Mag-log in"May importanteng inasikaso ang young master, kaya ako na lang muna ang pinapunta niya dito. Pero huwag kayong mag-alala, tinawagan na niya si President Narvaez para humingi ng tulong. Malapit na siguro silang dumating."Noong nasa kalagayan siya ng matinding takot, hindi niya sinasadyang maghanap ng makakapitan o matatakbuhan. Kahit alam niyang kung nandoon si Marco, tiyak na mahahanap nila agad ang bata, umaasa pa rin siya na makakarating ito.Pero ngayong sinabi ni Carlos na hindi ito makakapunta, parang binuhusan ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa si Sierra. Kahit napakaliwanag at mainit ng sikat ng araw sa itaas, pakiramdam niya ay napakalamig ng kanyang loob.Anong klaseng importanteng bagay ba ang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan ng sarili niyang anak?Kadalasan ay napakalamig ang pakikitungo ni Marco kay Vester. Akala niya ay marahil ay dahil sadyang seryoso ito at hindi magaling magpahayag ng damdamin. Dahil ampon naman niya si Vester, siguro ay gusto naman niya ito.P
Pero nang maalala niya ang report na nakuha nila tungkol sa pagka-ampon kay Vester, unti-unting humupa ang gulo sa dibdib niya at napalitan ng lungkot.Kung buhay pa sana ang anak niya, kasing-edad na rin nito si Vester ngayon.Nang mapansin ni Vior na malungkot ang itsura ni Sierra, kinabahan ito. “Naku, may nasabi na naman ba akong mali? Sorry na, madaldal lang talaga ako. Huwag mong seryosohin ha.”“Wala ‘yon.” Pinilit ni Sierra na pakalmahin ang sarili at ngumiti. “Naaalala ko lang ang ilang bagay noon.”“Tara, kain naman tayo ng seafood mamayang gabi?” mabilis na pag-iiba ni Vior ng usapan.Nagkwentuhan pa sila hanggang sa maubos ang kinakain nilang shaved ice. Paglabas nila, pumunta sila sa carousel pero wala doon sina Alea at ang mga bata. Akala nila ay lumipat lang sa ibang rides.Ilang saglit silang naghanap sa paligid pero wala pa rin. Kaya dinial ni Sierra ang number ni Alea.“Nasaan kayo?”“Nasa loob po kami ni Thalia ng Ferris wheel, bababa na po kami ngayon.”“Sige.” Iba
“Pumasok siya kasama si Papa sa sala. Nakaupo ako noon habang nagce-cellphone, at nang tumingala ako, nakita ko siya. Tangkad, gwapo, at nakakatakot lapitan dahil sa seryoso at malamig niyang aura.”“Pero sa isang iglap lang, bumilis ang tibok ng puso ko at namula ako. Doon pa lang, nakuha na niya ang atensyon at puso ko. Mula noon, wala nang ibang lalaki ang pumasok pa sa isip ko.”“Sampung taon na. Mula sa simpleng paghanga hanggang sa pagmamahal na halata naman talaga. Nakaugat na ‘to sa sistema ko, Sierra. Mahal ko siya bilang ugali na. Kahit alam kong wala talaga kaming pag-asa, hindi ko na kayang tanggalin siya sa puso ko.”Habang nakikinig si Sierra sa kwento ni Vior, parang nakikita niya ang sarili niya noon.Apat na taon niyang minahal si Julian. Kahit na binalewala siya nito at hindi man lang pinansin noong buntis siya, ipinanganak pa rin niya ang anak nila nang mag-isa.Katulad ni Vior, handa rin siyang gawin ang lahat para sa pag-ibig. Noon, para sa kanya, pag-ibig lang an
Dahil sa takot na baka may masabi si Sierra na makakaabala kay Marco, mabilis na sumingit si Alea. “Kahit gaano pa ka-busy si Master, kailangan pa rin naman niyang kumain, ‘di ba?”Tumango naman si Sierra bilang pagsang-ayon. “Gusto ko rin siyang makita, kaso...”“Kaso ano po?” Mas nabahala pa si Alea kaysa sa kanya.“Simula bukas, sasamahan daw tayo ni Vior, kaibigang nakilala ko sa Pilipinas na tagarito—para maglibot sa Germany. Asawa kasi siya ng matalik na kaibigan ni Marco at gustong-gusto niya tayong i-tour. Hindi ko kayang tanggihan ang kabutihan nito. Sa tingin mo, magiging bastos ba kung iiwan ko siya para lang sumama kay Marco sa dinner?”Napakurap si Alea. “Mukhang hindi magandang tingnan kung gagawin mo ‘yon.”“Magpahinga ka na muna,” malambing na tinapik ni Sierra sa balikat ni Alea bago pumasok sa kwarto.Nakatitig sa pintuang nagsara, bumulong na lang si Alea sa sarili, “Kahit na simula nung dumating ka dito sa Germany, hindi mo pa man lang nakikita si Master.”Kinabuk
