Share

Chapter 16

KENT

Sabado na ngayon at dalawang araw na rin ang nakalipas mula nung nagkaroon ng semi final exams. Wala namang masyadong nangyari nung sumunod na mga araw. Nagpiano lessons lang kami ni Christine pagkatapos ng klase. Bilib talaga ako sa kaniya kasi ang bilis niyang matuto. Kaso hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakapili ng kantang tutugtugin kaya sa pagbabasa ng nota at mga simpleng piano chords lang muna yung itinuro ko sa kaniya.

Dahil weekend naman, nasa bahay lang ako ni Christine ngayon at tinutulungan ang mga hired na taga-linis niya tuwing weekend. Abala sa paglilinis ang lahat habang yung iba naman ay inaasikaso yung garden.

"Ma'am Christine, narito na po yung groceries," sabi ni Aling Flore habang tinutulungan yung dalawang kasambahay na kagagaling lang sa grocery store. Napag-alaman kong siya pala ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Christine na kasambahay.

"Ah, paki arrange nalang po doon," sabi ko sa kaniya. Natatawa din ako sa sarili ko ngayon kasi pilit kong ginagaya yung pananalita at kilos ni Christine. Siya yung medyo mahinhin lang pero may awtoridad talaga kung magsalita.

Lumipas na ilang oras at patapos na kami sa mga gawaing bahay. Magtatanghali na rin at isa-isa naring nagsi-uwian ang mga kasambahay. Nung ako nalang mag-isa, agad akong umakyat sa kwarto para kunin sana yung cellphone ko pero may biglang nagdoorbell. Nabanggit sakin ni Christine noon na wala naman daw siyang mga inaasahang bisita kaya medyo nagtataka ako ngayon kung sino ang nasa labas.

Mabilis akong pumunta sa gate para buksan iyon. Yung gate nina Christine ay yung tipong hindi mo nakikita yung nasa labas kaya hindi ko pa talaga alam kung sino talaga 'tong patuloy na nagdodoorbell.

"Sandali lang," tugon ko kaya mabilis naman silang tumigil sa pagdoorbell.

Pero nung pagbukas ko ng gate, laking gulat ko nalang ng bigla akong niyakap ng isang lalaking medyo may edad na. Sumunod rin yung babaeng medyo may edad na rin at animo'y mahigpit na maghigpit ang kanilang yakap ngayon sa akin. Magsasalita na sana ako kaso napaestatwa nalang ako ng maunahan nila ako sa pagsasalita.

"Namiss ka namin anak, kumusta ka, kumakain ka ba ng maayos? Medyo pumayat ka yata," sabi nung babae.

S-sila ba ang parents ni Christine?

"Mommy? Daddy?" Tugon ko at napatango tango naman sila.

Ibis sabihin, sila nga ang parents ni Christine. Pero bakit sila nandito? Akala ko ba, sa susunod na taon pa ang uwi nila?

"Ano yun anak?" Tanong ng tatay ni Christine habang hawak hawak ngayon ang mga pisngi ko.

Hala, anong sasabihin ko?

"B-bakit hindi po kayo nagsabi in advance na uuwi pala kayo?" Pagpapalusot ko nalang. Imposible naman sigurong alam na 'to ni Christine kasi kung alam niya na 'to, tiyak na sasabihin niya 'to sakin.

"Bakit anak? Hindi ka ba masaya na nandito kami ngayon?" Tanong ng nanay niya dahilan para mapalunok ako ng laway.

"Ah, hindi po sa ganun. Ang ibig ko pong sabihin, sana nakapaghanda man lang po ako para sa inyo," palusot ko. Napayakap naman sila sakin muli matapos kong sabihin 'yun.

"Anak, walang problema. Ang importante, magkakasama tayo ngayon," sabi ng nanay niya. Wala naman akong nagawa kundi yakapin na din sila pabalik. Wala naman sigurong masama diba? Total, magiging one happy family din naman kami sa future, haha. "Tara, pasok na tayo sa loob, marami kaming pasalubong sa iyo," dagdag pa niya kaya nagsipasok na kami.

"Bakit napaaga po yung uwi niyo dito sa pinas dad?" Tanong ko. Kumakain na kami ngayon ng pananghalian. Naalala ko kasing sinabi sakin ni Christine noon na next year pa raw uuwi yung parents niya. Pero nung tinanong ko iyon, napatingin lang yung tatay ni Christine sa nanay niya. Para bang may mabigat talagang rason kung bakit sila bumalik dito pero nagdadalawang isip pa sila kung sasabihin ba nila sa anak nila o hindi.

"Let's just discuss it some other time, okay baby?" Sabi lang sakin ng nanay niya at binigyan lang ako ng ngiti.

Mabilis na lumipas ang araw at puro kwentuhan lang ang nangyari sa pagitan naming tatlo. Hindi ko tuloy maiwasang matawa kung gaano ka cute si Christine sa tuwing nagkukuwento yung nanay niya tungkol sa childhood days niya. Nabanggit ko na rin kay Christine yung tungkol sa paguwi ng parents niya. Nung una ay hindi pa siya makapaniwala pero kalaunan ay sinabi niya na lang din sakin na pakisamahan ko lang daw yung mga magulang niya at huwag daw akong magpapahalata.

Kinabukasan, maagi akong ginising ng nanay ni Christine. Nabangghit niya kasi sakin kagabi na may pupuntahan daw kami ngayon. Medyo excited ako kasi kahit papaano, makakapagbonding ako sa mga magiging biyenan ko, haha. Mabilis naman akong naghanda at tsaka naghintay nalang sa sala. Ilang minuto lang din ang lumipas at nakita ko nang pababa na sila sa kanilang kwarto.

"Let's go?" Tugon ng tatay ni Christine.

"Hindi na po ba tayo magaalmusal?" Tanong ko.

"Kakain nalang tayo sa labas, okay?" Sabi naman ng tatay niya.

Kumain kami sa isang maliit na tapsilogan malapit lang din sa bahay nila. Mayaman naman sina Christine pero hangang hanga ako sa pagiging low key nilang magpamilya. Pansin ko rin kung gaano ka kaclose yung mga parents ni Christine sa kaniya kaya hindi maitatangging napaka family-oriented din niya.

Hays, mas lalo ko tuloy siyang nagugustuhan.

Pagkatapos naming kumain ay hindi ko na alam kung saan kami pupunta kasi hindi naman sinabi sakin ng nanay ni Christine kagabi. Pinili ko na ring hindi na magtanong. Mas mabuti na rin siguro 'tong nasusurprise ako sa mga activities nila.

Kalahating oras na ang lumipas pero nasa biyahe pa rin kami. Malapit na rin malowbatt yung cellphone ko kasi nakalimutan ko rin itong icharge kagabi kaya minabuti ko muna itong itabi at tumingin tingin nalang sa aming mga nadadaanan. Pansin kong kakaunti nalang ang mga gusali. Hindi na rin masyadong traffic.

Hindi na rin naglaon ay pumasok na kami sa isang malaking gate. Tumango naman yung tatay ni Christine sa gwardya na para bang magkakilala na ang mga ito. Bigla na lamang akong nagulat ng mapagtanto ko kung nasan kami ngayon. Magkahalo na ang nararamdman ko ng malaman kong na sa isang private cemetery kami ngayon.

Tumigil kami sa isang malawak na lote na may malaking puno. Agad namang tumigil ang makina ng sasakyan at lumabas na ang nanay at tatay ni Christine kaya lumabas na rin ako. Bitbit na ngayon ng tatay ni Christine ang isang basket ng bulaklak na hindi ko naman napansin kanina.

Dahan dahan akong sumunod sa kung saan patungo ang nanay at tatay ni Christine at ilang hakbang lang ay nakita ko na ang isang lapida kung saan naka ukit ang pangalan ng lalaking iniidolo ko noon.

"Christian, kumusta ka na?" Bati ng nanay ni Christine. Napansin kong unti unti ng namumuo ngayon ang mga luha sa mata nito. Agad namang inilagay ng tatay ni Christine ang mga bulaklak sa tapat ng lapida.

Umatras na muna ako nang kaunti at hinayaan ko na muna silang dalawa na ngayon ay nag-iiyakan na at nagdadasal. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pangungulila kay mommy. Namatay si mommy sa cancer noong limang taong gulang pa lamang ako kaya kahit papaano ay alam ko rin kung gaano kasakit ang nararamdaman ng pamilya nila ngayon.

Ilang minuto rin ang lumipas at nilapitan na ako ngayon ng nanay ni Christine. Nakasunod lang ang tatay ni Christine sa kaniya.

"Aren't you gonna say hi to your kuya?" Tanong sakin ng nanay niya at niyakap ako. Panandalian niya muna akong niyakap at nung pinakawalan niya na ako ay tsaka na ako nagsalita.

"Hindi na po siguro," tugon ko nalang at ngumiti.

Biglang hinawakan ng nanay ni Christine ang dalawa kong kamay. "We are staying here until the case is closed," sabi niya sa akin na ikinalito ko.

"Anong case po?" Tanong ko.

Panandaliang lumingon ang nanay ni Christine sa kaniyang asawa na para bang may senyas silang ibingay sa isa't isa. Ibinalik ng nanay ni Christine ang kaniyang mga tingin sa akin at mas lalo pang hinigpitan ang hawak nito sa aking mga kamay.

"Hindi aksidente ang pagkabangga ng kuya mo. May nakabangga sa kaniya at matagumpay nilang naitago ang kanilang kasalanan because of their connections," sabi ng nanay ni Christine dahilan para tuluyang bumigat ang aking pakiramdam.

Hindi ko lubos maisip na ang inaakalang aksidente ni Christine na nagdulot sa kaniya ng matinding kalungkutan ay isa palang krimen na alam kong pagnalaman niya ay mas lalo lamang makakasakit sa kaniyang damdamin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status