Chapter 1
CHLOE'S POV "So ngayon nakilala mo na ako, Bunny?" namilog ang aking mata sa pag kagulat na makilala ang boses ng guwapong lalaki sa harapan ko. Malawak ang ngiti sa labi nito at kusa na akong nanlambot na mapa-salampak sa malamig na sahig na hindi pinu-putol ang titig sakanya. Namutla ang labi ko at pinag-pawisan ng malamig, na para bang naka-kita ng multo sa aking nakikita, Imposible! Siya ang naka-talik ko no'ng gabing iyon? Hindi pwede. Hindi siya iyon. Kahit itanggi ko man sa aking sarili na hindi siya iyon ngunit klarong-klaro sa akin ang kanyang boses. Yumuko ito at nilapit pa ang mukha sa akin para mag kapantay kami ng titig na dalawa. Nanikip ang dibdib ko sa simpleng pag-lapit nito na ilang inches na lang ang lapit ng mukha namin. Kahit may distansya man ang katawan namin sa isa't-isa damang-dama ko pa din ang kakaibang bultahe na nanalaytay sa katawan ko sa simpleng pag-lapit nito. "Ngayon nakilala mo na ako?" Pag tutuksong nilapit pa nito ang sarili. Amo'y na amo'y ko ang mamahalin nitong pabango na mag patuyo ng aking lalamunan. Bago pa tuluyan ma hypnotismo ako sa mata nito; umiwas na ako ng tingin. "H-Hindi kita kilala. B-Baka nag kakamali ka lang ng akala," tumayo na ako sa kina-uupuan at inayos ko na rin ang bitbit kong mga libro na tumilapon. Hindi ko na hinintay pa itong mag-salita at kumaripas na ako ng takbo palayo sakanya. Sobrang lakas nang pintig ng aking puso at kahit naka-talikod man ako ramdam ko pa rin ang pag sunod nitong pag tingin sa akin. Hini-hinggal ako na maka-rating sa comfort room at sinarhan ko na kaagad ang pintuan, mabuti na lang at walang ibang tao bukod tangi lang sa akin. Nanghihina akong napa-hawak sa sink at tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Kahit naka-layo na ako, sobrang lakas pa rin ng pintig ng aking puso. "N-No,no. This is not happening," paulit-ulit kong bigkas sa sarili ko. "H-Hindi ako pwedeng mag kamali, siya iyon. S-Siya ang lalaking iyon," maluha-luha na ang mata ko na hindi alam ang gagawin. "A-Anong ginagawa niya dito? N-Nakilala niya ako." Kulang na lang dumugo na angibabang labi ni Chloe sa higpit na pag kakakagat doon. Nanatili pa si Chloe ng ilang minuto sa restroom bago bumalik sa room na susunod niyang subject. Palingon-lingon pa si Chloe sa bawat kasulok-sulokang campus, daig niya pa ang mag-nanakaw na pasilip-silip na may tinataguan. Natatakot siya na baka maka-salubong niya na naman muli ang lalaki kanina. Aatakehin ata ako sa puso nito kapag nag kaharap kaming dalawa muli. Matagumpay akong naka-rating sa room sa susunod naming subject. Sakto naman na pag dating ko doon, wala pa naman ang Professor namin kaya't naka-hingga ako ng maluwag. Maliit ang tyansa na mapapagalitan ako na ngayo'y nalate sa subject nito. Luminga-linga pa ako na pumuslit papasok sa klase at hinahanap ko ang pinsan ko. Mabilis ko naman kaagad nakita si Nadya na kumaway ito at naka-ngiti sa parteng likuran. May tinuturo pa si Nadya sa akin na nereserba nitong upuan para sa akin. Yumuko na lang si Chloe na nilalampasan ang iba ko pang mga kaklase sa ibang department para puntahan ang piniling pwesto ni Nadya. Yakap-yakap ko na ang mga libro at ilang gamit kong bitbit at naka-busanggot na dahil pinili ba naman na pwesto, sa likuran. Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ni Chloe na maupo sa likurang bahagi dahil maiinggay doon at pinipili ng ibang mga studyante na pumwesto sa tagong bahagi para makipag-chismisan sa kanilang mga kaibigan. Gusto niya sanang maupo sa unahan para makapag- focus talaga siya sa mga discussion ng kanilang Proffesor at ayaw niya ng distruction. "Late ba si Mrs Cheska?" Iyon kaagad ang tinanong ko kay Nadya na maupo sa tabi niya. "Gaga, late ka lang." Sanay na si Chloe sa pag babara at pag tataray ng pinsan. Ganun talaga ang ugali nito minsan prangka at sanay na siya sa mga pabiro nito. "Kanina pa kaya dumating si Mrs, Cheska kaso bago matawag ang pangalan mo. Pumunta dito ang isa sa mga head