MasukPinagkaisahan si Audrey Santillan ng kanyang kapatid. Sa araw ng kanyang kaarawan ay inakala niyang ang kanyang kasintahan ang napagbigyan ng ng sarili ngunit estranghero pala ito. Makalipas ang limang taon, gamit ang bagong pangalan, bumalik siya upang ipaghiganti ang nangyari sa kanila ng kanyang kawawang sanggol. Iyon ay ang pakasalan si Marco Montezides, ang lalaking imbalido ngunit isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa. Ito rin ang half-brother ng kanyang dating kasintahang si Julian Montezides. Paano kung sa kagustuhan niyang makaganti, mayroon siyang mga matutuklasang hindi karaniwan? Lalong-lalo na sa isang misteryosong bilyonaro.
Lihat lebih banyak“Audrey, hija…” Sandaling napatigil si Audrey sa pagsusuklay ng kanyang mahabang itim na buhok sa harapan ng malaking salamin nang makarinig ng katok sa pintuan. Ang kanilang kasambahay iyon. “Nariyan ang kapatid mo sa baba at hinahanap ka.”
Sa narinig ay agad na lumapad ang ngiti sa mga labi ni Audrey. Kapagkuwan ay wala sa sariling tumulala at seryosong siyang tumitig sa salamin, sa kanyang mukhang hindi mahitsura dahil nasunog ito ng isang matapang na chemical. Ginapangan na naman siya ng insekyuridad, napakalayo nito sa kanyang dating mukha.
Dahil sa nangyari ay malimit na lamang niya kung tingnan ang sarili sa salamin, maging ang kanyang Kasintahang si Julian ay nandidiri sa tuwing magkasama sila nitong mga nakaraan.
Sino ba naman ang hindi mandidiri sa ganitong mukha? Kung hindi lang dahil sa anak niya at kay Julian, marahil ay winakasan na niya ang sariling buhay.
Inaasahan niyang sa tagal nilang magkarelasyon ay tatanggapin at mamahalin pa rin siya ng kasintahan sa kabila ng kanyang hitsura. Ngunit hindi, mali siya ng inaakala.
Napatalon si Audrey sa kinauupuan nang makarinig muli ng isang katok sa pintuan. Tumayo na siya at tumalikod sa salamin.
“Palabas na po, Manang…” malumanay at malambing na sagot ni Audrey habang naglalakad na sa may pintuan. Nang buksan niya ito ay matamis na ngiti ang iginawad niya sa kasambahay. “Kanina pa po ba siya?”
Nakangiting umiling ang ginang. Sinabi nito kay Audrey kung saan naghihintay ang kapatid nitong si Adriana. Hindi nawala ang ngiting tumango si Audrey. Nagagalak kasi siyang makita ang kanyang kapatid, ilang araw rin kasi silang hindi nagkita kaya sabik siyang makita ito!
Oo at may kasungitan si Adriana ngunit mahal siya nito, at mahal na mahal din siya ni Audrey. Kahit magkaiba sila ng ina, hindi nabawasan ni katiting ang pagmamahal niya rito.
Iniwan na siya ng ginang at hinayaang mag-isang salubungin si Adriana. Haplos-haplos ni Audrey ang kanyang malaking tiyan, napasinghap pa ito nang maramdaman ang pagsipa ng kanyang anak!
“Excited ka bang makita ang Auntie Adriana mo? Ako rin!” Kausap ni Audrey sa tiyan at humagikhik.
Ang sinabi sa kanya ng kanilang kasambahay ay nasa salas daw si Adriana. Ngunit nagulat si Audrey nang makitang nasa bukana ng engrandeng hagdanan ang kapatid at hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Julian, ang kanyang kasintahan at ama ng kanyang ipinagbubuntis!
“Julian! Adriana!” Puno ng kagalakang tawag-pansin nito sa mga ito.
Sabay pa ang dalawang napatingin sa kanya. Namilog ang mga mata ng mga ito at parang gulat pa na nakita siya.
“Julian! Akala ko ay hindi ka na magpapakita rito! Na-miss kita, na-miss ka rin ng baby natin!” Bahagyang naging emosyonal si Audrey na sinugod ng yakap ang kasintahan.
Nagbuntong hininga naman si Julian at halos masuka nang madikit sa kanyang balat ang madumi at pangit na balat ni Audrey. Kasabay ng pagkawala ng kagandanhan nito ay ang pagkawala din ng pagmamahal niya.
“Huwag mong mayakap-yakap si Julian!” Nagulat si Audrey nang marahas siyang hilahin ni Adriana palayo kay Julian, hatak-hatak nito ang kanyang kaliwang braso, ang mahahabang kuko ay bumaon sa kanyang balat.
“Adriana… nasasaktan ako!” Nasasaktang daing ni Audrey at pilit na binawi braso ngunit hindi ito binitawan ni Adriana, bagkus ay mas ibinaon pa nito ang kuko sa balat sa puntong dumugo pa ito!
