Share

6

Penulis: Miss A.
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-17 20:32:21

Liah

2 YEARS LATER

"Juliet ano ba bilisan mo nga diyan!"

Natinag ako sa pagtigtig ko sa kawalan ng marinig ang malakas at inis na sigaw ng aking nanay, nagmamadali kong kinuha ang pitsel at saka nagtungo sa kanila na ngayon ay kumakain na

"Tsk kanina pa kita tinatawag wala ka bang naririnig!?" Inis na tanong ni Nanay Let saakin habang masama ang titig niya

Nahihiya akong nagbaba ng tingin

"S-sorry po n-nay" bulong ko at walang nagawa

"Tsss, kung ano-ano kasing pinapangarap... Hoy bruha huwag kang mangarap dahil kahit kailan hindi ka na yayaman, habang buhay kang magiging mahirap!"

Tumingin ako kay Matet na kapatid ko ng magsalita siya saka ko siya tinignan ng masama pero nginisan niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain

"Bumalik ka na nga sa kusina, hugasan mo yung mga plato doon" inis na pagtataboy saakin ni Nanay Let

Bumuntong hininga ako

"S-sige po Nay" namghihinayang kong ani at saka bumalik sa maikip na kusina ng bahay

Pinagmasdan ko ang mga hugasin na nakakalat sa labobo at muling bumuntong hininga. Habang hinuhugasan ang mga hugasin ay hindi ko mapigilang mag-isip

Dalawang taon na simula nuong nagising ako at naabutan ko ang sariling narito. Ang sabi ni Nanay Let ay anak niya ako sa ibang lalaki pero hindi ko maintindihan ang lahat, wala akong maalala simula nuong maabutan ko ang sarili dito, hindi ko maalala ang nakaraan ko at kahit man na pilit kong tinatanong si Nanay ay wala siyang sinasagot saakin

Dumagdag pa sa isipin ko ang mga imaheng pilit na pumapasok sa panaginip ko sa tuwing ako ay matutulog, isang lalaki at pilit akong pinapabalik

Napatalon ako sa kinatatayuan ng maramdaman ang paghipo ng isang kamay sa aking bewang kaya nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa aking likuran

Naabutan ko si Julius na nakangisi saakin, siya ang boyfriend ng kapatid kong si Matet at sa totoo lang ay naiinis ako sa lalaking to dahil palagi niya akong pinag sasamantalaan

"Ano ba!" Inis na sabi ko kay Julius at lumayo sa kaniya

Malaswa akong pinagmasdan ng mga mata niya saka tumawa

"Bakit aangal ka?" Nakangising tanong niya at saka kinuha ang baso saka nagsalin ng tubig roon habang hindi niya padin inaalis ang tingin saakin

Mas lalo akong nainis sa kaniya dahil sa tanong niya, nandidiri ako dahil sa mga titig niya pero wala akong magawa. Kapag isusumbong ko naman siya kay Nanay at Matet ay hindi sila maniniwala saakin, sinubukan ko siya nuong isumbong pero sinabihan lang ako ng pamilya ko na pabebe at sinungaling dahil hindi naman daw kayang gawin yon ni Julius

"Nag-iinarte ka pa diyan, bakit kasi hindi ka nalang bumigay" nakakunot nuong ani niya at sinubukan lumapit saakin pero tinulak ko siya palayo

"Lumayas ka nga sa harapan ko, nakakadiri ka" sumbat ko sa kaniya at nagdilim naman ang paningin niya

Agad akong natakot ng makita ang pag se-seryoso niya habang palapit saakin

"Julius ano bang ginagawa mo diyan sa kusina, halika na nga dito at kumain!"

Natigilan kaming dalawa ng marinig ang malakas na boses ni Matet

Ngumisi ang lalaki saakin at sinukyapan ako

"Pasalamat ka nandito yang mag-ina..." Aniya at saka ako iniwan mag-isa sa kusina

Napansadal ako sa pader at bumuntong dahil sa takot at pandidiri

Kaya gustong gusto kong umalis nalang dito sa bahay dahil dito, ayaw kong nakakasama si Julius dahil natatakot ako na may gawin siya saakin kapag nakakuha siya ng tiyempo

Saka lang ako nakakain ng pananghalian ng matapos ako sa paghuhugas, bumalik sila Matet at Julius sa kwarto nila habang si Nanay ay nasa tabi ko mukhang may sasabihin saakin

"Kamusta ang trabaho mo?" Tanong niya saakin habang bumubuga ng usok sa sigarilyo niya

"Okay naman nay" sagot ko at kumuha pa ng kanin na tira tira nalang

"Kailan ka naman sasahod?" Tanong niyang muli kaya bumuntong hininga ako

Hindi na ako nagulat, kapag ganitong pagkakataon ay alam ko na agad ang sadya niya

"Sa susunod na linggo pa nay" maikli kong sagot, nawawalan ako ng ganang makipag-usap sa kaniya dahil alam kong pera lang ang kailangan niya

