Kanina pa naiinis si Kraius. Tinawagan siya ng kaniyang ina para daw sa isang importanteng bagay. Akala ng binata ay kung ano ang hihilingin nito, ngunit nasira kaagad ang maganda niyang mood sa sinabi ng ina. Gayunpaman, naririnig pa ng kaniyang balintataw ang lambing ng boses nito.
Alam na alam ng kaniyang ina kung paano siya mapapaoo nito. Isang salita lang ang kailangan nitong bigkasin na hindi naman nito kinalimutan. Isang salita na pwedeng ipagpabago ng kaniyang desisyon. Ang salitang gwapo.
Napailing si Kraius habang inaalala niya ang hiling ng ina. Iniwan niya ang trabaho para lamang sundin ito. Para maging tagasundo ng isang matabang bata sa isang eksklusibong eskwelahan na pinapasukan nito.
He looked at his iphone. Kanina nang tawagan niya ang numero nito na ibinigay ng mommy niya ay mas lalo siyang nainis. Wala kasi siyang nakuhang matinong sagot dito. Panay oo lang ito sa lahat ng kaniyang sinasabi kaya pinatay niya ang tawag. Hinanap na lamang niya ito sa tracker dahil alam naman niyang nasa Saint Benilde College ito.
Ilang liko ang ginawa ni Kraius bago natagpuan ang lokasyon ng dalaga sa isang waiting shed sa loob ng eskwelahan. Malawak ang Saint Benilde kaya pwedeng pumasok ang mga kagaya niyang matatawag na VIP. Sa mismong eskwelahan din nagtapos ng Secondary Education ang binata kaya kilala siya ng lahat bilang Alumni.
He parked his car at the side of the pathway. Pinatay niya rin ang makina ng sasakyan bago lumabas. He wore his wayfarer before he closed the car’s door. His eyes roamed around the area, and he saw the chubby girl sitting in the shed. Hindi ito kalayuan sa kinaroroonan ng binata kaya kitang-kita niya itong nakatitig sa kaniya. Napataas ang kilay niya sabay ngisi. Lalo pa nang libutin niya ang paningin at nakitang pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng naroon.
Wearing his usual navy blue polo shirt, black jeans, and loafers, he walked straight to Rhezi. Seryoso ang gwapong mukha habang nakakunot ang makakapal na kilay nito. His playboy aura disappeared, and his authoritative stance was evident. Awrang pangingilagan ng lahat dahil nakaka-intimidate.
“You did not answer my call. You kept on mumbling words I don’t understand. Stand up, and we’re going,” may halong inis na wika ni Kraius nang tuluyan siyang makalapit kay Rhezi.
Nakita niyang napakurap ang dalagang kaharap. Napangisi siya at binistahan ito ng tingin. Ngayon lamang niya napagtanto na may hitsura ito kahit mataba. Manipis ang hugis puso nitong mga labi. Maitim at malalantik ang pilikmata nito na bumagay naman sa nagungusap nitong mga mata. Maganda rin ang tangos ng ilong nito habang pangahan ang mukha. Sa makatuwid, maganda ito. Iyon nga lang, mataba ito.
“Tsk! Alam kong gwapo ako. But, can you move faster? Mamaya ka na maglaway sa akin!” Naunang umalis ang binata sa waiting shed habang naiiling. Napangisi siya habang papalapit sa sasakyan. Sadyang sobrang gwapo niya na kahit ang mga teenager na kagaya ni Rhezi ay nahuhumaling sa kaniya. Habang naririnig din ng binata ang tilian ng mga estudyanteng malapit lamang dito na tila ba kinikilig.
Nang makarating sa sasakyan ay agad na pumasok si Kraius sa loob niyon. Hinintay nito ang dalaga na sumunod sa kaniya ngunit nakalipas na lamang ang ilang minuto ay ni anino nito ay hindi nagpakita. Kraius sighed and took his phone from the dashboard of the car. He dialed Rhezi’s number and waited for her to answer it. Nakailang ring muli ang aparato bago iyon sinagot.
