Share

Chapter 2 Emergency Pills

Author: Harte Miller
last update publish date: 2026-10-15 12:49:24

Magulo ang isip ni Klaire nang makauwi siya. Sa sobrang pagmamadali, hindi na niya naisipang magpaalam kay Sofia. Isa pa, pakiramdam niya ay sobrang lagkit ng katawan niya. Hindi niya alam kung pawis ba iyon o iba pa, kaya agad siyang dumiretso sa bathroom para maligo.

Nang maghubad siya, napasinghap siya nang makita ang katawan. Makinis at maputi ang kanyang balat kaya kitang-kita ang mga markang iniwan ni Wade, lalo na sa kanyang dibdib.

Hindi na niya kailangang balikan ang mga nangyari para malaman kung gaano iyon kapusok. Hindi niya inasahan na ang Wade na palaging presentable sa suit and tie ay ganoon pala sa kama.

Marahas na pinilig ni Klaire ang ulo at binuksan ang shower. Kinuskos niya ang mga marka sa katawan, umaasang matatanggal ang mga iyon sa tubig. Ngunit nang yumuko siya, lalo siyang nahiya at natakot nang maalalang hindi man lang gumamit ng condom ang lalaki.

Hindi niya alam kung ilang beses silang nagsiping kagabi, kaya bibili na lamang siya ng morning-after pill mamaya para makasiguro.

Matapos magbihis, naghanda na siyang umalis para pumunta sa pharmacy. Hindi pa siya nakakalayo nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nang makita niyang si Sofia ang tumatawag, agad siyang naalarma.

Marahil ay napansin na nitong wala siya sa bahay. Hindi lang niya alam kung nalaman na rin ba nito ang nangyari sa kanila ng kuya nito.

Kinakabahan man ay sinagot na rin niya ang tawag.

“Hello, Klaire, nasan ka? Kanina pa kita hinahanap! Hinanap din kita sa doghouse pero wala ka naman doon. Saan ka ba pumunta?” nagpapanic na tanong nito.

Kinagat ni Klaire ang ibabang labi habang nag-iisip ng isasagot. Mukha namang wala pa itong alam sa nangyari. Kung alam na nito, iyon na sana ang unang itinanong nito sa kanya.

“Nakauwi na ako,” tipid niyang sagot. “Sorry, hindi na ako nakapagpaalam. Nagkaroon kasi ng emergency…”

“No, it’s fine. Buti na lang nakauwi ka na,” agad na sagot ni Sofia. “Nag alala lang ako kasi baka kung saan kita naiwan kagabi.”

Napangiwi si Klaire dahil doon. Parang mas mabuting kung saan na lang siya iniwan nito kaysa sa silid ng kuya niya.

“Huwag ka nang mag alala. Okay lang ako.”

“So saan ka nga natulog kagabi?” pangungulit ni Sofia.

Agad na nagflashback sa isip ni Klaire ang mga nangyari kagabi dahil sa tanong na iyon. Bawat haplos, bawat yakap, bawat halik, at bawat galaw ni Wade sa ibabaw niya ay sunod-sunod na bumalik sa kanyang isip. Lalong nag init ang pisngi niya nang tila naririnig niya pa ang paulit-ulit na hiyaw at ungol nilang dalawa.

“Ha? Ah… O-okay lang ako. Nakatulog ako nang… maayos,” nauutal na sagot niya sa kaibigan.

Marahas na bumuntong-hininga si Sofia sa kabilang linya. “Buti naman! Akala ko ay napabayaan kita.”

Sa kabilang linya, si Wade na nakikinig sa usapan nilang dalawa ay napataas ang kilay. Nakatulog nang maayos? Ibig sabihin ba nito ay nasatisfy at nasarapan ito?

Walang alam si Klaire na nasa tabi lamang ni Sofia ang kuya niya. Nagmadali na siya at nagpaalam dahil kailangan na niyang bumili ng pills.

“Sige na, Sofia. Kailangan ko nang umalis. May gagawin pa kasi ako. Itetext na lang kita.”

Hindi na hinintay ni Klaire ang sagot ng kaibigan at mabilis na pinatay ang tawag. Nakahinga siya nang maluwag nang mapatunayang wala pang alam ito sa mga nangyari. Nang oras na iyon ay agad din siyang umalis.

Samantala, binalik na ni Sofia ang cellphone sa kanyang bulsa. Saka lamang niya napansing nakatayo pa rin ang kuya niya sa kanyang harapan kaya nangunot ang kanyang noo.

