Maaga siyang nakapasok ng mga sumunod na araw winaksi ang mga bagay na pinakita ng boss niya.
"Era, pakigawa mo ng status report ang dukomento na ito at ilagay mo sa table ni sir may bisita siya kanina hindi ko alam kung nakaalis na," wika ni Ms. Jimenez. "Sige po," kinuha ang folder at inayos na iyon. Bago mag-alas diyes tapos na niya ang ginagawa saka dinala sa opisina ng binata. Kumatok siya sa pinto pero walang sumagot. Siguro nakaalis na kasama ang bisita sinubukan niyang buksan nag pinto at hindi naman naka-lock. Malakas na itinulak ito at napaatras siya sa nakita. Nakayakap ang babae sa binata at humalik sa labi. Hindi niya alam kung aatras o ilalapag ang mga papel sa table. Napaangat ang ulo ng lalaki, pagkakita sa kanya tumayo ito at inayos ng natanggal na butones ng polo shirt. "What is that Miss Manalo?" wika nito na parang walang nangyari. "Hunter, pwede bang mamaya na yan?"kinuha ang folder na hawak ng lalaki. "And you...get out!" matalim ang tingin na humarap sa kanya. "A-ah pasensya na po sa istorbo kung wala na po kayo ipag-uutos aalis na ako yung folder po pinabigay ni Mrs. Jimenez para sa meeting ninyo Sir mamaya," saka tumalikod. Alam naman niyang wala itong ipag-uutos dahil busy sa ginagawa, narinig niya ang mahinang tawag nito pero kunwari hindi niya narinig. Maghapong inabala ang kanyang isip sa sari-saring report na pinagawa ni Mrs. Jimenez, pakiramdam niya naging secretary na siya ng matandang babae. Pakiramdam niya pagod na pagod siya Isang pitik ng daliri ang narinig niya at napaangat siya ng tingin. Si Lindsey nasa harap computer niya at dala ang gamit nito. "Ano! Walang uwian? Hindi ka tagapagmana at wala naman tayong gawa ngayon. Anong drama mo sa buhay at mukhang ang busy mo?" wika nito. Napatingin siya sa orasan pasadong alas syete na. "Sorry, hindi ko namalayan ang oras ilagay ko muna mga report na natapos ko sa table ni Mrs. Jimenez." wika niya at inayos mga papeles. "Bakit ikaw gumagawa niyan di ba siya ng secretary ni Sir Hunter?!" "Hayaan mo na at tapos na lahat,intayin mo ako sa ibaba ang daldal mo," nakangiting wika niya. "Sige bilisan mo," wika ng kaibigan nagmamadali at nakangiting binabasa ang text ng boyfriend. Napailing siya ngayon niya napag-isip na mas tahimik ang walang boyfriend hawak mo ang oras walang magagalit at hindi ka mag-alala na baka may ibang babaeng kasama. Parang wala ng matino na lalaki sa ngayon. Ibinaba ang apat na folder sa table ni Mrs. Jimenez para bukas maaga ma-check at maipasa na sa boss nilang masungit at strikto. Medyo napagod nga siya sa maghapon hinawakan ang batok at likod, naisip niya na matulog na lang pagdating sa boarding house hindi naman siya mahilig kumain sa gabi. Yun nga lang huwag lang traffic para makauwi siya ng maaga. Isang oras ang biyahe niya pero kapag traffic umaabot ng dalawang oras. Nang matapos ng masahe niya sa batok lumabas siya sa cubicle ni Mrs. Jimenez. "Done?" boses mula sa nakasandal na lalaki sa dingding. "Palaka!" napahawak siya sa dibdib at malakas na napasigaw medyo madilim na ang pasilyong iyon sa tapat ng opisina nito dahil nakauwi na din ang ibang katrabaho niya. Buong akala niya umalis ito ng maaga kasama ang girlfriend. Nakangiti ito sa reaksyon niya. "S-Sir kayo pala!" hindi pa rin niya maalis ang kaba sa dibdib niya kabang hindi sa pagkabigla kundi sa kung anong damdamin ang lumukob sa kanya ngayon lang niya nakita ang pagngiti nito. "Are you done?" tanong nito na hindi niya masukat kung may ipag-uutos pa ito. "Y-Yes po may ipag-uutos pa kayo Sir?" sagot niya. "Nope," tugon nito na ang tingin ay nasa mga labi niya. Kinabahan siya ng mga oras na iyon at nanatili ang tibok ng kanyang puso sa dibdib. Nilakasan niya nag loob na nagsalita. "Mag-out na rin po ako sir, mauna na po ako," wika niya. Hindi na tumingin at kung susundin niya ang kanyang nararamdaman baka bumigay siya sa mga tingin nito. Bago siya