Share

CHAPTER 4

“ANASATASIA?!” 

Narinig ako ang isang boses ng babae na nag-aalala habang ako ay nandito sa banyo at sumusuka. Malamang na nakita niya ako dahil dali-dali akong nagpunta dito at hindi ko na naisara ang pinto. 

“Anastasia, anong nangyayari sa’yo?!” naramdman ko ang paghagod ng kaniyang kamay sa aking likuran. Nang matapos ako ay napaupo ako sa sahig dahil sa hirap sa pagsuka, samantalang wala naman akong sinusuka! 

“Uminom ka muna, ano bang nangyari sa’yo? Hindi ka ba nagkakakain kaya ka nagkakaganiyan?” sermon niya saakin habang ako ay nainom ng tubig. 

Siya si ate Rian, isa siya sa katulong namin dito sa bahay. Mas matanda siya saakin ng limang taon, siya ang inatasan nila mommy at daddy na maghatid ng pagkain, tumingin saakin, at mag-alaga saakin. Isang linggo na ‘din ako dito at hindi niya alam ang tungkol sa pinagbubuntis ko, basta ang alam niya ay pinaparusahan ako nila mommy at daddy. 

“Ano bang nangyayari sa’yo Anastasia? Hindi ba sabi ko sa’yo lilipas ‘din ang lahat at palalabasin ka nila dito.” 

Tanong niya habang inuupo ako sa higaan. Hindi ako makasagot sa kaniya, kung alam mo lang ate Rian. Gusto ko nalang maglaho na parang bula, kung may balak silang kunin ang anak ko ay mas mabuti pang mawala kami pareho keysa ang kunin siya saakin at ibang ina ang kikilalanin niya. 

“Sige, mukang ayaw mo namang sabihin saakin. May ibabalita nalang ako sa’yo, alam mo bang nagdiwang sila kagabi? Sila mama at papa mo pati na ‘din si Mr.Grimes dahil buntis si ate Daisy mo.” 

Natigilan ako sa aking narinig at gulat na napatingin dito. Nanggigilid agad ang luha sa mga mata ko, ipinagdiriwang? Ibig sabihin itutuloy talaga nila ang plano. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa isang drawer kung saan mayroong napakaraming gamot na pampatulog, kung itutuloy nila ang balak nila ay hindi ko sila hahayaan! Hinding hindi! 

“Anastasia anong ginagawa mo?!” inagaw saakin ni ate Rian ang lalagyan ng gamot kaya hinablot ko ‘yun sa kaniya. “’W-Wag mo akong pigilan ate Rian! Hindi nila pwedeng gawin saakin ito! Aalis ako! Hindi ko hahayaan na makuha nila saakin ang anak ko!” sunod-sunod na tumulo ang luha ko na ikinahinto niya. 

Ginawa ko iyong pagkakataon para uminom ng nasa limang tableta at derederetsyong nilunok kahit walang tubig. Kukuha pa sana ako ng biglang hablutin iyon saakin ni ate Rian at ihagis sa kung saan ang gamot pagkatapos ay hinawakan ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kaniya. 

“Anong sinasabi mong anak Anastasia?! Bakit mo ito ginagawa sa sarili mo?!” nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya dahil hindi ko na siya makita ng maayos kakaiyak. “Anastasia magsalita ka!” umiling ako sa kaniya at pilit na hindi nagsalita, ayokong sabihin. Ayokong sabihin dahil sigurado akong mag-aalala siya saakin. 

Si ate Rian ang pinakang close ko na kasambahay dito kaya nga nang makita ko siya ay siya agad ang naging sandalan ko sa masikip na kwartong ito. Akala ko mamamatay na ako ng mag-isa akala ko hindi ko kakayanin ang sobrang depression pero si ate Rian ang nag cheer up saakin kahit na ‘di niya alam ang totoo. 

“Buntis ka ba Anastasia, kaya ka nagsusuka?! Pangatlong beses ko na itong nakikita sa’yo, buntis ka ba?!” 

Sasagutin ko na sana ang tanong niya ngunit nakaramdam na ako ng kakaiba sa aking katawan, nakaramdam ako ng sobrang sakit sa aking tiyan. 

