Chapter: EpilogueThe Girl in the VideoTatlong buwan ang lumipas mula nang tuluyang mawala sa posisyon si Nathan.Nagsimula nang bumalik sa normal ang buhay ni Hestia. Muli siyang nakapagtrabaho bilang modelo at unti-unting nakabangon ang Lumen matapos ang naging kontrobersiya. Hindi na rin siya hinahabol ng mga reporter tulad noon.Sa wakas, nakakalabas na siya nang hindi kailangang magtago. Ngunit may isang bagay pa rin na hindi niya tuluyang makalimutan. Ang video.Kahit napatunayan nang may manipulation sa footage, hindi pa rin nila natukoy kung sino talaga ang babaeng nasa ilang bahagi ng video. Hanggang sa isang araw.“Ma?”Napatingin si Hestia kay Eunice na tahimik na nakaupo sa sofa habang hawak ang tablet nito. Kanina pa ito hindi nagsasalita.“Are you okay?”Hindi agad sumagot si Eunice. Paulit-ulit nitong tinitingnan ang isang report na ipinadala ng legal team ng pamilya.“Anak…”“Ano?”Dahan-dahang iniabot ni Eunice ang tablet sa kanya. “Look at this.”Kinuha iyon ni Hestia at nagsimulang m
Last Updated: 2026-09-25
Chapter: Special Chapter 21“Where is she?”Halos ibinagsak ni Nathan ang pinto ng apartment ni Alea nang gabing iyon. Wala siyang pakialam kung anong oras na. Ang nasa isip lamang niya ay ang mga balitang patuloy na lumalabas tungkol sa kanya at ang pagkawala ni Alea sa bahay nila.Ngunit walang sumagot.“Alea!”Tahimik ang buong lugar. Mabilis niyang nilibot ang sala hanggang sa mapansin niyang bukas ang pinto ng kwarto nito. Wala roon ang mga gamit nito. Napahinto siya. Kinuha niya ang cellphone at agad itong tinawagan. Ilang ring lamang bago tuluyang maputol ang tawag. Tinawagan niya ulit.This time, blocked na siya.“What the fuck…”Hindi makapaniwala si Nathan. Kahit galit ito sa kanya, hindi niya inisip na tuluyan siyang iiwan nito. Dahil sa lahat ng nangyari, si Alea ang taong inaasahan niyang mananatili sa tabi niya. Pero ngayon, wala na ito. Muling tumunog ang cellphone niya. Hindi tawag. Isang notification mula sa board.EMERGENCY BOARD MEETING — 8:00 A.M.Napapikit si Nathan.***“Mr. Hernandez, we n
Last Updated: 2026-09-25
Chapter: Special Chapter 20“Enjoy my little show, ex-husband.”Nanlaki ang mga mata ni Nathan habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe sa cellphone niya.“Fuck!”Malakas niyang ibinagsak iyon sa mesa dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat ng nasa loob ng boardroom.“What happened?” tanong ng isa sa mga directors.Hindi siya agad sumagot. Mabilis niyang kinuha ang folder na iniabot ng secretary niya at binuksan iyon. Ilang segundo pa lamang ang lumipas ay tuluyan nang nagbago ang ekspresyon niya. May mga transaction records.Mga bank transfer. Mga kontrata. At ilang documents na hindi dapat nasa kamay ng ibang tao.“Where did this come from?” tanong niya habang pilit na pinapanatiling kalmado ang boses.“Sir, it was sent to the board members this morning,” sagot ng secretary niya. “Mayroon din po sa media.”“What?”Mabilis na kinuha ni Nathan ang laptop sa harapan niya at binuksan ang isang news site. Agad niyang nakita ang pangalan ng kompanya nila sa headline.NATHAN HERNANDEZ LINKED TO MILLIONS IN UNAUT
Last Updated: 2026-09-25
