LOGINLeon Aragon, kilala bilang isang cold tycoon, anak ng leader ng isang sindikato at nakatakdang humalili sa posisyon ng kanyang ama. Cacai Alcantara, isang probinsiyanang lumuwas ng Maynila para makasama si Benito, ang kanyang amang kailan lang niya nakilala. Si Benito ay isang negosyanteng malaki ang pagkaka-utang sa organisasyong kinabibilangan ni Leon. Victoria, half-sister ni Cacai at ang babaeng nais pakasalan ni Leon kapalit ng mga utang ni Benito. Ngunit nang malaman ni Victoria na ipapakasal siya sa lalaking hindi niya kilala, tumakas siya bago pa man makaharap si Leon. Sa mismong araw na kukunin na sana si Victoria para sa kasunduan, si Cacai ang nadampot ng mga tauhan ni Leon. Pagdating nila sa mansyon ng lalaki, saka lang nila nalaman na maling babae pala ang kanilang nadala. Habang hindi pa nagpapakita si Victoria, walang nagawa si Cacai kundi ang mananatili sa poder ni Leon bilang bihag nito. Sa paglipas ng mga araw, magkakaroon ang dalawa ng pagkakataong makilala ang isa't isa. Pero ano nga kaya ang pwedeng mangyari kung magsama sa iisang bubong ang dalawang taong magka-ibang magka-iba ang mundo? Isang bihag na naghananap ng kalayaan... ...at isang lalaking sanay sa kapangyarihan. Charot!
View MoreKARA NOBELA
********** ♡♡♡♡ **********Nakatayo si Kendra sa harap niya at halatang nagulat ng makita siya. “What are you doing here?” Wala mang dahilan para sagutin at ginawa pa rin ni Dina. Balang araw ito ang magiging amo nila. Mahirap na. Baka pag-initan pa siya at mapaalis sa hacienda ang pamilya niya. “May kailangan lang akong asikasuhin.” sagot niya. Mula ulo hanggang paa siyang tiningnan ni Kendra. “Oh. You work here, too?” Napakunot ang noo ni Dina. “ha?” “I didn't know you're working at a hotel now.” Napatingin si Dina sa suot niyang simpleng damit bago muling tumingin dito. Napagkamalan pa siya. Pero nang makita niya ang mapanguyam na ngiti nito, nawalan siya ng ganang magpaliwanag pa. Habang si Kendra naman ay matagal nang inis sa kaharap niya. Ito ang ina ng batang kinagigiliwan ng kanyang future mother-in-law. Alam niyang ginagamit lang ng babaeng ito ang anak para makuha ang loob ng mayamang pamilya. “Well, good for you,” dagdag ni Kendra. “At least you're earning your own money.” Hindi na sumago
“Jing, kumusta, anong nangyari sa blind date nyo?” Napabuntong hininga si Jing “Naku, mahabang usapan. Puntahan na lang kita dyan sa bahay nyo. Mas gusto kong ikwento sayo ng harapan.” “Ah… ano kasi… Kaya talaga ako tumawag… kasi–” “May problema ba?” “Wala, Kaso baka pwedeng tulungan mo akong gumawa ng paraan.. Ano.. tulungan mo naman akong magpaliwanag kina Itay na hindi ako makakauwi ngayong gabi.” Napalingonsi Dina sa gilid, kung saan nakaupo si Liam ay may kausap din sa telepono. “Kasama ko kasi ang asawa ko. Please Jing, tulungan mo naman ako sa kanila…” “So, may asawa ka na nga?” Muntik nang mabitawan ni Dina ang cellphone niya nang boses ni Kuya Ariel niya ang narinig matapos nitong agawin ang cellphone kay Jing na ngayon ay napapakamot ng lamang ng ulo habang takot na nakatingin sa kanyang panganay na kapatid. “Kuya?” pabulong na sabi ni Dina. “Sorry, magpapaliwanag ako pag-uwi ko. Huwag mo munang sabihin kina Inay, sasabihin ko rin sa kanila. Promise, pero please t
“Ikaw? Halos sabay sabay na bulalas ng apat. Hindi makapaniwala si Jing na ang boss Rafael ang ka-blind date niya sinet-up ni Senyora sa kanya. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa braso ng kuya Ariel niya.., na hindi nakawala sa paningin ni Boss Rafael. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa lalaking kasama ni Jing. Samantala, hindi rin inaasahan ni Janet na makikita niya ngayon si Ariel, ang lalaking nakilala niya 2 months ago isa isang cruise. Ang nagpaasa, pero sinaktan lang siya dahil sa isang babaeng katrabaho nito. At ngayon ay ibang babae na naman ang kasama. Nakaramdam siya ng kirot pero hindi niya ipinahalata. Kaya agad siyang kumapit sa braso ni Rafael. Habang si Ariel naman na titig na titig kay Janet.., ay napatingin sa kamay ng dalagang nakapulupot sa braso ng lalaking kasama. Bahagyang tumigas ang kanyang panga. “Babe, upo na tayo.’ wika ni Jing at pinilit na ngumiti. “Mahal, let’s sit down.” sabi naman ni Janet. Naupo silang apat. “So, ikaw pala ang
Nakahinga ng maluwag si Dina habang naglalakad. At wala siyang naramdaman ni katiting na pagsisisi na hindi siya tumuloy sa blind date na yun.Kahit anong pilit niya sa sarili ay hindi niya talaga kayang makipagmabutihan sa ibang lalaki. Gaya ng sinabi niya kina Jing, pakiramdam niya ang nagtataksil siya sa asawa at sa anak. Kaya niya yung ipaliwanag kay Senyora. Na kay Senyora na kung tatanggapin ba nito o hindi. Basta sinunod lang niya ang dikta ng puso niya.Huminto siya saglit sa paglalakad. Nakita niya ang repleksyon sa bintana ng kotseng dumaan. Napailing siya sa sarili. Suot pa naman niya ang bagong damit na matagal niyang pinag-ipunan, tapos ay tatakbuhan lang niya ang ka-date nila ni Jing.Nagpatuloy siya pero maingat ang kanyang paglalakad. Umulan ng malakas kagabi kaya basa ang kalsada. Ang dami pa namang lubak kaya may ilang bahaging baha. Medyo umaalingasaw pa ang amoy dahil humalo na ang baha sa imburnal.Napapailing na lang siya habang iniiwasan ang malaking lubak. N


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore