Share

OIAL 11.1

Humiga ako sa kama, good thing that it's dark here and it comforts me. Hindi ko namalayan ang mga luha na dumadaloy sa aking pisngi.

Mabilis ko iyong pinunasan at sinampal ang sarili. 

"Hera doesn't deserve your tears." Pangumgumbinsi ko sa sarili para hindi na muling umiyak pero bigo ako.

I began sobbing like a child over and over again. Why does she have to break my heart like it's the easiest thing to do?

Dahil sa pag iyak ay di ko namalayan na naka-tulog na pala ako.

Gising na ang diwa ko pero hindi ko pa rin iminumulat ang mga mata ko.

"Kuya is sorry, baby. I wish I could take the pain from you." Malungkot ang kaniyang boses.

Hearing hin say sorry makes my heart ache. Ako ang may kasalanan, ako ang masama kaya dapat ako ang nagso-sorry sa kaniya.

"Kuya will never leave you. Kuya loves her baby sister very much." Malambing at magaan ang kaniyang boses. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok.

"K-Kuya," iminulat ko ang aking mga mata. His eyes are sad and I don't wanna see that.

Bumangon ako, at inalalayan ako ni kuya.

"Why? Do you wanna eat something? Tell me, I'll cook for you." Aniya sa magaang boses, tila batang paslit ang kausap niya.

He hugged me and I hugged him back. I don't know what I'll do kung mawawala si kuya sa akin. He's my everything.

Umiling ako sa kaniyang dibdib. Tiningala ko siya at nag baba siya nang tingin sa akin.

I smiled cheerfully but it's fake. "H-Hindi ako magagalit kung s-sasama ka kay Hera." 

Iniwas ko ang aking tingin mula sa kaniya dahil ayaw kong makita ang mga mata niya. 

Madaling basahin ang mga emosyon ni kuya gamit ang mga mata niya. He's the honest one and 

I'm the greatest pretender.

Ramdam ko ang rahas nang pag-iling ni kuya Azarius. Bumuga ito ng hangin at tsaka nag salita.

"N-No, baby. Kuya will never abandon you." Nanginginig ang kaniyang boses. Humigpit ang yakap niya sa akin.

Sa mata ng iba, kuya Azarius is ruthless, strong, and snob. But seeing him being weak infront of me ripped my heart into pieces.

"I'm really sorry, Devyn." 

Inalis ko ang yakap ni kuya sa akin.

"Kuya, don't ever say sorry to me," pinunasan ko ang luha na hindi ko namalayan na tumutulo na pala.

"It breaks my heart hearing you say sorry." 

Mahinang tumango si kuya Azarius at marahang pinunasan ang luha ko.

"Azarius and Devyn will always be together, I promise." He held my hand and raise my pinky finger to intertwined it to his.

Niyakap ko siya. "Kuya, I want baked mac." Mahinang saad ko dahil sa hiya. 

Maya-maya ay tumunog ang tiyan ko tanda na gutom na ako.

Nang dahil kay Hera ay hindi ako nabusog sa kinain ko at hapon na ngayon, I literally slept like a baby.

He laugh and messed my hair, "Sige, ipagluluto kita." 

Lumabas na siya sa kwarto ko at muli akong nahiga sa kama. Inilagay ko ang aking braso sa aking mata.

I'm scared to break kuya's heart again kaya hindi na ako gagawa ng kahit anong kalokohan simula ngayon. Papatunayan ko sa kaniya na worth-it ang pag pili niya sa akin kaysa kay Hera.

Habang lumulutang ang isip ko ay may kumatok sa aking pinto.

Ang bilis namang mag luto ni kuya?

"Pasok." Utos ko. Muling umupo sa kama dahil akala ko ay ang baked mac na iyon, si Terrence lang pala.

Akala ko pagkain na. 

Umirap akong sumandal sa head board ng kama.

Isasarado niya na sana ang pinto nang pigilan ko siya. "Just keep the door open."

Terrence chuckled, "Okay ka na siguro. Nag susungit ka na, eh." Maliit ang siwang ng pinto at nakuntento na ako dito.

I crossed my arms on my chest, inaantay siyang mag salita ngunit tinitigan lang niya ako.

Nailang ako sa tingin niya dahil malalim ito, tila tinitignan ang kaluluwa ko.

"How are you?" Terrence asked.

Umupo ito sa kama ko at hinawakan ang kamay ko. Pakiramdam ko ay hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Months before, I always dreamt of having him closer to me again. A dream of him, holding my hands like this, I've always wanted that.

Hindi ko namalayan ang paglapit ng mukha ni Terrence sa akin. His lips are almost touch mine when my phone rang.

Pareho kaming nagulat. Naitulak ko siya nang malakas at nahulog sa kama.

"That hurts!" Reklamo niya, hawak ang balakang.

Ramdam ko ang pag init ng aking mukha at ang nailang.

Tumayo si Terrence, sapo pa rin ang balakang niya na sumakit. 

"A-Alis na!" Pag tataboy ko sa kaniya.

Sumunod naman siya sa akin. Mahinang sinampal ko ang aking sarili.

"You must be crazy for letting him almost kiss you!" Naiinis na pinukpok ko ang aking ulo.

My phone rang again, whoever the caller is, he or she is a life saver!

Mabilis na kinuha ko ito, it's unregistered number but I answered it anyway.

"Who's this?" 

"Are you on your house? I've brought some foods." Cosmo's baritone voice said.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. 

"W-What? I mean why?!" Sigaw ko at nag mamadaling pumasok sa aking walk in closet para mag hanap ng maayos na susuotin.