Nanlilisik ang matang tumitig sa kanya ang kapatid. Uminit ang sulok ng mga mata ni Audrey dahil sa sakit. “Talagang masasaktan ka dahil isa kang malandi at nakakadiring nilalang! Ang dapat sa'yo ay nabubulok at inuuod sa ilalim ng lupa!” Pagkasabi niyon ni Adriana ay walang kemeng itinulak niya si Audrey pababa sa engrandeng hagdan.
Halos lumuwa ang mga mata ni Audrey sa pamimilog nang maramdaman ang sariling tumama sa bawat baitang ng hagdan. Ang kanyang malaking tiyan ay tumalbog-talbog at gumulong-gulong na parang bola.
Sa haba ng hagdan at sa dami ng baitang nito, ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang naramdaman ni Audrey ang paglapat ng katawan niya sa patag at malamig na sahig.
Hilong-hilo pa mula sa nangyari nang maramdaman ni Audrey ang matinding kirot sa kanyang puson. Para bang may kung anong gustong lumabas mula sa kanyang loob.
Halos hindi na niya magalaw ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit nito. Marahil ay may sugat din dahil kumikirot ngunit ang mahalaga ay ang sitwasyon ng bata sa kanyang sinapupunan!
Nalukot ang mukha ni Audrey nang muling maramdaman ang matinding kirot sa kanyang puson at balakang. May lumabas na kung anong mainit sa kanyang pagkababae, wala sa sariling sinalat niya ito gamit ang kamay at ganoon na lamang ang panginginig niya nang makita ang likidong kulay pula sa kanyang kamay!
‘Ang anak ko…’ usal ni Audrey sa isipan.
Hindi… ang baby ko! Ang anak namin ni Julian!
Bahagyang nagkaroon ng pag-asa si Audrey nang makita si Julian ilang metro ang layo sa kanya! Hindi nakatakas sa kanyang mga mata kanina ang pagbaba ng dalawa habang pagulong-gulong siyang nahuhulog sa hagdan.
Napakaraming katanungan ang nasa isip ni Audrey. Gusto niyang tanungin sa kanyang Ate Adriana kung bakit siya nito itinulak! Ngunit ang mas priyoridad niya ngayon ay ang kaligtasan ng kanilang anak.
Masakit man ang katawan ay sinikap ni Audrey na gumapang patungo sa kinatatayuan ni Julian. Hindi ito gumalaw na para bang nanonood lamang ng insektong gumagapang patungo sa mga paa nito.
Nang sa wakas ay marating na ni Audrey ang paanan ni Julian, agad niya itong niyakap.
“Parang-awa mo na, Julian. Tulungan mo ako, iligtas mo ang anak natin! Ang anak mo!” Hagulgol na pakiusap ni Audrey sa kasintahan. Nanginginig na ito sa sobrang sakit at sa dami ng dugong patuloy na umaagos palabas sa kanya.
Isang tikhim ang narinig niya kung saan. Kahit masakit ang ulo ay nagawa pa ring mag-angat ng tingin si Audrey upang tingnan iyon.
“Sinabi ko ng huwag mong hahawakan si Julian, hindi ba?! Gaano ka ba kabobo para hindi iyon maunawaan?” Halos umalingawngaw sa buong salas ang boses ni Adriana. “Mahal ko…” kapagkuwan ay malambing nitong inilingkis ang braso sa braso ni Julian, madrama nitong idinikit sa malapad nitong dibdib ang kanyang ulo. “Huwag ka ng mag-aaksaya sa batang iyan dahil hindi naman iyan iyo.”
Sa narinig ay puno ng pandidiri siyang tiningnan ni Julian. Nagtatagis ang bagang nitong marahas na binawi ang kanyang paa at saka walang pusong sinipa sa mukha si Audrey.
“Kailanman ay walang makatutulong sa isang pangit at malanding kagaya mo, Audrey. Lumayas ka sa harapan ko bago pa man madumihan ang mga kamay ko sa isang nakakadiring kagaya mo!” Galit na sigaw ni Julian.
Lumingon siya upang harapin ang nakangising si Adriana. “Honey, ayaw ko sa nakakadiring lugar na ito. Hihintayin kita sa sasakyan. Ikaw na ang bahala sa malanding babaeng ito.”
Laglag ang pangang sinundan lamang ng tingin ni Audrey ang papalayong likod ng kasintahan. Parang sinaksak ng kutsilyo ang kanyang puso at saka ito hinawa hanggang sa magkapira-piraso.
Ibang-iba na siya. Hindi ito ang lalaking kasama niya sa loob ng apat na taon. Nais pa siya nitong patayin!
“Nakakaawa ka naman, mahal kong kapatid…” Nang-uuyam na tinig iyon ni Adriana. “Huwag kang mag-aksaya ng panahon dahil hinding-hindi ka tutulungan ni Julian dahil akin siya! Iyang bastardong dinadala mo? Hindi niya anak iyan! Hindi siya ang ama!”
