SOLLAIRE
Nagising ako sa malakas at paulit ulit na tunog ng doorbell. Rinig ko rin ang boses ni Nate sa labas pati na rin ang pag ring ng phone ko."Oo na, sandali!" Sigaw ko habang pilit na ibinabangon ang sarili ko mula sa kama.Iritable kong binuksan ang pinto. Dire-diretso namang pumasok si Nate sa loob at umupo sa sofa. Kabado rin ang itsura niya at hinihingal pa."Ano ba yon? Wala tayong work, ha?" I reminded him.Masakit din ang ulo ko lalo na at bigla bigla ang pag gising at pag bangon ko."You remember the woman that called you yesterday?" He asked."Yes, why? Did she call the office number?"He nodded. "Not only that. She's in the office right now harassing everyone. Sollaire, pinapahiya ka niya at nagsisisigaw siya ron."I slapped my own forehead. "Bakit naman hindi mo sinimulang mag kwento banda riyan?"Mabilisan akong nag bihis, hindi na rin ako naligo o nag lagay ng kahit anong kolorete sa mukha ko. Hinablot ko na rin ang susi ng kotse ko at nagmamadaling pumasok sa sasakyan. Sumakay na rin si Nate. Walang nagsasalita sa amin habang nasa byahe. We're both just focusing on reaching the office the fastest way we could."We tried to stop her, ma'am." My security head said when we entered the office."It's okay. I'll handle this." I assured them.Sumilip ako sa loob ng office ko, every paper from the stack of the box that I have is on the floor. I guess she went through every application I have stored.Inilibot ko pa ang mata ko sa office, then, I saw her sitting on my chair.Nilingon ko si Nate. "Do we even know who his husband is?" I asked."Yeah, this one." Iniabot niya sa akin ang isang application. The husband's name is Sky Zuniga.We never approved of l this man because he's got quite a history with women. Lagi niyang pinapakasalan ang mga babae niya sa United States or any other western countries sa kadahilanang madali lang mag file ng divorce kung sakali. He actually got married four times now. This woman who are currently in my office is his fifth wife."That woman is 28 years younger than Zuniga." Sabi ni Nate habang naka pwesto sa likod ko."Well, how old is Zuniga?" I asked."Fifty four."I counted on my fingers. "Well, damn. You're telling me that lady is twenty six? What a wasted potential." Napailing na lamang ako.Inihanda ko na ang sarili ko sa pag pasok sa pinto. At pag bukas ko ng pinto, agad na tumingin sa akin ang babae.The lady stood up and immediately went up to me. "Oh, andyan ka na pala. Kanina mo pa ako pinaghihintay." Matapang na sabi niya."If you could exit my office building before I let my security handle you." I calmly said.Hindi ako sinagot nito. Tinaasan lang niya ako ng kilay at nagpamewang."I said, get out of my office." Pag ulit ko ng utos ko pero tila wala itong pakielam.Bigla na lamang niyang inilagay ang isang daliri niya sa noo ko at tinulak ito paatras. "Ikaw na babae ka, i*****k mo riyan sa manipis at kupas mong kokote na hindi mo makukuha ang asawa ko sa akin."I look at her and calmly chuckled. "What makes you think na magkaka interes pa ko sa asawa mong matanda?"The lady in front of me could not believe what I just said. I mean, totoo naman. Ano bang pakielam ko sa asawa niyang malapit nang maging senior citizen? Hindi naman ako sulutera ng pera kagaya niya. I work for my money."How dare you?" Iniangat nito ang kamay niya at akmang sasampalin ako. Mabuti na lang ay naiharang ko ang kamay ko bago pa dumampi ang kamay niya sa pisngi ko.I gave her a smile, hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay niya. "Maybe you should try to talk to your husband genuinely, hindi yung waldas ka nang waldas ng pera ng asawa mo. Try to be a good wife para hindi siya naghahanap ng atensyon ng ibang babae." At pabalang kong binitawan ang kamay niya."You're just twenty six. A beautiful and young woman in that case. Leave your marriage bago ka pa masira." I adviced her.She seems so offended with what I said. Parang labas pasok lang sa tainga niya ang sinabi ko sa kanya.Kinuha niya ang bag niya sa sofa, inayos niya rin ang damit niyang naka angat na dahil sa pagwawala niya kanina. Before going through my door, she looked at me and gave me a smirk."How about you sit down and wait for the other wives whose lives you ruined?" And she walked off.I didn't understand what she meant by that, pero si Nate, nanlalaki