Share

CHAPTER 3

Black's POV

"Give me the list of our top agents." utos ng isang mid-age man sa kaniyang sekretarya. Agad naman itong sinunod at bahagyang may hinanap sa isang kumpol ng mga papeles. Maya-maya'y ito nang kaniyang ibinigay.

"Khyler

Sismuego.

Ghionna

Lipi.

Diego Kalipo.

Serge Dueno.

Xienna

Vigre.

Call them, I have something to discuss of. Dismissed." Huling utos nito bago tapusin ang naganap na pag uusap. Yumuko ito't napahawak sa sentido. Siya si Mr. Castillo, ang kasalukuyang namumuno sa Fuerte Agency. Ang agency na ito ay kakaiba sa lahat, lahat ng makakapasok dito ay dugo't pawis ang mapagdadaanan. Lipon ito ng mga mahuhusay sa larangan ng pag-seseguridad sa mga nangangailangan at sikat na mga tao.

Nangunguna ang Agency nila sa buong mundo, kilala't mahusay. Walang palya kung kumilos. Swak at Pulido. Nagkalat sa iba't ibang bansa't kontinente ang samahang ito.

*Knock on door.*

"Come in." wika nito't saka inayos ang upo't postura. Mula sa naglalakihang pinto ng kaniyang silid, pumasok duon ang limang kan'yang pinatawag. "Sit."

"Good day, Sir. Castillo." sabay- sabay na bati ng lima at pagkatapos ay umupo na.

"You have mission to do. Protect these boys." Diretsong sabi nito na tinanguan lamang nila. Isang envelope ang ibinigay nito. Magalang nila itong kinuha't isa-isang tinignan. "Kayo na ang bahala sa kanila, nand'yan kung sino at ano sila. Your mission will start tommorow at 11:00. You'll meet them in the Clients Hall." Ang misyong tinutukoy ay walang iba kung 'di ay panatilihing ligtas ang taong naka-atang sa kanila. Sa bawat galaw, may pag-iisip. Sa bawat wika, may ipinapakita. Sa bawat mali, may naka-abang na parusa. "Dismissed."

Ghionna's POV

Buti naman at may naka-atang na. Bruh, nakakasura tumambay sa isang silid na puro bakbakan at training lamang. Oo, isa ako sa Top 5, means mahuhusay sa lahat. Kaming lima ang lamang sa lahat ng miyembro ng Agency na'to.

Ako ang pinakamatagal na dito, mag pipitong taon na akong miyembro, at isa lang ang masasabi ko. Cool. Alam ko na ang takbo't pasikot-sikot ng trabaho kong ito't masasabi mo talagang bihasa na ang kakayahan ko.

Si Xienna ang nangunguna sa amin, siya ang nagsisilbing lider ng tops. Siya din ang pinakabata sa amin. Tinagurian nga siyang 'Youngest leader.' Kainggit. Hahaha. Pero tunay na mahusay at matalino 'yan, masasabi mong lamang talaga s'ya.

Si Serge naman ang nagsisilbing kuya sa amin, ang pinaka-mature sa lahat at kuya material talaga. As in. Ako nga wala akong kapatid, pero sa kaniya ramdam ko ang magkaroon ng isa.

Nahahati ang tops by 5. Unang lima ay ang siyang makakasama't makakasalamuha mo sa loob ng ahensya. At dahil kami ang tinaguriang Highest Top, magkakasama't magkakalapit ang loob namin.

Si Khyler naman ang-- ewan. Joke lang. Siya ang pinaka-wirdo sa amin. Tunay. Minsan nga noong nasa isang misyon kami magkasama't may naganap na putukan at resbakan, 'di mo malalaman kung ano ba ang takbo ng utak niya. He's wierd but a smart ass at the same time.

