Share

Chapter 2

Aldrich's POV

"Hahahahahahaha!"

Halos maibuga ko ang iniinom kong beer habang nakikinig sa kwento ni Kiel. 

"Deputa. May sakit ka ba 'tol? Ang bait mo ata banda do'n. Chix na lumalapit sa'yong manok ka hindi mo pa tinuka? Pft." Sumimsim ulit ako ng beer at tutusok na sana ako ng isang pirasong siomai nang samaan niya ako ng tingin.

Sabi ko nga hindi na. Puta 'apakadamot.

Oo na Kiel sa'yong sa'yo lang 'yang siomai mo. Depungal na 'to.

"Ba't mabubusog ba s'ya no'n? Chix is life but siomai is lifer. 'Di ba 'tol?" komento naman ni Luke habang nakangisi.

Mas lalong lumakas ang tawanan namin nang hindi niya kami pinansin. He's too busy with his siomai.

"Naks sa'yo talaga nanggaling 'yong Chix is life bro?" pagdidiin ko.

Pero putanginang depungal.

Totoo ba 'tong nasasaksihan ng kag'wapuhan ko?

Isang Kiel Kristoff Premore ang gigil na gigil lantakan ang mga kaawa awang siomai. May hawak pa itong pizza sa kabilang kamay n'ya. Deputa.

Ano kayang nangyari?

Malalaman natin 'yan mamaya 'pag wala na 'tong saltik.

Nasa kalagitnaan pa kasi s'ya ng g'yera laban sa mga kaawa awang siomai.

Napangiwi ako nang lagukin n'ya ang laman ng kanyang beer ta's ay muli itong nagbukas ng isa pang bote at muling lumagok.

Deputa. Gutom na gutom 'pre?

Hindi dapat pinapalampas ng kag'wapuhan ko ang mga gan'tong uri ng eksena na once in a blue moon lang maganap.

Ang sarap video-han. Pft.

"Whoaah! Easy 'pre nguyain mo naman." Pambihira. Parang ayaw i-absorb ng utak ko 'tong mga nakikita ko ngayon.

This is the first time.

Para s'yang--

"Patay gutom." Oh thanks Luke.

Muli akong napahagalpak ng tawa nang kunot noo itong sabihin ni Luke habang magkakrus ang dalawang braso at napapangiwi pa.

Anak ka ng deputang depungal Luke.

Nagpigil ako ng tawa dahil ayokong madamay sa g'yera.

Mas lalo akong natawa pero mas lalo rin nagpigil nang samaan niya kami ng tingin.

Eto na nga ba'ng sinasabi ko. Mukhang may nagbabadyang panganib.

Siraulo kasing Luke.

"Teka bro, sigurado ka ba talagang 'yon lang ang nangyari? Gago kwento na. Nahiya ka pa," pag-iiba ko ng usapan dahil sa mga talim palang ng titig nitong si Kiel ay dama ko na ang pagiging instense sa mga susunod pang eksena. Tang'na.

"Meron ba siya no'n? Eh walanghiya naman 'yan," nakangisi paring saad ni Luke.

Tarantado ka talaga Luke.

Nananahimik na nga kag'wapuhan ko mukhang madadamay pa.

Gusto kong magsisi nang madaanan ng mga sulyap ko si Kiel.

Kung nakamamatay lang ang tingin.

Ang hirap magpigil ng tawa.

Ganito pala siya 'pag sobrang gutom na gutom.

"Ano nalunok mo na ba 'yang dila mo? 'Apakapatay gutom naman."

Gago talaga. Ano rin kayang nakain nito ni Luke? Ang lakas mang-asar ngayon eh.

Pinaglapat ko ng mariin ang aking kissable lips para mapigilan ang mapahagalpak nang hindi nakaligtas sa aking paningin ang tila pagbubungguan ng kanyang mga ngipin.

'Wag kang tatawa Uno. Masamang binibiro ang taong gutom.

"Ano Kiel? Hindi mo talaga ikuk'wento kung ba't napaka patay gutom mo ngayon? Masamang pinaghihintay ang kagwapuhan ng isang Luke Harvey, Lintek ka."

Putangina Luke?

Marahan kong nilingon si Kiel na sa mga oras na ito ay kitang kita ko ang pag-iigting ng kanyang panga.

Why soh hot Hanibans? Pft.

Should we thank him at the moment for being busy with his fucking siomai that he's not minding to speak with us?