na ang matang naka tingin sa akin. Pag pasok niya sa office, he grabbed the office phone and dialed a familiar number."What are you doing?" Tanong ko sa kanya."Hindi mo ba narinig yung sinabi nung babae? Pretty sure she's not the only one who's going to come barging in here. We have to call Zion."Nanginig ang kalamnan ko at para na lang akong nasusuka nang narealize ko ang nais ipahiwatig ni Nate. Suddenly, I can feel that lawsuits are coming right through the door to push me out the window.I am fucked. My business is fucked."Tangina ni Zion, Kung kailan mo kailangan tsaka wala." Isinalampak ni Nate ang office phone. "Nasaan na kaya ang aboga--"Napatigil na lang si Nate sa pagsasalita nang nagmamadaling pumasok sa opisina si Zion. Bulto bulto ang dala nitong papel at para bang nagmamadali siyang pumunta rito."What the hell did you do?" Bungad niya sa akin.Isinalampak na lang niya sa lamesa ko ang mga gamit niya. "Did you do something with someone na may asawa na o pamilyado?" Medyo agrabyado na ang boses ni Zion."No. Wala naman. Yung babaeng nanggulo rito, eme eme lang yon. Ni hindi ko nga kilala ang asawa niya," Banggit ko.Zion pointed his finger on the stack of papers that is on my table. "Well, that woman, along with other wives of those men who applied to be in your program, filed a lawsuit against you.""What!?" I exclaimed. "I mean, why? Pwede ba yon? I don't even know who their husbands are.""They can do that, Sol." Napayuko na lang si Zion. Halatang halata na disappointed ito sa mga nangyayari. "They have a lot of evidences against you. Also, some of those women are close with a lot of judges all over the country."Naramdaman ko nang nanghihina ang tuhod ko. I never imagined na magiging ganito ang kinahihinatnan ng trabaho at negosyo ko. I only wanted to help people in a way that I know. Bakit ba ako pa ang na-agrabyado kahit na naging ma-ingat naman kami?I sighed. Iniangat ko rin ang ulo ko at tinignan si Zion. "Gosh, Zi. What are we going to do here?""As of now, I don't know. Mabigat itong bagay kung sakaling ituloy nila. This could go public, Sol. Masisira ka.""What can I do? May sinabi ba sila na gusto nilang gawin ko?"Hindi muna sumagot sa akin si Zion. Para bang nagaalala ito na ibigay sa akin ang sagot sa tanong ko. Nang nakita ko ang kinakabahang ekspresyon ni Nate, doon na rin ako nag simulang makaramdam ng kaba.Zion sighed. "They want you to close down your business, or else, they will go public with every evidence they gathered against you."And there, I felt my heart exploded and evaporated to nothing. Para ba akong binawian ng kaluluwa sa narinig ko kay Zion.Lahat ng pinaghirapan ko, pwedeng mawala.VERNONTahimik ang biyahe pauwi mula sa dinner kina Zion. Ramdam ko ang bigat ng atmosphere, kahit na si Sol ay pilit na binabasag ang katahimikan. Hinawakan niya ang kamay ko mula sa kanyang upuan, pero hindi niya maitagong iniisip pa rin niya ang nangyari kanina."Sorry, Vernon," mahina niyang sabi. "Hindi ko inakala na magiging ganoon si Zion."Hindi ko agad sinagot. Instead, I tightened my grip on the steering wheel, iniisip kung paano ko i-eexplain kay Sol na wala akong problema kay Zion, pero hindi ko rin kayang palagpasin ang asal niya. I get it, protective siya sa best friend niya. But there's a line, and tonight, he crossed it."Sol," sagot ko sa wakas, hindi inaalis ang tingin ko sa kalsada. "I understand kung bakit siya ganoon. Pero honestly? Hindi ko gusto na parang sinusukat niya ako, as if I'm not good enough for you."Napabuntong-hininga siya. "Hindi naman ganoon ang intensyon niya. Zion is just... he's always been like that. Overprotective. Alam niya kasi ang lahat ng
SOLLAIREWe went home peacefully after that matter with Cloud. We even went days without any argument. I managed to pick wedding dresses-- four of them actually. Two choices for the ceremony and two choices for the reception.But I still have one thing in my mind. My family. By family, I mean Nate and Zion. Sila lang naman ang itinuturing kong pamilya.Ngayong araw naman at kailangan naman naming pumunta sa Rizal para sa aming cake tasting. Sinadya talaga namin na dito magpagawa because Vernon remembers a cake shop in San Mateo that sells quality pastries and cakes.Tahimik ang biyahe habang nagmamaneho si Vernon. Sumasagi sa isipan ko kung paano ko sisimulan ang usapan tungkol kay Nate at Zion. Gusto kong maging maayos ang lahat, lalo na sa pagitan niya at ng dalawang pinakamalapit kong kaibigan.Sinulyapan ko siya, at nang mapansin niya, ngumiti siya. "Anong iniisip mo, Sol?" tanong niya tonong kalmado ang boses.Huminga ako nang malalim at ngumiti pabalik. "May gusto sana akong pag