Chapter: Special Chapter 19“What are you doing here? And what’s with the selfie?” Hindi alam ni Hestia kung matatawa siya nang maalala iyon.Nakapamulsa si Levi habang nakasandal sa hood ng kotse nito. Bakas ang pagod sa mga mata ng lalaki na matamang nakatingin sa kanya. Napansin niyang tila wala pa itong maayos na tulog.“To assure you that it’s me… here,” paos na sagot ni Levi.Saglit na bumuka ang bibig ni Hestia sa amusement dahil hindi niya iyon naisip. Tuloy ay mas lalong hindi niya alam ang irereact.“So…” Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya.Patuloy ang paninitig sa kanya ni Levi. Seryoso lang ang ekspresyon nito ngunit may kung anong lambot sa mga mata nito. Wait, sisingilin na ba siya nito dahil sinira niya ang first, huge campaign ng Lumen?“That night I asked you to meet me… I needed to say something to you,” panimula nito.Hestia’s shoulders calmed. Oo nga pala. Hindi pa sila nagkakaroon ng oras para pag usapan ang tungkol doon.Katulad niya, masyadong naging abala ang lahat dahil sa nangy
Last Updated: 2026-09-25
Chapter: Special Chapter 18“Did you send that video to Nathan?”Napatingin si Alea kay Levi na kakapasok lamang sa studio niya. Hindi man lang nito hinintay na paupuin siya o magtanong kung bakit ito naroon. Diretso agad ang tanong nito na para bang matagal na nitong alam ang sagot.“Ano bang pinagsasabi mo?”“Don't play stupid, Alea.”Napabuntong-hininga siya at umupo sa sofa. Ilang araw na siyang iniiwasan ni Levi dahil sa nangyari kay Hestia ngunit alam niyang darating din ang araw na haharapin siya nito.“Okay. Yes.”Bahagyang napapikit si Levi.“I sent it to Nathan.”“Why?”“Because I wanted him to see it.”“That's not an answer.”“Then what do you want me to say?”Napatingin si Alea sa kanya. “Galit ako kay Hestia. You know that.”“Galit ka lang?”“Hindi ba sapat iyon?” Bahagyang natawa si Alea. “Anong gusto mong gawin ko? Hayaan siyang bumalik sa buhay namin at kunin lahat?”“Wala siyang kinukuha sa’yo.”“Of course you would say that.”Tumayo si Alea at lumapit sa malaking salamin sa gilid ng studio. Ila
Last Updated: 2026-09-24
Chapter: Special Chapter 17“Turn it off.”Mabilis na pinatay ni Nathan ang television matapos muling lumabas sa screen ang mukha ni Hestia. Hindi pa rin siya mapakali matapos ang press conference nito. Ilang oras na niyang iniisip ang mga sinabi nito tungkol sa kwintas, reservation sa restaurant at sa gabing nakita niya itong muli.Hindi niya inasahan na mapapansin nito ang mga iyon. Mas lalong hindi niya inasahan na agad itong mag-iimbestiga.“Bakit mo pinatay?” tanong ni Alea na nakaupo pa rin sa sofa.“Wala akong gustong marinig.”“Pero kailangan nating malaman kung ano ang susunod niyang gagawin. Why are you acting like this?”Napatingin si Nathan sa kanya. “Because I know Hestia.”Napakunot ang noo ni Alea. “She won't stop.”Tumayo si Nathan at lumapit sa bar counter. Kumuha siya ng isang baso ng whiskey kahit hindi naman niya talaga gustong uminom. Mula nang makitang muli si Hestia ay alam na niyang hindi magiging madali ang lahat.Noong una, gusto lamang niyang sirain ito. Gusto niyang maramdaman ni Hest
Last Updated: 2026-09-24

One Scandalous Night with My Arrogant Boss
Si Klaire ay isang mabuting anak. Lumaki siya sa pangangalaga ng dalawang respetadong propesor sa unibersidad at maagang natutunang sundin ang landas na pinili ng kanyang pamilya para sa kanya. Kailanman ay hindi siya nagrebelde o nagpasaway. Kaya nang ipagkasundo ng kanyang mga magulang ang kanyang pagpapakasal, tinanggap niya ito nang walang anumang pagtutol. Simple lang naman ang nais niyang buhay.
Ngunit nagbago iyon dahil sa isang mainit na gabi.
After being brought to her best friend's brother's bedroom by mistake, nagising na lamang si Klaire sa tabi ng isang lalaking hindi niya inaakala–the arrogant, dangerously charming man she's known for years. Her best friend's older brother.
Dahil sa matinding hiya, palihim na umalis si Klaire bago pa magising ang lalaki. Desidido siyang magpanggap na walang nangyari noong gabing iyon.
Pero nang pumasok siya sa trabaho kinabukasan, laking gulat niya nang malaman na ang lalaking nakasama niya sa kama ay ang bago niyang boss.
"Miss Mondragon," he says, leaning back in his chair with an infuriating smile. "You got into my bed last night and ran away this morning. Is that how you always treat your mistakes?"
Nais nang kalimutan ni Klaire ang lahat. Dahil bukod sa engage na siya at buo na ang future niya sa mapapangasawa niya, wala siyang intensyon mainvolve sa kanyang boss.
But he has other plans. What began as one reckless night soon becomes a secret neither of them can escape. The more Klaire tries to draw a line between them, the more determined he becomes to cross it. And when he discovers she's already promised to another man, he doesn't back down.
"So what if you're engaged? I'll just have to make you forget you ever were."
Read
Chapter: Chapter 28 Paghahanap ng ApartmentNamula ang mukha ni Klaire nang marinig iyon. Ano ang ibig nitong sabihin sa pagiging manugang nila? Para bang gustong-gusto naman talaga niyang maging asawa nito.“Hindi nga! Umuwi sila kahapon at may dalang mga regalo para sa akin. Natural lang na bigyan ko rin sila ng mga regalo bilang kapalit.”“Ah,” sagot ni Wade, na tila sadyang pinahaba ang tono. “Napakamaalalahanin mo naman sa mga magulang ko. Balak mo bang alagaan sila pagtanda nila?”“Ikaw…”Namula ang mukha ni Klaire. Gusto niyang magsalita, pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin Matagal na siyang nahihirapang makaisip ng isasagot sa mga ganitong sitwasyon. Lalo na kapag si Wade ang kaharap niya at ang bibig nitong walang pakundangan.“Sasamahan kita pagkatapos ng trabaho.”“Hindi na kailangan. Kaya ko nang mag-isa.”Dahan-dahang nagsalita si Wade. “Nangako ako sa Mommy ko na sisiguraduhin kong makakauwi ka pagkatapos ng trabaho. Kung hindi kita sasamahan pauwi, hindi ko maipapaliwanag iyon sa kanya.”Saglit na nawalan
Last Updated: 2026-10-26
Chapter: Chapter 27 ManugangMatapos maglaro hanggang hating-gabi ay nag aya nang matulog si Klaire dahil kailangan pa niyang gumising nang maaga para bukas. Pero nang humiga siya sa kama, hindi siya mapakali. Paulit-ulit sa isip niya ang mga tagpong hinahalikan at inaasar siya ng lalaking nasa katabing kuwarto.Hindi na siya isang inosenteng menor de edad na walang alam. Alam na alam niya kung ano ang nangyayari sa katawan niya. Nagngalit siya ng ngipin, tinakpan ang mga tainga, at ilang beses na pilit na inulit sa isip ang isang mantra para pakalmahin ang sarili. Unti-unti siyang inantok hanggang sa tuluyang makatulog.Pero gaya nga ng kasabihan, kung ano ang iniisip mo sa araw, iyon din ang napapanaginipan mo sa gabi. Nang mahimbing na siyang makatulog, nanaginip siya ng isang bagay na hindi pa niya naranasan noon, isang napakalaswang panaginip.Sa panaginip, magkasama silang lumulutang sa mga ulap ng isang lalaki habang nagmamahalan. Sa kasukdulan ng kanilang pagtatagpo, malinaw niyang nakita ang mukha ng lal
Last Updated: 2026-10-26
Chapter: Chapter 26 Strawberry FlavorKinurot ni Wade ang baba ni Klaire gamit ang mga daliri nito bago muling bumaba ang mga labi niya sa labi ng dalaga. Dahan-dahang bumaba ang mga daliri nito, dalubhasang pinupukaw ang bawat bahagi ng katawan niya. Nawala ang pagpipigil ni Klaire, at hindi niya mapigilang manginig.Marahang hinaplos ng lalaki ang nag-aapoy at namumulang mukha niya. “Nararamdaman mo na ba?”Napailing si Klaire. Nag-uumapaw na sa luha ang maganda niyang mga mata, basang-basa at tila isang kaawa-awang munting nilalang. Pero kapag bahagya pang nagiging marahas ang kilos ng lalaki, hindi na niya ito kinakaya at agad na sumusuko.“Hindi, hindi, hindi! Nararamdaman ko na…”Paos na nagtanong ang lalaki, "So, do you like me treating you like this?"