Tila pinangapusan naman ng hininga si Rhezi habang papalapit si Kraius sa kaniya kanina. Ang eratikong pagtibok ng puso ay mas lalo pang naging eratiko. Pakiramdam ng dalaga ay lalabas ang kaniyang puso sa sobrang bilis niyon na halos ang tunog na lamang nito ang kaniyang naririnig. Parang isang panaginip sa kaniya ang lahat at ang tanging nagawa niya lang habang nagsasalita ito ay ang titigan ang gwapo nitong mukha.
Hindi makapaniwala ang dalaga na makikita niya ang lalaki. Isang linggo na rin mula noong inimbitahan ng mama niyang si Jansen ang mama nitong si Ferlyn na mag-dinner sa bahay nila sa Forbes. Biniro pa siya ng nanay nito na ipapakilala sa anak nitong lalaki na agad naman niyang tinanggihan. Nang makita niya ito sa kanilang bahay ay nagsisi siya sa ginawang pagtanggi. Hindi naman kasi niya akalaing napakagwapo pala ng anak nito.
Tulala pa rin si Rhezi na tila nangangarap ng gising nang tumunog ang cellphone nito. Halos mabingi ang dalaga sa lakas ng volume niyon na konektado sa kaniyang earphone na nasa kaniyang tainga. Nagising lahat ng himaymay sa katawan ng dalaga at bumalik ang isip sa reyalidad. Lalo pa nang makita kung sino ang tumatawag sa kabilang linya.
“What are you still doing? Halika na!” bungad kaagad nito sa kabilang linya.
Kahit mababanaag ang inis sa boses nito ay napangiti pa rin ang dalaga. Mabilis ang mga kilos na isinukbit niya ang shoulder bag sa balikat at kinuha ang mga gamit na nasa kaniyang tabi bago tumayo.
She walked as fast as she could. May mangilan-ngilang estudyante ang nakatanaw sa dalaga na nakataas ang mga kilay. Ipinagkibit-balikat niya na lamang ang mga ito at inikutan ng mata. Masyado siyang masaya para pansinin ang mga ito at awayin.
Nang makarating sa kotse ng binata ay agad na binuksan ni Rhezi ang pintuan nito. Sa back seat kaagad siya pumwesto at inayos ang sarili upang komportableng maupo. Nakahinga siya ng maluwag nang matapos kahit na nangangatog ang kaniyang tuhod. Hindi siya makapaniwala na ganito pala ang pakiramdam kapag kasama ang isang taong lihim niyang nagugustuhan.
She tried to calm herself. Pumwesto siya sa pinakagilid ng upuan para hindi makita sa rear view mirror. Kahit maldita siya ay nahihiya din siya kahit papaano. Nang maayos ang sarili ay hinintay niyang patakbuhin ni Kraius ang sasakyan, ngunit ilang sandali ang lumipas nang hindi man lamang sila umusad. Sinilip niya ito mula sa kaniyang kinauupuan at nakita kaagad ng dalaga ang nakakunot nitong noo sa rear view mirror habang nakatitig sa kaniya.
“I am not your driver. Why did you sit there? Sit beside me,” wika nito.
Rhezi pouted her lips although her heart was beating fast. Nakita iyon ni Kraius at agad nitong binaling sa ibang direksyon ang paningin. Mabilis namang umibis palabas ng sasakyan ang dalaga at lumipat ng pwesto sa tabi ng binata.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang tuluyan itong makatabi. Her legs wobbled that she pinched her thigh slowly. She could also smell Kraius perfume, and it was intoxicating. Napakagaan niyon sa kaniyang pang-amoy. Pakiramdam ng dalaga mas mabango pa ang binata kompara sa kaniya.
“Relax. I won’t bite,” wika ni Kraius.
Rhezi shifted her gaze and looked at him. She saw him look at her with a smug face that made her roll her eyes at him. She heard him chuckle, which made her look at him again.
“Anong nakakatawa?” mataray na tanong ng dalaga. Sa wakas ay nahanap na rin nito ang sariling boses.