“Anong ginagawa mo, kuya? Nakikinig ka ba sa usapan namin?”

Wade raised an eyebrow. "Have you ever seen anyone eavesdrop so openly?"

Sofia rolled her eyes. Sasagot pa sana siya nang may mapansin siya. May mga pulang marka sa leeg ng kuya niya.

"What happened to your neck?"

Agad na dumapo ang kamay ni Wade sa kanyang leeg at sinalat iyon. Nakaramdam lamang siya ng hapdi roon kaya nangunot ang kanyang noo. A memory from the night before flashed through his mind.

Ang namumula nitong mukha, ang nangingilid nitong luha sa mga mata, kung paano ito nagmakaawa sa kanyang tumigil siya… ngunit nang pareho na silang mawalan ng kontrol ay hindi na rin niya nabilang kung ilang beses bumaon ang mga kuko nito sa kanyang balat, leaving behind the marks.

Umangat ang sulok ng labi ni Wade. "Stray cat."

Napakurap nang mabilis si Sofia. "What? Pusa? Nasan?”

Napailing na lamang si Wade at tinulak na ang kanyang kapatid. “Bumaba ka na. Istorbo.”

Bago pa magtanong muli si Sofia ay sinara na ni Wade ang pintuan kaya napanguso siya. 

"Jerk!"

Sa loob, ginala ni Wade ang paningin sa mga kalat na naiwan kagabi. Saglit pa siyang tumayo roon at pinagmasdan ang mga kalat sa buong silid. The sheets and bedding were beyond saving. He gathered them together, bundled them up, and tossed them into a trash bag.

Natigilan siya nang makita ang red stain sa bed sheet. He picked up the sheet and studied it for a moment. Unti-unting sumungaw ang ngiti sa kanyang labi. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang itapon na lamang iyon kaya tinupi na lamang niya at tinago sa cabinet.

Habang inaayos niya iyon ay may nalaglag na kung ano sa sahig. Nang pulutin niya iyon ay tumambad sa kanya ang isang jade necklace. He turned it over in his hand. The pendant was shaped like a delicate teardrop, cool against his fingertips.

Nanliit ang kanyang mga mata. Nalaglag kaya niya ito?

"Careless,” bulong niya habang hindi na matanggal ang ngisi na iyon sa kanyang labi.

He closed his fingers around the necklace at nilagay iyon sa bulsa niya.

***

Ramdam pa rin ni Klaire ang sakit sa pribadong parte niya nang makarating sya sa pharmacy. Maya maya pa ay lumabas na ang pharmacist at inilahad sa harap niya ang iba’t ibang klase ng ointments.

“May iba-ibang klase ng ointment depende kung saan mo ilalagay. Saan ba ang masakit?” marahang tanong sa kanya nito.

Between the emergency contraception and the ointment, the answer was obvious enough.

Muling namula ang mukha ni Klaire. “Para lang… sa pananakit.”

Tila sanay na ang pharmacist sa mga customer na nahihiya kaya tumango na lamang ito at ito na rin ang pumili ng ointment para kay Klaire. Pagkatapos ipaliwanag kung paano gamitin ay binigay na ito sa kanya.

"Subukan mo ring huwag masyadong mag rely sa emergency pills. Kung sexually active ka naman, paggamitin mo na lang ng condom ang nobyo mo."

Klaire’s cheeks grew even hotter. "Thank you."

Mabilis niyang kinuha ang paperbag at umalis na. Nang makauwi ay mabilis niyang ininom ang pills. Pagkatapos ay nag apply ng ointment bago siya nagbihis muli. Pagkatapos non ay saka lamang tila kumalma ang kanyang dibdib.

Nagluto lang siya ng ramen at kumain sa kitchen counter. Nang matapos siya ay muli niyang naramdaman ang labis na pagod kaya bumalik siya sa silid at ibinagsak ang sarili sa kama.

Habang inaayos niya ang kumot sa kanyang katawan ay nakaramdam siya na parang may mali. Walang malay na kinapa niya ang kanyang leeg ngunit wala siyang makapa roon kaya nanlaki ang kanyang mga mata.

Tuluyan nang nawala ang kanyang antok dahil roon.

"Oh, no."

Her necklace was gone.