“A-Ahh!” 

“Oh my God! Anastasia dinudugo ka!” 

Ito naman ang gusto ko diba? Keysa makuha nila ang anak ko ay dapat lang na mawala kami. Nakaramdam na ako nang panghihina at pagkaantok. 

“Tatawag ako ng tulong!” 

Hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na nangyari dahil tuluyan nang bumaba ang talukap ng aking mga mata. 

NAGISING ako dahil sa sakit ng aking ulo na tila may sumasabunot saakin. Ganito ba kapag nasa langit na? 

“Gumising kang malandi ka!” 

Teka, ako ba ang tinutukoy niyang malandi? Sinubukan kong idilat ang mata ko at nasilaw pa ako sa liwanag hanggang sa tuluyan kong nakita ang nagwawalang si Daisy na pinipigilan ni mommy at daddy. Nandito ‘din sila sa langit? 

“Napakawalang hiya mo talaga Anastasia! May balak ka pang traydurin ako at ipahiya sa pamamagitan ng pagpapalaglag ng bata!” 

Paano nangyaring nasa langit si Daisy? Teka—Buhay pa ako?! 

Dali-dali akong napaupo dahil doon, napatingin ako sa paligid at nakita ko sila sa aking gilid kung saan nasa likuran nila si ate Rian na nag-aalalang nakatingin saakin. Hindi lang pag-aalala kundi awa ang nakikita ko doon. Hindi ko kailangan ng awa ate Rian

Nagulat ako ng mayroong palad ang dumapo sa aking pisnge na ikinabaling ko sa kanang parte, sampal ‘yun hindi ba? Bakit para wala na akong maramdamang sakit? 

“Paano mo nagawang subukang ipalaglag ang anak mo?! Isa kang mamamatay tao!” 

Napatingin ako kay mommy habang hawak ang pisnge na nasaktan. Ipalaglag?—Naalala ko na, uminom ako ng pampatulog para wasakan ang buhay namin ng anak ko. Hindi pala ako namatay, buhay pa ako. Patunay ang galit na galit nilang reaction. 

“Magsalita ka Anastasia! Napakawala mong kwentang ina!” hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak dahil doon. 

“A-Ako ho ba ang sinasabihan niyong walang kwentang ina? Sino ba ang nagsabi na kukunin ang anak ko at ipapalabas na anak niyang anak niyong si Daisy!” 

Muli ay nakatanggap ako ng sampal pero this time ay nanggaling ito sa hindi inaasahang tao—kay daddy. 

“Pinagkakatiwalaan kita Anastasia. Noong una ay akala ko napakatino mo, ngayon na nabuntis ay sinubukan mo namang ipalaglag ang bata?” 

Nagtagpo ang mata naming dalawa, nakikita ko ang galit sa mata niya. Galit siya saakin dahil sa ginawa ko? Hindi niya manlang ba papakinggan ang side ko? 

“D-Daddy ginawa ko lang ‘yun dahil—” 

“Wala ka nang dapat ipaliwanag! Malinaw na saamin na isa kang walang kwentang ina kaya dapat lang na mapunta saakin ang batang ‘yan! Mabuti nalang at buhay pa ang bata kundi siguradong magagalit si Tanner sa oras na malaman niyang sinubukan mong patayin ang anak niya!” 

Napatingin ako kay Daisy dahil sa pagsingit niya sa sasabihin ko. Biglang uminit ang aking dugo kaya dali-dali akong tumayo at sinugod siya. 

“I-Ikaw ang dahilan ng lahat! Dahil sa’yo nasisira ang buhay ko!”  sinabunutan ko siya, iwinagaway ang ulo. Naiisip ko ang ang pekeng pagbubuntis niya na lalong nagpapagalit saakin.

“A-Ah! M-Mommy! Daddy!” 

Hindi nagtagal ang sabunot ko sa kaniya dahil mayroong malalakas na kamay ang humila sa dalawang balikat ko at pabalik akong inihagis sa malambot ko na higaan. 

“Hindi ka pa ba nasiyahan at muntik nang malaglag ang bata?! Idadamay mo pa ang kapatid mo sa pagiging makasarili mo!” 

Hindi ako nakakilos at nakasagot dahil sa sinabing iyon ni daddy. Dinuduro niya pa ako at tinitignan na para akong isang walang kwentang tao. Naramdaman ko na mayroong yumakap saakin at kilala ko ang amoy na iyon, si ate Rian. 

“Sir, mawalang galang na ho. Tama na po ‘yan, ang sabi ng doctor ay kailangan magpahinga ni Anastasia.” 

Dahil sa sinabi ni ate Rian ay nagsialisan ang mga ito sa kwarto ko at naghabilin pa na ‘wag na ‘wag daw akong palalabasin ng silid kundi si ate Rian ang mapapahamak. Naiwan akong iyak ng iyak habang yakap ni ate Rian, hindi ko na napigilan ang luha ko. 

Lahat nalang ng sakit ay nasaakin, lahat nalang ng panghuhusga ay nasaakin. Hindi ba manlang papakinggan ang dahilan ko? Kung bakit ko nagawa iyon sa anak ko? 

Napahawak ako sa tiyan ko, buhay siya. Hindi niya ako iniwan. 

“P-Patawarin mo si mommy…” hikbi kong sabi. “H-Hindi ko sinasadya…A-Ayokong mawala ka saakin…A-Ayokong kunin ka ni Daisy.” Hinagod ni ate Rian ang aking likuran kung kaya’t hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak hanggang kusa na akong napagod. 

Ilang oras ang lumipas at tulala lang akong nakatingin sa kisame, walang buhay, walang balak na kumilos. 

“Anastasia, kumain ka na. Kanina ka pa hindi kumakain.” Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ni ate Rian basta nakahiga lang ako. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paglundo sa gilid kong parte at naupo pala siya doon. 

“I’m sorry, Anastasia.” Napatingin ako sa kaniya dahil doon. “Sorry dahil hindi kita magawang tulungan, sorry dahil hinayaan ko na mag-isa ka dito at dalhin ang lahat ng ‘yan. Kung alam ko lang ang pinagdadaanan mo hindi kita iiwanan dito.” Ngumiti ako ng pilit kasabay ng pagtulo ng aking luha. 

“H-Hindi mo kailangang mag-sorry ate Rian. Ikaw ang naging sandalan ko sa loob ng isang linggo, siguro napaaga ang pagpapakamatay ko kung hindi ka dumating ate. Kahit papaano ay naatras ito, pero siguro hindi pa talaga ako kukunin ni Lord dahil eto pa ako, akala ko talaga mamamatay na kami… G-Gusto ko lang naman ilayo ang anak ko sa kanila.” 

Muli ay humahagulgol na ako. Napakababaw ng luha ko, alam ko na kapag buntis ay emotional tapos idagdag mo pa ang sitwasyon ko ngayon kaya talagang hirap na hirap ako. Hindi ko na alam ang gagawin. 

“Shh… ‘Wag ka nang umiyak Anastasia, hindi na kita iiwan. Simula ngayon ay palagi kitang sasamahan. Kung ano man ang nangyari ay sabihin mo saakin, ikwento mo saakin lahat dahil makikinig ako. Handa akong tumayo bilang ate mo, alam kong sinasaktan ka ni ate Daisy mo at alam naming lahat ang ugali niya. Sadyang hindi lang naniniwala sila ma’am at sir.” 

Nayakap ko si ate Rian dahil sa narinig ko. Nagsimula na ‘rin akong mag kwento dahil feeling ko hindi ko kakayanin kapag itinago ko pa ito ng matagal. Nang marinig niya ang kwento ko ay hingi siya ng hingi ng sorry saakin pero tinatanggihan ko ito. 

Siguro ito na ang nakatadhana saakin? Ano bang laban ko sa kanila? Pagbali-baligtarin ko man ang mundo ay pamilya ko pa ‘rin sila. 

-AFTER FIVE MONTHS- 

LIMANG buwan na ang lumipas at nandito pa ‘rin ako sa loob ng basement kung saan may private room. Sa loob ng limang buwan na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang gawing healthy si baby. Ayaw ko nang maulit ang nangyari na dinugo ako, baka himatayin na ako kapag nakita ko pa ‘yun. 

Malaki na ‘rin ang tiyan ko, hindi ko nga alam kung normal ba ito kapag five months pregnant ka, sabagay sabi saakin ng doctor ko ay malusog ‘daw si baby kaya ganon at nasa mother na ‘din daw kaya may case na malalaki ang tiyan. 

“Anastasia! Sumosobra na talaga ‘yang kapatid mong si Daisy!” 

Napatigil ako sa pagbabasa ng libro dahil sa biglang pagpasok ni ate Rian dito sa loob at nakita ko pang namumula ang mata niya na tila galing sa pag-iyak kaya agad akong nag-alala dito. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako iniwan ni ate Rian at matyaga niya akong binantayan at inalagaan kahit na may mga times na sa sobrang stress ko ay nagagawa ko ng saktan ang sarili ko. 

“Ate Rian, anong nangyari? Bakit namamaga ang mata mo?” 

“’Yang ate mong si Daisy na m*****a! Isinumbong ako sa mama at papa mo na tinutulungan ‘daw kitang tumakas! Nagalit sila ma’am at sir saakin kaya bukas ay aalis na ako, Anastasia. Tinaggal nila ako.”

Natigilan ako sa sinabi ni ate Rian. Ano nang gagawin ko kapag wala siya? Paano na ako kapag umalis si ate Rian? Nakaramdam ako ng mahigpit na yakap at si ate Rian pa ‘rin ito. 

“Hindi ko hahayaan na mabaliwala ang pagtanggal nila saakin. ‘Yang m*****a mong kapatid! Sisiguraduhin kong may saysay ang pagbibintang niya.” Agad akong humiwalay sa pagkakayakap niya dahil doon.

“Anong ibig sabihin mo ate?” ngumisi siya saakin at sinabi ang kaniyang plano. 

KINAKABAHAN ako ngayon habang naglalakad sa madilim na pasilyo sa basement paakyat sa itaas. Ito ang plano ni ate Rian, ang sabi niya ay tumakas ako dahil iiwan niyang bukas ang pinto at kapag oras na ng alas d’yes ay tulog na ang mga tao sa bahay ‘yon ang oras kung kailan ako tatakas. 

Hindi naman ako binigo ni ate Rian kaya eto ako ngayon at tatakas. Hindi ko alam ang mangyayari saakin o kung saan ako pupunta sa oras na makatakas ako basta wala akong ibang gusto kundi ang makaalis sa impyernong ito. 

Konting tiis nalang anak at makakatakas na tayo. 

Nang makalabas ako ng basement ay tahimik na lugar ang sumalubong saakin, bukas ang ilaw ibig sabihin may tao pa? Pero tahimik naman, siguro iniiwan na nila itong nakabukas. After five months ay ngayon nalang ulit ako nakapunta sa parte ng bahay na ito, wala namang pagbabago pero sa aking paningin ay sobrang laking pagbabago. 

Tahimik akong dumaan sa isang hallway at ng masigurong walang ibang tao ay dli-dali akong lumabas ng kusina papunta sa may living room na siyang tanging daan papunta sa labas. 

“Anastasia?” 

Natigilan ako sa pagtakbo dahil doon, nanigas ang aking katawan at napahawak ako sa aking tiyan pagkatapos ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mahuhuli na ba ako?! 

“You’re home? I thought you are on states?” 

Agad akong napalingon sa nagsalita at ang kabang nararamdaman ko ay mas lalong lumakas ng makita ang lalaking nagtanggi saakin at sinabing magnanakaw ako—si Tanner! Ang ama ng aking anak. Bumaba ang mata niya sa tiyan kong malaking umbok, nakasoot kasi ako ng isang fitted dress na itim at isang leather jacket at rubber shoes tyaka maliit na bag na may lamang pera. 

“T-Tanner…” hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kailangan ko kayang sabihin na sa kaniya ang pinagbubuntis ko? Naglakad siya papalapit saakin kaya napaatras ako, napatingin ako sa paligid at wala namang ibang tao kaya naglakas loob na akong sabihin sa kaniya ang totoo. 

“T-Tanner buntis ako! Ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko, ikaw ang ama nito!” 

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha sa aking mga mata pero hindi nakaligtas saakin ang galit sa kaniyang mga mata. 

“Are you still up to this Anastasia? I was guilty because of what I did to you, your parents isolate you in states but here you are, still ruining my relationship with your sister!” sunod-sunod akong umiling sa kaniya. 

“H-Hindi totoo ‘yan Tanner, hear me out please…” nagsusumamo kong sabi pero pinanlisikan niya lang ako lalo ng mata at pagalit na naglakad papalapit saakin. 

“You even use a fake pregnancy belly to say that in front of me?!” 

Napaatras ako dahil sa galit sa kaniyang mata pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na bigla akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit na hindi nito inaasahan kaya hindi siya nakagalaw. 

“T-Tanner, mahal kita! Mahal na mahal kita Tanner!” 

“Anong ginagawa niyo?!” 

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nagulat ng makita si Daisy sa taas ng hagdan pero mas nagulat ako ng bigla nalamang akong itulak ni Tanner palayo sa kaniya na ikinasalampak ko sa sahig. Napangiwi ako dahil doon at ramdam ko ang sakit sa aking balakang at paikot sa aking tiyan. 

“A-Arghh…” 

“A-Anastasia—” 

“’Wag mo siyang lalapitan Tanner! Niloloko ka lang ng kapatid ko na ‘yan!” 

Idinilat ko ang aking mata at halos manginig ang aking buong katawan ng makita ko ang dumadaloy na dugo sa aking tiyan. 

“Talagang gumamit ka pa ng pekeng dugo at siniksik jan sa loob!” 

Napatingin ako kay Daisy dahil sa sinabi niya at nanlaki ang mata ko ng papalapit na siya saakin at iniamba ang paa para sipaan ang tiyan ko. 

“H-Hindi!” 

Sa abot ng aking makakaya ay hinarang ko ang aking kamay sa parteng balak niyang sipin at mariing napapikit. Ramdam ko ang bilis na pagtama ng kaniyang paa sa aking kamay at pagtama ng aking kamay sa tiyan kong masakit na ngayon. 

“Daisy!” 

Hindi ko na alam ang nangyayari, basta nanginginig na ako at hindi matigil sa pag-iyak dahil sa nararamdaman ko. 

A-Ang anak ko… 

“Anastasia! Anastasia halika na bilisan mo!” 

Kilala ko ang boses na iyon. “D-Daddy…” hindi niya ako sinagot basta mayroon kaming pinupuntahan na hindi ko alam kung saan hanggang sa makaramdam na ako ng pagkahilo at tuluyang nawalan ng malay. 

NAGISING ako nang maramdaman kong mayroong gumigising saakin. Pagkadilat ko ay sumalubong saakin ang muka ni mommy kung kaya agad akong napabangon at napalayo dito. 

“A-Ang anak ko!” 

Agad kong kinapa ang aking tiyan at laking pasasalamat ko na malaki pa ‘rin iyon at wala na akong maramdamang sakit. Sunod-sunod na tumulo ang aking luha dahil doon at niyakap ang aking tiyan. 

“S-Salamat at hindi mo ako iniwan anak!” 

Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling nawala siya saakin ng tuluyan! 

“’Yan ang napapala ng tumatakas.” Natigilan ako sa pag-iyak dahil sa sinabi ni mommy at galit na tumingin dito. 

“Sino satin ang mamatay tao ngayon mommy?! Nakita mo ba ang ginawa ng anak mong si Daisy?! Sinipa niya ang tiyan ko kahit pa na alam niyang buntis ako!” 

Hindi na ako nagulat ng dumapo ang palad ni mommy sa pisnge ko at napaharap sa kanang parte kung kaya umiiyak na hinawakan ko iyon. 

“Hindi ka na makakatakas dito Anastasia! Simula ngayon ay ako na nag magbabantay sa’yo dahil wala na ang ate Rian mo para patakasin ka! Manganganak ka at kukunin namin ang bata’t palalabasin na anak ng ate mo na si Daisy!” 

“Napakawalang kwenta mong anak!” 

Napakuyom ako ng aking kamao at narinig ko ang paghakbang niya paalis kung kaya sinigawan ko siya. “H-Hinding hindi ko kayo mapapatawad mommy! Kayo ni Daddy! Hinding hindi ko kayo mapapatawad! Sa oras na makaalis ako dito ay hinding hindi na ako babalik sa impyernong ito!” hindi ko alam kung ano ang naging reaction niya dahil pabalang niyang isinara ang pinto kung kaya napayakap nalang ako sa sarili ko at nagsimulang umiyak. 

Ano nang gagawin ko ngayon? Sino na ang Karamay ko? Wala na si ate Rian, hindi ko na alam kung paano pa ako makakatakas at kung paano ko malalampasan ang bawat araw na lilipas. 

*** 

RIAN 

HINDI ko hahayaan na maiwang mag-isa si Anastasia sa loob ng bahay na iyon. Kitang-kita ko at nakunan ko ng video kung paano sipain ni Daisy ang kapatid niya sa mismong tiyan knowing na buntis ito! 

Akala ba nila porket pinaalis na nila ako sa bahay na iyon ay hindi ako gagawa ng paraan para mapatakas si Anastaisa? Nagkakamali sila, kakapindot ko lang ng door bell habang patingin tingin sa malaking bahay na pinanggalingan ko. 

Tatlong araw na ang lumipas magmula ng paalisin nila ako, kailangan kong magpalamig at magpakalayo-layo sandali dahil kung agad akong pupunta dito ay siguradong mahahalata nila lalo na at alam ko na pinababantayan nila ako kung kakanta ba ako o hindi. Luckily, akala nila hindi na ako kakanta kaya pinalubayan na nila ako sa nagmamanman. 

“Ate Rian?” 

“Kathy! Papasukin mo ako agad sa loob Kathy, bilisan mo!” 

Mukang nataranta siya sa sinabi ko at dali-daling tumakbo upang buksan ang gate nila at pinapasok ako. Nakasoot ako ng jacket pati ang hood nito kung kaya para akong isang magnanakaw sa get up ko. Kilala ko ‘din si Kathy dahil madalas din itong nasa bahay nila Anastasia at close kaming tatlo, siya nalang ang alam kong makakatulong sa kaniya. 

“Ate Kathy, ano bang nangyayari sa’yo? Natakot ako bigla, bakit ba nakaganiyan ka?” 

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinawakan ang magkabila niyang balikat. 

“Kailangan mong tulungan si Anastasia, Kathy. Kapag hindi mo siya tinulungan ay siguradong kukunin nila ang anak nito at palalabasin na anak ni Daisy ang bata kay Tanner!” 

“T-Teka, hindi ko kayo maintindihan ate Rian. Hindi ba nasa states si Anastasia?” 

Umiling ako sa kaniya. “Makinig ka mabuti Kathy, limang buwan ang nakalipas ng malaman nilang buntis si Anastasia kay Tanner. Ang magaling na Daisy ay pinagmukang may kasalanan si Anastasia kaya galit na galit ang magulang niya sa kaniya at kinulong siya sa basement. Mayroon private room doon, kaya maayos naman ang lagay niya pero tatlong araw lang ang nakakaraan ay tinulak ni Tanner si Anastasia at sinipa ni Daisy ang tiyan niya!” natigilan si Kathy dahil sa sinabi ko at tila iniintindi pa ang nangyayari. 

“Kathy, kailangan mong maniwala! Hindi ligtas si Anastasia at ang magiging anak niya sa puder ng mga Ocampo!” 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana matulungan ni kathy si anastasia
goodnovel comment avatar
sammie vargas
malandi Ka Kasi eto Nga ang pagkakataon mong lumayas ano may pa sabisbi Ka pang buntis ako tanner.pangit ka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status