“Nothing,” sagot ni Kraius habang napapailing. Alam na alam ng binata ang ikinikilos ng dalaga. Isa siyang abogado at nakabisado na nito ang pagbasa ng mga kilos. Alam niyang crush siya nito at hindi naman iyon malaking bagay para sa binata.
“Here we go.” Pinaandar ni Kraius ang sasakyan
Ilang sandali pa ay tinatahak na nila ang daan pauwi. Kraius tried so much not to curse the heavy traffic that they were in. But the clenched jaw and the tightened grip of the steering wheel showed how pissed he was.
Panay naman ang sulyap ni Rhezi kay Kraius. Inis na rin ang dalaga dahil sa trapiko. Kung hindi lamang niya kasama ang binata ay baka isa na rin siya sa sumisigaw sa kalsada. Habit niya ang mang-away dahil sa trapiko.
Sa naisip ay napailing na lamang si Rhezi. She looked at her phone. Napasimangot siya nang makita ang oras. Past six ng gabi kaya rush hour. Mas lalo lamang siyang nairita. She looked outside of the car and pouted her lips.
“Alam mo, pangit ang mapanisan ng laway. You can talk to me if you want. Entertain me,” mahinang sambit ni Kraius.
Mas lalong nakaramdam ng awkwardness ang dalaga. She bit her lower lip and licked it after. Na hindi naman nakaligtas sa paningin ng binatang katabi. Kraius cursed in his mind. Pakiramdam ng binata ay nanuno siya sa punso. Itinuon na lamang nito ang paningin sa mahabang trapiko.
“I don’t talk to strangers. So why would I entertain you?” sambit ni Rhezi, kapagkuwan. Ang buong atensyon nito ay nasa labas pa rin ng sasakyan. Kahit naiilang ay nagawa pa rin niyang sagutin ang binatang abogado ng may tatag ang boses kahit pa kanina pa niya gustong umalis sa tabi nito.
Napataas naman ang kilay ni Kraius sa tinuran ni Rhezi. He chuckled lightly and shook his head. Sinulyapan niya rin ang dalagang katabi na nasa labas ng kotse ang tingin. Kapagkuwan, ay tumuon na lamang ang pansin nito sa kalsada na may ngiti sa labi.
Gabi nang marating ng dalawa ang Forbes. Buong biyahe ay sinikap ni Rhezi na tumahimik kahit pa kating-kati na siyang kausapin si Kraius at magtanong ng kung ano-ano dito. Pinanindigan niya ang sinabing hindi siya nakikipag-usap sa estranghero, kahit pa ang totoo, mas interesado pa siyang malaman kung may girlfriend na si Kraius kaysa ang sagutan ang assignment niya sa Trigo.
“So, hindi mo talaga ako kakausapin?” mapanuksong turan ng binata nang saktong itinigil nito ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Rhezi.
Natigil si Rhezi sa pagkalas sa seatbelt dahil sa sinabi ni Kraius. Agad niyang itinaas ang paningin sa binata at nakita ang nakangisi ngunit gwapo nitong mukha. Napakurap siya ng ilang beses. Tumikhim din ito upang palisin ang nagbabadyang bikig sa lalamunan dahil sa lakas nang tibok ng kaniyang puso.
“Bakit ba ang kulit mo? Hindi nga ako nakikipag-usap sa stangers!” mariing wika ni Rhezi. May halong inis ang boses nito para ipakita kay Kraius na naiinis siya dito kahit ang totoo, kanina pa niya pinipigilan ang mapangisi sa sobrang kilig dahil sa kakulitan ng binata.
“Oh, right!” wika ni Kraius. “Kraius Montreal at your service!” Inilahad nito ang kamay sa dalaga habang nakangiti.
Hindi naman malaman ni Rhezi kung tatanggapin iyon o hindi. She pouted her lips, again. Habit niya na iyon kapag hindi siya sigurado sa mga bagay-bagay. Sa huli, tinanggap niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit.
