Share

Kabanata 2011

"Ang kapal ng mukha mong ipahiya ako ulit kahit na puro kabutihan ang pinapakita ko sa'yo?!" sigaw ni Wesley.

Tinitigan nang seryoso ni Fane ang lalaking matulis ang mata at si Wesley. "Kayo ang laging nagpapahiya sa akin! At klaruhin ko lang, hindi sa gusto kitang ipahiya pero nilagay mo ang sarili mo sa posisyon kung saan mapapahiya kita! Hindi sana ganito ang nangyayari kung hindi mo ako pinilit na ibigay sa'yo ang kwartong napanalunan ko noong araw na iyon!"

Tuloy-tuloy si Fane. Totoo ang sinasabi niya pero tulad ng kasabihan, masakit ang katotohanan. Nagsalita na naman ang mga tao sa paligid nila.

"Nababaliw na ba si Fane? O tingin niya wala nang mawawala sa kanya dahil maraming beses na niyang ginalit si Wesley?"

"Oo tingin ko ganyan nga. Mabuti pang ipahiya niya pa lalo si Wesley dahil alam niyang matatalo siya sa laban."

Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang suminghal at umiling. "Oo, talagang baliw na siya. Lalo lang maiinis si Wesley sa sinasabi niya. Walang dudang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status