Yeah, we should.

"Hoy Kiel."

Deputa Luke manahimik ka na. Tang'nang buhay, laging nadadamay.

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao kasunod ay ang masasamang titig niya sa amin.

Uh oh. Damay na naman ang kag'wapuhan mo Dax Aldrich Duconrie. Putangina.

In Three. . .

Two. . .

One. . .

'Would you mind to shut your filthy mouth?'

"Would you mind to shut your filthy mouth?" gigil na turan ni Kiel kay Luke matapos lunukin ang nasa bunganga.

Napasipol ako habang hinahaplos ang aking baba na napakaperpekto ng pagkakahugis.

"Shut up. Nagdidilim paningin ko sa'yo."

Oh gago ba't pati ako?

Ang g'wapo mo talaga Aldrich.

"Inano kita 'tol? Iba talaga 'pag g'wapo 'no? Laging mainit sa mata. . ." sinamaan niya ako ng tingin. "ng mga Chix, 'kaw naman masyadong mainit ang ulo mo," dugtong ko.

Hay nako bets may topak ang lolo n'yo.

Sinulyapan ko si Luke na nakangisi sa akin maya't maya pa ay bigla itong tumawa.

Tangina mo Luke nananahimik na ako.

Hindi naman sa takot ako kay Kiel. Hindi lang ako sanay. Hindi kami sanay kasi putangina ngayon nga lang 'to nangyari. Hindi naman 'to nagagalit kung simpleng kagutuman lang. Napakababaw na rason.

Pinasadahan ko ito ng tingin na patuloy parin sa paglantak ng siomai at pizza.

Nakakalimang box na s'ya ng siomai at dalawa naman sa pizza for Kiel's fucking siomai's sake, gaano ba kalawak ang bituka ng kapre'ng 'to?

Tell me this isn't happening.

Gago Uno kitang kita mo na nga. Depungal ka.

"Easy lang sa siomai 'tol baka bumulagta ka nalang bigla 'pag tumaas presyon mo. Pero sabagay doctor ka naman. Alam mo na ang gagawin."

"Daldal mo. Gutom ako," tipid niyang sagot.

Obvious naman 'tol.

Mukhang umaayos na ang mood niya. Sumasagot na eh.

Limang box ng siomai at dalawang box ng pizza ba naman? Hindi ata 'to kumain ng isang linggo deputa.

Mukhang tantyado na n'ya kung ilan ang makakain n'ya ngayong gabi.

'Yong binitbit namin kanina, halos s'ya lang din naman ang umubos. Nahiya naman kami sa isang box ng Pizza na pinaghatian naming tatlo.

Ayos lang. Understanding naman ako. Ganon talaga 'pag g'wapo.

Napapailing na inabot ko ang panibagong bote ng beer at saka ito binuksan.

Sumimsim ako nang may biglang maalala.

"Hoy Luke nasaan si Adrian? Umuwi na ba?"

Ang tahimik ata ng gago.

"Yes mom-- Malaki na 'ko so no need to remind me. I know what to do." Hindi niya ako pinansin. Kausap n'ya pala si Tita Lukresia.

"Si Adrian?" baling ko kay Kiel na katatapos lang kumain at ngayon ay nakasandal sa sofa habang nakakrus ang mga braso at nakapatong ang mga paa sa lamesa kung saan nagkalat ang pinagkainan niya.

Pft. Solve ba pre? Tang'na.

"Tignan mo sa kusina. Baka nanonood ng porn."

Sa kusina? Manonood ng porn? Anong kagaguhan 'yan? 

Kadamutan mo Adrian. Uso magshare! Depungal na animal.

Naglakad na ako papunta sa kusina habang sumisimsim sa hawak kong bote ng beer.

Napakunot noo ako nang makitang nakaharap siya sa bukas na bintana habang nakasandal ang kaliwa niyang kamay sa pader katabi ng bintana at ang kanan ay nakahawak sa kanyang cellphone.

"Gago ako pero kaya kong magseryoso dahil mahal kita. Teka lang. Teka 'wag mo munang ibababa-- "

Ayos ah mukhang may bago na naman itong bibiktimahin. 

Tumikhim ako at mabilis niya akong nilingon.

"Sino 'yon Switi?" nakangising saad ko sakanya.