SOLLAIRENakangiti akong tumingala kay Cloud, naglalagay ng konting lambing sa boses ko. “Cloud, what a chance. Ano bang ginagawa mo rito sa Shangri-La?”Sumandal siya sa sofa at umayos ng upo na para bang gusto niyang magpasikat. “Oh, I have a meeting here. Alam mo na, business stuff.” Ngumiti siya ng malapad habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. “Pero mukhang maswerte ako ngayong araw at nakita kita.”Ngumiti ako ng bahagya at inirapan siya ng konti, kunwari naiinis. “Flattery won’t get you anywhere, Cloud.” Pero sa loob-loob ko, perpekto ang tiyempo niya.“Alam mo naman ako, Sollaire. I always try.” Nagbigay siya ng kindat na alam kong signature move niya para magpa-cute at magpapansin sa akin. Hinawakan ko ang tasa ng kape ko at nagsimula nang magkwento tungkol sa hindi ko pa natutuloy na kasal at sa pagka badtrip ko kanina. "You know, maswerte ka siguro ngayon kasi medyo bad mood ako." Tumingin ako sa kanya nang direkta sa mata. "Kailangan ko ng distraction."Napataas ang
SOLLAIRE "Isn't it cute?" I asked him habang hawak hawak ko ang tela ng puting dress na nakasuot sa manequin ng high end store rito sa BGC. Matingkad ang pagkaputi ng tela at hindi gaanong maraming bato kaya alam ko na magaan lang ito kapag isinuot ko na. Tinapik ko muli si Vernon na para bang lutang. "Huy. Kinakausap kita." Bahagya itong napatalon. "What?" I sighed. Hindi ko alam kung bakit para bang lutang siya ngayong araw. Kumpleto naman ang tulog naming parehas at parehas din naman kaming may kain. "Tinatanong kita kung cute ba tong dress." I said, poker faced. He slightly smiles at hinawakan ang dress na para bang ito ang pinaka interesadong bagay na mayroon ngayon sa mundo. "It is very cute and I know that this will suit you for the day that--" He cleared his throat. "W-we get married..." at napaiwas ito ng tingin sa akin. I sighed. Why the fuck is he acting like this? Para bang takot na takot siyang magpakasal sa akin? Akala ko na ito ang gusto niya? That is
VERNON Nagising ako nang biglang balagbag na bumukas ang pinto. "What the hell?" Naaalipungatan kong kinuskos ang mata ko para makita kung sino ang bigla bigla na lang pumasok sa opisina. "The hell are you doing here?" "Well, Jane called me. She said that you've been camping here for two straight days." Ani ni Casper. Umupo na ito sa single sofa at inilapag ang pagkaing dala dala niya para sa akin. May dala itong chinese food at hindi nito kinalimutan ang paborito kong orange chicken at fermented soy noodles. Kahit inaantok pa ay napilitan akong bumangon. Alam ko naman na hindi ako titigilan ni Casper. "Ano pa sabi ni Jane sa iyo?" I asked him while I was helping to prepare our food. Para kay Casper, lunch na ang pagkaing ito, pero para sa akin ay breakfast pa lamang. Ngayon pa lang ako kakain ng unang meal ko ngayong araw. Casper started eating his favorite dumplings. "Sabi niya, hindi raw talaga niya alam kung bakit ka magkakaganyan. But she figured that it is about So
VERNON "Let's go." I immediately packed our things. Inilagay ko ito sa bag na dala namin. While sobbing, tumingala ito sa akin at nagtanong, "What?" "I said let's go. Uwi na tayo kay Mustang." Ani ko habang busy pa rin sa pagaayos. "Bakit uuwi na tayo?" Tanong niya. Bakit ba parang ayaw niya pa umalis sa lugar na to? Nakuha na naman niya ang sagot na gusto niya. Narinig na niya ang dapat niyang marinig mula kay Carlo. Carlo wants her to stay away from his family. Malinaw na malinaw iyon. "Bakit? Ayaw mo pa bang umuwi? Ano pang gagawin mo rito?" Tanong ko habang tinitignan siya na parang pilit kong itinatatak sa utak niya na tapos na kami sa lugar na to. She shook her head. "I don't know. Ayoko pang umuwi--" "Kahit naman na dito ka pa tumira, hindi ka na mahal ni Carlo." Napa angat ang tingin sa akin ni Sollaire at bigla nitong hinablot ang tsinelas na nasa kanyang baba at ibinato sa direksyon ko. Hindi ako tinamaan but I am sure that she was aiming to hit me directly. P