Sa aming lahat na nandito ay ako lang ang mag tra-trabaho bilang waitress sa isang club, walang trabaho sila Matet at Julius at puro sugal lang naman ang atupag ni Nanay

"Hmm sige, sabihan mo ako kapag meron na" aniya at saka ako nilayasan sa lamesa

Umirap ako pagka-alis niya, alam kong pupunta na naman siya sa sugalan

"Ohhhh Julius"

Napatigil ako sa pag-nguya ng marinig ang ungol ni Manet, agad na umasim ang mukha sa narinig. Binilisan ko ang pag-ubos sa kinakain para makapasok na sa trabaho at para hindi na marinig ang mga kababalaghang ginagawa nila

Ng dumating ang hapon ay saka ako naligo at nag-ayos para makapunta sa trabaho

Isa akong waitress sa isang club sa may bayan dito sa amin, may kalayuan ng kaunti pero wala akong magagawa dahil naroon ang malaking sweldo. Isa pa ay iyon lamang ang kaya kong kunin na trabaho dahil hindi naman ako nakapag-aral, yun ang sabi ni Nanay dahil kapos daw kami sa pera

"Papasok kana?"

Napatigil ako sa pag-aayos ng suot kong blouse ng marinig ang boses ni Manet, sinulyapan ko silang magjowa na nakaupo sa sala habang nanood ng tv

"Oo"

Napatingin ako kay Julius na malaswa na naman ang tingin sa katawan ko at halatang wala siyang pakialam kung makita ni Manet ang ginagawa niya

"Paki-sabi nalang kay Nanay na baka umagahin na ako ng uwi" aniko at saka naghanda na paalis

"Tsk, baka naman kasi may nilalandi ka sa mga customer mo kaya maaga kang uuwi?" Sakristong tanong ni Manet pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad palabas ng bahay

"Tsk ano kaba, sayang kasi. Narinig ko na darating daw ngayon si Mr. Servantes at naghahanap daw sila ng mga katulong sa mansyon nila"

Napasulyap ako sa may tindahan ni antie Nalie ng marinig ang mga boses nila

"Ibig mo bang sabihin ay yung may ari ng malaking kompanya sa Manila ang darating ngayon?" Rinig kong boses ni antie Laura

Ng makita ko ang isang palapit na tricycle ay pinara ko iyon

"Oo si Mr. Elijah Servantes"

_______________

Aykafaye❤️❤️

*******

Vote

Follow

Comment

  

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
kapangit ng kwento mo hahhah " kwento ng walang laman Ang utak as in ob ob " bwesit na mga kwento sa apps na eto' puro nalang katangahan kainis
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Owned By My Devil Husband    42

    Tahimik lang ako habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Ramdam ko ang lamig ng aircon sa balat ko, pero mas malamig ang katahimikang bumalot sa pagitan namin ni Elijah. Hawak ko pa rin ang bag ko—parang may bigat ito na hindi ko kayang bitiwan.Nasa loob ako ng magarang sasakyan ni Elijah at sila manang ay nasa sinakyan namin kaninang kotse, gusto ko pa sanang makisabay kila manang pero ibang iba na ang mood ni Elijah at mukhang papatay na kaya sumunod nalang ako ng sabihin niyang sumakay ako sa kotse niya Parang kanina lang, lahat ay normal. Tapos ngayon… ang dami na namang gumugulo sa isip ko.Wife. Tinawag niya akong wife.Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa.Napalingon ako sa kaniya. Nasa driver's seat siya, hawak ang manibela, pero bakas sa mukha niya ang tensyong pilit niyang kinokontrol. Malalim ang bawat hinga niya. Halatang pinipigil ang sarili.“Salamat,” mahina kong sabi, halos hindi lumabas sa bibig ko.Tumingin siya sa akin, mabilis lang, pero sapat na para makita ko

  • Owned By My Devil Husband    41

    LiahHalos hindi ko na alam ang gagawin habang pilit kong hinihila si Manang Ana palabas ng boutique. Pero bago pa man kami makalayo, tumigil siya. Bakas sa mukha niya ang galit na pilit niyang pinipigilan.“Manang, alis na tayo, please,” pakiusap ko habang hawak ang braso niya.Tumingin siya sa akin, pero parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko. Bigla niyang hinarap ang saleslady.“Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal?” tanong niya, mahigpit ang boses.Napangisi ang babae, halatang iniinsulto kami. “Asal? Eh paano ko irerespeto ang tulad n’yo? Obvious namang wala kayong pambili!”Halos gusto kong itulak si Manang Ana palabas, pero bigla niyang itinaas ang kamay niya. Isang malakas na plak! ang narinig ko. Sinampal niya ang saleslady.Napatigil ang lahat. Ang ibang customer ay tumingin sa amin, habang ang ibang staff ay hindi makapagsalita.“Manang! Bakit mo ‘yun ginawa?” tanong ko, gulat na gulat habang hinawakan ang kamay niya.“Hindi ko kayang makita na binabastos ka,” sagot niya