Good thing that I took a bath earlier. Naka-ipit pa rin ang phone sa aking tenga upang marinig ang susunod niyang sasabihin.

"Huwag ka na mag tanong, nasa baba na ako. Come out to your room o aakyatin pa kita dyan?"  Nang-aasar ang boses nito, I can see hin smirking while his brows are tugged upward.

"Wait. Aren't you disappointed in me? Hindi ba galit ka sa akin?" Nang uuyam na tanong ko at nahinto sa pag hahanap ng damit.

Parang kahapo lang ay halos isumpa na niya ako dahil sa ginawa ko kay Amanda. Seriuosly? What with Amanda at ipinag tatanggol siya ng lahat?

Narinig ko ang malakas niyang pag buntong hininga. "One more question from you, I will climb up to your room." 

"Fine! Antayin mo ako dyan!" Pinatay ko ang tawag at nag hanap ng susuotin.

What should I wear? Celine? YSL? Chanel?

Teka, si Cosmo lang naman ang kikitain ko kaya bakit ako nag hahanda ng sobra?!

Napasimangot ako, tsk. Iyon na ba ang peace offering niya sa pagkakaroon ko ng pasa?

Sa huli ay dinampot ko ang isang black high waisted chanel shorts and a white celine shirt. I applied a tint on my cheeks and lips and I'm ready to go.

Our group study with Eulaliah was cancelled but we have decided to re-schedule it.

Bumaba ako ng hagdan at nakita ko sila kuya doon. Nasa gitna nila si Cosmo at matamnang naka-tingin sila dito.

"Do you really like our Amelie?" Seryosong tanong ni Kuya Liam.

Napa-irap nalang ako sa kalokohan nila. It was Andie who first saw me. Sinenyasan niya ako na bilisan ang pagbaba.

Seriously! Why aren't they leaving? Kahapon pa sila dito, ah!

Tuwid na tuwid ang pagkaka-upo ni Cosmo sa one seater na sofa, para siyang nasa interrogating room dahil sa upo niya.

"Are you serious with her?" Tanong ni kuya Lincoln.

Mabilis na tumango si Cosmo. "Absolutely." 

"Humanda ka sa amin kapag nasaktan siya." Kunot noong saad ni kuya Everett at ipinakita ang kamao niya na naka-kuyom.

"I won't court Devyn if I will hurt her." Bagama't malamig ang boses ni Cosmo ay nag-init ang puso ko.

H-He didn't mean that, doesn't he?

Si Terrence ay seryoso lamang ang pagkaka-tingin kay Cosmo, nasa tabi nito si Thalia na naka-lingkis sa braso ni Terrence.

"What are you guys doing?!" Bumaba na ako at hinarangan si Cosmo mula sa kanila.

Si Andie naman ay naka-ngisi nang nakaka-loko at inirapan ko siya.

"Oh, Devyn is here. Now, Cosmo. Do you swear to--" Parang pari na saad ni kuya Theodore.

"Stop it! Kuya Azarius!" Pagsusumbong ko kay kuya Azarius. Naka-apron siya, marahil ay niluluto ang baked mac na gusto ko.

Nag kibit balikat lamang ang kuya ko at pumasok muli sa kusina.

Hinawakan ni Cosmo ang braso ko at tumayo. Inilibot ko ang tingin at nakita ang mga paper bags mula sa iba't-ibang designer bags and jewelries.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano 'to?" Naguguluhang tanong ko.

"My mom wanted to give this to you but they have to leave the country again." Itinuro niya ang mga paper bag.

"And my apology for bruising your skin." Marahan niyang hinawakan balikat ko kung nasaan ang pasa.

Pwede na akong mag tayo ng store sa dami ng ibinigay ng kaniyang magulang! Akala ko ay pagkain ang dala niya?

"The food is in the kitchen, why? Are you hungry now?" Mahina ngunit malambing ang tono ng kaniyang boses.

Why does Cosmo have to do this? Ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. My heart didn't beat this fast when I was with Terrence before.

Why am I even comparing them? Hindi naman ako sigurado na gusto ako ni Cosmo. Marahil ay sinasakyan niya lamang ang interrogation nila kuya Lincoln.

Dumating si manang at may dalang tray ng juice para kay Cosmo.

Malakas na tumikhim si kuya Liam at nginuso kami. "Talk louder, hindi namin kayo marinig." 

Sumang-ayon ang mga kulto, inirapan ko sila at hinatak palayo si Cosmo.

"Why are you here? Tsaka para saan ang mga designer bags at jewelries?" Tanong ko pagka-sarado ko ng pinto sa aking kwarto.

Hindi ko namalayan na hinatak ko pala siya patungo sa aking kwarto. Tinanggal ko ang kamay ko na nasa kanyang braso.

I meant no harm, hindi ko alam kung saan siya dadalhin at kung paano kami mag uusap nang walang humahadlang. Ang dalhin siya sa kwarto ko ang naisip kong paraan.

"I told you. My mom bought that stuffs for you." Saad nito, inilibot niya ng tingin sa kabuuan ng kwarto ko.

"Hmm, it's  my second time here in your room. Pero ngayon ay ikaw ang nag hatak sa akin papunta rito kaya pwede kong labagin ang mga rules." Aniya at dahang-dahan na lumapit sa akin.

He looked at me with his serious gray eyes and began walking closer to me.

"That means that I can touch and hold you like this, right? No rules and all." He said huskily. 

Hinatak niya ang aking bewang at hinalikan ang aking labing naka-awang.

Damn, he just kissed me again.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status