"Ah--" Sinulyapan niya ang kanyang cellphone. Bahagyang kumunot ang kanyang noo ngunit mabilis niya rin itong itinaas para ipakita sa akin kung sino ang kausap niya.

"Si Kiel."

"Kiel? Gago nasa sala katatapos lumantak ng siomai." Mukhang may isa pang lutang. 

"Animal. Lag ka ba? Mukhang nahahawa ka na kay Luke. I mean the Creedhorton." Pinindot niya ang loud speaker button at nagsimula ng maglakad pabalik sa sala.

"Ah. Linawin mo kasi." Sumunod nalang ako.

Ano kayang problema at biglang napatawag 'tong mokong na 'to?

Adrian's POV

Ibinagsak ko ang katawan sa sofa at tumabi kay Kiel.

"Oh gago dahan dahan ka bago pa magdilim paningin ko sa'yo," banta niya sa'kin nang medyo tumalbog ang katawan nito pagkaupo ko.

"Pfft. Anyare dito? Animal."

"Tumahimik ka muna p're baka biglang sumabog tiyan niyan kaya 'wag kang magalaw d'yan," paliwanag ni Aldrich.

"Ulol."

Napailing nalang ako. "Kausapin niyo si Kiel oh." Ipinatong ko sa table ang phone habang nakaloud speaker.

Habang ako, hinayaan kong maglakbay ang isip.

Hindi ka ba napapagod katatambay sa isip ko, Miss?

She's occupying my whole damn mind over and over again. Muntik pa akong mahuli ni Aldrich kanina.

I don't know what's with this girl that I want to be possessive as hell to the point that I don't want these three idiots to know about her even her name.

Kilala nila lahat kung sino sinong mga naging babae ko.

But not this time.

What the fucking hell ano ba 'tong iniisip ko?

Hindi ko naman s'ya babae. 

Hindi s'ya kabilang doon.

Hindi ko s'ya pagmamay-ari at hindi ako sigurado kung mapupunta nga ba s'ya sa'kin dahil parang napaka-imposible.

Kung may pag-asa lang sana ako.

But my mind says 'why don't you try?' Baka pagsisihan kong 'di ko sinubukan.

Ano ba'ng nangyayari sa 'kin?

You're going beyond limits again Adrian. Fuck.

No. Not again.

But what should I do? She's. . . Perfectly different.

"Gago ako pero kaya kong magseryoso dahil mahal kita. Teka lang. Teka 'wag mo munang ibababa--"

Agad akong lumingon nang marinig ko ang pasadyang pag ubo ng kung sino sa aking likuran.

It was Aldrich.

"Sino 'yon Switi?" nakangising salubong niya.

I'm dead.

What will I say?

"Ah--" I took a glance on my phone and my forehead creased when I saw that she ended the call.

Nice.

Pero kailangan kong mag-isip ng palusot.

Biglang tumunog ang cellphone ko and it was Hezekiel Creedhorton, pinsan ni Boss Zyrex. I heaved a sigh of relief.

I raised my phone letting him see who's the caller.

"Si Kiel."

"Oh tangina lutang ata si gago."

"Hoy Adrian!" bulyaw ni Aldrich. Naramdaman ko nalang na may tumamang throw pillow sa mukha ko.

Mga putanginang anak ng etets.

"Ano ba? Tang'nang 'to," asar kong baling kay Luke na nambato sa akin ng unan.

"Mamaya ka na mag-imagine. Kinakausap ka ni Creedhorton."

"Ano 'tol? Ikaw nalang ang hindi sumasagot," dinig kong sambit ni Hezekiel mula sa kabilang linya.

Putangina. Ano ba 'yon?

"May hangover pa ata sa pinagpuyatan n'yang porn. Uulitin ko para sa'yo ah, Libre ka raw ba sa susunod na buwan? May fashion show ang Spartans para sa Creedhorton Charity Foundation. Ok kaming tatlo eh ikaw?"

Naks. May sakit ba 'to si Luke? Ang sweet naman. Pfft.

"Flight ko papuntang Canada 'yon 'di ba?" balik tanong ko sakanya.

"Deputa so hindi ka pala talaga sasali?" kunot noong tanong ni Aldrich.

"Malamang. Flight ko nga 'di ba? Pinostpon ko na nga 'to para maka-attend ng kasal ni Boss Zyrex eh, maiintindihan na n'ya 'yon." Kumuha ako ng isang slice ng pizza at kumagat doon.

Animal. Isang karton nalang talaga ang natira?

