Share

Kabanata 65

Pero bago pa man siya matapos sa sinasabi niya, halos hindi na maibuka ni Xiao Zigi ang bibig niya sa sobrang takot nang makita niyang nanlilisik ang mga mata ni Yi Jinli.

"Kapag wala kang permisong magtanong, wag kang magtatanong. Mr. Xiao, naiintindihan mo ba?" Sabi ni Gao Congming, na nakatayo sa tabi niya.

Dahil dito, biglang namutla ang buong mukha ni Xiao Zigi at pakiramdam niya ay parang lalamunin na siya ng lupa sa sobrang kahihiyan.

Samantalang si Yi Jinli naman ay hindi na nagsalita, sa halip ay sumandal siya sa sofa at naglabas ng isang pipitsuging cellphone- isa lang ang number na nakaregister sa contact list niya.

Dinial niya ito, at hindi nagtagal ay may sumagot na boses ng babae.

"Ate, anong gusto mong kainin mamaya? Bibili ako," malambing na tanong ni Yi Jinli. Ang kaninang parang galit na galit na tigre ay biglang naging isang maamong tupa.

Kinagabihan, pinupunasan ni Ling Yiran ang picture frame ng nanay niya gamit ang isang tissue paper. Bumili siya noon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status