May isa pang magandang babae sa tabi ni Mandy. Nakakagulat na si Cecilia iyon. Sobrang sexy ng kanyang body figure. Sa sandaling iyon, nakasuot siya ng napakaikling palda, at mukhang kaakit-akit.Magkatabing nakatayo ang dalawang magandang babae, at nagtataglay sila ng dalawang magkaibang aura. Talagang maraming tao ang lumingon at tumingin sa kanila nang dumaan sila.Nang makita si Harvey, sumimangot si Cecilia. Naging awkward din siya. Ngayon lang ulit sila nagkita ni Harvey matapos ang insidente sa eight hundred thousand dollars. Naisip niya ang insidente kung saan tumaya sila at maya-maya ay nag-blush siya.Ngunit hindi pinansin ni Harvey si Cecilia. Naglakad siya palapit kay Mandy na walang pakialam. Ngumiti siya saka sinabi, "Mahal, narito ako!"Nainis si Cecilia dahil dito. ‘Nagsuot ako ng nakaka-akit. Siguradong mabibighani ang sinumang makakakita sa akin dahil meron akong magandang hugis at hitsura. Pero bakit ang arrogante mo! Ni hindi mo man ako tiningnan direkta. Gusto
Pero kung malaman ni Cecilia na ang bata at gwapong CEO ay tinutulugan siyang hawakan ang bag niya ngayon, ano kayang iisipin niya?Seryosong tiningnan ni Mandy si Cecilia. Matapos ang ilang sandali, tumango siya at sinabi, “Oo, malaki ang tsansa mo. Ngunit may problema. Marami kang karibal ... ”“Eh?”“Bagaman hindi ko pa nakikita ang CEO, nakita ko na ang iba. Ang kanyang secretary, manager, maging ang babaeng receptionist ay sexy at kaakit-akit. Malapit sila sa kanya, kaya may mas malaki silang tsansa doon. Eh ikaw? Kung pupunta ka sa kumpanya at tumulong sa paglilinis doon, pwede ring mong linisan ag desk ng CEO araw-araw. Kung hindi, wala kang tsansa!” Sabi ni Mandy.“Magandang ideya! Tulad ng inaasahan ko, kilalang kilala mo talaga ako. Pupunta ako para mag-apply ng trabaho bukas…”Masayang nagtawanan ang dalawang babae. Ngayon, naging magandang imahe sila sa kalye, at maging si Harvey na nakatayo sa likuran nila ay hindi rin pinansin.Sa kanila pag-gagala, narating nila an
“So kung hindi namin bibilhin iyon, hindi namin pwedeng sukatin. Ganon ba? Ngumiti si Harvey. Ito nga talaga ang unang beses niyang makakita ng ganoong klase ng empleyado. Kung hindi nila susubukan ang produkto tulad ng damit at sapatos, paano nila bibilhin iyon?Si Mandy na nasa tabi nila ay medyo hindi komportable. Maliwanag na mababa ang tingin sa kanila ng empleyado. Totoo ring ang kumpanya niya ay medyo bumagsak kamakailan. Sa wakas, nakabangon ang kanyang kumpanya gamit ang eight hundred thousand dollars na nakuha ni Harvey. Tiyak na hindi niya kayang gumastos ng bandang sixteen thousand dollars para sa isang pares ng sapatos.“Harvey, tara na. Umalis na tayo at tumingin sa ibang lugar…” Awkward na sabi ni Mandy.Nang makita ang naging kilos ni Mandy, bahagyang tumango si Harvey. Kung sabagay, maraming magagandang brand sa shopping center na iyon. Dahil hindi maayos ang trato ng mga empleyado sa shop na iyon, pwede silang pumunta sa ibang shop. Basta may pera sila, hindi nila
Biglang nanginig ang mga binti ng mga empleyado. Lahat sila ay napa-iskuwat sa sahig, lalo na ang empleyadong umastastang medyo arrogante. Sa sandaling iyon, saglit din siyang nanginig at sinabi, “Sorry po, sir. Sorry po talaga…”Sa sandaling iyon, kahit ang may-ari ng shop ay mabilis na lumabas. Lumitaw pa siyang magalang kay Harvey, tumango at yumuko sa kanya. Isa siyang mahalaga at makapangyarihang panauhin. Bukod pa ito sa kung bibili siya ng mga gamit doon. Kahit wala siyang bibilhin doon, hindi naglakas-loob ang mga empleyado na magsalita ng anumang kalokohan.“Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Ibigay mo lahat ng komisyon sa magandang babaeng ito.“ Sinabi ni Harvey iyon at tinuro ang isa pang empleyadong medyo magalang sa kanya ngayon lang.“Opo! Sige!” Walang tigil sa pagtango ang empleyadong iyon. Ang empleyado namang nangutya kay Harvey, namutla ang kanyang mukha. One hundred thousand dollars ang halaga ng nabili, at ilang libong dolyar ang magiging komisyon niya sana.