Electricity. Iyon lamang ang tanging salita na kayang pangalanan ni Rhezi habang magkahawak ang kamay nila ni Kraius. Tinitigan niya ang binata nang mariin habang maging ito ay nawala rin ang ngisi sa labi at napalitan iyon ng kaseryosohan. Pareho silang hindi kayang ipaliwanag ang nararamdaman habang magkahawak ang mga kamay.
Ilang sandali ang lumipas na nasa ganoong posisyon lamang ang dalawa. Kung hindi pa dahil sa katok mula sa labas ng bintana ng kotse ay hindi pa sila maghihiwalay. Buong pagtataka ang mukha ni Kraius habang mabilis naman ang pagpanaog ni Rhezi nang tuluyan nitong matanggal ang seatbelt ng kotse. Pulang-pula ang mukha nito habang diretso ang mga hakbang papasok sa bahay ng mga ito. Ni hindi na alintana ng dalaga ang tawag ng mommy niyang si Jansen.
“We’re late, Tita. I’m sorry,” wika ni Kraius pagkatapos bumaba ng sasakyan at binati ang ginang.
“It’s okay, Krai. I understand.” Napangiti si Jansen. Gusto nito si Kraius dahil responsable at mabait na bata. Kaya naman hindi na ito tumutol nang tuluyang maipakilala sa anak na si Rhezi.
Tumango naman si Kraius sa sinabi ng ginang. Sinilip niya rin ang mansion ng mga Lagdameo. Wala na roon ang matabang dalaga. Ni hindi man lamang ito nagpasalamat sa kaniyang ginawa. Napailing na lamang si Kraius habang nagpapaalam sa ginang para umalis.
Habang nasa byahe ay napangiti si Kraius. Naalala niya ang sinabi ni Rhezi tungkol sa mga estranghero. Napailing ang binata nang matawa siya ng malakas. Mukhang nanuno sa punso nga yata siya dahil sa matabang babae na iyon.
Rhezi instantly closed her eyes as Kraius lips touched hers. Hindi kayang ipaliwanag ng dalaga ang pakiramdam na muling mahalikan nito. It has been a long time since she wished to be kissed by him. Iyon nga lang, fate wasn't on their side. Kailangan niyang lumayo para patunayan ang sarili at ang pagmamahal para kay Kraius.They were missing like no one was watching them. Savouring each other's lips like their life depend on it. Ang araw na humahalik sa dagat ay tila ba masaya sa nangyayari sa dalawa. Maging ang hampas ng alon sa buhanginan ay nakikiisa sa damdaming namamayani sa kanilang bawat puso. Habang ang mga matang nakatutok sa mga ito ay pawang masasaya at may ngiti sa labi.Nang tapusin ni Kraius ang halik ay halos habulin ni Rhezi ang mga labi nito upang halikang muli. Batid ng kaniyang puso ang labis na pangungulila dito kaya nang makita niyang nasa harap ito ng altar at naghihintay sa babaeng naglalakad patungo rito ay halos ika
Seven years laterWhere do broken hearts go?Iyon ang laging tanong ni Kraius sa sarili ilang taon na rin ang nakararaan. Love and it's consequences. Was it really have to be so painful and lonely that he couldn't even determine why he was still breathing? Was it really have to be unfair that it still kept on hurting him like hell?Habang nakatanaw sa malawak na karagatan ng Surigao ay hindi mapigilan ng binata na mapamura nang paulit-ulit. The emptiness and torment that he was feeling was just too much that he wished to stop breathing at all. However, he also wished that the thing that was keeping him sane would grant, sooner. That the impossible would be possible.Kilala siya ng lahat bilang makulit at masayahing abogado, ngunit sa likod ng mapagkunwari niyang pagkatao ay isang walang kamatayang kahungkagan na nanirahan nang matagal na panahon sa puso nito. Katulad ng malawak at walang katapusan