at pina-punta siya sa Office. Mukhang importante." Kina-tango ko naman ang sinabi nito at inayos ko na ang mga gamit ko sa desk. Ilang minuto na pag hihintay. Ang mga kaklase kong maiinggay biglang tumahimik nang pumasok si Mrs. Cheska. “Listen everyone, I will introduce to you a new transferee who will join my class this third quarter of the 1st semester. He is from the states and you welcome him now, in my class. Pwede kanang pumasok." Anunsiyo ni Mrs. Cheska at lahat naman ng mga kaklase ko naka-abang kong sino man iyon; bukod tangi lang kay Chloe na hindi interesado sa mga nangyayari. Sunod ko na lang narinig ang yabag ng paa na pumasok. "Hi!" Ang malamig na boses nito ang nag panigas ng buong katawan ko na marinig iyon. "I'm Taurus Ridge Dawson," Binitawan ni Chloe ang binabasa ngayon na libro at wala sa sariling napa-baling sa unahan. Nag danak ang malamig na pawis sa aking buong pag katao at hindi makapaniwala sa aking nakikita na makilala kong sino iyon. Kundi ang lalaking naka-bunggo ko kanina. Ang lalaking naka-siping ko dalawang araw na ang nakaka-lipas. Anong? Anong ginagawa niya dito? Anong nangyayari. Maraming mga katanungan sa isipan ko ng sandaling ito at hindi ko alam kong ano ang nangyayari. Naka suot din ito ng black pants and white uniform kagaya nang mga studyante dito sa University. Maganda ang kanyang tindig at base pa lang sa kilos at galaw, galing ito sa mayaman na angkan. Makinis at mamula-mula ang kanyang kutis. Matangos ang Ilong, makapal na kilay at literal talagang guwapo na katitilian ng lahat. He looks like someone who is a manga character Iyong mga maanggas na lalaki at malakas ang sex appeal. Ang iba ko naman na mga kaklase na mga babae; hindi maitago ang kilig na makakasama namin sa klase ang mala-anghel na taglay na lalaking ito. I am a woman and I also know the types of men that women like. "I want you to be nice and kind to him. He is the eldest son of Sebastian Dawson the founder and owner of this University." Lumakas pa lalo ang bulong-bulongan ng mga kaklase ko at kahit na rin sila hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Isa sa anak ni Mr. Dawson ang makakasama namin. "I'll find you an empty seat for you Mr. Dawson. let see," Mrs. Cheska just to find an empty seat in the whole class. "Ahh, you can sit in the empty seat next to Ms. Chloe Valdez," all my classmates turned to look at me and they all had envy in their eyes that next to me in the seat was the very handsome man slash, son of the owner of this University. Nag katitigan kami sa mata ni Taurus at iyon na ata ang pinaka-mahabang sandali sa buhay ko na mag tama ang aming mga mata. Shit! Paktay na! "Pwede kanang maupo sa tabi ni Ms. Chloe Valdez," pasunod ni Mrs. Cheska kay Taurus. Hindi na ata humihingga si Chloe, na sandaling nag lakad na si Taurus papunta sa kinaroroonan ko. Napaka-bilis na rin ang pintig ng aking puso at anumang segundo hihimatayin ako. Pinaparusahan ba ako ng diyos? Of all people bakit sya pa? Bakit siya pa? Bakit katabi ko pa? Matagumpay na naupo si Taurus sa tabi ko at hindi ko magawang lingunin o kaya naman igalaw ang aking katawan. Literal na na stiff neck na ako sa paninigas ng katawan ko. Sobra pa din akong kinakabahan at namumutla sa kirami-raming nangyari. Nag simula na si Mrs. Cheska na mag discuss. Pasulyap-sulyap si Nadya sa akin at nanadya na nilapit ang mukha para may ibulong . "Bakit namumutla kana, Chloe. Crush mo siya, ano?" Pag tutukso pa ng pinsan. Yawa! Tumigil kana. "Crush mo si Tauru—-" bago pa matapos ni Nadya ang sasabihin at sinipa ni Chloe ang paa ni Nadya na mapa-bungisngis pa ang pinsan na nilayo ang sarili sa akin. Yawa! Nakaka-hiya! Sa lakas ba naman ng boses nito, imposible na marinig iyon ni Tauruz. Gusto ko na siyang sakalin. Inirapan na lang ni Chloe ang pinsan at nag pa cute pa ito kay Tauruz bago tinuon ang atensyon sa klase. Hindi ko alam kong paano ko na survive ang 3 hours na subject ni Mrs. Cheska na hindi nililingon si