Napaupo si Klaire at agad na nagpanic. Binigay ito noon sa kanya ng kanyang ina upang magsilbing tanda ng nalalapit niyang kasal na inarrange ng kanyang lolo years ago. If she remained unmarried at twenty-five, the other family could formally ask for her hand, or she could return the necklace if she refused.

Bihira niya itong isuot dahil na rin sa importansya nito, ngunit sigurado siyang suot pa niya ito bago pa mangyari ang birthday party ni Sofia. Hindi niya akalain na mawawala niya ito. When had it fallen off?

Inisa-isa ni Klaire ang mga nangyari at agad na naisip na baka nawala ito sa bahay ng kaibigan. Her face burned. Kung sa bahay ni Sofia niya ito nawala, siguradong naroon pa ito.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nagtipa ng mensahe para sa kaibigan.

Klaire: Sofia, nawawala ko yung kwintas ko. Puwede bang tingnan mo kung nandyan sa inyo? Ito yun.

Sinend niya ang picture ng kwintas nang sa ganon ay hindi mahirapan si Sofia sa paghahanap.

Agad na nagreply ang kaibigan niya.

Sofia: Sure! Hanapin ko.

Klaire: Thank you. Sorry sa abala

Sofia: No worries! Ikaw pa ba!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 8 Ang Pagkakaibigan Ni Klaire at Sofia

    Pagkatapos ng trabaho, niyaya ni Sofia si Klaire na mag shopping. Naalala ni Klaire ang plano niyang hanapin ang nawawalang kuwintas kaya agad siyang pumayag. Pagkakita pa lang sa kanya ni Sofia, niyakap na siya nito at mapaglarong kiniliti sa baywang.“Klaire, paano ba naging ganito kaganda ang katawan mo? Iniisip ko kung sinong masuwerteng lalaki ang makakatuluyan mo!”Sa tuwing naiisip ni Sofia na maaaring mapagsamantalahan ng kung sinong lalaki ang mahinhin at mabait niyang matalik na kaibigan, hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding selos.Siyempre, wala siyang kaalam-alam na napagsamantalahan na pala ng sarili niyang nakatatandang kapatid ang matalik niyang kaibigan. At halos siya pa mismo ang naghatid kay Klaire sa mga kamay nito.Napatawa si Klaire habang patuloy siyang kinikiliti ni Sofia. “Sige na, tama na! Hindi ba't mamimili tayo? Tara na!”Sa wakas, binitiwan siya ni Sofia. “Sige na nga!”Pagkatapos, bigla itong natigilan nang may maalala. “Siya nga pala, nahanap mo

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 7 Masakit Pa Ba?

    Napatitig si Klaire sa number na ipinapakita ni Wade.“Linawin ko lang po, kung may ipapagawa kayong ilegal, hindi ako interesado.”Nanatiling seryoso ang mukha ni Wade, pero may bahid nang katuwaan sa mga mata niya. At least, may prinsipyo naman pala ang dalaga.“Relax. Sumusunod ako sa batas. Wala akong ginagawang ilegal.”Oo nga, naniniwala ako sa'yo, sarkastikong naisip ni Klaire.Bahagyang itinaas ni Wade ang cellphone niya at nginisian siya nito.“Well?”Kinagat ni Klaire ang labi niya bago tuluyang inilabas ang cellphone at sinave ang numero ng lalaki.Golden retriever ang profile picture ni Wade sa iMessage, at Waffle lang ang contact name nito.Pangalan ba ng aso niya iyon? tanong niya sa sarili.Samantala, sinusuri naman ni Wade ang profile picture ni Klaire. Isa iyong cartoon character na napakapangit. Parang naaalala niyang nakita na niya iyon sa anime na pinapanood noon ng anak ng kapitbahay nila. At naroon nga ang pangunahing karakter, nakatitig sa kanya.Sobrang pangit.

