. Kasama ng maganda niyang makeup at gown na pinapakita ang kanilang maputi at mapayat na binti, sobrang nakakaakit niyang tignan. Maramin
Pagkatapos marinig na tinawag ni Harvey ang sarili niya na head ng Law Enforcement, suminghal ang mga tao sa likod ni Lydia. Sa parehong grupo, isang babaeng may maikling buhok na nakasuot ng Chanel brand mula sa ulo hanggang paa at may Omega Constellation na relo ang tumitig nang masama kay Harvey. Hinigpitan niya ang kamao niya at aroganteng tumawa. "Wag na tayong magsayang ng oras sa lalaking kagaya niya, Lydia!" "Iniisip ng mga taong kagaya niya na nasa tuktok sila ng mundo sa sandaling mapuri sila!""Tignan mo, iniisip pa niyang sumali sa martial arts tournament!" "Iniisip niya kaya niyang maging head ng Law Enforcement at pasunurin ang lahat sa kanya!" "Sinusubukan niyang maging maging elite Flutwell!" Tinitigan niya ulit nang masama si Harvey nang may mukhang puno ng pagkamuhi. "Ang isang lalaking kagaya niya ay walang magagawang kahit na anong responsable!" "Kaya bakit ka pa nagsasayang ng oras sa kanya?" "Wala akong pakialam kung papasok siya sa ring o hin
Pak! Sa sandaling ito, inihampas ni Rachel, na kanina pa nananahimik, ang likod ng kamay niya sa mukha ni Lydia at sinampal siya nang malakas. "Sabihin mo ulit yan! Hinahamon kita." "Ikaw…"Takot si Lydia kay Rachel. Sinampal siya sa mukha, ngunit hindi rin siya nagtangkang manlaban. Ang nagawa niya lang ay takpan ang mukha niya habang umatras siya sa takot. "Bakit di ka pumasok sa ring at magtago rin sa likod ng babaeng ito, Harvey?!" sigaw niya. "Tignan natin kung paano makukuha ng isang mahinang lalaking kagaya mo ang respeto ng lahat!" Hindi na gustong magsayang ng oras ni Harvey kay Lydia kaya simple siyang naglakad paharap nang walang pakialam sa mundo. "Wag mo siyang pansinin, Lydia!" "Iniisip niya kaya niyang magyabang sa Flutwell dahil lang nasa likod siya ng isang malakas na babae!" "Ang laking biro!" "Malalaman niya ngayong gabi kung anong mangyayari kapag lumaban siya sa taong mas malakas sa kanya!" sabi ng kaninang babaeng maikli ang buhok nang may n
Kalmadong hinamon ng champion si Davian gamit ng daliri niya. Gulat na gulat ang lahat sa malamig at kampante niyang pag-uugali. Ang mga babaeng humahanga kay Davian ay nagsimulang tumingin sa champion nang may nahuhumaling na mga tingin. Ang mukhang hindi bihasang manlalabang si Davian ay nanginig habang hinigpitan niya ang hawak sa espada niya. Malinaw na malinaw ang kagustuhan niyang pumatay. "Sige, Davian!" Humakbang paharap ang champion. Bigla na lang, isang malakas na tunog ang narinig. Isang pabilog na bugso ng hangin ang nabuo sa ring at sumugod paharap. Isang magaling na manlalaban rin ang judge ngunit malapit na siyang himatayin sa sandaling tamaan siya ng hangin. Sina Lydia at ang iba pang nagmamataas kanina ay takot na takot sa nangyari. Sobrang namutla ang mga mukha nila. Hindi nila inaasahang ganito nakakatakot ang isang tunay na eksperto. Kahit si Ezra ay hindi napigilang maningkit ang mga mata niya. Hindi niya inasahang naitago ng champion ang tunay