May alagang Anaconda ba 'to si Kiel?

"Hm ikakasal ka na ba? Ba't parang nagmamadali kang mag-ipon eh madami ka naman ng pera?" kunot noong singit ni Kiel.

Hindi. Nagbabalak palang.

"Tatanggap lang ng project sa ibang bansa magpapakasal na? Madaming iiyak na Chix p're. Saka na 'yan," biro ko saka ako humalakhak.

"Ba't iiyak? Mamamatay ka na ba?"

nakangising baling ni Luke.

Ano na naman bang problema sa'kin nito? Animal.

"Inaaway mo na naman ba ako p're? Tang'na 'wag naman muna eh di mami-miss mo ako kasi wala ka ng gwapong aawayin?"

seryosong saad ko.

Putangina ang sagwa. Para akong batang nagmamakaawa na 'wag awayin dahil papaiyak na.

"Gago trip mo na naman 'wag masyado baka umiyak. Hahahaha." Naks Kiel, tuwang tuwa ka 'dre?

"Oh makapambully ka akala mo naman 'di ka nang-aaway kaninang patay gutom ka," baling ni Luke kay Kiel.

Nagsimula itong magk'wento tungkol sa nangyari.

"Sabi sa'yo Luke antayin lang nating mabusog eh. Tang'na mo p're mukha kang mangangain ng tao kanina. Depungal ka. Pero sorry, mga chix lang p'wedeng kumain sa 'kin." Humalakhak si Aldrich.

Sayang naman hindi ko nakita. Pfft.

Pero ayos lang. Mas importante naman 'yong nakausap ko kanina.

"P'wede ka namang kumain habang nasa clinic ah," kunot noong sabi ko.

Kaya pala mukha siyang ginahasa ng sampung elepante kanina.

"Hm I don't like any kind of interuptions while I'm working."

"Buti nakakapagconcentrate ka 'tol?" singit naman ni Aldrich.

"Sanay na ako. Doctor ako p're, buhay at kalusugan ng pasyente nakasalalay. Priority first."

Biglang pumalakpak si Aldrich at Luke kaya nakipalakpak din ako.

"Mga gago," natatawang sambit ni Kiel.

Hinayaan ko lang silang mag-usap. I also let myself being drowned along the depth of my thoughts.

"Saya ka na niyan?" Salubong na naman ang kilay niya dahil asar na asar siya sa'kin. Pfft.

Damn this girl.

"Oo naman. Pinansin mo ako eh." Kinindatan ko s'ya pero nginiwian n'ya lang ako. Awts.

Diring diri? Wow. Halikan ko kaya 'to?

"Masyado ka kasing papansin. Nakakaawa ka na eh."

Animal. Sa lahat ng babae siya lang ang naglakas loob na snob-in ang kag'wapuhan ko.

Aren't she aware that being accidentally darted with my sight is considered as heaven?

"Hindi mo ba ako kilala?" Ngumiti ako na tila nagmamalaki. Tinignan n'ya muna ako mula ulo hanggang paa habang nakakunot parin ang noo. Paulit ulit n'ya itong ginawa bago s'ya nagsalita.

It's damn irritating.

"Adrian Luis Crentione, am I right?" walang ganang sambit n'ya.

What the? Kung sa ibang babae kilig na kilig na sila marinig lang ang pangalan ko.

Did someone just spit on my ego?

Animalism.

"Hm and?"

"Sinagot ko lang ang tanong mo."

Anak ng etets ka Adrian! Walang talab? Babae ba talaga 'to? Animal.

"I am--"

"You are a Civil Engineer, a famous model together with the three eggies, one of the Spartans. Mm ano pa ba-- And oh yeah a famous asshole as well. Is that what you wanted to hear Mr. Crentione?"

Natameme ako sa pagiging straight forward niya. Parang nag-init ang tenga ko sa narinig.

Why do you need to be this savage baby?

Ngumisi ako nang makabawi. "Are you. . . a stalker?" I chuckled.

Buong buhay ko ngayon lang ako napahiya ng gan'to at sa sa babae pa.

She reminds me of someone. . .

"Parang tanga deputa. Hahahaha!"

"Porn pa gago! Hahahaha!"

"Ang sagwa mo kiligin. Ngiti ngiti pa. Lintek na 'yan. 'Apakahayop."

Mga putanginang anak ng etets. Panira ng moment.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status