Matapos nilang ibigay ang address ng advertising company ang shoe size ni Mandy, umalis na sina Harvey sa shop. Ang mga empleyado ay hindi naglakas-loob na itaas ang kanilang ulo, at ang ibang mga customer doon ay namagha.Hindi nila alam kung anong klaseng tao si Harvey. Paano niya napapanatili ang pagiging low profile? Pero siya ay medyo nakakatakot din.Nang nasa labas na sila, marahang sinabi ni Mandy, “Harvey, ano ba talaga ang nangyari? Bakit meron kang ganoong halaga ng pera? Isa pa, anong meron sa taong iyon? Bakit siya natakot nang makita ang credit card mo?”Tiningnan din ni Cecilia si Harvey. Tumingin siya mula ulo hanggang paa. Kung hindi niya malaman kung anong nangyari, baka hindi siya makatulog ngayong gabi.Nagkibit balikat si Harvey at sinabi, “Hindi sa akin ang credit card. Sa kaklase ko ito. Ginamit ko iyon, at magiging advance payment ng sahod ko. Hindi mo kailangang mag-alala, medyo mataas ang suweldo ko.”“Kung bakit natakot sila nang makita ang credit card,
“Mandy, hindi pa tayo nagkita pagkatapos nating grumaduate.” Tinitigan nang matindi ni Wyatt si Mandy. “Kung ibang tayo yan, wala akong magagawa. Pero dahil ikaw ito, magagawan ko ito ng paraan para sa iyo. Maghintay kayo ng sandali…”“Oo nga pala, ito si…”Nagtatakang tumingin si Wyatt kay Harvey. ‘Nakasuot ang lalaking ito ng mumurahing damit. Nakakaawa siyang tingnan! Bakit siya nandito kasama nila? Isa ba siyang servant sa bahay nila?'Mahinang tumawa si Cecilia, at sinabi nang may mahinang boses, "Mukhang matagal na nasa abroad si Mr. Johnson. Wala ka nang balita sa aming mga dati mong kaklase. Siya ang live-in husband ni Mandy. Tatlong taon na siyang kasal kay Mandy, pero hindi niya mahawakan si Mandy kahit ang kanyang daliri…""Ganon ba? Ikaw pala ang live-in son-in-law ng mga Zimmer. Ikaw ang tanyag na walang kwentang tao! Narinig ko na ang tungkol sa iyo." Tumawa si Wyatt. "Pero hindi welcome dito ang mga taong tulad mo. Lumayas ka. Hindi ka nararapat sa lugar na ito.”Tu
Natahimik si Wyatt. Alam niyang medyo namamaga pa rin ang kanyang mukha. Paano siya magkakaroon ng kakayahang gumawa ng exception sa restaurant?Ngunit siya ng diyosa mula sa kanyang buhay sa unibersidad—si Mandy na nakatayo sa harapan niya ngayon. Dahil akala ni Mandy na siya ang tumulong sa kanya, hindi na siya nagbigay ng paliwanag tungkol doon. Ituturing na lamang niya iyon na parang isang uri ng magagandang misunderstanding.“Dalawang diyosa, dito ang daan. Inayos namin ang pinakamalaking VIP private dito sa Northland para sa iyo. Ikaw na live-in son-in-law, pakiusap huwag kang pumasok. Baka hindi mo kayang gumastos dito.” Ngumiti si Wyatt at maginoong sinabi iyon.Tumingin si Harvey kay Wyatt at malamig na sinabi, “Mr. Johnson, sigurado ka bang ikaw ang nakagawa ng paraan para makuha ang private room na ito?”“Kung hindi ako, kaya ba ng isang talunang tulad mo?” Ngumiti si Wyatt at sinabi iyon.“Harvey!” Seryosong sinabi ni Mandy, “Mabait si Mr. Johnson para makakuha siya ng
Habang sinusubukan pa ring kumbinsihin siya ni Wyatt, ang taong tinatawag na Mr. Lewis ay naglakad papunta sa pintuan ng VIP room at sinubukang tinulak ito.Hindi nagtagal ay nakita niya si Mandy. Naging excited siya na hinampas niya ang kanyang buhok, nag-pose na may mahinahon at may kumpiyansa sa sarili, at tumingin sa kanyang tauhang nasa likuran niya.Alam agad ng tauhan niya ang gagawin, habang magalang siyang kumakatok siya sa pintuan ng VIP room at dumiretso kay Mandy.“Greetings, miss…” bati ng tauhan matapos lumunok.“Hmm? Anong gusto mo?” Sumagot si Mandy habang sinusubukang intindihin ang sitwasyon dahil siya ay naguguluhan kung bakit pumasok ang mga estrangherong ito.Napalunok ang tauhan nang makita ang magandang mukha ni Mandy habang ini-imagine na ang babaeng nasa harap niya ay sasamahan siya pagkatapos siyang paglaruan ng kanyang boss.Habang may malalaswa siyang iniisip, lalong naging malisyoso ang mga tingin sa kanyang mga mata, pero nagawa niyang maalala ang p