Hinigpitan ni Matthew ang mga kamao niya at nag-aalinlangang sumagot, "Maghintay muna tayo. Para tayong baliw kung susugod tayo ngayon. Tignan natin kung anong magiging sitwasyon mamaya." Kagaya nila, naguguluhan rin sina Joel at ang iba pa mula sa Skies Pavilion hindi nila alam ang nangyayari sa loob. Gayunpaman, wala silang magagawa kundi maghintay. Sa kabilang banda, tinitigan nina Fane at ng iba pa ang ancient tome habang binasa nila ito. "Naglaho ang mga pill remedy at impormasyon tungkol sa pills!" Pagkatapos buklatin ang ilang pahina ng ancient tome, bakas sa mukha ni Kevin ang gulat. Pagkatapos ay nagpatuloy siya, "Anong nakasulat dito?" Sama-sama itong tinignan ng lahat at nagulat silang lahat pagkatapos nila itong suriin. "Diyos ko… nakatala sa librong to na napakaraming Chi noon sa mundong ito maraming taon ang nakaraan at marami ang nakarating sa ultimate god-level. Meron pa ngang isa pang fighting prowess level na tinatawag na soul-penetrating level. Parehong nah
"Sa Misty Forest?" Maraming tao ang nagulat nang marinig nila ito. Ang Misty Forest ay isang napaka-espesyal na lugar, at kahit na hindi ito napakadelikado, maraming tao ang hindi nakalabas mula rito pagkatapos pumasok sa gubat. Habang palalim nang palalim ang tinatahak nila sa gubat, mas lalo silang mahihirapang makalabas. Ang mas mahalaga roon, imposibleng lumipad doon pagkatapos makarating sa mamalim na parte ng Misty Forest. Ibang-iba ang pwersa ng gravity sa lugar na iyon kumpara sa labas. Habang nagdilim ang ekspresyon niya, lumingon kay Fane at nagtapat, "Sa Misty Forest nagpunta sina Lance at ang iba pa." Kumplikado pa rin ang nararamdaman niya para kay Lance. Lalo na't ginawa siyang kahihiyan ni Lily at pinarusahan niya rin si Lily. Sa hindi inaasahan, hindi man lang nagsisi si Lily at nakipagtulungan sa Lagorio family para labanan ang Woods family. Ito ang dahilan kung bakit wala na ang Lagorio family. Gayunpaman, walang alam si Lance tungkol sa nangyari noon at hin
"Oo, at mukhang isa sa mga master na yun ang palihim na nagpaiwan para magsanay ng martial art technique na iyon para sa anak niya, pagkatapos ay sinabihan niya pa ang anak niya na magdala ng maraming tao papunta roon. Kahit na ano pa yun, umaasa rin tayo na makapunta tayo roon ngayong nakuha natin ang balitang ito at ang pitong bola!" Tumango si Nash at hindi na maitago ang pananabik niya. "Kayong lahat, kunin niyo ang mga bola niyo para maingatan niyo ang mga to!" Kaagad na sabi ni Fane pagkatapos niyang maisip ang kahalagahan ng mga bola, pagkatapos ay kinuha ng mga taong nagmamay-ari ng mga bola ang kanila. Tumingin ulit si Fane sa mga nakasulat sa likod ng libro at nagsabing, "Walang masyadong nakasulat sa likod ng ancient tome. Nakaguhit dito ang isang mapa na may direksyon papuntang Misty Forest. Sa mga direksyong ito, hindi problema kung susundan natin to." "Haha! Magaling! Kailan pala tayo aalis? Ngayon na tayo pumunta! Lalo na't dala ko na ang lahat ng mga miyembro ng p
Dahil sinabi ito ni Harry, natural na walang komento sina Aureole at Griffen at pumayag sila. Hindi nagtagal, isa-isang lumabas ang mga master na nasa hall. Ang mga naghihintay sa labas ay matagal nang naghihintay at gusto nilang malaman lahat ang nangyari sa loob. Gusto din nilang malaman kung may nakarating na sa ultimate god-level o kung may nahanap na silang impormasyon tungkol dito. "Pavilion master, anong nangyari? Kumusta? Nakarating na ba kayo sa ultimate god-level?" "Pavilion master, nakatanggap ba kayo ng balita tungkol sa ultimate god-level? May magagamit ba tayong impormasyon? Nakita ko na nakangiti kayong lahat kaya malamang may maganda kayong balita, tama?" Kaagad na lumapit ang mga miyembro ng Pavilion of Gods and Kings at nagtanong nang may pananabik nang makita nila ang mga miyembro nila na lumabas. "Family master, kumusta?" Lumapit din ang mga miyembro ng Cabello family habang puno ng pananabik ang mga mata nila. Tinignan ni Alejandro ang mga tao at nags