Tauruz. Panaka-naka ko itong nahuling tumitig sa akin; at gusto ko na lang mag palamon sa lupa. Pinag papawisan na ako ng malagkit at gusto ko na lang kusang mag laho. Nauna ng lumabas sa silid si Mrs. Cheska at nag sitayuan na rin ang iba ko pang mga kaklase. Tumayo na rin kami ni Nadya at kusang nag sitayuan ang balahibo ko sa katawan ng tumayo na rin si Tauruz, seryoso at tahimik lamang ito sa buong klase pero kahit ganun, ramdam ko ang malagkit nitong titig sa akin. Kinuha ko na ang mga gamit ko; ramdam kong lalapitan ako ni Tauruz, kaya't binilisan ko na ang pag ligpit at iniwan na si Nadya na hindi ko naman araw-araw na ginagawa na iwan ito. Rinig ko pa ang pag tawag sa akin ng pinsan ko at hindi ko na kina-lingon, bagkus binilisan ko na lang ang pag lakad ko: Ang gusto ko lamang tuluyang maka-layo sakanya, hanggang tumigil ako sa parteng likuran ng Campus. Hinahabol ko na ang aking pag-hingga. Daig ko pa nakipag marathon para lamang layuan si Tauruz. Sinapo ko na ang noo ko at hindi makapaniwala sa aking ginawa. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Chloe?" Pinapagalitan ko pa ang sarili ko. Ilang minuto ako nag hintay sa likod at sinisiguro ko talaga na tuluyan na hindi ko na ito makikita. Hinakbang ko na ang paa ko pabalik para hanapin ang pinsan ko. Tiyak bubungangaan na naman siya nito sa pag-iwan ko sakanya. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad hanggang may isang bagay na nag paagaw ng atensyon ko na makita ang dalawang bulto ng tao na nag lalakad medyo may kalayuan sa akin. Huminto ako at nakapako lang ang titig ko sa dalawang mag kasintahan at napaka-sweet nila. May kirot sa aking dibdib na makilanlan kong sino iyon. Kundi si Bernard, kasama nito si Tasya ang leader ng cheering squad. Nanikip ang aking dibdib at pamumuong luha sa aking mata na mag halikan silang dalawa at kusa ko nang nabitawan ang hawak kong libro; kasabay ang pag agos ng luha sa aking pisngi. Bakit? Bakit ang sakit pa rin ng puso ko?Final ChapterCHLOE'S POV"Bilisan na ang lalakad niyo riyan, at baka kanina pa nag hihintay sa atin sila Taurus." Binilisan pa ni Mama ang kanyang pag lalakad na nag mamadali, samantala naman kami ni Papa naka sunod lang sakanya na mabagal lamang. Sa kabilang balikat naman ni Mama naka sabit ang paborito niyang bag na parati niyang dinadala at sabay lingon sa likuran, para tignan kong binilisan na rin namin ang pag lakad namin. "Oh, ano Chloe, nag text na ba sa'yo si Taurus? Asan na ba daw sila?""Kaka text lang Ma, na doon na lang natin sila hintayin sa parking lot at papunta na rin sila doon." Tugon ko na lang na hindi inaalis ang mata ko na naka tingin sa cellphone na hawak ko, binabasa ang pinadala pa lang na mensahe ni Taurus.Napapa ngiti na lang ako na binabasa iyon at ini-scroll na tignan ang sunod niyang mensahe na pinadala."Kahit na, bilisan niyo na sa pag lalakad niyo at nakaka hiya naman kong pag pahintayin pa natin ang mga magulang niya ng matagal." Sita na lamang sa am
Chapter 76CHLOE'S POVNapa yakap na lang ako sa aking sarili na humampas na lamang ang malamig na hangin sa aking katawan. Bumuntong-hiningga na ako ng malalim at inayos ang pag kakasabit ng sling bag na naka sabit sa aking balikat, na pinag patuloy na lang ang pag lalakad ko.Alas syete ng gabi ang tapos ng huli kong subject kaya't konti na lang ang mga tao sa Campus, iilan na lang sa ilang estudyante umuwi na.Ilang parte ng area ng Apollo University, nilamon na nang dilim at iilan na lang na building at floor ang naka bukas na mga ilaw at yayakap na lang talaga sa'yo ang katahimikan ng paligid. Nag patuloy na lang ako sa pag lalakad at ang mga kaklase kong kasabayan ko sa pag labas kanina, mas nauna na silang mag lakad sa akin dahil sa kanya-kanya nilang kasama ang kanilang mga kaibigan.Tahimik lamang akong nag lalakad mag isa hanggang mapa daan ako sa napaka lawak na field, at limang minuto na lang ang lalakarin ko bago maka rating sa mismong gate kung saan doon na lang ako mag