Si Diego, s'ya ang happy pill naming lahat. Lagi n'yang napapatawa ang lahat, lagi n'yang pinapasigla ang lahat. Legitest na sobrang gwapo 'din. Lahat kami ay may angking kagandahan at kagwapuhan. *wink* nucxx taruy. Pero minsan nakaka-asar ang pagiging palatawa niya, like seriously? Sa sobrang seryosong usapa't sitwasyon, ayon siya. Natawa at nagbibiro mag isa. Tawag dun? Baliw.

At s'yempre 'di papatalo ang pinaka-maganda sa lahat. Ako si Ghionna. Ako naman ang pinaka- madaldal sa lahat. Halata naman diba?

So back na sa katotohan mamaya na sa kwentuhan. Nasa silid kami, silid kung saan kami naninirahan habang may trabahong inaasikaso sa ahensya. Nagkanya-kanya kaming ayos ng gamit dahil tiyak na maninirahan kami sa mga mansyon ng babantayan namin, oh dibuh? Bigtime ang mga walanya.

About sa Limang aasikasuhin namin ay kami na ang namili kung sino ang seserbisyuhan namin. Ang wierd nga eh, lahat sila lalaki? So ayun, no choice ako. Napili kong bantayan si Mr. Wage Buenni, si Khyler naman ay napili si Mr. Frethz James, si Kuya Serge naman ay si Mr. Raze Gize, then Mr. Dellio Vetro goes to Diego and last but not the least. Ang pinaka- nakakapanghinala is Mr. Aux Savero ang napili ni Xiena. Kasi, like what the ef? Sigaw at nangunguna pa n'ya itong pinili. Pag katapos nun tumingin kami sa kan'ya and then she "what?" kaya ayun may pilyong pumasok sa utak ko, lahat ng nandirito sa envelope na aming babantayan ay aaminin mong sobrang gwapo. So eyen beke leng nemen type n'ye kese. Enebe. Hahah--- "Hoy gaga. Mukha ka na namang tanga." napalingon ako't nakita si Xiena sa may pintuan ng kwarto ko at napangisi nalang.

"Sus. Baka kung malaman mo kung bakit ako nagmumukhang tanga ey beke mekelbe me eke." taas baba ang kilay ko. At dahil dun may binato siya na kung ano't mabilis ko itong iniwasan. "Gaga. Siguraduhin mong 'di ko malalaman yan kung hindi gutay gutay na yang maduming utak mo." pagbabanta nito kaya't dali dali akong bumaba at nagtago sa likod ni Kuya Serge.

Nagtataka man si Kuya ay 'di na n'ya ito pinansin. Ngunit natawa ng bahagya, cute ko daw kase. *flips hair*

"Duwag." nakita ko namang papunta na dito si Xie kaya't lalo akong nagtago sa likod ni kuya. Nag pacute ako, "Kwoya, nyinanaway atho ni Xiexie. Uwaa."

"Mukha kang aso." pang aasar ni Khyler pero binelatan ko na lamang ito. "Kwoya, ninyanyaway twalaga atho. Huhuhu." naramdaman ko ang bahagyang paggulo sa buhok ko at nalamang si Diego iyon. "Kailan pa tayo nagkaroon ng aso?" wika niya kaya ayun. Tawanan lahat. Hmp.

"Kwoya nwaman eh, nakikiisa kwa pa. Hmp." dabog ko't pumunta na sa isang single sofa. Walang jowa eh, parang ako. Tss.

"Hahaha, come on, baby. Stop to that play na at kailangan na nating umalis, remember? Nasa Pilipinas pa ang pupuntahan natin at ilang byahe ba 'yun mula sa Italya?" ayy oo nga 'no? Malayo pa pala hehe, mamaya na ko maglalambing. Kase naman eh, mag kakalayo kaming lima. Bruh, that's suck.

-

Ilang oras pa nung makarating na kami sa Pilipinas. Dumiretso na agad kami sa tutuluyan at natulog na.

Xiena's POV

'Di ako makatulog at ewan ko kung ano bang dahilan. 'Di naman dahil sa migrasyon dahil sanay naman ako sa ganito. Naupo ako't nag-isip. Napatingin ako sa paligid. Napakadilim ng nakapalibot, nakakatawa dahil parang ipinapahiwatig lang ang buhay ko. Maraming pagsubok ang nadaanan ko't malaking responsibilidad ang naka-atang sa akin.