Mukhang ito ang pangunahing kaganapang natapos sa gabing iyon. Huminga nang malalim si Ezra. Tinignan niya pa si Harvey nang may makahulugang tingin. Hanggang sa ngayon, maayos pa ang lahat. Kung magagawa ni Davian na patayin si Harvey at maging bagong head ng Law Enforcement ng Longmen, gagantimpalaan si Ezra ng sampung milyong dolyar. Magpapakasaya siya sa yaman sa ibang bansa at hindi makikisali sa gulo ng Flutwell. Naningkit ang mga mata ni Ezra; matiyaga siyang naghihintay sa sandaling mainis si Harvey at mawalan ng pasensya sa pang-iinis ni Lydia. Humakbang ang judge nang sinenyasan siya ni Ezra. Pagkatapos dinala ng medical staff ang champion paalis, nagsalita siya, "Meron pa bang iba?!" "Kung wala nang hahamon kay Davian…" "Siya na ang panalo sa tournament na'to!" "Kahit ang taong may hawak ng Law Enforcement Badge ay hindi kikilalanin kung hindi sila sasali sa laban!" "Tama!" "Ganun dapat yun!" "Ang panalo lang ng tournament ang dapat na maging head ng La
"Ano bang pake mo kung makuha ko ang posisyon bilang head ng Law Enforcement o hindi? Bakit galit na galit ka ngayon?" Isang babaeng malinis ang kasuotan ang biglang lumapit at minata si Harvey. "Ikaw si Harvey, tama?" "Balak mong bawiin ang posisyon mo bilang head ng Law Enforcement, ano?" "Kung ganoon, may pinapasabi sa akin si Vice Head Bauer para sa'yo!" "Sabi niya wala kang laban kay Davian!" "At dapat umalis ka na ngayon na!" "At kapag nakita ka ni Vice Head Bauer, papatayin ka agad niya!" "Naririnig mo 'yan?! Palalagpasin ka ni Vice Head Bauer aa kabila ng lahat ng ginawa mo sa kanya!" "Gusto mo pa rin bang magpakamatay?!"Ngumiti lamang si Harvey. "Sabihin mo kay Vice Head Bauer na nawawalan na ng bisa ang mga panghahamon niya sa akin." "Tingin mo ba mapapalaban ako ng isang taong tulad ni Davian?" "Wala siyang karapatan." "Dahil gustong-gusto niyo ako sa loob, tingin ko dapat matulog na ako." "Napapagod na ako sa kakapanood ng palabas na ito. Hindi
"Bibigyan kita ng tatlong araw para pag-isipan ang alok ko.""Kung hindi ka susunod, pasensya na...""Isa-isa kong papatayin ko ang bawat taong mahalaga sayo.""Sisiguraduhin kong nag-iisa ka na lang bago kita patayin!"Ipapaintindi ko sa'yo kung ano ang mangyayari kapag sinuway mo ako at nilapastangan mo ang aking kasintahan!"Pagkatapos, tumalikod si Miles Keaton at umalis.Ang mga tauhan niya ay malamig na tumitig kay Harvey York bago sumunod.Tahimik na pinanood ni Harvey ang tanawin nang hindi kumikilos.Kung sabagay, kailangan niyang panatilihing ligtas ang mga tao sa paligid niya dahil si Miles ay isang ganap na hindi makatarungang kaaway.Matapos umalis sina Miles at ang iba pa, inasikaso ni Harvey ang ilang mga customer sa lupa bago alisin ang nakalalasong gas sa loob nila.-Kasabay nito, si Miles ay nakaupo nang kumportable sa isang van nang siya'y tumingin sa labas.Isang babae na may itim na medyas ang lumapit sa kanya."Paano mo siya nagawang pabayaan, Young
”Hindi mo gagawing mahirap ang mga bagay para sa’kin?”Mukhang narinig ni Miles Keaton ang pinakamalaking biro sa buong uniberso.“Sa tingin mo ba may karapatan kang sabihin yan?"Akala mo ba natatakot ako sa'yo dahil lang nakalusot ka sa akin?"Hayaan mong sabihin ko sa'yo!“Ang Council of Myths ay umiral na sa loob ng daan-daang taon. Sa ngayon, ang Royal Flush ay pumatay na ng mga God of War ng napakaraming beses!“Lahat sila ay agad na matatakot sa sandaling marinig nila ang pangalan ng aming sandata!"Akala mo ba, ang isang mahinang God of War na tulad mo, ay kayang pagbantaaan ako?! Kalokohan!Tumawa si Miles sa galit. Ang kanyang magalang na anyo ay agad na nawala.“Bibigyan kita ng isang minuto pa! Sumama ka sa akin ngayon, o harapin ang mga kahihinatnan!"Pagkatapos noon, sumenyas si Miles.Isa sa kanyang mga tauhan ang kumumpas ng kanilang mga kamay bago ibinuhos ang bakal na buhangin sa pasukan.Ang mga sinaunang pintuang kahoy ay agad na nasira nang pumasok ang