Chapter 75NADYA'S POV"T-Taurus." Nauutal ko na lang na salita at aaminin kong dinapuan rin ako ng matinding takot at pangamba sa dibdib ko na makita ang madilim at nakaka takot niyang itsura ngunit hindi ko na lang pinahalata iyon.Lumunok na lang ako ng laway at hindi pinakita sakanya na natatakot ako at sa paraan na iyon, hindi niya ako madaling ma kontrol.Hindi niya madaling makita na mahina ako."Oh bakit, ang talim naman ata ng titig mo sa akin? Hindi mo ba ako na-miss, Taurus? Kasi ako, miss na miss na talaga kita." Akma ko na sanang hahaplusin ang kanyang pisngi subalit bago ko pa magawa iyon nang malakas niyang diniin na lang sinampa nang makakas ang likod sa malamig na pader kaya't napa ungol na lang ako sa sakit."Fuck! Hindi ka pa ba titigil diyan sa ginagawa mo, Nadya? Huwag mong sagadin ang natitira kong pag titimpi sa'yo at baka hindi mo magustuhan ang maari kong gawin sa'yo!" Asik niya na lang na may pag babanta, na ang mata'y kong puno ng saya ngayon napalitan ng pa
Chapter 74CHLOE'S POVNapaka-kagat labi na lamang ako na napa tingin sa repleksyon ko sa hawak kong round mirror. Gamit lamang ang foundation tinakpan ko ang bahagyang pangingitim ng ilalim ng mata na walang anumang sapat na tulog at pamumugto na rin ng mata sa walang humpay na pag iyak.Tumitig ako muli sa salamin at pansin mo ang bahagyang pamumutla ng mukha ko na wala kanang makikita pang anumang bakas pa ng saya.Wala na ang masayahin na Chloe.Ang Chloe, na palaging naka ngiti.Sinarhan ko na ang hawak kong mirror at sinilid na rin iyon sa dala kong sling bag para makapag patuloy na mag lakad pababa ng hagyanan. Linggo ngayon at balak kong pumunta muna sa Mall para mag libang muna saglit, dahil sa tuwing nag kukulong at nag mumukmok na lamang ako sa kwarto ko mag hapon, hindi ko mapigilan na naman ang sarili kong maiyak na naman.Hindi ko mapigilan ang sarili kong maalala na naman ang sandaling mag papanikip ng dibdib ko.At sandali lamang na mag bigay kirot at sugat sa puso ko.
Chaptee 73.2ELISSE'S POV"Good morning Mam Elisse.""Good morning Mam." Iilan lamang iyan sa bumabati sa akin na mga katulong na pababa pa lang ako ng hagyan. Pinagandahan at pinaartehan ko pa ang paraan na pag lalakad ko, sabay hawi ng red orange curly hair.Sa bawat pag yabag ko ng hagyan nakaka gawa na lamang iyon ng tunog sa high heels kong suot. Pormang-pormahan ang ayos ko ngayon na suot lamang ang off-shoulder puffed dress at nag lagay rin ako ng simpleng make-up sa na lumabas ang kagandahan ko pa lalo. Sa kaliwang kamay ko naman hawak ang chanel bag na binili ko lamang last week kaya't hindi na talaga maalis ang matamis na ngiti sa aking labi dahil mag hang-out kami ng mga friends ko.Pag baba ko pa lamang ng hagyan naabutan ko na si Mommy na naka tayo sa malawak namin na living room. Hindi na siya mapakali na, naka lagay naman sa kabila niyang taenga ang cellphone na para bang may tinatawagan na hindi na siya mandaugaga lamang sa pag aalala.Dinaraanan ko lamang ng tingin si
Chapter 72CHLOE'S POVTulala lamang akong nag lakad palabas ng Campus at nilalampasan lamang ang bawat estudyante na maka salubong ko sa daan. Napaka lalim ng aking iniisip at napaka bigat na nang aking dibdib sa mga nalaman ko kanina na nag bibigay sakit at kirot sa aking puso. Namanhid na ang buong katawan ko at uminit na ang sulok ng aking mga mata na gusto ko nang humagolhol ng pag iyak ng sandaling iyon subalit tinatatagan ko na lamang ang sarili ko na hindi maiyak.Ayaw kong makita nilang lahat na umiiyak ako.Ayaw kong ipakita sa kanilang lahat na nasasaktan ako.Binilisan ko ang yabag ng mga paa ko para makaalis kaagad sa lugar na ito.Gusto ko nang mag pakalayo-layo sa kanilang lahat para mailabas ko lahat ng sakit at nag papabigat sa puso ko.Ayaw ko na.Sobrang sakit na.Bakit mo ito ginawa sa akin, Taurus? Bakit?Tuminggala na lamang ako para pigilan na pumatak na lamang ang luha sa mga mata ko, na buong higpit ko na lamang hinawakan ang straps ng sling bag ko na binibi