Rhezi had the most beautiful dream that night. She dreamed that Kraius and her got married in private. Pawang sila lang at mga malalapit na kaibigan. It was a beach wedding and she was just wearing her usual jeans while Kraius was wearing his khaki shorts. Iyon nga marahil ang dahilan kung bakit hindi mawala sa mukha ng dalaga ang isang matamis na ngiti. It seemed true that her heart flutter in happiness.Nang tuluyang ibuka ng dalaga ang mga mata ay mas lalong naghurumentado ang puso nito. Mas lalo ring lumapad ang nakapaskil na ngiti nito sa labi nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakadagan sa may beywang nito. Kinapa iyon ng dalaga at hinila para mas humigpit pa ang pagkakayapos nito sa kaniya. Then she turned to face him, and saw the most handsome man she had ever laid eyes on.Ang mabagal na paghinga nito ay tumatama sa mukha ng dalaga. Ngunit, hindi nito alintana iyon. She stared at him intently as if her life and death depends
Hindi sinayang ni Kraius ang sandali. He released Rhezi from his tight hug and cupped her beautiful face. There were still tears in her eyes and he didn't waste time to remove it. Pinunasan nito iyon gamit ang likod ng mga palad nito ng dahan-dahan. Siniguro nitong hindi na masasaktan ang dalaga sa ginagawa. Pagkatapos ay ibinaba nito ang mukha papalapit sa mukha ni Rhezi at hinalikan nito ang mga mata ng dalaga ng banayad.Ipinikit naman kaagad ni Rhezi ang mga mata nito nang maramdaman ang ginawa ni Kraius. Damang-dama ng puso nito ang ibat-ibang emosyon na nagpapahurumentado sa pagtibok niyon. Nasasaktan ito sa mga nalaman at nagsisisi rin ito, ngunit sadyang kakaiba ang hatid ng bawat mga halik ni Kraius sa mukha nito pababa sa labi.Ang banayad na pagdampi ng mga labi ng binata ay para bang sinasabing magiging maayos din ang lahat. Na hindi na dapat ito mag-alala dahil nandito ito, ipaglalaban siya nito. Na hindi na siya masasaktang m
Abala si Kraius sa pagbabasa ng papeles nang pumasok ang sekretarya nito. Kaagad ang pagbaling ng tingin ni Kraius dito habang nakakunot ang noo. Katulad ng dati, pormal na pormal pa rin ang hitsura ng sekretarya habang patuloy ang lakad nito patungo sa lamesang kinaroroonan.Nang nasa tapat na ito ng lamesa ay tumigil ito at tinaasan ng kilay ang binata. "Someone wants to talk to you Mr. Montreal," wika nito.Kraius forehead creased. Wala itong inaasahang bisita kaya't mababakas sa mukha nito ang pagtataka. He looked at his Piaget watch afterwards, and smiled lightly. He felt excited and happy at the same time. Bigla ay nawala ang nararamdaman nitong pagod mula sa maghapong pagtatrabaho.The truth was, he was very eager to went home. Ilang linggo na rin mula nang makasama nito ang mga anak, at masasabi nitong walang naging problema sa sitwasyon. Naninibago man ang mga ito sa una ngunit hindi iyon hinayaan ng binata na mag
Hindi alam ni Rhezi kung paano ito nakarating sa Monterio Hotel. Ang tanging alam ng dalaga ay gusto nitong lumayo mula sa mansion ni Jericho matapos sabihing mahal siya nito higit pa sa isang kaibigan lamang. She didn't saw that coming. Nagimbal siya sa sinabi nito kasabay noon ay ang pait ng pakiramdam na lumukob sa puso ng dalaga dahil sa panlilinlang ng taong itinuring niyang sandalan sa mahabang panahon.She never thought that Jericho would trick her like that. Paniwalang-paniwala si Rhezi na bakla ito. She was lost when he was with her. She was vulnerable and broken. She ran away after he found her. Sa sobrang sakit ng puso niya nakalimutan ng dalaga ang inis dito. Then, she ran away with him and ended all of her connection to her friends and family.Rhezi sighed as she remembered the memories. She was still unwell but she needed to keep her sane. Ilang minuto na rin itong tulala habang nakatitig sa button ng elevator sa loob ng gusa