makalampas sa lalaki biglang hinila siya sa braso at niyakap siya mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya. "Eyes on me, babe." Anas nito. Kahit kinabahan at hindi makakilos ang katawan niya kusang nag-angat ang mukha niyang tumingin sa lalaki. Hindi pa siya lubusang nakatingin biglang lumapat ang labi nito sa labi niya. Sobrang kaba niya ng sandaling iyon ngunit ng kabang naramdaman ay biglang nawala at napalitan ng init ng katawan habang lumalim ng halik na iyon parang nasasabik siya sa kung ano ang kasunod. Ang mga braso niyang nakababa bigla may kusang humawak sa leeg ng lalaki. Naramdaman niya ang mabilis na palipat nila ng pwesto naramdaman niya ang paglapat ng likod sa dingding at isang ungol mula sa lalaki ang kanyang. Napaangat ang mukha niya pero muling sinakop ng lalaki ang labi niya. "When I landed my lips to your lips last time...I can't stop thinking this," bulong ng lalaki mahina pero sapat na para marinig niya iyon. At lumipat ang halik sa leeg niya.Sukat noon biglang humagalpos ang isang ungol niya at mahigpit na humawak sa leeg ng lalaki. "Sir, naka-ready na ang sasakyan ninyo," boses mula sa pinto ng opisina ng lalaki. Naitulak niya ito at inaayos ang sarili. Tumingin siya sa paligid at nakita niya na nasa loob na siya ng kwarto nito. Ganun ba katindi ng halik ng lalaki at hindi niya namalayan na nakapasok na sila sa loob. Napatingin siya dito na nakakunot ang noo, naalala niya ang eksena kaninang umaga. Nasaktan siya ng maisip niya iyon at napailing. It's a trap! Bulong sa sarili. Kulang ba halik ng girlfriend nito kaya sa kanya ibinaling? Umiwas siya ng tingin dito at bago pa bumagsak ang mga luha lumabas na siya ng opisina nito. Buti na lang bago niya dinala mga folder nag shut down na siya ng computer kinuha lang niya ng bag at mabilis na bumaba ng building. Hinanap niya si Lindsey sabi ng guard nauna na ito kasama ng boyfriend. Nag-taxi na siya kahit mahal gusto na niyang makauwi. Pilit pa rin niyang kinalma sarili niya. Tingin niya mas sisikapin niyang makaiwas sa bagong boss niya tatlong araw pa lang silang nagkikita at nagkakilala marami na agad nangyari. Bago ba siya maabutan ng boss niya mabilis na siyang nakapasok sa taxi.Tulalang napatingin siya sa lalaki na titig na titig sa kaniya. "I know you're gonna freak out. But please, hear me out first." Huminga ito nang malalim. "For the very first time that I laid my eyes on your picture, nabighani mo na agad ako. I know it may sound weird, but it's true. Mula noon hindi ka na nawala sa isip ko. Pero nainis ako sa iyo dahil kahit may nangyari na sa atin, hindi mo man ako mapag-ukulan ng pansin. Ipinagpalagay ko na lang na dahil iyon sa kalasingan or sa kung anumang nainom mo nang gabing iyon." Tumigil ito sandali bago nagpatuloy, "But when it happened the second time, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang wala lang iyon sa iyo. Alam ko na kahit noong una may tama ka, I know you could at least remember my touch and kisses. Your body remembered that. Dahil hindi mo naman ibibigay ang sarili mo sa akin nang gano-ganoon na lang. But you kept your distance. That's why I asked myself why. Mas lalo pa akong nagtaka nang bigla ka na lang mag-re
Nagising siya nakayakap pa rin ang binata sa kanya. She can't imagine, na ma-inlove agad siya sa boss niya ng ganoon kadaling panahon at ibinigay ng buong-buo ang sarili niya. Mapayapang natutulog ito saka maingat na inalis ang kamay sa beywang niya at pinalitan iyon ng unan. Inayos ang sarili at lumabas ng kwarto. Napadaan siya sa veranda nakita niyang maganda ang ayos nito ngayon, may mga flower decorated at table for two. Napangiti siya dahil sa mga maliit na sunflower sa paligid nito at nagmistulang maliit na garden.May bisita yata si Don Edwardo at sweet naman nito. Tumalikod siya at humakbang palayo doon pero nabanagga niya nag isang bulto ng katawan."I'm sorry~" Napanganga siya at napatingin sa gwapong mukha ng kaharap at halos tumingala siya sa taas nito."Hunter,Akala ko ba natutulog ka sa loob?" Medyo nahiya siya dito dahil first time niyang makita ang mukha ng binata pagkatapos may mangyari sa kanila."Ba