Nagulat si Alea sa biglaang pagsigaw ni Vester, mahina niya itong tinanong. "Young master, hindi ka ba masaya?""Why would I be unhappy? I am very happy! I just don't want to eat, is that hard to understand?" Sigaw ni Vester ngunit ang mga mata naman ay namumula. Para bang ano mang oras ay bigla ka lamang itong aatungal.Agad siyang mabilis na bumaba sa sofa, ang mga luha ay hindi na napigilang bumuhos. Tumakbo siya papunta sa kanyang silid.Nadurog ang puso ni Alea habang sinusundan ng tingin ang bata, hindi niya alam kung susundan ba niya ito at aaluin o hahayaan na lang muna. Sa huli ay pinili niya ang panghuli, nag-order na lang siya ng pizza sa hotel. Medyo matagal bago niya napapayag si Vester na buksan ang pinto at kumain.Nauna ng magpa-reserve si Sierra sa restaurant nang araw na iyon. Pagkatapos ay pinuntahan niya si Master Bong at sabay na silang pumasok sa restaurant.Marahil ay napagod mula sa paglalaro sa dapampasigan buong araw, dahil habang kumakain ay patumba-tumba na
"Oo nga pala," naalala ni Sierra si Sylvio. "Humihingi ulit ng pakikipagkooperasyon ang Narvaez Empire. Pumapayag ka ba?" “Agree?” Litong tanong ni Gwen. “Oo, alam na ni Sylvio ang aking pagkakakilanlan bilang A.S." “How about the Montezides…” "Pumayag na akong makipagkooperasyon sa kanila ngunit sa isang kondisyon, iyon ay panatilihin nilang lihim ang katauhang iyon." “Mabuti naman.” Sa sumunod na araw. Pagkatapos ng almusal, dinala ni Sierra ang mga bata sa dalampasigan. Sa daan, nakaupo si Alea sa likurang upuan ng sasakyan habang naglalagay ng sunscreen sa mga bata, paminsan-minsan ay tumitingin kay Sierra na nakaupo sa passenger seat, tila may nais sabihin. Bumaba ang tingin ni Sierra habang nagpapadala ng mensahe sa kanyang guro para batiin ito. Matapos ipadala ay lumingon siya kay Alea at nagtanong, “May problema ba sa damit ko ngayon?” Umiling si Alea. “May dumi ba sa mukha ko?” Muli siyang umiling. Bahagyang ngumiti si Sierra, “Sabihin mo na lang kung ano ang gus
Naghintay si Sierra ng halos kalahating oras bago dumating ang sasakyan. Kaya nang makauwi siya ay ala una na ng madaling araw. Pagpasok niya, laking gulat niya nang makita si Alea na nasa living room, nakapajamas at natutulog sa sofa. Bahagya pa itong ngumunguya na parang kambing. Nang makita an
"Ms. Lavarez..." "Vior. Call me Vior. Quit the formality, we are friends now." Anang babae. Mahinang ngumiti si Sierra, pagkatapos ay binago ang kanyang tono, "Vior, naisip mo na bang palitan ang lalaking pinagkaka-interesan mo?" "Hmm?" "What I mean is that, why don't you find someone else that
Bumalik siya sa kanyang kuwarto, pumunta sa balkonahe, at tumingin sa katabing balkonahe. Ang layo sa pagitan nila ay mga seventy hanggang eighty sentimetro; kaya niyang tumawid doon nang walang problema. Bumalik si Sierra sa kanyang kuwarto at kumuha ng upuan. Tumayo siya sa upuan at madaling nak
"O-Of course! I'm not lying!" Tinuro ni Janice ang mga tauhang naroon. "Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo sila! They saw everything!"Naramdaman ng mga tauhan ang malamig at nakakatakot na tingin ni kay Marco, biglang tumigil ang kanilang paghinga. Nagpalitan sila ng tingin, bago sabihin nang m