  • Owned By My Devil Husband    40

    LiahPagkatapos naming mag-grocery, ngumiti si Manang Ana sa akin habang sinisiguradong maayos ang mga pinamili sa trunk ng sasakyan. "Liah, gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi? Parang kanina ka pa tahimik ah," sabi niya, bahagyang nakakunot ang noo.Ngumiti ako nang mahina at tumango. "Opo, Manang. Kahit saan po... basta may chicken."Napahagikhik siya at inalog ang ulo. "Chicken? Sige, sa Jollibee tayo. Alam kong magugustuhan mo."Habang nasa sasakyan kami, tila hindi maiwasan ni Manang Ana na mapansin ang pananahimik ko. Bumaling siya sa akin nang saglit habang maingat na nagmamaneho. "Liah, okay ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo."Saglit akong nagdalawang-isip bago ngumiti. "Wala naman po, Manang. Nag-e-enjoy lang po ako. Ang dami nating nabili."Ngumiti siya nang mas malaki. "Ay oo naman. Siguradong magugustuhan ni Elijah ang mga pinamili natin. Saka, mas mabuti na ring nasasanay ka na dito sa lugar."Tahimik akong tumango at tumingin sa bintana. Ang dami palang ta

  • Owned By My Devil Husband    39

    LiahMaagang umalis sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan, kaya nagdesisyon akong gumala sa garden para maglibang. Tahimik ang paligid, ang hangin ay banayad na humahaplos sa balat ko. Pero kahit na wala si Elijah, parang nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya, gaya ng dati—palaging nandiyan kahit wala naman sa harap ko."Liah," tawag ni Manang Ana mula sa likuran. "Samahan mo ako mamaya. Mag-grocery tayo. Maganda rin siguro na makalabas ka at makita mo ang paligid dito."Napatingin ako sa kanya, at may bahagyang excitement akong naramdaman. Matagal ko na rin gustong makalabas sa malaking bahay na ito. "Talaga po? Sige po! Gusto ko rin pong makapaglibot."Ngumiti siya, halatang natuwa sa sagot ko. "Aba, ayos! Pero ayusin mo na ang sarili mo, hija. Hindi tayo pwedeng magtagal kasi may mga kailangan pang bilhin para sa bahay."Pagkatapos naming mag-ayos, handa na kaming umalis nang biglang dumating ang isa sa mga bodyguard ni Elijah. May seryosong ekspresyon ang mukha niya, h

  • Owned By My Devil Husband    38

    LiahMaaga pa lang ay bumangon na ako, naligo, at nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto, naisipan kong maglakad-lakad muna sa garden. Doon ko nakita sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan—sina Drex, Dark, at Endrick. Nasa ilalim sila ng puno, nagtatawanan habang hawak ang mga tasa ng kape.Napansin ko agad si Elijah. Habang abala sa kwentuhan ang mga kaibigan niya, nanatili siyang tahimik, malamig ang ekspresyon, pero hindi maikakaila ang presensiya niyang nangingibabaw sa grupo. Mukhang may iniisip siya, gaya ng dati.Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga tanong sa isipan ko. Sa halip, nagdesisyon akong bumalik sa loob at pumunta sa kusina.“Good morning, hija,” bati ni Manang Ana, abala sa paghahanda ng almusal.“Good morning po, Manang,” sagot ko habang lumapit. “Mukhang marami po kayong ginagawa. Tulungan ko na po kayo.”Napangiti si Manang Ana. “Naku, kaya ko ‘to, hija. Pero sige, kung gusto mo talagang tumulong, ikaw na lang ang maghiwa nitong sibuyas at bawang.”Habang nagh

  • Owned By My Devil Husband    37

    Liah Pagkatapos naming mag-ayos mula sa mahabang biyahe, bumaba kami ni Elijah para maghapunan kasama si Manang Ana. Ang mahabang dining table ay punong-puno ng masasarap na pagkain—tinolang manok, sinigang na baboy, at iba't ibang ulam na parang niluto mula sa isang espesyal na okasyon. Tahimik lang si Elijah habang inaasikaso ako. Siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko, at pinunasan pa ang gilid ng labi ko nang hindi ko namalayang may sabaw ng sinigang doon. "Eat properly, baby," seryosong sabi niya, pero halata sa boses niya ang lambing. Napangiti ako nang bahagya. "Kaya ko naman mag-ayos mag-isa," sagot ko, pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Habang kumakain kami, nagsimula nang magkuwento si Manang Ana. Mukha siyang masaya, na parang sa wakas ay bumalik ang isang nawawalang kapamilya. "Alam mo, hija," simula niya habang nagsasandok ng tinola, "noong nandito ka pa sa mansiyon, napakasipag mong tumulong sa gawaing bahay. Kahit sinasabi ko n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status