Nakatanaw siya sa bintana mula sa taas at hinihintay ang pagdating ng binata pero wala pa rin ito. Nangawit n aang leeg niya sa kakatingin sa gate pero wala pa rin ito.Tatlong araw simula noong mamasyal sila pagkatapos noon hindi na ito nagparamdam. Ayaw niyang tanunungin kay Nanay Nida baka mahalta siya nito.Pero tuwing umaga may dala ang matanda na mga prutas at isang kumpol ng bulaklak bago ito maglinis ng kwarto niya at inaabot iyon sa kanya kasama ng mga vitamins.Kakatapos lang niyang kumain, lumabas sa may veranda dala ang isang kumpol na maliit na sunflower habang nakatanaw sa tarangkahan."Kainis ka! Hindi man lnag nagpaalam kung saan pupunta!" malakas niyang bulong sa hangin.Namimiss din pala niya ito pati ang amoy nito at kakulitan nito.Kusang tumulo nag luha niya. Bakit napansin niya lately ang bilis niyang makaramdam ng ganito. Hindi naman siya iyakin katulad ngayon.Napatingala siya sa langit saka pinah
Kinabukasan kumain sila kasabay si Don Edwardo, sobrang aliwalas ng mukha nito."Kumusta na pakiramdam mo,hija?" simula nito."Ayos naman po," isang ngiti binigay dito pero nahihiya pa rin siya."Enjoy here, mamaya maraming tao sa labas at magsimula na ang pag-ani. Isama mo siya, hijo." baling sa anak.Hindi na siya tumingin. "Si Nanay Nida na lang po—""Ako na lang, after this dad," seryoso ito.Ano kayang nasa isip ng dati niyang boss. Baka napipilitan lang ito dahil sa utos ng ama, magpahinga na lang siya sa taas.Hindi na siya nagsalita at kumibo.Nauna nagpaalam ang matanda para pumunta sa labas at tingnan ang mga tao sa pag-ani."Come on, let's go outside." inalalayan siya nito."Mauna ka na, magpahinga muna ako sa taas." wika niya.Tumingin sa kanya ito."Masama ba pakiramdam mo?" Umiling siya at deritsong umakyat sa taas. Hindi na niya ito pinansin
AVELLA FARMIsang masaganang paligid ang nakikita niya. Luntiang mga puno at huni lang na ibon ang maririnig sa kigar na iyon. May mga ibat-ibat hayop dito na nadadaanan sila at sa gitna may isang malaking bahay na sa palagay niya ito ang tinutumbok nila.Malayo pa lang natanaw na niya ang isang matandang lalaki sa tingin niya mga nasa sixties na ito. Matikas pa rin kahit may edad na, malawak nag pagkakangiti nito sa kanila."Hey, son. Nice to be back here. How our company in Manila?" masiglang yumakap ang matanda. "And she is. . .?" mas malawak ang ngiti nito sa kanya."Hi Dad! Ayos naman ang first month ko sa business natin at all employees are good. By the way, this is Emerald but they call Era." kinabig siya palapit ng binata at hinapit ang beywang niya. "Sweetheart, Don Edwardo, my dad." Siniko niya ito bahagya bago ngumiti at nag-bless sa matanda."Nice to meet you,hija. Masaya ako at~" "Dad, let's go inside. Wha
"Sir Hunter! Ikaw nag nagdala sa akin dito?" inis na wika niya dito ng makalapit sa kanya ang lalaki.Umurong siya nang dahandahan pero na-out of balance siya saka tumama ang hita sa gilid ng upuan, hindi niya iyon napansin pero imbis na sa semento siya bumagsak ay sa mga bisig ng binata siya napahawak at maingat na isinandal sa dibdib nito. Napapikit siya ng masamyo ang pabango, nagustuhan niya ang amoy na iyon. Simula ng malaman niya na nagdalangtao siya ito na yata ang amoy na hindi niya kayang mawala pa.Pinaglihihan ba niya ito? Muli niyang sa sarili habang nakapikit ang mga mata."Are you okay?" Mahinang bulong nito. Biglang uminit ang ulo niya at ititulak ito."Sir Hunter, this is kidnapping! Pauwin mo na ako. Ano kasalanan ko para ikulong mo dito?" mataas na boses niya nilakasan lang ang loob niya para hindi mahalataang nararamdaman niya."Don't call me sir. I'm not your boss anymore. Remember, you are resigned ." wal