Isa sa mga tao nila ang mapait na ngumiti at nagsabing, "Pavilion master," tumawa siya, "meron akong magandang balita! Magandang balita!" "Magandang balita?" Kaagad na kumunot ang noo ni Joel at mapilit na nagtanong, "Sabihin mo sa'kin!" "Haha! Wala silang nalaman na kahit na ano. Nakita ko ang ilan sa kanila na umalis nang malungkot," sabi ng lalaki, bakas ang tuwa sa boses niya. "Sa tingin ko ay walang kwenta ang pitong bolang iyon at posible na wala itong kinalaman sa ultimate god-level. Nagsasayang lang ng oras ang lahat sa wala!" "Ibig sabihin nito, wala pang nakakarating sa ultimate god-level, tama? Kung ganun, magandang balita nga to!" Bahagyang kumalma si Joel. Gayunpaman, bahagya siyang nadismaya nang maisip niya kung paanong para bang walang tyansa na makarating siya sa ultimate god-level. Ibig sabihin rin ba nito ay wala na silang pagkakataon? Hindi ba totoo ang ultimate god-level? Mapait na ngumiti ang isa sa mga elder at nagsabing, "Tara na, Pavilion master. Ti
Samantala, napansin rin ni Elder Moseley mula sa Halls of Divine Royal ang problema. Hindi nagtagal ay palihim nilang sinundan ang isa pang maliit na third-class aristocratic family pagkatapos nilang mag-usap-usap. Pagkatapos lumipad nang kalahating araw, ang mga miyembro ng naunang third-class aristocratic family ay pinigilan nina Joel at ng mga kasama niya. "Master Joel, nag… nagkataon nga naman! Hindi ko inaasahan na makakasalubong kita sa ganitong lugar." Napaatras ang mga tao mula sa third-class aristocratic family nang mapansin nila ang napakaraming miyembro ng Skies Pavilion sa harapan nila. Sobra silang kinabahan; nagpunta sila rito nang may masamang binabalak. Kung hindi, bakit nila sila makakasalubong sa ganito kaliblib na lugar? "Haha… Nagkataon nga naman talaga!" sabi ng tumatawang si Joel habang tinitigan niya sila. "Master West, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa ay didiretsahin na kita. Kakaalis niyo pa lang mula sa Woods family at sinundan namin kayo sa buong pagl
Habang nabibigla sa inaasal ni Joel, iginiit ni Master White ang sinasabi nila nang maisip nila kung gaano kabuti sa kanila si Fane. Ngunit hindi madaling mauto si Joel. Binali niya ang leeg ng elder sa pamamagitan ng paghawak dito nang mahigpit.Krak! “Fifth Elder!” marami ang nagalit nang makita nila ang nangyari at itinikom nang mahigpit ang kanilang kamay, ngunit alam nilang kaunti lamang ang tao nila kumpara kay Joel at sa tao nito. Wala man lang silang master na nasa peak stage ng true god-level. Ang pinakamalakas lamang sa kanila ay ang family master na nasa final stage ng true god-level. Paano nila malalabanan ang mga taong mula sa Skies Pavilion?“Hmph! Ayaw mong sabihin sa akin?” binalewala ni Joel ang mga nanlilisik na titig sa kanya habang inaangat niya ang isang matandang babae sa leeg. “Sabihin mo sa akin ang nalaman niyo sa loob. Kapag hindi kayo nagsalita, siya ang susunod na mamamatay!” “Lola!” isang dalaga ang nababahala ang namumula ang kanyang mga mata.“
“Sa Misty Forest makalipas ang isang linggo?” natuwa si Joel sa balitang natanggap niya—nasabik pa siya dito. Mukhang nabigyan siya ng pag-asang makarating sa ultimate god-level dahil sa pagbisita sa Misty Forest, at mukhang isa itong malaking oportunidad para sa kanila.Tumingin si Master West kay Joel at nagmakaawa, “Master Joel, sinabi ko na sa’yo ang lahat ng nalalaman ko. Pwede mo na bang pakawalan ang anak ko at pakawalan kami?” Pinag-isipan ito ni Joel at pinakawalan ang binata bago niya sabihin, “Pwede niyo nang kalimutan ang nangyari ngayon. Hindi malalaman nila Fane na kayo ang nagsabi sa amin tungkol dito. Hindi kayo mawawalan kung ganoon!” Huminto si Joel bago siya magpatuloy, “Syempre, walang mawawala sa akin kapag nagsabi kayo. Salungat nito, iisipin ng Woods family at ng ibang ancient clan na isa kang traydor, na binuking mo sila. Walang magpapatawad sa’yo at sa buong West family!” Pinag-isipan ito ni Lily na nasa tabi nila, at sinabi kay Joel, “Honey, tingin ko d