Wala pang isang taon ng ako'y maging miyembro ng ahensyang ito. Oo, mahusay ako. Lahat ay alam na 'yan, sino ba namang tao na sa loob lamang ng tatlong buwan nagawa kong maabot ang pinakatuktok ng Tops.

Maraming sikreto ang nakatago sa anino ko. Marami. Pero 'di ko alam kung patuloy parin bang maitatago 'yon o 'di kaya'y bigla nalang maisaliwalat na tila isang bomba sa bilis ng pag kalat. Mahirap ang tumayo sa aking mga sapatos.

Maya-maya'y 'di ko namalayang alas otso na pala ng umaga, ni wala man lang akong tulog at pahinga. Just great. Lumabas na ako ng kwarto at nasaksihan ang pagluluto ng umagahan ni Kuya Serge. Ang pagkukulitan ni Diego at Khyler. At ang panonood ng telebisyon ni Ghionna. Napa-iling na lamang ako. Who would tought na ganito ang miyembro ng Highest Top? Wierd.

"Kain na mga bunso, naka-hain na ang lahat!" at saka naman nagmamadaling pumunta ang mga ugok sa kusina syempre pati nadin ako. Kuya Serge has a good chef skills. Kapag nalasahan mo ang mga luto niya, like wow. Heaven--- Joke lang, masyado ng ewan.

So ayun, na-enjoy namin ang umagahan at isa isa nang sumakay sa sari-sariling big bike na dumating lang 'daw' kani-kanina lang.

*Motor sounds fast.*

Para kaming nasa karera kung mag maneho. Parang mga bagong takas sa selda. Hahaha. Bakit ba, eh sa ngayon lang talaga naka-awas muli sa ahensya. Destinasyon namin ang isa sa tagpuan ng Fuerte Agency dito sa Pilipinas.

Nakarating na kami't naghihintay na lamang sa mga lalaking aming subject. Nagkukulitan ang mga kasama ko habang ako'y nakapikit lang at ng biglang makarinig ng tinig "Wait, are they? What the hell?"

Dahil duon ay napalingon kami sa gawi ng mga iyon. Tunay ngang nag-gwagwapuhan sila, pero sa isa lamang napokus ang paningin ko. Aux Savero, my subject. I smirk then tumayo. Ramdam ko namang ganoon 'din sila. Nag-bilang ako hanggang tatlo't sabay-sabay kaming sumaludo. "Fuerte Agencies. We are the one who will guard you until the given time."

Lumapit na sila't naupo sa harapang upuan namin, mahaba ang lamesa't sakto sa sampung katao, which is us.

"Woah, woah. We have a pretty ladies here." Base sa obserbasyon ko ay si Raze Gize ito.

Binatukan ito ni Wage Buenni? "Not now, dude."

"So, alam naming kilala n'yo na kami. Mind if you introduce your selves to us?" and i guess that was Frethz James.

"Khyler Sismuego, Ako ang naka-duty sa pagbabantay sa iyo. Mr. James."

"Ghionna Lipi, ang magandang magbabantay sa iyo. Ginoong Buenni."

"Diego Kalipo, Mr. Vetro's guard."

"Serge Dueno, Mr. Gize's guard."

"Xienna Vigre, Mr. Savero's guard." Napangisi ako ng magtama ang mata namin, kita ko ang pagtataka nito pero wala itong inimik. Hanggang sa "You sure you are? I don't need a weakling." banggit nito't nainis ang buong sistema ko. Nawala ang ngisi sa labi ko. Am i? Jeez. "Be careful with the words, Mr. Savero. Kahit na babae ako, 'di mo dapat husgahan ang kakayahan ko. Baka matanga ka lang." at saka bumalik muli ang ngisi ko.

Mukhang ito na ang simula.

@Bwi_laber

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status