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 6 Six Rounds

    Sa pagbabalik-tanaw niya, halos nakahinga siya nang maluwag dahil hindi siya gumawa ng eksena sa bahay ng mga Valencia. Kung hindi, baka mas malala pa ang naging gulo.Tumigil ang mga daliri ni Wade sa paglalaro ng ballpen. Halos hindi mahahalata ang bahagyang pagsalubong ng mga kilay niya. Hindi pa nga siya tapos komprontahin ni Klaire, pero itinuturing na nitong simpleng pagkakamali ang lahat.Akala ba nito, ganoon lang kadaling umalis na parang walang nangyari?Bahagyang ngumiti si Wade, pero hindi pa rin mabasa ang ekspresyon niya.“Ang ibig mo bang sabihin, tatawagin na lang nating aksidente ang lahat at magpapanggap na walang nangyari? Ganoon lang?”Hindi sumagot si Klaire.Anong sinasabi nitong pagiging inosente? Kung umasta ito, para bang isa itong inosenteng ginoo. Pero sapat ang naaalala niya para malaman na hindi naman ito tumutol nang husto sa nangyari.Sa totoo lang, nagulat siya sa kumpiyansa at husay nito noong gabing iyon. Gayunpaman, halata namang balak siyang pagbaya

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 5 Isang Halimaw na Nagpapanggap na Tao

    Kasalukuyang nasa elevator si Klaire patungo sa ikaapatnapung-palapag ng building.Nasa palapag na iyon ang mga opisina ng mga executive, kabilang ang pribadong opisina ng presidente, ang opisina ng kanyang assistant, at ang conference room.Unang beses pa lang ni Klaire sa palapag na iyon, kaya hindi niya alam kung saan ang eksaktong opisina na dapat nyang puntahan. Mabuti na lang at nakita niya si Ryan, ang assistant ni Wade, kaya agad niya itong nilapitan.“Excuse me, Sir Ryan. Puwede ko bang malaman kung nasaan ang opisina ni boss?”Nang makita siya ni Ryan, tumango ito. “Miss Mondragon, sumunod ka sa akin.”Sumunod siya rito sa pasilyo hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang malaking pintuang may dalawang panel.“Nasa loob ang CEO. Pumasok ka na.”Nag-alinlangan si Klaire bago nagtanong, “Sir, alam n'yo ba kung bakit niya ako ipinapatawag?”Sandaling nag-isip si Ryan. “Hindi ako sigurado, pero mukhang masama ang timpla niya ngayon. Mag-ingat ka na lang sa sasabihin at gagawin

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 4 The CEO's Office

    Nakaupo si Klaire sa kanyang workstation, mabilis pa rin ang tibok ng puso habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari kanina. Paano ba naman siya napunta at bumangga mismo kay Wade sa lahat ng tao? Ngayong nakilala na siya nito, wala na ba talaga siyang takas sa kapalaran niya?Bahala na. Isa-isa na lang niyang haharapin ang mga mangyayari. At worst, puwede naman siyang mag-resign at lumipat ng trabaho. Lumayo na lang siya nang tuluyan.Habang nag-aalala si Klaire, sunod-sunod naman ang mga chismis sa company group chat. Biglang tinapik siya sa balikat ng isang katrabaho."Klaire, bilis, tingnan mo yung company group chat.""Pagdating ng CEO kanina, may babaeng dumiretso at sumubsob sa mga bisig niya! May nakakuha ng picture at pinost sa group chat!"Ano? Na-post ang picture sa company group chat?Kumibot ang talukap ng mata ni Klaire. Agad niyang kinuha ang phone niya at binuksan ang company group chat. Bumaha ang messages. Ilang sandali siyang nag-scroll bago niya

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 3 Ang Pinakamagandang Empleyado sa Marketing Department

    Nagsimulang maghanap si Sofia sa lahat ng guest room. Mula loob hanggang labas, pati bawat sulok ng sala at hagdan ay hindi niya pinalampas, pero hindi pa rin niya makita ang kuwintas na sinabi ni Klaire kaya’t sinabi niya ito sa kaibigan.Nag-atubili si Klaire na magsalita habang iniisip sa sarili, hindi kaya nahulog iyon sa kwarto ni Wade?Tutal, doon naman siya pinakamatagal na nag-stay. Pero paano niya hihilingin kay Sofia na pumasok sa kwarto ni Wade at hanapin iyon? Hindi ba parang siya na rin ang naglantad ng sikreto niya?Forget it. Kailangan niyang humanap ng ibang paraan.Either makakahanap siya ng paraan para makapunta ulit sa bahay ni Sofia at palihim na makapasok sa kwarto ni Wade para hanapin ang kuwintas, o... diretsuhin na lang kaya niya ang lalaki?Hindi napigilang kuskusin ni Klaire ang kanyang sentido dahil sumasakit na ang ulo niya. Palihim siyang umalis habang tulog pa si Wade noong umaga. Kung pupunta siya ngayon diretso sa lalaki, hindi niya alam kung anong klas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status