Last Updated: 2026-10-25
Chapter: Chapter 25 Isa Pang Halik[Huwag mong kalimutang pumunta sa kuwarto ko mamayang gabi.]Walang pag-aalinlangang sumagot si Klaire, [Nagbago na ang isip ko. Hindi na ako pupunta.]Tutal, pumayag lang naman siyang pumunta sa kuwarto nito habang nasa banyo siya sa ibaba dahil gusto lang niyang makaiwas muna sa sitwasyon. Bukod pa roon, sinong matinong tao ang kusang pupunta sa kuwarto ng isang lalaki para hayaan itong gawin ang kahit anong gusto nito?Kahit sinong tanga, mahuhulaan kung anong klaseng kapahamakan ang naghihintay sa kanya kapag pumasok siya sa kuwarto nito.Kakatapos lang ding maligo ni Wade. Nakasuot lang siya ng itim na bathrobe, at wala nang iba sa ilalim nito. Nang makita niya ang sagot ni Klaire, hindi na siya nagtaka. Dahan-dahan siyang nag-type ng sagot.
Last Updated: 2026-10-25
Chapter: Chapter 24 Fiance ni KlaireHindi na siya naghintay na may sumagot. Nagmamadali siyang umalis, hindi pinansin ang mga nagtatakang tingin ng mga taong nasa hapag-kainan. Pagdating na pagdating niya sa banyo, tumayo si Klaire sa harap ng salamin at tahimik na nagngitngit sa galit.“Bwisit! Bwisit! Bwisit! Ang lakas ng loob niyang gawin iyon sa akin sa harap ng pamilya niya!”At hindi basta kung sinu-sino ang mga taong naroon. Nakaupo mismo roon ang mga magulang niya at ang kapatid niya! Sobrang kapal ng mukha niya! Paano nagagawang maging ganoon kasama ng isang tao?“Walanghiyang lalaki! Napakasama niya! Kaya ko siyang kagatin hanggang mamatay!”Pagkasabi na pagkasabi niya nito, biglang bumukas ang pinto ng banyo. Pumasok ang isang matangkad at madilim na pigura nang walang anumang pag-aalinlangan.Naramdaman ni Klaire na may tao sa likuran niya kaya mabilis siyang pumihit. Sa isang iglap, naipit na siya ni Wade sa pagitan nito at ng lababo. Agad niyang ipinatong ang dalawang kamay sa matigas nitong dibdib, pilit
Last Updated: 2026-10-24
Chapter: Chapter 23 Sa Ilalim ng MesaNang maipamigay na ang lahat ng regalo, inutusan ni Irene ang kusina na maghanda ng masaganang hapunan. Nang handa na ang lahat ay agad na nagtipon sila upang kumain nang magkakasama.Magiliw na hinikayat ni Irene si Klaire na mag-relax at kumain nang marami hangga't gusto niya. Sinabi rin niyang huwag itong mahiya at ituring na sariling tahanan ang lugar.Naantig sa mainit na pagtanggap ng pamilya, ngumiti si Klaire at tumango. “Sige po.”Naglagay si Irene ng isang pirasong karne sa plato ni Klaire. “Klaire, hindi ko pa pala naitatanong. Ilang taon ka na?”“Twenty-three po.”“Kung ganoon, kaedad ka ng anak ko. Katatapos mo lang sa kolehiyo, hindi ba?”Tumango si Klaire. “Opo, sa iisang unibersidad po kami nagtapos.”Agad na nakisali si Sofia. “Mom, napakahusay ni Klaire noong nag-aaral pa kami! Palagi siyang nangunguna sa klase namin, at taun-taon ay isa siya sa mga pangunahing kandidato para sa pambansang scholarship!”Humanga si Irene. “Talaga ba? Napakagaling mo naman!”Masiglan
Last Updated: 2026-10-24