Matapos sabihin iyon, tumingin siya kay Marco ngunit hindi nangahas na magsalita. Pagkatapos ay ibinaling niya ang kanyang tingin kay Sierra. "Sierra, kung may ginawa kang mali, dapat magkaroon ka ng lakas ng loob na harapin ang mga kahihinatnan nito. Dinala mo ba si Marco rito nang sa ganoon ay hindi gaanong magalit ang inyong ama?""Hindi po ganoon ang intensyon oo, mama... I just want to clear things up. Kaya po ako lumabas nang gabing iyon ay upang pagbigyan sa una at huling pagkakataon ang taong iyon, sa pag-aakalang tatantanan na niya rin ako sa wakas. Subalit isa lamang pala iyong akala, dahil kalaunan ay pinilit niya ako kaya lumabas ang ganoong larawan."Kung tiningnan mo sa labas na pang-anyo, talagang makikita mong sinsero ang babae. Walang bahid ng kahit ni katiting na kasinungalingan. Purong katotohanan lamang. But Marco knows something she didn't know...."Sumama po si Marco hindi para inisin si Dad, kundi para linawin ang hindi pagkakaunawaan." Aniya."Hindi pagkakaun
Alam ni Sierra na tumigil na ang lalaki, at isang hakbang na lang ang layo mula sa dulo. Tumigil talaga siya nang sabihin niyang gagawin niya. Bagama't mayroon pa ring ilang nagtatagal na pagnanasa sa kanyang mga mata, ang kanyang ekspresyon ay bumalik na sa kalmado.Pambihira talaga ang klase ng pagpipigil ng lalaking ito. Kung iba sana ito, hindi niya lang alam.Sa kabila ng kanyang pagiging kalmado at kalmado, bigla siyang nakaramdam ng kaunting pagkabalisa.Tutulungan kaya siya nito sa pagkakataong ito?Iniunat ni Sierra ang kanyang paa at tinapakan ang mahaba at payat na mga binti ng lalaki, ang kanyang mapuputing daliri ay dahan-dahang gumalaw paitaas. "Iyon na 'yun?"Nakaupo ang babae sa ibabaw ng mesa, ang damit nito ay nakababa hanggang sa dibdib dahilan upang lumantad ang maputi nitong mayayamang dibdib. Ang kamay niya ay bahagyang nakatago sa kanyang likuran, bahagyang naka-bend ang kanyang katawan. Ang binti nitong mahaba ang at maputi ay nagpapahiwatig ng pang-aakit.Na
Hindi pumalag si Sierra, pero masakit talaga ang pagkakahawak nito. Ginamit pa ng lalaki ang kanyang kamay para itaas ang kanyang leeg, na para bang mababali na ito. Nagbago siya mula sa pagkakaupo sa pagluhod sa lupa, at iniunat ang kanyang katawan paitaas upang maibsan ang sakit sa kanyang leeg. Para ipakita ang kanyang sinseridad, tinitigan niya nang mariin si Marco at sinabi, "Mahal kita." Kahit alam niyang nagsisinungaling any babae, for some reason, ang marinig ang dalawang salitang galing mismo sa bibig nito ay nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya namamalayan na lumuluwag na pala ang kamay niyang nakahawak dito. Naramdaman ni Sierra na lumalambot ang kanyang paninindigan, at agad na sinunggaban ang pagkakataon, sumandal sa mga armrest ng wheelchair, umayos ng upo, at hinalikan ang mga labi nito. Napansin ni Sierra na napasinghap si Marco kasabay ng mata nitong nanlalaki. Ang malaman na ang isa ay hindi walang pakialam ay hindi nangangahulugang hindi naaantig.
Bahagyang umungol si Marco ngunit hindi man lang gumalaw.Umikot si Sierra sa likod ng lamesa sa may gilid ni Marco, hinila niya ang plato at tinusok ng tinidor ang isang hiwa ng pakwan. At saka niya ito inilapit sa labi nito.Tiningala siya ni Marco."It's sweet, taste it." Malambing na sinabi ni Sierra.Sinulyapan siya ni Marco sandali, pagkatapos ay binuka ang kanyang bibig upang kumain."Matamis 'diba?""Matabang."Ngumuso si Sierra at sunod na tumusok ng strawberry. "Ito, it's freshly picked from Baguio. Matamis 'to."Hindi sumagot si Marco. Kapagkuwan ay nagsalita ito. "May problema ba?""Bakit? Hindi ba kita pwedeng subuan ng prutas on a normal days?""Ang mga nag-aalok ng mga hindi hinihinging pabor ay either nagtaksil o nagnakaw."Natameme si Sierra."Kung wala ka ng ibang gagawin, makakalabas ka na." Ani Marco sabay balik ng atensyon nito sa binabasa.Inilapag ni Sierra ang tinidor sa platito, umupo siya at inilagay ang dalawang kamay sa armrests ng wheelchair. "May gusto sa


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak