MasukTHIRD PERSON’S POVSa pagbukas ng pinto ng SUV, isang malaking itim na payong ang unang lumabas, bago tuluyang tumapak sa basang kalsada ang kumikinang na itim na leather shoes.Dahan-dahang lumabas si Hunter Saviano.Nakasuot siya ng kaniyang paboritong three-piece suit, ang kaniyang aura ay kasing lamig at kasing dilim ng nag-aamok na malakas na ulan.Ang mga mata niya ay dumiretso sa nanginginig at kaawa-awang bulto ni Rye.Nang makita ni Hunter kung gaano kaputla ang dalaga, kung paano ito nakayakap sa sariling tiyan habang basang-basa ang laylayan ng damit, isang pamilyar na halimaw ng galit ang nagising sa loob ng dibdib niya.Gustong patayin ni Hunter si Tristan. Gusto niyang balatan ito nang buhay ngayon din dahil sa pang-iiwan nito sa dalaga sa gitna ng ulan, sa kabila ng milyun-milyong ibinabayad niya rito para lang protektahan ito.Ngunit hindi niya iyon ipinakita.Humakbang si Hunter papalapit. Bawat hakbang niya ay puno ng awtoridad na tila ba ang mismong ulan ay umiiwas
RYE’S POV“Okay, Ms. Alvarez, let’s check on your baby.”Nakahiga ako sa malamig na examination bed ng clinic. Ipinahid ng OB-GYN ang malamig na gel sa umbok ng tiyan ko.“Wala ba ang daddy ngayon?” nakangiting tanong ng doktora habang inihahanda ang ultrasound wand.Parang may kumurot nang pino sa puso ko. Pilit akong ngumiti, kahit ang totoo ay gusto ko nang humagulgol. “A-Ah, may emergency po kasi sa site nila. E-Engineer po kasi siya. H-Hindi po siya nakaabot.”“Sayang naman. First ultrasound pa naman ninyo. Pero don't worry, ipi-print ko na lang para maipakita mo sa kaniya mamaya pag-uwi,” malambing na sagot ng doktora.Hindi siya nakaabot.Isang malaking kasinungalingan.Kaninang umaga, nangako si Tristan na susunduin niya ako sa apartment bago mag-alas tres ng hapon. Sabi niya pa nga, “I wouldn't miss our first ultrasound, babe. Excited na akong makita ang baby natin.”Pero alas kwatro na. Limang beses ko siyang tinawagan bago ako pumasok sa clinic. Out of coverage area.Nang i
RYE’S POV“Tara, kain na tayo? Nagugutom na yung baby natin oh.”Nakatingin lang ako sa kaniya habang inilalapit niya ang isang platito ng garlic bread sa tabi ng carbonara ko. Ang kaniyang ngiti ay napakatamis, napakaperpekto. Parang walang bahid ng kahit anong kasinungalingan.Pero sa loob-loob ko, parang may isang malaking bagyo na nagwawala.Tristan just got his first engineering job this year, nung mga unang buwan niya, 25-30 thousand lang ang monthly niya. Pero ngayon? Pero paano ko siya kakausapin tungkol sa bagay na’to?Natatakot ako na kapag question-nin ko siya ay biglang gumuho ang paniniwala kong tinatanggal niya ako sa kabila ng kasalanang nagawa ko. At higit sa lahat… yung pagsusugal?! Na-iitress ba siya sa akin? Ako ba ang dahilan? Itong pagiging maunawain niya? Totoo pa ba ito?Mahal pa ba niya ako? Bakit… bakit pakiramdam ko parang may iba. “Babe?” tawag ni Tristan, ang kaniyang noo ay bahagyang kumunot nang mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang tinidor ko. “Ayaw m
RYE'S POVPagsapit ng hapon, tila nabunutan ako ng tinik.Maghapon na nandito si Tristan sa apartment. Pinilit niya akong magpahinga habang siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Nagluto siya, naglinis, at panay ang pagtatanong kung may gusto ba akong kainin.Sa isang banda, gusto kong umiyak sa tuwa. Ito ang Tristan na nakilala ko noon—bago pa siya naging abala at mainitin ang ulo dahil sa lintik na construction project na humigop sa kaluluwa niya. Pero sa kabilang banda, hindi ko pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko.Masyadong biglaan. Masyadong mabilis ang pagbabago.Bandang alas-sais ng gabi, nagpaalam si Tristan na maliligo lang daw siya dahil pawis na pawis siya sa paglilinis.“Babe, ligo lang ako ha? Paki-handa na lang nung dinner natin sa mesa. I bought us your favorite carbonara,” nakangiting sabi niya bago tuluyang pumasok sa banyo at ni-lock ang pinto.“S-Sige,” sagot ko habang nagpupunas ng mga baso sa kusina.Narinig ko ang pagbukas ng shower. Tahimik ang buong apartment
THIRD PERSON’S POVSa kabilang dako ng kalsada, eksaktong nakatapat sa lumang apartment building nina Rye, isang itim at heavily-tinted na SUV ang tahimik na nakaparada.Sa loob, ang aircon ay nakatodo, ngunit ang atmospera ay tila nakakapaso sa tindi ng tensyon.Nakaupo si Hunter Saviano ng tahimik, ang kaniyang malaking bulto ay halos sakupin ang buong backseat. Nakasuot siya ng kaniyang tipikal na itim na suit, ngunit ang mga manggas nito ay bahagyang nakatupi, naglalantad sa kaniyang matitigas na ugat at pamilyar na mga pilat.Sa kaniyang kanang kamay, mahigpit niyang hawak ang isang maliit na earpiece kung saan rinig na rinig niya ang bawat salita, bawat galaw, at bawat paghinga sa loob ng apartment nina Rye.“I'll be the perfect boyfriend and the perfect father from now on. Pangako 'yan.”Narinig ni Hunter ang boses ni Tristan mula sa earpiece.Isang madilim, mapanganib, at malademonyong ngisi ang sumilay sa mga labi ng bilyonaryo. Ngunit sa likod ng ngising iyon ay isang naglal
RYE'S POVHindi ako nakatulog nang maayos. Ilang gabi na ang makalipas nang umuwi si Tristan dala ang malaking per ana iyon.Napapaisip parin talaga ako, dahil bagong engineer lang si Tristan at hindi gano’n kalaki ang sahod niya noon kesa ngayon kaya ako nagooverthink? Baka mas lumaki lang talaga ang salary niya?Ngunit sa kabila no’n, alam ko ang nakita ko. Alam kongi sang beses ko na siyang nahuling nagsusugal at may mga babae pa.Masakit. Pero hindi ko alam kung paano ako magrereklamo at magtatanong tungkol sa bagay na iyon sa kabila ng pagtanggap niya sa akin kahit nabuntis ako ng iba.Buong gabi akong nakabaluktot sa maliit na espasyo ng kama naming habang malalim na nag-iisip, mahigpit na nakayakap sa sarili kong tiyan.Kinaumagahan.Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ng apartment.Kinapa ko ang kabilang gilid ng kama. Malamig. Wala si Tristan. Wala na naman siya.Bumangon ako nang dahan-dahan, inaalalayan