Naging madilim ang mukha ni Miles Keaton matapos marinig ang mga salita ni Harvey York."Ulitin mo 'yan isang beses pa!"Itinuro ni Harvey ang isang pisara."Hindi mo pa rin naiintindihan? Nakasulat lahat doon."Emergency hire para sa mga janitor; limang daang dolyar kada buwan."Hindi na masama ang sweldo, hindi ba?"Fwoosh!Mukhang pangit si Miles bago niya ihagis ang shot put kay Harvey.Si Harvey ay kumunot ang noo bago inihagis ang kanyang jacket pasulong, tinakpan ang shot put.Bam!Sumabog ang shot put sa Fortune Hall nang magkalat ang isang masamang likido sa buong lugar.Hindi lamang na-corrode nang tuluyan ang jacket ni Harvey, kundi natunaw din ang ilan sa mga ladrilyo.Si Castiel Foster at ang iba ay mabilis na nagbago ng ekspresyon.Magkakaroon ng malubhang kahihinatnan kung may mangyaring ganito sa harap ng madla."Ginagamit mo ang ganito habang pinapabayaan ang kaligtasan ng iba?""Wala bang mga patakaran ang Council of Myths?"Tumingin ng malamig si Harvey.
“At kapag tumanggi ako?" "Tumanggi?”Ngumiti si Miles Keaton habang nakatingin ng maigi kay Harvey."Walang sinuman ang tumanggi sa akin sa buong buhay ko."Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kahit sakali..."Pero pwede mong subukan.""Pinagbabantaan mo pa rin ako kahit alam mong ako si Representative York?""Tama.Alam kong pinatay mo si Layton Surrey. Alam kong nakipaglaban ka sa isang buong bansa ng mag-isa sa Flutwell."Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka natatalo. Alam mo yan."Madaling makita ng mga tao sa mga sacred martial arts training grounds na ikaw ay isang God of War."Pero hindi ako natatakot na sabihin sa iyo ang isang bagay."Ang mga God of War ay kahanga-hanga sa amin, pero hanggang dun na lang iyon."Sa kabila ng lahat, mahaba pa ang landas na tatahakin mo bilang isang God of War."Kapag nasa rurok ka na, saka ka lang maituturing na walang kapantay.”Tumalim ang mga mata ni Harvey."Sinisabi mo ba na nandoon ka na ngayon?"Bumuntong-hininga s
"Okay pa rin ang mood ko ngayon.”"Pero, magagalit ako nang mabilis.""Huwag mo akong sisihin kung magpatong-patong ang mga bangkay dito pagkatapos nito!"Si Miles Keaton ay bahagyang ngumiti habang walang pakialam na kinuha ang isang butterfly knife at nagsimulang maglinis ng kanyang mga kuko.“Ako si Harvey York.Sa wakas ay humarap si Harvey habang tahimik na tumingin kay Miles."Bakit ka pa nagpunta dito para sa akin, kung maaari kong itanong?"Tiningnan ni Miles si Harvey nang may pag-usisa bago tumawa."Ikaw ba ang maalamat na Representative York?""Hindi naman talaga siya ang alamat.""Isa lang akong ordinaryong kinatawan."Si Miles ay nagmukhang masungit at kumaway ng kanyang kamay.Isa sa kanyang mga nasasakupan ang lumapit at ibinagsak ang tseke sa mesa.Tiningnan ni Harvey ang tseke nang walang gaanong pakialam.Isang daan at limampung libong dolyar ang nakasulat dito."Narito ang isang daan at limampung libo, Representative York. Isipin mo na lang itong regalo
Sa sandaling si Harvey York ay handang harapin ang mga customer nang sabay-sabay, isang malakas na ingay ang narinig.Ang mga customer ay itinaboy sa gilid bago dumaan ang isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng madilim na berdeng mga suit.Lahat sila ay may matitinding tingin, nakataas ang kanilang mga ulo, at malinaw na hindi sila mga karaniwang tao.Ang pinuno ng grupo ay isang lalaking may salamin na may gintong rim, maputing balat, at makikitid na mata, na nagbigay sa mga tao sa paligid niya ng masamang pakiramdam.Matatag siyang humarap sa lahat.Si Castiel Foster at ang iba pa ay humakbang pasulong."Sino kayo? Ano ang problema?”Ngumiti ang lalaki."Ito ba ang Fortune Hall?""Tama yan. Ano naman?" Sumagot si Castiel.Sinipa ng lalaki si Castiel sa lupa bago kumuha ng silya at umupo.“Ayos yan!"Malamang nandito ang isang lalaking nagngangalang Harvey York!""Ilabas mo siya dito ngayon na!""Mag-ingat ka sa sinasabi mo!"Si Kellan Ruiz ay itinatabi ang pera ng iba
Matapos makita ang tingin ng mga tao na lumipat mula sa paghanga patungo sa paghamak, nag-aapoy si Kora sa galit."Ano bang gusto mo, Harvey?!" sigaw niya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin."“Simple lang.“Mayroon kang dalawang pagpipilian."Una. Maging alipin kita ayon sa kontrata."Ikalawa. Magbayad ng isang daan at limampung milyong dolyar bilang kompensasyon para sa stone gambling site, pagkatapos ay sabihin mo sa akin kung sino ang nagpadala sa iyo dito."Kung magsasabi ka ng totoo, maaari kang umalis."Si Kora ay nakaramdam ng pangingilabot. Hindi niya inaasahan na bistado na ni Harvey ang lahat.Gayunpaman, agad siyang nanginig matapos niyang isipin ang taong nag-utos sa kanya na pumunta rito.“Ano ang ibig mong sabihin?"Nagpunta lang ako dito para maglaro!“Handa akong aminin ang pagkatalo ko!“Sasama ako sayo!"Gusto ko talagang makita kung ano ang gagawin mo sa akin!"Kapag dinungisan mo ang pagiging inosente ko, hindi ka titigilan ng school ko!”Ng
Ang maayos na plano ni Kora ay agad na nawasak dahil kay Harvey York.Sa sandaling lumitaw ang Emperor’s Gem, tuluyan nang natalo si Kora.Mukhang nakakatakot siya habang tinitingnan ang tanawin, parang hindi pa rin siya makapaniwala sa anumang nakita niya noon.Ang ilang magagandang disipulo ay pinagsampal pa ang kanilang mga sarili sa mukha, umaasang panaginip lamang ang lahat.“Nanalo tayo! Nanalo tayo!"Si Arlet Pagan ay nahimasmasan bago tumalon-talon habang niyayakap ang braso ni Harvey.Si Kade Bolton ay nakahinga ng maluwag.Ngumiti rin ang mga tauhan ng Archa Corporation.Hindi nila inasahan na ganito ang magiging takbo ng mga pangyayari."Lumabas na tayo dito. Tama, hindi ba't dapat sumama ka rin sa amin?“Kailangan namin ng isang tao na magbuhos ng tsaa namin sa selebrasyon, di ba?”Ngumiti si Harvey kay Kora."Nasa akin ang kontrata. Hindi mo naman ito tatalikuran, hindi ba?"Ang ekspresyon ni Kora ay naging madilim habang ang buong mukha niya ay nanginginig.
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Ngumiti si Harvey York."Dahil mabait ka, bibigyan din kita ng pagkakataon."“Lumuhod ka at humingi ng tawad para sa lahat ng mga mapagmataas na salita na sinabi mo."Mag-iwan ka ng isang daan at limampung milyong dolyar dito bilang kabayaran sa mga pagkalugi ng stone gambling site; saka ko lang pag-iisipan na huwag buksan ng panday ang batong ito."Mag-iiwan ako ng kaunting respeto para sayo at sa iyong guro.“Pero kung hindi mo gagawin ‘yun, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari.”Ang lahat ay nagulat bago sila humalakhak.Marami na silang nakitang mga mayayabang noon…Pero ito ang unang pagkakataon nilang makakita ng isang tao na ipinagmamalaki ang kanyang lakas sa bingit ng kamatayan!Ang katawan ni Kora ay nanginginig sa galit matapos makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey."Buksan mo ‘to! Buksan mo na ‘to!" sigaw niya habang tinuturo si Harvey.“Makikita natin kung magagawa mo akong pagsilbihan ka!"Pagsisisiha